로그인Adriel: [ Guys! Let’s get together. I’d like to introduce my girlfriend to everyone.]
At nag - post ito ng picture sa group chat. Dumaan ang ilang segundo ay walang nangahas na magsalita. Direkta nitong ti - nag ang lahat na miyembro ng group chat. Pati na rin siya. Adriel: [Is my girlfriend pretty? Come on, guys! Say a word.] Then the messages from other people started to pop up. Sunud - sunod iyon hanggang sa nabingi na si Sereia sa ugong ng notification. Siya naman ay hindi makahuma. Pilit pa rin niyang pinuproseso ang anunsiyo nito. Nang bumalik ang kanyang diwa ay pumalo na sa 99+ ang chat. Hindi na niya iyon binasa at ang mata niya ay nakatuon na sa litrato na naka - blurd pa dahil hindi niya pa ito tinap. She clicked on the photo. When she saw a young girl wearing a beautiful blue dress, a flash of familiarity hits her head. Kilala niya ang girlfriend nito. Sino nga naman ang hindi. Sikat at maugong ang pangalan nito sa campus dahil marami ang humahanga rito. Freshman pa ito sa kursong Bachelor of Performing Arts. Nagsimula itong sumikat nang sumayaw ito sa Introduction ng Scholl Festival nila. Napakagaling nitong sumayaw. Parang wala itong buto sa katawan dahil sa lambot ng katawan nito. She’s like a living ballerina doll. Napaka - graceful pa nito kung sumayaw at damang - dama talaga nito ang bawat galaw kaya nahatak nito ang puso ng karamihan. Na - nominate ito sa isang beauty contest at nanalo ito bilang ‘Most Beautiful Innocent School Girl of The Year.’ Nangalumihan siya. Napatitig siya sa magandang mukha nito. Maganda nga ang dalaga pero hindi niya inaasahan na ito ang magiging girlfriend ni Adriel. Certified playboy pa naman ito ng campus nila. Mag - eexit na sana siya nang mabasa niya ang kanyang pangalan sa group chat. Natigilan siya. [Hindi ba kasali rin si Sereia sa gc na ito? Paano kung nakita niya ito? I wonder if she will go if she finds out.] Mayamaya pa ay may nag - send na naman ng panibagong chat. [Hindi naman siguro. Hindi ba nag - away sila ni Adriel?] … [Ano? Pustahan na lang? Akin, pupunta siya tapos sa’yo hindi?] [Ge!] Kahit gaano siya kawalang hiya, hindi naman siya papayag na maging kerida ni Adriel. Lalo na at alam na niya na may girlfriend na ito. Dala ng inis, nag - chat siya sa gc. Tumaas pa ang kanyang kilay nang mabasa niya kung sino ang naunang makipag - pustahan. [Drake, don’t worry. Hindi ako kabit.] Pagkatapos niyon, natahimik na naman ang buong miyembro. Hindi nila inaasahan na gaganti siya sa mga tsismis. Mayamaya pa ay nakita niyang nagsulat ng mensahe si Adriel. … Adriel metioned @Sereia Lilou Rebeiro [Sereia, since nandito ka rin naman. Gusto ko lang itong linawin para matahimik ka na rin. Iba siya sa mga babaeng nakasalamuha ko. I like her very much. I don’t want her to misundertand our relationship. You’re just a friend.] … [Sa loob ng ilang taon, hinayaan kita sa gusto mo. Palagi mo akong ginagambala at okay lang sa akin noong una pero sumusobra ka na, Sereia. Nakakairita na. Nakakainis na iyong parati kang sumusunod sa akin. Hindi ka ba napapagod?] Napatungo si Raine. Matapos niyang basahin ang chat ni Adreil ay naibagsak niya ang kanyang cellphone. Ginagambala? Mahirap man paniwalaan pero naiinis na rin si Sereia sa inaasal niya. Hindi naman siya ganito rati, pero may magagawa ba siya? Hirap na nga siyang kontrolin ang kanyang sarili, paano pa kaya ang ibang tao? Pakiramdam niya ay napaka- boring ng mundo dahil parati siyang mag - isa. May mga magulang nga siya pero parati naman itong abala at walang oras. Nakakapagod na maghanap ng libangan para lang patapusin ang araw. Nakakaumay. Pagkatapos ng tatlong taon, akala niya ay tuluyan na niyang makakalimutan ang paninigarilyo. Ngayon na samu’t - sari na ang kanyang stress ay mukhang mapapabalik siya sa kanyang bisyo. Dinampot niya ang cellphone at mabilis na nag - reply. @Adriel Latimer … [Pasensiya na sa inasal ko. Huwag kang mag - alala, hindi na mauulit.] … [I wish you all the best.] Pagkatapos niyon ay hinanap niya ang leave button at pinindot ito. Sereia Lilou Rebeiro left the group (At a night party) Napatitig si Adriel sa kanyang cellphone nang mabasa niya ang chat ni Sereia. Ano ang ibig nitong sabihin? Nang may mag - pop up sa pinakababa ng group chat ay nabasa niyang umalis si Sereia. Kumunot ang kanyang noo. Malakas niyang binato ang kanyang cellphone sa la mesa dahilan upang masira ito at magkanda - lasog. Si Helios na nakakita sa inasal ni Adriel habang pumapasok sa kwarto ay napatigil. “Adriel, galit ka na naman?” Marahas siyang napubuntonghininga. Kung pagbabasehan ang sinabi ni Helios ay mukhang hindi pa nito alam na umalis sa grupo si Sereia. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Napadaing siya ng malakas at sumandal sa sofa. Napatingin sa paligid si Helios. Hinanap niya ang girlfriend nito pero bigo siyang makita ito. “Nasaan ang girlfriend mo? Hindi ba sabi mo sa group chat ay ipakilala mo siya sa amin?” Napabuntonghininga ulit si Adriel. “Nasa practice. Susundiin ko siya mamaya.” Kumunot ang noo ni Helios. Mayamaya pa ay maang ito nakatitig kay Adriel. "Galit ka ba dahil late ang girlfriend mo?" "Hindi." Nagtaka si Helios. Umatras ang kanyang leeg. "Eh bakit?" Pinalatak ni Adriel ang kanyang dila. "Hindi mo ba nabasa iyong bagong chat sa gc?" Natigilan si Helios. Hindi na niya ito nabasa dahil nagmamadali siya na pumunta rito. Hinugot niya ang kanyang cellphone sa bulsa at chineck ang gc. Dalawang mensahe lang ang nadagdag doon at galing lahat iyon kay Sereia. Namilog ang mata ni Helios nang mabasa niya ang chat nito. "Adriel, ano ang ibig nitong sabihin?""Sino 'to?" tanong ni Sereia habang nakikinig. "Sereia..." sambit ni Adriel sa kabilang linya.Nagsalubong ang kilay ni Sereia. "Adriel?" gulat na usal niya. "Bakit ka naman tumawag?""Why do you look so surprised?” Adriel asked, clearly puzzled. “And why didn’t you know my number? Did you delete it?”Inikot ni Sereia ang kanyang mata. "Ano naman sa'yo?" supla pa niya. "Ano na naman ba,huh?""You’re the one who made me chamomile tea, right?” Adriel asked. "Ikaw lang ang nakakaalam na mahilig ako sa chamomile tea kapag may hang-over ako."Tumabang ang ekspresyon ni Sereia. "Bakit mo naman naisip na ako ang gumawa?""My thoughts exactly," Adriel said. "Ikaw ang simabihan ko tungkol sa paborito ko na tea."Linux’s expression darkened the moment he heard their conversation. A flicker of anger flashed in his eyes. His jaw tightened and his gaze sharpened. It was obvious. Ang ex ni Sereia ang kausap nito ngayon sa cellphone.Mabilis na tumayo si Sereia at nagtungo sa balcony. Humalukipkip
"Huh?" nalilito'ng wika ni Sereia. Kumunot ang kanyang noo. "Private room?" muli niya'ng tanong. "B-bakit, a-anong nangyari sa kanya?""“He was hospitalized. You didn’t know?” Dismund asked flatly, a hint of surprise flickering in his eyes.Umiling si Sereia. "P-paanong nangyari 'yon? I-I mean, maayos pa naman siya noong nag-usap kami kanina.""Who knows what’s wrong with him,” Dismund muttered, frowning. “He called me earlier. Go check if he’s still alive—I’ll be back in a bit.” He turned without waiting for a response. “Let’s go," ani niya sa kanyang kasama. Saka nila nilagpasan sina Sereia at Jasmine.Nahulog sa malalim na pag-iisip si Sereia. Dahan-dahan niya'ng itinukod ang kanyang kaliwang braso sa stretcher ni Jasmine para roon kumuha ng suporta."Reia—okay ka lang?" Nag-alalang tanong ni Jasmine. Marahan niya'ng niyugyog ang braso nito. "Ano'ng iniisip mo?" Umiling si Sereia. Tipid siya'ng ngumiti. "Wala," tipid niya'ng sagot. "Oo nga pala, may kwarto ka na ba?" Tumang
"S-Sports car kasi iyong nabangga namin na kotse," sabi ni Jasmine na hindi makatingin kay Sereia dahil nakayuko ang ulo. Napagting ang tainga ni Sereia sa narinig. Napapikit siya. Tumingala siya sa ceiling at bumuga ng isang marahas na hangin. Hinilot niya ang kanyang noo. "Jasmine..." sabi ni Sereia habang hinihilot ang kanyang ulo. "Sa dinami-dami ba naman'g kotse na pwedeng ninyong banggain, sports car pa talaga," hindi makapaniwalang usal niya. "Alam mo naman siguro na mahal ang maintenance no'n. Sabihin na natin na may pang-bayad ka, sa tingin mo— abswelto ka na sa may-ari no'n? Paano na lang kung kailangan pa sa ibang bansa bilhin ang pyesa?" Sumimangot si Jasmine. "Eh hindi naman namin sinasadya," sagot niya sa nagmamakaawang boses. "H-hindi ko naman ginusto iyong nangyari." "Kahit na," asik ni Sereia. Tinitigan niya si Jasmine. "Hindi na ako magugulat kung magagalit pa rin sa'yo ang may-ari no'n." "Where the hell is that woman!" Sabay na napalingon sina Sereia at Jasmi
"Sereia..." sambit ni Linux sa kawalan ng masabi.Napakurap si Sereia. "Bakit? Totoo naman ah?" giit niya sabay ngiti. "Huwag kang mag-alala. Wala na akong nararamdaman sa'yo. Kung anuman ang pagtingin ko sa'yo ngayon, iyon ay purong kakilala lang at kaibigan."Linux face darkened. "Just like that?""Bakit?" naguguluhang tanong ni Sereia. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Hihintayin pa rin kita hanggang ngayon?" panghahamon pa niya.Hindi nakasagot si Linux. Biglang tumunog ang cellphone nito. Napabuntunghininga si Sereia.Mabilis niyang binunot sa kanyang bulsa ang cellphone."Oh, Jas?" tanong ni Sereia habang nakatingin kay Linux. "Bakit?""Nasaan ka?" tanong ni Jasmine sa kabilang linya.Saglit na natahimik si Sereia. Tinitigan niya si Linux. Tumalikod siya at lumayo."May dinaanan lang ako saglit. Bakit?" tanong ni Sereia nang makalayo na.Sumisinghot si Jasmine sa kabilang linya. "Lily, naaksidente kami."Namilog ang mata ni Sereia. "Ano?" Inilayo niya saglit ang kanyang cellphone s
"Bakit ka pan nandito. Ma'am Sereia?" takang tanong ni Arita. Tagal na kitang hindi nakita, Ma'am Sereia." Pinasadahan ng tingin ni Arita si Sereia. "You've changed a lot. Halos hindi kita mamukhaan kanina. Kung hindi pa naging pamilyar sa akin ang boses mo, hindi talaga kita makikilala.Tipid na ngumiti si Sereia. "Huwag mo na ako i-Ma'am. Sereia will do po.""Nako! Ako naman ang malalagot niyan. Dapat nga mademoiselle ang itatawag ko sa'yo— kaso ayaw mo naman na tinatawag ka ng ganoon," ani ni Arita na ngumingiti. Kumunot ang noo niya nang may maanalisa siya. "Teka nga muna. Muntik ko ng makalimutan. Bakit hindi ka umakyat?"Lumamig ang ekspresyon ni Sereia. "Ayaw po ako pumayag ng clerk ninyo," saad niya na halata sa boses na dismayado. "Papalog-in sana ako sa guest list.""Huh?" gulat na usal ni Arita. "B-but why?""Hindi raw bagay ang suot ko para pumasok sa building. Wala rin po akong appointment." Iniwas ni Sereia ang kanyang mata.Namilog ang mata ni Arita. M
"Salamat, Brian," saad ni Sereia nang marating na nila ang harap ng Sevania Trade Tower."No problem," sagot ni Brain na may tipid na ngiti sa labi. Sinilip niya ang building. "I almost forgot. Magkakilla nga pala kayo ni Linux. I heard he's staying here for good. Is it true?"Tumango si Sereia. "Oo." Binaklas niya ang suot na seatbelt. "Pero hindi ko alam kung talagang dito na siya titira.""I see," Brian answered. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ng pinto si Sereia.Tahimik na lumabas ng kotse si Sereia. Akmang yuyuko na sana siya para kunin ang dala niya pero inunahan na siya ni Brian. Tinulungan siya nito na ilabas ang mga dala niya. Natigilan si Sereia."Salamat," muling sabi ni Sereia nang binigay na ni Brian ang dalawang paper bag. "Nag-abala ka pa."Brain winked. "Plus points.""Tch! Sira!" saad ni Sereia nang mahulaan kung ano ang ipinunto nito. "Paano, papasok na ako sa loob."Brian weakly smiled. "See you soon.""See you soon." Tipid niyang winagayway ang kanyang kamay
Naningkit ang mata ni Sereia. Napabusangot siya."Sino na naman 'yan? Baka mamaya ay gusto mo lang makipag-kita dahil may inerereto ka naman sa akin," saad ni Sereia.Bigla siyang nagduda. Hindi na bago sa kanya ang pagiging ala-kupido nito. Noong sila pa ni Adriel, ilang beses na siya nitong sinet
Kinabukasan, maagang nagising si Sereia para magprepara sa pasok niya. Naligo siya. Nagluto rin siya na masarap na agahan. Isang garlic fried rice at itlog na may kamatis lang inihanda niya. Inilabas niya rin mula sa ref ang cake. Pagkatapos sumandok ng tatlong scoop ng fried rice ay nilantakan na
Nagsalubong ang kilay ni Dismund. Nagdududang tinitigan niya si Linux. Naglapat ng mariin ang kanyang labi at nameywang siya sa harap nito. "That's new," Dismund commented. "Ayaw mo umuwi?" Hindi sumagot si Linux. Tinabingi ni Dismund ang kanyang ulo. "Narinig ko mula kay Kuya ang tungkol sa ban
Kumunot ang noo ni Sereia nang tumunog ang cellphone niya. Dinampot niya ito sa mesa. Tinitigan niya ang caller. "Unregistered?" takang bulalas pa ni Sereia. Ganoonpaman, sinagot niya pa rin ang tawag. "Hello?""Hello, Maam. Ikaw po ba si Ms. Sereia Lilou Rebeirro?" tanong pa ng lalaki na nasa kab







