Share

Chapter 1: P2

Author: Author-Jay
last update publish date: 2026-11-06 18:13:24

Kaswal na sinulyapan ni Valeria ang babae bago siya walang pag-aatubiling gantihan ito ng matalim na sagot.

“Kung lagi mong kinukuwestiyon ang sarili mong halaga gaya ng ginagawa mo, hindi kataka-takang kahit sa sarili mong baryo, wala kang makuhang mapapangasawa!”

“Kaya heto ka ngayon, parang inahing pusang naglalandi, panay ang pagporma sa pag-aari ng iba. Kahit basura lang ang laman ng basurahan, kinakalkal mo pa rin at inaasta mong kayamanan ang mga iyon!”

Pagkasambit pa lamang ni Valeria ng mga salitang iyon, agad siyang dumampot ng isang baso ng alak mula sa mesa sa harap ng sofa. Hindi niya alam kung anong uri ng alak iyon, ngunit wala na siyang pakialam. Walang pag-aatubili niya itong ibinuhos sa mukha ng babae.

Napahiyaw ang babae sa gulat. Ang babaeng kanina lamang ay ubod ng yabang at palaban na parang tandang panabong ay biglang nagmistulang basang sisiw, gusot ang ayos at basang-basa mula ulo hanggang mukha.

Bumuhos sa ulo ng babae ang malamig na alak, tuluyang nasira ang kaniyang make-up at nag-iwan ng malalaking mantsang madilim sa pulang damit nito.

“Kung hindi ka magsasalita, iisipin kong pipi ka.” patuloy niyang sambit.

Ibinaba ni Valeria ang baso ng alak at mahinahong pinagpag ang mga kamay, na para bang may alikabok siyang inaalis.

“Kung ikaw na mismo ang naghahanap ng kahihiyan, pagbibigyan kita.” aniya.

“Napakasama mong babae!” Nanginginig sa galit ang babae. Pagkatapos, lumingon siya kay Shaun, nagkunwaring naaagrabyado habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

“Mr. Shaun, sobra na siya! Hindi mo ba ako ipagtatanggol? Ikaw na ang humusga sa ginawa niya!”

Sanay na ang babaeng nakapulang bestida na murahin siya ng mga legal na asawa sa publiko. Bukod pa roon, ni katiting na pagsisisi ay wala sa lalaking katabi niya, kahit pa nahuli na sila sa akto.

Dahil dito, lalo siyang naglakas-loob. Akala niya, kakampihan siya ng lalaki at tutulungan siyang supilin ang sariling asawa nito.

Hindi inaasahan ng babae ang naging reaksiyon ni Shau . Pinagpag lamang nito ang mga bahid ng alak sa kanyang suit bago malamig na nag-utos, “Lumabas ka.”

Natigilan ang babae. Sandali siyang natulala bago muling nagsalita sa malambing at nagmamakaawang tinig.

“Mr. Shaun…”

“Hindi ko na uulitin.”

Lalong lumalim ang tinig ni Shaun malamig at mabigat, na nagdulot ng matinding panggigipit sa sinumang makarinig nito.

Namumutla ang babae at hindi na nangahas pang sumagot. Wala siyang nagawa kundi umalis nang tahimik, dala ang matinding kahihiyan.

Muling nanahimik ang pribadong silid. Tanging ang mahinang tugtog ng background music ang maririnig sa buong lugar.

Maya-maya, nag-angat ng tingin si Shaun kay Valeria at nagtanong, “Bakit ka nandito?”

Walang pakialam na sumagot si Valeria, “Hinahanap kita. Nanay mo ang nag-utos sa akin. Makinig ka sa nanay mo at umuwi ka nang maaga, bata.”

Lalong sumama ang timpla ni Shaun. Sumandal siya sa sofa at sadyang nagpakita ng pagsuway.

“Paano kung ayaw ko?” aniya.

“Valeria, tama na. Hindi naman ngayon lang nag-umpisang hindi umuwi sa bahay si Shaun,” muling singit ni Rayco na para bang sinasadya niyang gatungan ang tensiyon.

“Ngayon lang kita nakitang ganito kung umasta. May problema ba sa utak mo ngayon? Kapag may lakad ang lalaki para makipag-inuman at makisalamuha sa iba, dapat manatili lang sa bahay ang babae at tahimik na maghintay sa pagbabalik niya. Ano ba itong ginagawa mo? Bakit kailangan mo pang lumabas at gumawa ng eksena?”

Ngumiti si Valeria at mahinahong naupo sa nag-iisang sofa sa tabi niya.

“Sige, kung ganoon, huwag na nating seryosohin ang lahat.”

Akala ng lahat ay nagparaya na siya at maghihintay na lamang hanggang sa matapos si Shaun sa paglilibang bago sila umuwi. Ngunit sa sumunod na sandali, kumaway si Valeria kay Manager Baterzal na nakatayo sa may pintuan.

“Dalhin mo rito ang tablet.” utos niya.

“Ha?” Sandaling natigilan ang Manager sa hindi inaasahang utos ni Valeria.

Itinuro ni Valeria ang tablet na hawak nito at malinaw na inulit ang kanyang sinabi.

“Ibigay mo sa akin ang tablet. Hindi ba’t ipinakilala mo sa akin kanina sa may pintuan ang mga lalaking modelo ninyo? Sabi mo, lahat sila ay kahanga-hanga, magaganda ang pangangatawan, at napakahusay magbigay ng serbisyo. Tinatawag ninyo iyong ‘tatlong espesyal,’ hindi ba?” aniya.

Ngumiti si Valeria, bahagyang kumurba ang mga mata sa tuwa. “Sakto naman, may bakanteng oras ako ngayon. Ako na mismo ang susuri sa kanila.”

Pinawisan nang malamig ang Manager. Palihim siyang sumulyap kay Shaun, na ngayo’y nagdidilim ang mukha sa sobrang galit. Nauutal siyang nagsalita, “Madam Valeria a-aba, parang hindi naman yata ito nararapat. Si Mr. Shaun kasi…”

“Tama na ang kakadaldal.”

Biglang tumayo si Valeria, lumapit nang dalawang hakbang at basta na lamang inagaw ang tablet mula sa kamay ng Manager.

Pagkatapos, bumalik siya sa sofa at naupo. Walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya, sinimulan niyang mag-scroll sa screen ng tablet. Mabilis na gumagalaw ang kanyang mga daliri habang sunod-sunod niyang pinipindot ang mga nakikita rito.

Sunod-sunod na lumitaw sa screen ang mga larawan ng mga binatang modelo, pawang guwapo, bata pa, at may matipunong pangangatawan.

Habang isa-isang tinitingnan ni Valeria ang mga pahina, seryoso pa siyang nagbibigay ng sariling komento sa bawat larawang nakikita niya, na para bang talagang sinusuri niya ang mga ito.

“Tsk, hindi puwede ’to. Sobrang litaw ng mga abdominal muscles niya, para nang matigas na bakal ang tiyan. Siguradong magaspang sa baywang, ’di ba? Nakakatakot naman!”

“Hmm, ayos ’to. Manipis ang balat at maganda ang hubog ng katawan. Mukhang firm at makinis sa hawak. Siguradong masarap haplusin. Gusto ko ’to!”

Habang patuloy na nagsasalita si Valeria, biglang bumagsak ang temperatura ng buong pribadong silid. Lalong nagdilim ang mukha ni Shaun, na ngayon ay halos hindi na maipinta sa sobrang sama ng kanyang ekspresyon.

Napanganga rin si Rayco, hindi makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Maya-maya, napasigaw siya, “Valeria! Nababaliw ka na ba?!”

Ni hindi man lang nag-angat ng tingin si Valeria. Patuloy lang siya sa pagtingin sa tablet habang walang pakialam na sumagot, “Ano ngayon? Kayo ngang mga lalaki, ang luluwag ng sinturon, para kayong mga madulas na riles ng palaruan. Ano namang masama kung medyo malikot ang paningin ko habang bata pa ako?”

Tuluyang nawalan ng maisagot si Rayco sa matalas na sagot niya. Hanggang sa nagpatuloy parin si Valeria.

“Ang itim naman ng balat nito, parang toyo. Nakakadiri tingnan.”

“Uy! Ito, puwede na!”

Biglang nagningning ang mga mata ni Valeria nang may makita siyang nagustuhan. Huminto ang daliri niya sa isang larawan ng lalaking modelo at masusi niya itong pinagmasdan.

“V-shaped ang baywang, at higit sa lahat, maputi ang balat. Malinis at presko siyang tingnan.”

Matapos ang mahabang pagpili, sa wakas ay nakapili rin si Valeria ng pinakagusto niyang lalaking modelo. Iniabot niya ang tablet kay Manager Baterzal, na para bang napipilitan lamang at halos hindi maipinta ang mukha sa sama ng loob.

Kalmado ang kanyang tono, na para bang karaniwang pagkain lamang ang ino-order niya.

“Tatlo lang ang mga ’to. Sabihan mo silang bilisan ang pagpunta rito. Hindi na ako makapaghintay!” kalmado niyang tugon.

“Sapat na ba ang eksenang ginawa mo?”

Biglang umalingawngaw sa pribadong silid ang malamig at halatang naiinis na tinig ng isang lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 3: P1

    Saglit na natigilan si Manang Waning sa naging reaksiyon ni Valeria. Noon, kahit bahagyang sumakit lang ang ulo ni Shaun, nilalagnat, o sumasama ang loob nito, si Valeria ang unang nag-aalala at hindi mapakali.Hindi makapaniwala si Manang Waning sa nakikita niya kaya nag-atubili siyang magsalita. “Pero…”“Wala nang pero-pero.”Agad na pinutol ni Valeria ang sasabihin ni Manang Waning habang paakyat ng hagdan.“Matanda na siya. Hindi naman ako ang nanay niya para araw-araw ko siyang alagaan at pagbigyan. Kaya tuloy, nasanay siyang gawin ang lahat ng gusto niya.”Pagkasabi nito, tuluyan nang naglaho sa liko ng hagdan ang payat at magandang tindig ni Valeria.Kung hindi pa siya tinawagan ng biyenan niya at paulit-ulit na inutusang sunduin si Shaun, hindi niya sana ito naiuwing muli.Dapat ay mahimbing na siyang natutulog ngayon, sa halip na umuwi nang nangangamoy usok, alak, at pabango. Sobrang hindi komportable sa pakiramdam niya ang lahat ng iyon.Muling naligo si Valeria. Ngunit nang

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 2: P2

    “Pasaherong may booking number na nagtatapos sa 7788?”Walang pag-aalinlangang binuksan ni Valeria ang pinto ng sasakyan at sumakay. Kasabay ng pagpasok ng malamig na hangin sa loob, lumingon siya kay Rayco at iniwan dito ang huli niyang pangungusap bago tuluyang isinara ang pinto.“Napakahilig mong makialam sa buhay pag-ibig ng iba, ano Rayco. Wala ka na bang ibang mapagkaabalahan?” aniya.“Valeria! Ang kapal talaga ng mukha mo!” galit na sigaw ni Rayco.Mula sa labas ng bintana ng sasakyan, narinig pa ni Valeria ang sunod-sunod na mura ni Rayco. Maya-maya, napasigaw ito sa sakit. Sa sobrang galit, sinipa niya ang isang haliging nasa gilid ng kalsada, ngunit siya rin ang napahamak at nasaktan ang paa.Samantala, sa loob ng sasakyan, hindi na marinig ang ingay sa labas at hindi na rin dama ang malamig na hangin ng gabi. Isang malungkot na kanta ang mahinang tumutugtog, lalo pang nagbibigay ng mapanglaw na himig sa tahimik na paligid.Hindi namalayan ni Valeria na unti-unti na siyang n

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 2: P1

    Biglang tumayo si Shaun, ang kauna-unahang naging kasintahan ni Valeria. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito at hinila palayo sa sofa bago siya mabilis na inilabas ng pribadong silid.Napasuray si Valeria habang hinihila siya ni Shaun. Habang sumusunod, hindi niya napigilang magreklamo sa sarili, “Hindi ba’t nandito tayo para magsaya? Hindi pa nga dumadating ’yung mga pogi na ipinatawag ko kanina.”Pagkarinig sa sinabi niya, biglang huminto si Shaun at humarap sa kanya. Nakatitig sa kanya ang malalim nitong mga mata.“Masaya ba?” seryusong tanong nito.“Syempre naman! Ikaw nga, mukhang tuwang-tuwa rin kanina!” agad na sagot ni Valeria.Hinimas ni Valeria ang namumulang pulsuhan niya bago nag-angat ng tingin kay Shaun at ngumiti nang mapanghamon.“Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng gumawa ng kung ano-ano? Kapag ako na ang gumawa, bawal na?” “Dahil gustong-gusto mong maglaro, sige! Magpakasaya ka hangga’t gusto mo!”Malamig na binitiwan ni Shaun ang mga salitang iyon bago mabilis

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 1: P2

    Kaswal na sinulyapan ni Valeria ang babae bago siya walang pag-aatubiling gantihan ito ng matalim na sagot.“Kung lagi mong kinukuwestiyon ang sarili mong halaga gaya ng ginagawa mo, hindi kataka-takang kahit sa sarili mong baryo, wala kang makuhang mapapangasawa!”“Kaya heto ka ngayon, parang inahing pusang naglalandi, panay ang pagporma sa pag-aari ng iba. Kahit basura lang ang laman ng basurahan, kinakalkal mo pa rin at inaasta mong kayamanan ang mga iyon!”Pagkasambit pa lamang ni Valeria ng mga salitang iyon, agad siyang dumampot ng isang baso ng alak mula sa mesa sa harap ng sofa. Hindi niya alam kung anong uri ng alak iyon, ngunit wala na siyang pakialam. Walang pag-aatubili niya itong ibinuhos sa mukha ng babae.Napahiyaw ang babae sa gulat. Ang babaeng kanina lamang ay ubod ng yabang at palaban na parang tandang panabong ay biglang nagmistulang basang sisiw, gusot ang ayos at basang-basa mula ulo hanggang mukha.Bumuhos sa ulo ng babae ang malamig na alak, tuluyang nasira ang

  • The Wife Who Terminated The Billionaire's Love    Chapter 1: P1

    “Papasok na ba tayo?”“Tshhh.”Matagal ding nakatayo si Valeria sa may pintuan ng pribadong silid na bahagyang nakabukas, naghihintay bago tuluyang pumasok.Umaalingawngaw mula sa loob ng silid ang napakalakas na tugtog, kasabay ng walang pakundangang tawanan ng mga lalaki at mapang-akit na tinig ng mga babae.Nakatayo naman si Manager Baterzal nang bahagyang nasa likuran ni Valeria. Bahagya siyang nakayuko, halatang kinakabahan at takot na takot, ni hindi man lang maglakas-loob na huminga nang malalim.“Wala talaga akong ideya kung ano ang binabalak ni Madam Valeria.”“Ang sabi nila, mahuhuli nila siya sa akto, pero hanggang ngayon, hindi naman talaga sila pumapasok sa loob.”“Ang ibig mong sabihin, nalulungkot ka ba? Pero parang kalmado ka lang naman.”Nakatitig lamang siya sa mga nagaganap sa loob ng pribadong silid, hindi inaalis ang tingin sa tagpong nasa harapan niya.Sa ilalim ng kumikinang na kristal na chandelier, napalilibutan ng kani-kanilang kaakit-akit at mahahinhing kumi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status