Adriel frown." Who knows why she suddenly went crazy."
Paklang tumawa si Helios. "Binitawan ka na niya, bro." Sumama ang mukha niya." Naniwala ka naman? Tch! Nagpapakipot lang naman 'yan. Alalahanin mo, tatlong taon niya akong pinepeste." Sa tingin mo bibigay na kaagad 'yan? Eh naging routine na niya ang bulabugin ako araw - araw." Tumabingi ang ulo ni Helios. Napahaplos pa ito sa kanyang baba. "Pero nag - left group siya, Adriel. Malay mo nagbago na talaga siya." Napipilan si Adriel. Muli niyang binunot ang kanyang cellphone sa bulsa. Binasa niya ulit ang chat ni Sereia sa mèssenger. Nangalumihan siya nang makita niya ulit ang pangalan nito na umalis sa grupo. Tinutuo talaga nito ang pag - alis sa grupo. Kung ganoon ay tatahimik na ang buhay niya. Hiling niya sana ay hindi na siya nito guguluhin. Napasandal sa sofa si Adriel pero pakiramdam niya ay hindi siya na - relaxed. Mabigat pa rin ang kanyang loob at hindi niya alam kung bakit. Hindi nagtagal ay nagsidatingan na ang mga kaibigan ni Adriel. Habang hinihintay ang iba ay napag - usapan nila ang eskandalong ginawa ni Sereia sa group chat. "Umalis nga pala si Sereia nu? Paano 'yon? I- gigive na niya si Master Adriel?" ani ng lalaking may hikaw sa tainga. Nagkibit balikat ang isang kaibigan ni Adriel na lalaki na nakapangko ang buhok. "Possible. Nasaktan siguro sa announcement ni Master Adriel kanina. Prangka ba naman at walang paliguy - ligoy. Saka lahat tayo na nasa grupo ay nakabasa. Sino ba naman ang hindi mahihiya." "Bakit? Hindi ba siya nasaktan sa mga ginawa ni Adriel dati? Maraming beses na siya pinahiya ah? At marami rin ang nakakita." Pangatuwiran pa ng nakahikaw. "Oh sige. Pustahan na lang. Tignan natin kung hanggang kailan matitiis ni Sereia si Master Adriel." "Ge ba! Ano, sang libo?" tanong pa ng nakahikaw. "Call," tugon ng lalaking nakapangko sabay inom sa alak nito. Dala ng kasiyahan ay inaya pa ng dalawang lalaki ang iba para sumali sa pustahan nila. Pumayag naman ang iba. Ang iba ay dalawang araw ang pinupusta, may limang araw, isang linggo at isang buwan. May iba naman na pumupusta na wala na, na hindi na babalik si Sereia sa buhay ni Adriel... Adriel, who was busy on his phone suddenly smile arrogantly. He wags his phone in front of his friends. "Naglagay ako ng bitag. And guess what, wala pang sampung minuto ay kumagat na siya sa paing ko," lahad pa niya sabay ngiti ng nakakaloko. Naghiyawan naman ang mga kasama nito. Nag - apiran pa ang iba at hinimas ang balikat ni Adriel. Napa - ismid si Helios. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. "Bro, ito lang naman 'yon. Kung wala na talaga, wala na. Kung ako ang tatanungin mo, mas maganda pa si Margarette kumpara sa Sereia na 'yan. Bakit hindi na lang siya ang atupagin mo?" Sakto naman na kakatapos pa lang magsalita ni Helios ay may nagbukas ng pinto. Napatingin silang lahat sa bukana at hinihintay kung sino ang papasok. "Tol! tol! Nag papanic na sigaw ni Roger, ang pinsan ni Adriel na lalaki. Tumakbo ito papunta kay Adriel. "Bakit? Anong nangyari?" tanong pa ni Adriel nang makarating si Roger sa harap niya. Itinukod nito ang kanang kamay sa tuhod. Habol nito ang hininga habang nakaturo ang kaliwang kamay sa pinto. "Tol, Si... si... Se..." sambit nito na hindi matapos - tapos dahil sa pagkahapo. Kumunot ang noo ni Adriel. "Ano?" Sa halip na sumagot ay hinugot nito sa bulsa ang cellphone. May hinanap muna ito. Nang makita na ang pakay ay inabot na nito ay Adriel ang cellphone. "H-habang naghahanap ako ng short videos ay dumaan sa news feed ko 'yan," sabi pa ni Roger. Kinuha naman kaagad ni Adriel ang cellphone nito. Tinap niya ang video. Nang makita niya ang lugar ay napagtanto niyang nasa Sta. Mos Vier lang din ang lokasyon ng video, sa Sargos Bridge. Madalas ito maging filming location ng mga pelikula dahil sa kakaiba nitong desinyo. Mas gumaganda ito tuwing gabi. May ilaw ito sa bawat pagitan ng malalaking wiring kaya napakaganda nito sa mata tuwing madilim. Madalas din itong pasyalan ng mga tao para magpicture taking. Kaya unti - unti na itong na kilala sa buong bansa. Isa rin ito sa pinakamalaking at pinakamataas na tulay sa kanilang lungsod dahil pinagdugtong nito ang dalawang baryo. Sa video ay padapit hapon na, at nag - aagawan na ang maliwag at dilim sa kalangitan. Sa kanluran ay kahel na ang langit habang sa silingan na bahagi ay unti - unti na ring nagkukulay itim ang langit. Sa ilalim ng tulay, may isang babae na nakaupo sa malaking railings. Nakatanaw ito sa dagat. Nakatagilid ito at dahil naglikha ng anino ang katawan nito buhat sa kanyang posisyon sa pag - upo ay halatang - halata ang hubog mg katawan nito. Payat ito at maliit, kaya sinuman ang makakakita rito ay mahahabag sa itsura dahil masahol pa sa petite ang katawan nito. Para itong isang babasagin na porselana, na isang maling hawak mo lang dito ay masasaktan at mapipingas na ang katawan nito. Her eyes were empty and lifeless. Na para bang ang dami na nitong pinandaanan sa buhay. Mababanaag sa mata nito ang kalungkutan. Parang marami itong iniisip habang nakaupo sa gitna ng tulay. Biglang sumibol ang isang malakas na hangin. Sumayaw sa ere ang buhok nito dulot na rin ng paglalaro ng hangin. Inipit nito ang buhok sa tainga habang nakatingin sa malawak na dagat. Nagtagis ang bagang ni Adriel. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilala niya kung sino ang babaeng nasa video. Tungki pa lang ng ilong at kahabaan ng buhok nito ay alam na niyang si Sereia ito. "Shìt!" Mura ni Adriel nang maanalisa kung ano ang ginagawa ni Sereia sa video. Alam niyang hindi siya nito basta - basta lulubayan. Tatlong taon itong nakadikit sa kanya kaya mahihirapan itong pakawalan siya. Pinatigil lang niya ito sa kahibangan pero gusto na nitong magpakamatay para lang ipitin siya. Mayamaya pa ay nagsalita ang lalaking nakapangko ang buhok. Naki - usyoso kasi ito sa panonood ng video. "Drát! Iniisip niya siguro na ayaw na ni Master Adriel sa kanya kaya gusto niyang magpakamatay." "Fûck! She's scary! Seryoso ba siya?" "Malamang, uupo ba siya riyan kung hindi siya seryoso?" "Ang sakit niya sa ulo, ang hirap niyang patinuin," anas pa ng isa. Napasigaw si Adriel. Binato niya kay Roger ang cellphone at marahas na napakamot sa kanyang buhok.“Ano'ng sabi mo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sereia. “Ano'ng maaga?”Napakurap si Linux. Paano nga ba niya ipapaliwanag dito ang ibig niyang iparating? Baka mamaya ay ma-misunderstood pa nito ang sasabihin niya.At isa pa, bakit nga ba naisip niya rin iyon? Eh pwede naman talaga bumisita ng walang dala. Pero ang mas malaking tanong na umuukil sa kanyang isip ay ang huling tanong niya kay Sereia. Pati siya ay nangangamote kung paano sasagutin iyon.Napatawa si Sereia. Tinabingi niya ang kanyang ulo at humalipkip.“Kita mo, sa kakasunod mo sa akin; kung anu-ano na ang naiisip mo.” Napaling si Sereia. “Iyong totoo, bakit mo ako sinusundan?”Napakamot si Linux sa kanyang ilong. Pagkatapos niyon ay nameywang siya.“A friend of mine was paralyzed in a car accident long time ago. I came here to give him a visit,” Linux said.Napataas ang kilay ni Sereia sa narinig. Napatango siya. “So dito na-confince ang kaibigan mo? Imbis na sa mamahaling mga hospital?” puno ng pagdududang tanong niya.
“Lalabas ka? O ako ang magpapalabas sa’yo?” Napakamot sa ulo si Dismund. “Inutusan mo ako kanina. Ang sabi mo, ako ang mag-didrive. Tapos ngayon palalabasin mo ako dahil lang sa naiinis ka? Nababaliw ka na yata.”Mas lalong nag-iba ang hilatsa ng mukha ni Linux. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Tumayo siya sa tapat ng pinto ng drivers seat. Saka niya iyon binuksan.“Labas,” utos pa ni Linux.“Ayoko,” pagtanggi pa ni Dismund. Hinawakan niya ng mariin ang manubela. “It's too hot. Masisira ang balat ko.”“Bakla,” pang-aalaska niya pa rito pero si Dismund ay parang hindi man lang nadala sa kanyang sinabi. “Kalalaki mong tao. Takot ka sa init?”“Bakit? Hindi ba pwede? Ayoko magka-skin cancer,” ganti pa ni Dismund. Umiling siya sabay iwas ng kanyang paningin. “Ayoko. Akin itong kotse eh.”Umangat ang gilid ng labi ni Linux. “Fine. Umuwi ka ng mag-isa.” Saka niya binalibag ng malakas ang pinto ng kotse.Binaba naman ni Dismund ang bintana. Tinitigan niya si Linux. “Ano ba talagang proble
“Si Mommy ang may gusto. Wala na akong magagawa dahil siya mismo ang may hawak ng pera ni Daddy,” sabi ni Sereia habang nakatingin sa labas ng bintana.Natahimik sina Dismund at Linux. Nagkatinginan sila sa rearview mirror at panay bato ng makahulugang tingin. Hindi nila inaasahan ang kanilang narinig. Si Don Augustus? Isa sa pinakamayaman na Don sa bayan nila? Inilagak sa South Wing ng Brigade Hospital? At dahil lang sa gusto ng asawa nito?Kumunot ang noo ni Linux. Itinukod niya nang siko sa ng kotse. Saka siya nakapandekwatro ng upo.Binalingan ni Linux si Sereia. “Alam ba ito ng Lola mo?” Takang tanong pa niya.“Hindi ko alam.” Napabuntonghininga si Sereia. “Pasensiya na pero hangga't maaari ay ayaw ko sana pag-usapan ang kalagayan ng Papa ko.”Naglapat ng mariin ang labi ni Linux. Sumandal siya sa upuan at pinagkasya na lamang ang sarili na titigan ang madadaanan nila na tanawin sa labas.Dumaan ang ilang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ni Linux. Kinuha niya sa kanyang b
“Nababaliw ka na. Pwede bang lubayan mo na ako? Naiirita na ako sa pagmumukha mo,” inis na wika ni Sereia. “Bakit hindi mo na lang ihatid ang girlfriend mo? Oh di kaya mag-date kayo? Stop bothering me. Can you?”Sinulyapan ni Adriel ang nobya na nakaupo sa passenger seat. “Tapos na kami mag-date. Nagkataon lang na nakita ka namin.”Naningkit ang mata ni Sereia. “Wala akong pakialam kung tapos na kayo mag-date. Basta lubayan mo na ako.”Mabilis na tumalikod si Sereia. Hindi na niya pinansin pa ang Ferrari ni Adriel. Bahala na kung susunod pa ito. Hindi na lang niya ito papansinin.Habang naglalakad ay panaka-nakang tumitingin si Sereia sa kanyang cellphone. Patingin&-tingin din siya sa kalsada para maghanap ng taxi pero katulad kanina. Wala pa rin dumadaan. Kaya nagdesisyon siya na mag-book na lang ng grab para makaalis na.Huminto si Sereia. Habang abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone ay may pumarada na naman na isang kotse. Nalukot ang mukha niya.“Ano ba! Sinabi ko ng ayaw kong
Hindi makakibo si Sereia. Kinalikot lang niya ang kanyang kamay habang nakatitig doon.Napansin naman ni Aling Lydia ang reaksiyon ni Sereia kaya napabuntonghininga siya. “Hindi naman sa nanghimasok ako… Pero.” Umiling siya. “Hindi ko alam kung ano ang namagitan sa inyo. Ayaw kong gawing basehan lang ang sinabi ni Albert. Kung anuman iyon ay sana man lang ay mag-ingat ka. Pwede ba iyon, Hija?”Tumango lang si Sereia bilang sagot. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.“Oh, kainin mo ‘to ha? May dalawang tab diyan ng mango float. Iyang mangga pinaghalo ko na iyong hilaw at hinog. Unahin mo kainin iyang hinog. Para hindi maabutan ng paglanta.”Sinipat ni Sereia ang hawak na puting plastic. Saka niya binalingan si Manong Albert. “Maraming salamat po, Manong.”Tumango si Manong. Tinanaw niya ang labasan. “Bakit hindi ka na lang dito mananghalian? Nang makapag-usap pa kayo ng Mamang mo?”Doon na na-realize ni Sereia ang oras. Tinitigan niya ang kanyang cellphone para roon tignan ang oras. “Hi
“Nako, Reiang. Huwag mo ng alalahanin iyon.” Pinagsalikop ni Manang Lydia ang kanilang mga kamay. “Ang importante, maayos ang lagay mo. Hindi ka naman siguro pinapabayaan hindi ba?”Pait na ngumiti si Sereia. Iniwas niya ang kanyang paningin at hindi kumibo.Matagal ng alam nina Lydia at Albert ang nangyari kay Don Augustus. Tatlong taon na ang nakalipas mula ng tumigil sila sa pagtatrabaho sa hacienda. Pumutok ang isang masamang balita tungkol sa Ama nito.Kalat na kalat sa bayan ang sinapit na kagalang-galang na Don, at dahil maraming nakakilala rito, mabilis kumalat ang balita. Marami ang nalungkot at nadismaya. Lalo na ang mga taong natulungan nito.Isa si Don Augustus sa mayaman na haciendero rito sa kanilang lugar. Bukod kasi sa hacienda ay nagmamay- ari rin ito ng mga sikat na hotel and restaurant. Kilala rin ito dahil sa talento nito sa pagpipinta. May mga obra ito na hindi basta-basta natutumbasan ng pera. Kaya nga umugong ang pangalan nito sa industriya ng pagpipinta. Malib