Share

Chapter 4- Boyfriend

Penulis: Aceisargus
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-28 13:01:28

Napatingin si Sereia sa kanyang tiyan. Nararamdaman pa niya na parang hinahalukay ang kanyang tiyan pero hindi na ito tulad noong nakaraan. Napalunok siya nang makitang iba na ang suot niya na damit. Napalitan na ito ng hospital gown. Hinanap niya ang kanyang damit pero natigilan kaagad siya ng makaramdam siya ng hilo. Napahawak siya sa kanyang noo. May nahawakan ang kamay niya na parang isang malambot na tela. Napadaing siya habang nakayuko.

Mayamaya pa ay pumasok ang isang nurse at may dalang tray. Nang makita nito na gising na siya ay ngumiti ito. “Gising ka na po pala, Ma’am.”

Mabagal siyang tumango. “S-sino po ang nagdala sa akin dito?” tanong niya sa mahinang boses.

Lumapad ang ngiti nito. “Ah hindi mo pa natandaan? Iyong boyfriend mo po. Ang gwapo po ng kasintahan mo, Ma’am,” ani nito at pinalitan ang kanyang dressing.

Napipilan siya. Boyfriend? Sinong boyfriend? Si Adriel ba?

Bumagsak ang balikat niya. Paano naman niya naging boyfriend ito. Kamuntik na nga siya nitong patayin kung hindi lang ito pinigilan ng mga barkada nito.

Right! Her brother is right! It was her wishful thinking that kept pestering him.

Tatlong taon na ang nakararaan simula noong makilala niya si Adriel. Habang tinatanaw ang malawak na dagat ay nakahawak sa railing ng bridge si Sereia. Balak niyang tumalon para wakasan na sana ang kanyang buhay. Pagod na siya makipagtalo at makibagay sa mundong ginagalawan. Papatalon na sana siya nang bigla may sumigaw ng napakalakas. Nabulabog siya at hindi na natuloy ang kanyang balak.

Kalaunan, nalaman niyang pareho sila ng paaralan na pinasukan. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon. He’s one of the prominent student in the school.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya ito nakilala kaagad. Naisip niya na baka sa kakaatupag niya sa libro kaya hindi niya ito nakilala. Marami ring estudyante sa paaralan na pinasukan nila. Hindi lang iyon, maging ang kanilang eskwelahan ay may kalakihan din.

Simula niyon, palagi na niyang tinatanaw mula sa malayo si Adriel. Habang tahimik na tinitigan niya ito kasama ang mga barkada nito ay buo na ang araw niya.

Ganoonpaman, magkaiba sila ng nararamdaman ni Adriel. Kung siya ay nasisiyahan na makita ito, ito naman ay nasusura. Na para bang may balat siya sa mukha gayong wala naman. Tumataas ang dugo nito sa tuwing nagkikita sila.

“Sereia, could you please stop bothering me?”

Noong oras na iyon ay nakatunganga lang siya habang nakatingin sa gwapong mukha ni Adriel. Hindi niya maiwasang mamangha sa mukha nito. Kulang na lang ay tumulo ang laway niya habang nakatitig dito.

Ang makapal nito na pilik - mata, maging ang kilay ay napakaganda sa paningin ni Sereia. Lalo na kung pumupungay ang mata nito. Ang matangos nito na ilong,at ang amoy nito na nahaluan ng mamahaling perfume ay nakakahalina sa mata at pang - amoy. Pakiramdam niya ay nakipag - usap siya sa isang matinee idol. Napakasarap sa pakiramdam na para bang dinuduyan siya sa alapaap.

Ngunit ang malakas nito na sigaw at umaangil na boses nito ang siyang nagpapagising sa diwa ni Sereia. Dahilan upang mapabalik siya sa reyalidad, at ang katotohanan na napipikon ito sa kanya ay parang isang palaso na unti - unting umuukil sa puso niya.

Pagkatapos niyon ay umalis na si Adriel.

Hindi lang iyon, tanda niya pa rati. Habang nakipaglaro ito ng basketball ay binalot ng tensiyon ang laro. Kaunti lang ang pagitan ng puntos kaya mainit ang laro ng bawat pangkat. Natural lang naman iyon dahil parte iyon ng laro, ngunit sa kamalasan ay aksidenteng naitulak ito ng kalaro nito. Mabilis niya itong dinaluhan at kaagad niyang hinawakan ang mukha nito. Tinignan niya kung may pasa ito o sugat. Nang makita niya na may maliit ito na bangas ay napasobra ang kanyang reaksiyon. Umatungal siya ng iyak sa harap nito. Nagtawanan ang mga kasama nito pati na ang mga cheerleader.

“School girl, you like me that much?” he asked.

Hindi kaagad nakasagot si Sereia. Napahikbi pa siya. Imbes na sagutin si Adriel ay gumalaw ang kamay niya para hawakan ang sugat nito.

“M-masakit ba?” tanong niya na pumiyok pa ang boses.

Tinampal nito ang kamay niya. Kaagad siyang natigilan. Nang masalubong niya ang titig nito ay doon lang niya naanalisa ang matinding kaarogantehan sa mata nito.

“Anong masakit? Galos lang naman ‘to.”

Napakurap siya. “Baka magkapeklat.”

Kumunot ang noo ni Adriel. “Bakit naman ako matatakot sa peklat? Matanda na ako.”

Natahimik si Sereia. Imbes na maniwala sa sinabi ni Adriel ay pumunta siya sa pinakamalapit na pharmacy. Bumili siya ng maraming removal cream, anti - inflammatory at hemostatic drugs.

Dahil sa maingat at pagiging maalaga ni Sereia ay hindi nagkapeklat si Adriel. Mabilis na gumaling ang sugat nito. Parang nga ito nadapa.

Nang malaman niya ang pagiging maalaga ng dalaga ay sinubukan niya ang tapang nito.

“Gusto mong subukan?” tanong nito habang nalalaro ang bola sa kamay at pinaikot.

Nakaupo siya sa bench habang tinatanaw niya ito na nagpapraktis ng basketball. Silang dalawa lang ang nandoon dahil nagpaiwan si Adriel. Kakatapos lang kasi ng practice at saglit itong nagpaiwan. Nagshoshower na kasi ang mga kalaro nito.

Napakurap siya at inosenteng napatitig sa mukha nito. Hanggang sa nauwi sa pagkatulala ang kanyang pagtitig dahilan upang mapatawa si Adriel.

Adreil laughed unrestrainedly. He’s totally different in her memory, but his eyes and eyebrows were so similar. He’s like a child, innocent looking yet full of naughtiness.

***

Dalawang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang gulo sa pagitan nila ni Adriel. At dahil isinugod siya sa ospital ay wala na siyang naririnig dito. Nang tignan niya ang cellphone kanina ay hindi man lang ito nag - text o nag - chat.

Kaya nang malaman niya na nag - post ito ng message sa group chat na sinalihan niya ay lumiwanag ang kanyang mukha. Lalo na nang makita niya ang profile picture nito . Napangiti siya at mabilis niyang binasa kung ano ang chinat nito. Bumagal ang kanyang paglakad sa pasilyo. Naka - discharge na siya at papalabas na siya ng ospital.

Adriel: [ Guys! Let’s get together. I’d like to introduce my girlfriend to everyone.]

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 50

    “Ano'ng sabi mo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sereia. “Ano'ng maaga?”Napakurap si Linux. Paano nga ba niya ipapaliwanag dito ang ibig niyang iparating? Baka mamaya ay ma-misunderstood pa nito ang sasabihin niya.At isa pa, bakit nga ba naisip niya rin iyon? Eh pwede naman talaga bumisita ng walang dala. Pero ang mas malaking tanong na umuukil sa kanyang isip ay ang huling tanong niya kay Sereia. Pati siya ay nangangamote kung paano sasagutin iyon.Napatawa si Sereia. Tinabingi niya ang kanyang ulo at humalipkip.“Kita mo, sa kakasunod mo sa akin; kung anu-ano na ang naiisip mo.” Napaling si Sereia. “Iyong totoo, bakit mo ako sinusundan?”Napakamot si Linux sa kanyang ilong. Pagkatapos niyon ay nameywang siya.“A friend of mine was paralyzed in a car accident long time ago. I came here to give him a visit,” Linux said.Napataas ang kilay ni Sereia sa narinig. Napatango siya. “So dito na-confince ang kaibigan mo? Imbis na sa mamahaling mga hospital?” puno ng pagdududang tanong niya.

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 49 - Too early to meet your father

    “Lalabas ka? O ako ang magpapalabas sa’yo?” Napakamot sa ulo si Dismund. “Inutusan mo ako kanina. Ang sabi mo, ako ang mag-didrive. Tapos ngayon palalabasin mo ako dahil lang sa naiinis ka? Nababaliw ka na yata.”Mas lalong nag-iba ang hilatsa ng mukha ni Linux. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Tumayo siya sa tapat ng pinto ng drivers seat. Saka niya iyon binuksan.“Labas,” utos pa ni Linux.“Ayoko,” pagtanggi pa ni Dismund. Hinawakan niya ng mariin ang manubela. “It's too hot. Masisira ang balat ko.”“Bakla,” pang-aalaska niya pa rito pero si Dismund ay parang hindi man lang nadala sa kanyang sinabi. “Kalalaki mong tao. Takot ka sa init?”“Bakit? Hindi ba pwede? Ayoko magka-skin cancer,” ganti pa ni Dismund. Umiling siya sabay iwas ng kanyang paningin. “Ayoko. Akin itong kotse eh.”Umangat ang gilid ng labi ni Linux. “Fine. Umuwi ka ng mag-isa.” Saka niya binalibag ng malakas ang pinto ng kotse.Binaba naman ni Dismund ang bintana. Tinitigan niya si Linux. “Ano ba talagang proble

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 48- Grenade for you

    “Si Mommy ang may gusto. Wala na akong magagawa dahil siya mismo ang may hawak ng pera ni Daddy,” sabi ni Sereia habang nakatingin sa labas ng bintana.Natahimik sina Dismund at Linux. Nagkatinginan sila sa rearview mirror at panay bato ng makahulugang tingin. Hindi nila inaasahan ang kanilang narinig. Si Don Augustus? Isa sa pinakamayaman na Don sa bayan nila? Inilagak sa South Wing ng Brigade Hospital? At dahil lang sa gusto ng asawa nito?Kumunot ang noo ni Linux. Itinukod niya nang siko sa ng kotse. Saka siya nakapandekwatro ng upo.Binalingan ni Linux si Sereia. “Alam ba ito ng Lola mo?” Takang tanong pa niya.“Hindi ko alam.” Napabuntonghininga si Sereia. “Pasensiya na pero hangga't maaari ay ayaw ko sana pag-usapan ang kalagayan ng Papa ko.”Naglapat ng mariin ang labi ni Linux. Sumandal siya sa upuan at pinagkasya na lamang ang sarili na titigan ang madadaanan nila na tanawin sa labas.Dumaan ang ilang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ni Linux. Kinuha niya sa kanyang b

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 47- Brigade Hospital

    “Nababaliw ka na. Pwede bang lubayan mo na ako? Naiirita na ako sa pagmumukha mo,” inis na wika ni Sereia. “Bakit hindi mo na lang ihatid ang girlfriend mo? Oh di kaya mag-date kayo? Stop bothering me. Can you?”Sinulyapan ni Adriel ang nobya na nakaupo sa passenger seat. “Tapos na kami mag-date. Nagkataon lang na nakita ka namin.”Naningkit ang mata ni Sereia. “Wala akong pakialam kung tapos na kayo mag-date. Basta lubayan mo na ako.”Mabilis na tumalikod si Sereia. Hindi na niya pinansin pa ang Ferrari ni Adriel. Bahala na kung susunod pa ito. Hindi na lang niya ito papansinin.Habang naglalakad ay panaka-nakang tumitingin si Sereia sa kanyang cellphone. Patingin&-tingin din siya sa kalsada para maghanap ng taxi pero katulad kanina. Wala pa rin dumadaan. Kaya nagdesisyon siya na mag-book na lang ng grab para makaalis na.Huminto si Sereia. Habang abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone ay may pumarada na naman na isang kotse. Nalukot ang mukha niya.“Ano ba! Sinabi ko ng ayaw kong

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 46

    Hindi makakibo si Sereia. Kinalikot lang niya ang kanyang kamay habang nakatitig doon.Napansin naman ni Aling Lydia ang reaksiyon ni Sereia kaya napabuntonghininga siya. “Hindi naman sa nanghimasok ako… Pero.” Umiling siya. “Hindi ko alam kung ano ang namagitan sa inyo. Ayaw kong gawing basehan lang ang sinabi ni Albert. Kung anuman iyon ay sana man lang ay mag-ingat ka. Pwede ba iyon, Hija?”Tumango lang si Sereia bilang sagot. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.“Oh, kainin mo ‘to ha? May dalawang tab diyan ng mango float. Iyang mangga pinaghalo ko na iyong hilaw at hinog. Unahin mo kainin iyang hinog. Para hindi maabutan ng paglanta.”Sinipat ni Sereia ang hawak na puting plastic. Saka niya binalingan si Manong Albert. “Maraming salamat po, Manong.”Tumango si Manong. Tinanaw niya ang labasan. “Bakit hindi ka na lang dito mananghalian? Nang makapag-usap pa kayo ng Mamang mo?”Doon na na-realize ni Sereia ang oras. Tinitigan niya ang kanyang cellphone para roon tignan ang oras. “Hi

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 45 - Her father

    “Nako, Reiang. Huwag mo ng alalahanin iyon.” Pinagsalikop ni Manang Lydia ang kanilang mga kamay. “Ang importante, maayos ang lagay mo. Hindi ka naman siguro pinapabayaan hindi ba?”Pait na ngumiti si Sereia. Iniwas niya ang kanyang paningin at hindi kumibo.Matagal ng alam nina Lydia at Albert ang nangyari kay Don Augustus. Tatlong taon na ang nakalipas mula ng tumigil sila sa pagtatrabaho sa hacienda. Pumutok ang isang masamang balita tungkol sa Ama nito.Kalat na kalat sa bayan ang sinapit na kagalang-galang na Don, at dahil maraming nakakilala rito, mabilis kumalat ang balita. Marami ang nalungkot at nadismaya. Lalo na ang mga taong natulungan nito.Isa si Don Augustus sa mayaman na haciendero rito sa kanilang lugar. Bukod kasi sa hacienda ay nagmamay- ari rin ito ng mga sikat na hotel and restaurant. Kilala rin ito dahil sa talento nito sa pagpipinta. May mga obra ito na hindi basta-basta natutumbasan ng pera. Kaya nga umugong ang pangalan nito sa industriya ng pagpipinta. Malib

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status