Share

Goodbye 02

"Manong, pakibalikan na lang po 'yong kotse niya. Salamat!"

Pagkababa niya ng tawag ay agad nang binalingan ni Rienne si Androng nakaupo sa passenger's seat. Pinagmasdan niya ang side profile nito. Mahahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, defined ang jawline, at medyo nakauwang ang mapupula nitong labi. Matagal niya nang pinagmamasdan si Andro, pero lagi pa rin siyang napapahanga sa itsura nito. Mukha kasi itong artista. Wait. Mali. Mas guwapo pa ito sa mga artista at mga modelo. Ethereal ang kakisigan ng lalaking mahal niya.

Muli ay napadako ang tingin niya sa labi nito. Kumulo naman ang dugo niya nang maalala ang eksena kanina. Kaya kumuha siya ng wet wipes at pinahiran ang labi nito.

"H-Hey."

Napadilat na ng mga mata si Andro at tiningnan siya. Pinipigilan na rin nito ang mga braso niya pero hindi siya nagpatinag. Kailangang mawala ang germs na nasa labi nito dala ng pakikipagpalitan nito ng laway sa lintang mukhang clown.

"Let me, my love. Baka cheap ang lipstick ng lintang nakahalikan mo. Who knows kung may lead content 'yon. Baka magkaroon ka pa ng allergic reaction at mag-mala Angelina Jolie pa ang labi mo 'pag nagkataon."

Hindi pinansin ni Rienne ang mga titig sa kaniya ni Andro. Lagi naman siyang pinagmamasdan nito sa mga ganitong pagkakataon kaya medyo sanay na siya. Pero wala naman siyang sinabing hindi siya kinikilig sa mga oras na ito. Sa kaloob-looban niya, sigurado ay nagpa-party-party ang mga paru-paro sa sikmura niya.

"Next time, huwag kang basta-basta manghahalik ng mga linta. Wait. Mali. Huwag kang makikipaghalikan sa mga linta. Baka kung sino ang nahalikan ng mga 'yon, mahawa ka pa ng sakit."

Nakita niya ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ni Andro. Hindi naman mapanganib ang itsura noon katulad ng pagtaas ng sulok ng labi nito kanina habang binabalaan ang ex-girlfriend nitong ina ng mga linta. 'Yong ngayon ay parang may sasabihin itong sarcastic na bagay.

"And what? I should kiss you? Only you? Dream on, Adrienne. You know that we'll never be an item."

'Oo. Ako lang dapat ang halikan mo.'

Sa totoo lang ay iyan ang gustong sabihin ni Rienne kay Andro. Pero kahit na gaano niyang kagusto iyon, hindi niya iyon sasabihin.

"I never said that. Alam ko namang wala akong karapatan. I am just the ever so gorgeous Rienne who is madly in love with you. Pero kung gusto mo akong halikan, go lang. Walang lead content ang lipstick ko. Fendi 'yan e. Don't worry."

Nakabaling pa rin ang katawan ng binata sa kaniya kaya malaya niyang napapagmasdan ang itsura nito. Mayamaya pa ay nakita niyang nagpakawala ito ng guwapong tawa. Naningkit na rin ang mga mata nito, at dahil nga nakatawa ito ay lumabas tuloy ang cleft chin nito. Gosh. Bakit pati cleft chin ng lalaking ito ay guwapo?

"Even if you use the most expensive lipstick or whatsoever, I won't kiss you, Adrienne. Never. I never saw you as a woman."

'Ouch. Ano ang tingin niya sa akin? Binabae?'

Ilang taon nang sinasabi ni Andro sa kaniya ang bagay na 'yon, kaya sa totoo lang ay sanay na siya. Pero alam niyang baka one of these days ay bumigay na rin si Andro. Isang halik lang naman. It's not as if papayag siyang may mangyaring higit pa roon.

"Whatever. Just don't kiss random leeches. Anyway, we got to go. Marami tayong pag-uusapan."

Mula sa peripheral vision niya ay nakita ni Rienne na pinagmamasdan siyang muli ni Andro. Sigurado siyang pinag-aaralan nito ang itsura niya. Nawala na nga yata ang kalasingan nito. Medyo naco-conscious siya pero nang maalala niyang namana niya ang matangos na ilong ng kaniyang yumaong ina, kahit paano ay nabawasan na ang nararamdaman niyang kaba sa mga oras na 'to. Besides, ilang beses na rin namang pinicture-an ang side view niya para sa mga magazine sa New York, kaya alam niyang maganda rin ang side profile niya. Mas maganda nga lang kapag humarap niya. Siya pa ba? E siya nga ang ever so gorgeous na si Adrienne Martinez.

"Where are you planning to take me, woman?"

Imbes na sagutin si Andro ay nanatili siyang tahimik. Pinagdadasal niya kasing sana ay pumayag si Andro sa sasabihin niya rito. Oo. Alam niyang may kasamaan ang ugali niya pero marunong siyang magdasal 'no. Kaya nananalangin siya sa mga oras na 'to.

"Now, you won't even answer me. Gisingin mo na lang ako kapag nandoon na tayo."

Mabilis niyang sinulyapan si Andro at nakita niyang pumikit na ito. Napangiti na lang siya nang dahil sa naiisip. Alam niyang madalas mairita sa kaniya ang binata dahil kung makaasta siya kadalasan ay parang girlfriend siya nito. Pero at least, may tiwala ito sa kaniya. Okay na 'yon sa kaniya. Marahil ay kaya ganito rin ang tiwala sa kaniya ng binata ay dahil ilang taon niya na itong ginagawa. Lagi siyang nag-aala-nanny ng isang 'to lalo na kapag nalalasing. So far, hindi naman niya ito ginawan ng masama o pinagsamantalahan kahit kailan. Oo. Patay na patay siya rito pero may class naman siya kahit paano. At hindi siya lumagpas sa limits niya kaya kahit na natutukso siya madalas ay hindi niya pinagsasamantalahan ang kalasingan nito. Inaalagaan niya lang ito. Kuntento na siya roon.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin sila sa coffee shop ng pinsan ni Andro. Buti na lang at 24/7 ang operations ng cafe na iyon kaya may malalagian sila para makapag-usap nang masinsinan. Nang maiparada niya na ang sasakyan ay marahan niya nang tinapik ang braso ng binata.

"Hey, my love. Gising na. Nandito na tayo."

Madali lang gisingin si Andro dahil laging mababaw lang ang tulog nito kahit pa lasing. Bumaba na ng sasakyan si Rienne at hinintay nang makababa si Andro. Kahit naman kasi lasing ito ay kaya pa rin nito ang sarili nito. Hindi naman din kasi kayang alalayan ni Rienne si Andro dahil kumpara sa kaniya ay talagang matangkad ang binata. 5'7 lang siya samantalang ang lalaki ay 6'1. Ma-muscle pa man din ito.

"Right. Bakit nga ba tinanong pa kita kung saan tayo pupunta? Just like before, you'll force me to drink coffee."

Noong nasa America kasi sila, lagi niya rin itong dinadala sa coffee shop sa tuwing susunduin niya ito sa bar. Pero ngayon, dinala niya ang binata rito hindi lang para mahimasmasan pero para sabihin na ang pakiusap niya.

Pagpasok nila ng coffee shop ay naamoy niya agad ang mabangong aroma ng coffee beans. Hindi siya ganoong ka-fan ng kape. But her mouth waters all because of its rich aroma. 

Mayamaya pa ay nakita niya ang pinsan nina Andro at Aveline na si Jacob, ang asawa ng may-ari ng café na ito.

"Hi, Kuya Jacob!"

Agad namang napabaling sa kaniya si Jacob, at bahagyang napangiti ito sa kaniya. Lumapit siya rito at niyakap ito.

"Oh. Rienne. Kailan ka pa nakauwi?"

Sinabi niyang nakauwi siya noong isang araw lang para sundan si Andro. Napadako naman ang tingin niya sa malaking painting na nakasabit, at hindi maiwasan ni Rienne na malungkot nang makita iyon.

"About what happened to Ate Cherie, I am sorry, Kuya Jacob. Hindi ako nakauwi kasi wala akong mapag-iiwanan ng mga trabaho sa kompanya."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay kitang-kita ni Rienne kung paanong binalot ng lungkot ang mukha ni Jacob. Mayamaya pa ay ngumiti ito pero alam niyang peke iyon.

"Okay lang. Anyway, si Andro ba ang kasama mo?"

Base sa mabilis na pag-iiba ng usapan ni Jacob, alam niyang kahit nakamit na ng asawa nito ang hustisya ay malungkot at nagluluksa pa rin ito. Alam niya kasing mahal na mahal ni Jacob ang asawa nito kaya talagang nasasaktan pa rin ito hanggang ngayon.

"Yes. Teka. Nasaan na nga ba ang pinsan mong 'yon?"

Nang lumingon siya ay nakita niyang pumasok na sa café si Andro. Mukhang nahimasmasan na rin talaga ito.

"Hey, Jacob."

Nag-fist bump ang dalawa at mayamaya pa ay tinanong ni Andro kung bakit hatinggabi na ay nasa shop pa rin si Jacob.

"It's been a habit, man. Mahalaga ito kay Cherie e. Kaya lagi akong pumupunta 'pag gabi."

Pinagmasdan niya ang itsura ni Jacob. Alam niyang pagod na ito dahil halata naman sa itsura nito. Alam niya rin kasing sa umaga ay pumapasok naman ito sa kompanya nila. The fact that he still sees to it na dumalaw gabi-gabi sa naiwanang negosyo ng asawa made Rienne realize that this man is madly in love with Cherie. He still continues his wife's legacy and Rienne can't help but salute his love for his wife.

A love that transcends a lifetime . . .

"Anyway, ano ba ang sa inyo? Ako na ang magpapahanda."

Um-order na lang silang dalawa ni Andro ng kape. Nagpahabol na rin si Rienne ng croissant. Inaya niya si Andro umupo sa isang table sa café. Hatinggabi na kaya mangilan-ngilan na lang ang customer.

Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang mga in-order nila. Hindi na muna ginalaw ni Rienne ang kape niya at pinanood niya lang si Andro habang umiinom ng kape. Gosh. Bakit mukhang hango sa commercial ng kape ang isang 'to habang umiinom? Kung sakaling magbabalak si Kuya Jacob niyang i-advertise ang café na ito sa telebisyon, agad na irerekomenda ni Rienne si Andro. Mas hot pa 'to kaysa sa iniinom nitong kape!

"Adrienne, did you practically drag me here just so you can stare at me again? Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?"

Bahagyang natonohan ni Rienne ang slight na pagka-irita sa boses ni Andro. Ayaw na ayaw kasi nitong tinititigan. Palibhasa, mahilig ding tumitig si Andro kaya naiirita ito kapag siya na ang tinititigan.

"That's just one of the reasons, and no. I won't ever get tired of staring at you. My love, kainin mo 'yang croissant. I would bet all my designer bags and shoes na hindi ka pa kumakain ng dinner at alak at kape lang ang laman ng tiyan mo ngayon. And I would bet my beloved car na kapag inihatid na kita mamaya, hindi ka na talaga kakain. Come on. Eat. Then, I'll bargain some things with you."

Nagsimula nang kumain si Andro ng croissant at tinitigan na naman siya nitong parang pinag-aaralan. Mahilig kasing mag-obserba ng tao si Andro, at frustrated psychologist yata ang isang 'to kaya ganito na lang ito lagi, although siya lang naman ang lagi nitong inoobserbahang parang magandang specimen under a microscope. Alam niyang siya lang ang madalas titigan nito dahil siya naman ay inoobserbahan ito lagi. Dahil maliwanag ang café, na-conscious tuloy ulit si Rienne sa itsura niya ngayon. Hindi naman siguro siya bibiguin ng mga makeup na nilagay niya, 'di ba? On second thought, even if her makeup fails (na malabong mangyari 'cause her cosmetics cost a great amount of fortune and are formulated by experts), alam niya namang maganda siya. She is the ever so gorg---

"Adrienne, spill it. Gusto ko na ring umuwi."

Huminga muna nang malalim si Rienne bago magsalita. Nang maramdaman niyang parang may bara sa lalamunan niya, uminom muna siya ng kape, kahit na alam niyang kaunting inom niya lang nito ay malamang na hindi siya makatulog agad. Nakatitig pa rin sa kaniya si Andro, at parang natutunaw siya sa titig na iyon. Staring is rude nga raw, 'di ba? Pero bakit hindi rude ang dating 'pag si Andro ang tumititig?

Before she gets too lost in his vacuum-like eyes again, sinimulan niya nang sabihin ang ipapakiusap niya rito.

"So, I left the company in New York sa mga kamay ni Dad just so I could follow you here, my love. At hindi lang para sundan ka like an entitled territorial girl like how you might think of me. I followed you for a reason."

Saglit siyang tumigil para pakalmahin ang sistema niya. Bakit ba siya kinakabahan e wala namang masama sa sasabihin niya? Dumagdag pa sa kaba niya ang mariing titig sa kaniya ng binata.

"Be with me for 50 days, Andro. Just for 50 days, then, I'll leave."

Wala pa ring kibo si Andro. Alam niyang sa mga oras na ito ay marami nang teorya ang tumatakbo sa isip ng binata. Malamang ay nagdududa ito sa motibo niya. But he didn't say anything. Isa iyon sa mga gusto niya kay Andro. He listens attentively before voicing out his opinions and violent reactions.

"I know nagdududa ka kung bakit. But trust me on this one. Please spend 50 days on a vacation with me. I love you so much, alam mo naman 'yon, 'di ba?"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikibo ang binata. Malamang ay iniisip nitong may hidden agenda siya. Kaya inunahan niya na 'to.

"This is me being honest, and not defensive, okay? Wala akong hidden agenda. I love you that's why I want to be with you. You don't have to love me back. Just be with me for 50 days. After that, I promise I won't bother you anymore. You won't ever see me again . . . like I didn't exist in this lifetime. Hindi na kita guguluhin after the 50-day vacation, I promise. I would bet my gorgeous face. Kapag hindi kita tinantanan after ng palugit na 'yon, magkaka-pimples ako. And that is a nightmare I wouldn't want to happen."

Rienne tried her best to look serious, kasi seryoso naman talaga siya. Gaya kanina ay nakatitig pa rin sa kaniya si Andro at parang pinag-aaralan siya. Kaya tinry niyang mag-send ng mental message dito. Dapat ay makarating ditong seryoso siya.

"For more than a decade, you have been following me. Sinundan mo pa nga ako sa America. You want to be with me 24/7. Lagi mo akong binabakuran as if I am yours. And now, you are telling me to spend 50 days with you and then you'll leave after that? I am giving you the benefit of the doubt. But I am still suspicious with all that you've said, Adrienne. Don't get me wrong. Hindi sa ayaw kong lubayan mo ako. But give me a convincing reason why you'll finally leave me alone after that 50-day vacation."

Huminga muna siya nang malalim bago sumagot kay Andro. She straightened her back and looked at him, mata sa mata.

"Yes. I have been loving you for more than a decade. But I am starting to get tired too. I love you, but it's about time to stop chasing you, to stop acting like you are mine. That is one of the reasons. But my main reason as to why I am finally leaving you . . .”

She trailed off. Napansin niya kasing tumitig si Andro sa ilong niya. Bakit kaya? May dumi ba ang ilong niya? But it is now or never. Kailangan niyang sabihin ang rason. Napansin niya ring ibinalik ni Andro ang tingin sa mga mata niya. Kaya napatingin na lang siya sa cleft chin nito.

". . . is because I am sick, Andro."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status