Share

Chapter 2

He was not that heavy, though. As I described him, he's not that muscular. But he's tall, kaya medyo nahirapan pa rin akong kargahin siya.

Kung nasunod lang talaga ang plano, sana kinakaladkad ko na lang 'to ngayon, hindi binubuhat. Pero anong magagawa ko? Ewan ko na lang kung natakot na ba 'to talaga kanina.

He didn't fight back when I forcefully gripped on his collar, which maybe a sign that he's also planning this out. But then, hindi naman siguro nadadala sa drama ang panginginig. As what I've experienced, natural na nanginginig ang isang tao kapag natatakot o kinakabahan. Ewan ko na lang kung nadadala lang din ba 'yon sa pag-arte. Pero hanggang ngayon, may mga padududa pa rin ako.

I successfully got him home, without his mansion guards suspecting that he's gone. Siguro ngayon, alam na nilang nawawala ang amo nila. But still, it's an achievement that I made it out of there with my golden boy without being noticed! Guess I really am good at this, huh?

I immediately laid him down the soft mattress that I prepared for him. Pagkatapos ko siyang maipwesto roon, agad kong hinubad ang sapatos na suot niya.

Mahina pa akong napatawa nang makitang isang pula na may halong puti na Jordan 1 pa talaga ang suot niya, na talagang hindi bagay sa orange niyang pantalon. Hindi ko nga pala nakita agad kanina kung ano ang pambaba niya. Kaya nang makita kong orange na pantalon pa talaga ang naisipan niyang ipares sa tshirt niyang pang-jejemon na nga ang print, muntik ko na siyang maibagsak kanina sa pagtawa ko!

Mayaman nga pero ganito manamit. 'Wag niyang sabihin na ganito siya pinalaki ng mga magulang niya? Sinadya yata 'to ng mga 'yon para laging matakot na lumabas. Baka rin na-bully 'to sa school noon dahil sa pananamit niya kaya ayaw nan gang ipakita ang pagmumukha niya sa ibang tao.

Pero wait, nakapag-aral nga ba din 'to? Hmm, I think I'm about to find that out, too.

In fact, I'm going to find everything out about his identity. Hindi pwedeng manatili lang siya dito at hayaan ko lang siyang maging tulala sa pamamahay ko. Pero bago ang lahat, kailagan ko munang kunin ang tiwala niya.

At paano ba nakukuha ang tiwala ng isang tao? Malamang, kinakausap. Nililibang. Pagkatapos, saka na sinasaksak ng katotohanan. Gan'on lang naman siguro kasimple.

Jusko, parang mas mapapaaga pa nga siguro ang promotion ko nito.

Kanina pa pala ako humahagikhik habang nagluluto ng dalawang pack ng ramen. Hindi ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid ko kaya muntik na akong matapunan ng mainit na ramen nang pagtalikod ko ay agad kong nakasalubong ang isang matangkad na nilalang.

Iyong dala kong Delgado lang pala 'yon. Malamang, wala naman akong ibang kasama dito maliban sa kanya.

"Uy! Gising ka na pala? Ang bilis!"

Umilag na ako sa kanya at nilagay na sa lamesa ang ginawa kong ramen. Nasa counter pa rin siya, nakatalikod sa 'kin. Napataas ang isang kilay ko.

"Oh? Ano pang ginagawa mo d'yan? Halika, kain tayo!"

He angled his face to the side, but his body is still facing the kitchen's counter.

"Where's this place?" He spoke, again with his deep voice.

Hindi man lang ako kinabahan. "Secret."

Humagikhik na naman ako bago binalingan ulit ang pagkain. Umupo na ako sa malapit na upuan at niready na din ang chopsticks ko, at susubo na sana, nang bigla niyang hinigit ang kamay ko.

"Where's this place?" Ulit niya.

Malakas ang pagkahawak niya sa palapulsuhan ko at nagtagal ang tingin ko d'on, bago siya tinitigan deretso sa mata.

"Sit down and I'll tell you what the hell is happening, kid."

"You look younger than me. Stop calling me like that." He firmly said.

"Oh, bakit naman? Doesn't your Mommy call you honey bunch, sugar plum, humpy umpy pumpkin, you're her sweetie pie?" Ngumisi ako.

Nakita kong medyo na-offend yata siya sa sinabi ko. He glared at me and that's when I realized that maybe my joke was inappropriate. Of course, joking about someone who just passed away will not never be a good joke.

Kahit na, ayoko nang bawiin ang sinabi ko. I'm not a person who apologizes easily. It will take more than just an angered, sorrowed heart to convince me to ask an apology.

Sinunod niya naman ang inutos ko, at naupo na nga sa katapat kong upuan. I slid the other bowl of ramen to his side of the table, saka pa nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kong nguyain ang unang sinubo ko, uminom muna ako ng tubig bago siya hinarap. I didn't mind to correct my posture, though. We can act informally from now on. It will be just the two of us here, anyway.

"What now?"

I smirked at the tone of his voice. Ngayon, he really isn't acting anymore. He's not acting childish, at talagang kitang-kita sa mga mata niya ang galit at pagkabagot sa paghihintay sa 'kin magsalita.

Just what I expected. He's now showing who he really is. Pero pakialam ko ba. I won't get what I want if he keeps on hiding from me. Kaya ngayong pinapakita na niya ang totoo niyang kulay, mas nagiging exciting na ang lahat.

I smirked. "Well, I won't be telling you everything anytime sooner, kid."

"I said stop calling me that. That sound so wrong. I probably am still older than you."

I raised a brow. "Talaga? How old are you anyway?"

"I'm almost 25,"

"25, huh?" Mas lalo lang lumawak ang ngisi ko. "And you've been living all your life with your parents, am I right?"

Hindi siya umimik, pero patuloy ang inis niyang titig sa 'kin.

"At kamusta ka naman ngayon na wala na sila, hmm? What were your supposed to be future plans, if I didn't bring you here?"

Hindi siya nagsalita at bahagya pang iniwas ang tingin niya sa 'kin. Niyuko niya ang ulo niya at ngayon ay kasalukuyang nakatulala sa bowl ng ramen sa harap niya. Ilang sandali pa, inangat niya na naman ang tingin niya sa 'kin. At sa paraan ng pagtingin niya, parang nanghihingi yata siya ng permiso na galawin ang pagkain sa harap niya.

I scoffed. "Sa 'yo naman talaga 'yan. Ano ka ba. Hindi naman kita gugutumin. Kailangan pa kita, eh."

"What do you mean by that?"

"Alam mo, ikaw, tigil-tigilan mo na ako sa kaka-english mo at kanina pa ako nanggigigil sa 'yo-"

"Ako ang dapat manggigil. You just held me captive here and began to joke around about my parents' death. Sa tingin mo, natutuwa rin ako sa pinaggagawa mo?"

Oh, this kid really doesn't match my expectations of him from the start. He's braver and somehow courageous. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, at may kausap akong taong hindi ko kilala, tapos bigla niya akong kinidnap, at kahit na alam ko sa sarili kong wala naman akong kamuwang-muwang sa buhay, hindi na lang ako magsasalita, uy. Matapang din 'to, eh.

"Oh, so marunong ka nga palang mag-tagalog. Nice," binalewala ko ang huli niyang sinabi.

Inis niya muling iniwas ang tingin niya bago nagsimula nang kainin ang pagkaing inihanda ko sa kanya.

Hindi naman ako gan'on karunong magluto, kaya talagang mga simpleng pagkain lang ang kaya kong gawin. It can also be an advantage, though. Sa paraang ito, hindi ako masyadong mapapadami ng kain, which will somehow help me in not gaining too much weight. Sa trabaho kong 'to, napaka-sagabal lang ng bilbil at iba pang taba sa kahit saan sa katawan ko. I always have to be fit. Bahala na kung medyo nakakapanghina nga sa loob na palagi pa rin naman akong nagugutom. It's all for the sake of the job.

Tahimik na lang kami nang magpatuloy kaming kumain. Dahil hindi naman gan'on kadami ang laman ng isang pack ng ramen, kaya madali lang din naming naubos ang mga niluto ko. Napansin ko ang pagsinghap niya nang matapos siya, kaya bumalik ulit sa kanya ang atensyon ko habang sinusulit pang kainin ang bawat maliliit na noodle na natira sa bowl ko.

"Oh? Ano na iniisip mo ngayon? May nakita ka ng lagusan? Tatakas ka na? Sige ba, tignan natin kung saan ka makakalusot," I said in a mocking tone, my mouth still chewing the last strands of noodles in my bowl.

Kahapon ko pa natapos ang pagset-up sa buong bahay. May mga nilagay akong mga trap, sa bawat sulok at bahagi ng bagay, lalo na sa mga lugar na hindi niya inaasahang maabot ko pa.

I've been trapped in almost all kinds of traps maybe more than once in my entire agent journey, and it took me lots of sweats, intelligence and determination to get through all of those. Kaya ngayong ako na naman ang magta-trap ng tao sa mismong mga trap na nasubukan ko na noon, hindi ko na naman mapigilang ma-excite.

Jusko, wala na yata akong oras na hindi nae-excite sa mga susunod na mangyayari.

"The first thing I did when I became conscious, was to look for you. I didn't have any time to examine the house, kaya wala pa akong alam sa sinasabi mong pagtakas."

"Paano kapag nilibot na kita dito? Ha? Doon ka pa lang makakaisip na tumakas?"

He nodded slowly. "Maybe."

I scoffed in disbelief. "Hey kid, nakidnapp ka na ba noon?"

Now he shook his head slowly. "No. My parents took care of me well. I was always at home so no one would know who I am, and no one will also know who is the heir of the Delagados, so they won't know who to attack. Kaya... hindi pa talaga ako napupunta sa ganitong sitwasyon,"

They won't know who to attack, hmm.

"So, was your first time worth it to be written in your diary, huh?"

He pouted his lips. "Hmm, maybe."

"Why'd you think so?"

"Huh?"

"You think this is not worth to look back on once you get out of my grasp? To have me as your first ever kidnapper?"

"So you're a kidnapper?" He looks amazed and disgusted at the same time. Ewan kung alin doon ang totoo niyang ekspresyon.

"I held you captive here so, maybe I am."

"And you're proud of that?"

"That I'm a kidnapper?" I asked.

"Yes," he replied. "Have you been doing this your whole life, then? Was it amazing? Do you make a living out of it? Then what makes me attractive to you, then? That made me one of your victims, too?"

Ang daming tanong! Madaldal pala 'tong alaga ko!

I smirked again. "Oh boy. This life is the only life I wanted to live. So whatever the hell I'm doing, I'm proud of it."

Tinukon ko na ang mga siko ko sa lamesa at pinatong ang mukha ko sa mga palad ko, nakangisi ng nakakaloko sa kanya.

"How 'bout you? Have you been living a boring life, then? Interesado ka na sa naging buhay ko. Inggit ka?"

Tinitigan niya ako ng ilang segundo, with his plump lips in a grim line. Hindi ako nagpatinag sa kanya. I'm actually having fun from this- our first official talk for the start of this mission. I knew already that he will be a fun boy to play with, kahit na nanatili pa rin sa 'kin ang mga pagdududa ko.

"Why would I be interested?"

I acted as if I was thinking, "Hmm, kasi mas madami akong adventures na napuntahan? Ikaw ba, for sure you've been living in only your house all your life. Ang boring kaya n'on."

"Yeah, it's boring." Malungkot niyang turan at yumuko na naman.

"Can you help me discover the fun things of this life, then? You can do whatever you want from me. Just, show me what it feels like. To be actually... living." 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status