Share

Chapter 2: P1

Author: Author-Jay
last update publish date: 2026-11-06 18:14:05

Biglang tumayo si Shaun, ang kauna-unahang naging kasintahan ni Valeria. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito at hinila palayo sa sofa bago siya mabilis na inilabas ng pribadong silid.

Napasuray si Valeria habang hinihila siya ni Shaun. Habang sumusunod, hindi niya napigilang magreklamo sa sarili, “Hindi ba’t nandito tayo para magsaya? Hindi pa nga dumadating ’yung mga pogi na ipinatawag ko kanina.”

Pagkarinig sa sinabi niya, biglang huminto si Shaun at humarap sa kanya. Nakatitig sa kanya ang malalim nitong mga mata.

“Masaya ba?” seryusong tanong nito.

“Syempre naman! Ikaw nga, mukhang tuwang-tuwa rin kanina!” agad na sagot ni Valeria.

Hinimas ni Valeria ang namumulang pulsuhan niya bago nag-angat ng tingin kay Shaun at ngumiti nang mapanghamon.

“Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng gumawa ng kung ano-ano? Kapag ako na ang gumawa, bawal na?” 

“Dahil gustong-gusto mong maglaro, sige! Magpakasaya ka hangga’t gusto mo!”

Malamig na binitiwan ni Shaun ang mga salitang iyon bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo.

Nakatayo lamang si Valeria habang pinagmamasdan ang papalayong anyo ng lalaki hanggang sa tuluyan itong mawala sa liko ng pasilyo. Unti-unting naglaho ang ngiting kanina’y nasa kanyang mga labi.

Maya-maya, nagmamadaling lumabas si Manager Baterzal at iniabot sa kanya ang bag.

“Madam, naiwan po ninyo ang bag ninyo.” 

Tinanggap ni Valeria ang bag at mahinahong sinabi, “Simula ngayon, Miss Valeria na lang ang itawag mo sa akin.”

“Ha?” Natigilan si Manager Baterzal sa narinig.

Pilít na ngumiti si Valeria, ngunit halata ang namumuong luha sa kanyang mga mata. “Dahil malapit na ring magbago ang lahat.” ang sabi niya.

Paglabas niya ng club, naroon pa rin sa tapat ng pasukan ang itim na sasakyan.

Dahan-dahang bumaba ang salamin ng bintana sa likurang bahagi ng sasakyan. Sa loob, bahagyang natatanaw sa dilim ang matalim na mga linya ng mukha ni Shaun.

Nang makita ni Brando Genabe, ang assistant ni Shaun, na palabas na si Valeria, likas siyang umabot sa hawakan ng p***o upang bumaba ng sasakyan.

“Magmaneho ka na.” Malamig na utos ang nagmula sa likurang upuan.

Natigilan si Brando. Nag-aalangan siyang sumulyap kay Valeria na hindi naman kalayuan sa kanila.

“Pero, Sir, si Madam…”

“Sinabi kong magmaneho ka! Hayaan mo siyang magpakasaya rito hangga’t gusto niya!”

Biglang tumaas ang boses ni Shaun, bakas sa tono nito ang matinding pagkainis.

Hindi na nangahas pang mag-atubili si Brando. Agad niyang pinaandar ang sasakyan.

Katatapak pa lamang ni Valeria sa tapat ng kotse at hindi pa man niya naiaabot ang kamay upang buksan ang p***o, bigla nang humarurot ang sasakyan at mabilis na naglaho sa kanyang paningin.

“Hoy, walanghiya ka! Talagang sinasamantala mo ang pagkakataong nakalugmok ako, ano?!”

Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ni Valeria, ngunit walang sinumang pumansin sa kanya. Tanging malamig na hanging dumaan ang sumalubong sa kanya.

Buwan ng Marso, nanunuot pa rin ang lamig ng hangin sa kabisera tuwing gabi.

Tumayo si Valeria sa gilid ng kalsada at inayos ang kanyang makapal na panlabas na kasuotan upang hindi ginawin. Pagkatapos, agad siyang nag-book ng masasakyan gamit ang kanyang cellphone.

“Tsk, tsk, tsk…”

Isang pamilyar na tinig na puno ng pang-uuyam ang nagmula sa likuran. Dahan-dahang lumapit si Rayco, habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa.

“Kawawa naman! Sinong asawa kaya ang basta na lang iniwan sa gilid ng kalsada sa kalaliman ng gabi, at mukhang wala pangmakain?” 

Hindi man lang nag-angat ng tingin si Valeria. Noon pamang junior high school ay hindi na sila magkasundo ni Rayco. Magkaiba ang kanilang ugali at palaging nagbabanggaan ang kanilang mga opinyon. Iisa lamang ang pagkakapareho nila, pareho silang mahilig umikot sa buhay ni Shaun.

“Bakit, mukha ba akong nawawala? May kamay at paa ako, may cellphone pa. Puwede akong pumunta kahit saan ko gusto. Paano mo nasabing naligaw ako?”

Lumingon siya kay Rayco at sinipat ito mula ulo hanggang paa.

“Eh ikaw naman, Binatang lalaki. Mahina ka ba o pilay? Kailangan bang may magbuhat sa ’yo tuwing lalabas ka? Kawawa ka naman.” pang-aasar ni Valeria.

Agad na namutla sa galit ang mukha ni Rayco. Kahit kailan, hindi niya nagawang manaig sa pakikipagtalo kay Valeria. Ngayon, tinamaan pa siya nito sa pinakamasakit na salita.

Totoo namang kinailangan niyang gumamit ng saklay sa loob ng tatlong buwan matapos ang aksidente niya sa karera ng sasakyan noong nakaraang taon.

“Valeria, tumahimik ka nga! Babalik na si Janica Viy. Tingnan natin kung makangiti ka pa kapag nagkita ulit kayo!”

“Bulati?”

Bahagyang nagdikit ang mga kilay ni Valeria, kunwari’y naguguluhan.

“Ahh bulati? Kailan ka pa naging interesado sa mga uod, binatang Rayco?”

“Janica Viy!” madiing sambit ni Rayco, halos magngitngit sa galit. “Ang unang kasintahan ni Shaun! Ang bata-bata mo pa, pero ang bilis mo nang makalimot?” singhal nito.

Nagpalipat-lipat ang kulay ng mga ilaw na neon sa mukha ni Valeria. Bigla siyang natawa, magaan at tila walang anumang inaalala ang kanyang tinig.

“Siya lang ba ang nagkaroon ng unang kasintahan sa buong mundo? Ako, wala rin ba? Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakakita sa mga dati kong naging nobyo?”

Talagang nagsimula pa siyang magbilang gamit ang mga daliri. “Nariyan iyong apelyido ni Navarro, si Fiel, 'yong pianistang mula sa pamilyang Justol, at 'yong taga-department ninyo.” aniya.

“Tama na!” Halos pumutok ang sentido ni Rayco sa sobrang galit. “Iba si Janica! Kung hindi lang dahil sa...”

Naputol ang sasabihin niya nang sumilaw sa kanila ang nakakasilaw na mga headlight. Dahan-dahang huminto sa gilid ng kalsada ang isang puting Toyota. Bumaba ang bintana nito at lumitaw ang nagtatakang mukha ng drayber.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 3: P1

    Saglit na natigilan si Manang Waning sa naging reaksiyon ni Valeria. Noon, kahit bahagyang sumakit lang ang ulo ni Shaun, nilalagnat, o sumasama ang loob nito, si Valeria ang unang nag-aalala at hindi mapakali.Hindi makapaniwala si Manang Waning sa nakikita niya kaya nag-atubili siyang magsalita. “Pero…”“Wala nang pero-pero.”Agad na pinutol ni Valeria ang sasabihin ni Manang Waning habang paakyat ng hagdan.“Matanda na siya. Hindi naman ako ang nanay niya para araw-araw ko siyang alagaan at pagbigyan. Kaya tuloy, nasanay siyang gawin ang lahat ng gusto niya.”Pagkasabi nito, tuluyan nang naglaho sa liko ng hagdan ang payat at magandang tindig ni Valeria.Kung hindi pa siya tinawagan ng biyenan niya at paulit-ulit na inutusang sunduin si Shaun, hindi niya sana ito naiuwing muli.Dapat ay mahimbing na siyang natutulog ngayon, sa halip na umuwi nang nangangamoy usok, alak, at pabango. Sobrang hindi komportable sa pakiramdam niya ang lahat ng iyon.Muling naligo si Valeria. Ngunit nang

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 2: P2

    “Pasaherong may booking number na nagtatapos sa 7788?”Walang pag-aalinlangang binuksan ni Valeria ang pinto ng sasakyan at sumakay. Kasabay ng pagpasok ng malamig na hangin sa loob, lumingon siya kay Rayco at iniwan dito ang huli niyang pangungusap bago tuluyang isinara ang pinto.“Napakahilig mong makialam sa buhay pag-ibig ng iba, ano Rayco. Wala ka na bang ibang mapagkaabalahan?” aniya.“Valeria! Ang kapal talaga ng mukha mo!” galit na sigaw ni Rayco.Mula sa labas ng bintana ng sasakyan, narinig pa ni Valeria ang sunod-sunod na mura ni Rayco. Maya-maya, napasigaw ito sa sakit. Sa sobrang galit, sinipa niya ang isang haliging nasa gilid ng kalsada, ngunit siya rin ang napahamak at nasaktan ang paa.Samantala, sa loob ng sasakyan, hindi na marinig ang ingay sa labas at hindi na rin dama ang malamig na hangin ng gabi. Isang malungkot na kanta ang mahinang tumutugtog, lalo pang nagbibigay ng mapanglaw na himig sa tahimik na paligid.Hindi namalayan ni Valeria na unti-unti na siyang n

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 2: P1

    Biglang tumayo si Shaun, ang kauna-unahang naging kasintahan ni Valeria. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito at hinila palayo sa sofa bago siya mabilis na inilabas ng pribadong silid.Napasuray si Valeria habang hinihila siya ni Shaun. Habang sumusunod, hindi niya napigilang magreklamo sa sarili, “Hindi ba’t nandito tayo para magsaya? Hindi pa nga dumadating ’yung mga pogi na ipinatawag ko kanina.”Pagkarinig sa sinabi niya, biglang huminto si Shaun at humarap sa kanya. Nakatitig sa kanya ang malalim nitong mga mata.“Masaya ba?” seryusong tanong nito.“Syempre naman! Ikaw nga, mukhang tuwang-tuwa rin kanina!” agad na sagot ni Valeria.Hinimas ni Valeria ang namumulang pulsuhan niya bago nag-angat ng tingin kay Shaun at ngumiti nang mapanghamon.“Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng gumawa ng kung ano-ano? Kapag ako na ang gumawa, bawal na?” “Dahil gustong-gusto mong maglaro, sige! Magpakasaya ka hangga’t gusto mo!”Malamig na binitiwan ni Shaun ang mga salitang iyon bago mabilis

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 1: P2

    Kaswal na sinulyapan ni Valeria ang babae bago siya walang pag-aatubiling gantihan ito ng matalim na sagot.“Kung lagi mong kinukuwestiyon ang sarili mong halaga gaya ng ginagawa mo, hindi kataka-takang kahit sa sarili mong baryo, wala kang makuhang mapapangasawa!”“Kaya heto ka ngayon, parang inahing pusang naglalandi, panay ang pagporma sa pag-aari ng iba. Kahit basura lang ang laman ng basurahan, kinakalkal mo pa rin at inaasta mong kayamanan ang mga iyon!”Pagkasambit pa lamang ni Valeria ng mga salitang iyon, agad siyang dumampot ng isang baso ng alak mula sa mesa sa harap ng sofa. Hindi niya alam kung anong uri ng alak iyon, ngunit wala na siyang pakialam. Walang pag-aatubili niya itong ibinuhos sa mukha ng babae.Napahiyaw ang babae sa gulat. Ang babaeng kanina lamang ay ubod ng yabang at palaban na parang tandang panabong ay biglang nagmistulang basang sisiw, gusot ang ayos at basang-basa mula ulo hanggang mukha.Bumuhos sa ulo ng babae ang malamig na alak, tuluyang nasira ang

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 1: P1

    “Papasok na ba tayo?”“Tshhh.”Matagal ding nakatayo si Valeria sa may pintuan ng pribadong silid na bahagyang nakabukas, naghihintay bago tuluyang pumasok.Umaalingawngaw mula sa loob ng silid ang napakalakas na tugtog, kasabay ng walang pakundangang tawanan ng mga lalaki at mapang-akit na tinig ng mga babae.Nakatayo naman si Manager Baterzal nang bahagyang nasa likuran ni Valeria. Bahagya siyang nakayuko, halatang kinakabahan at takot na takot, ni hindi man lang maglakas-loob na huminga nang malalim.“Wala talaga akong ideya kung ano ang binabalak ni Madam Valeria.”“Ang sabi nila, mahuhuli nila siya sa akto, pero hanggang ngayon, hindi naman talaga sila pumapasok sa loob.”“Ang ibig mong sabihin, nalulungkot ka ba? Pero parang kalmado ka lang naman.”Nakatitig lamang siya sa mga nagaganap sa loob ng pribadong silid, hindi inaalis ang tingin sa tagpong nasa harapan niya.Sa ilalim ng kumikinang na kristal na chandelier, napalilibutan ng kani-kanilang kaakit-akit at mahahinhing kumi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status