LOGINSaglit na natigilan si Manang Waning sa naging reaksiyon ni Valeria. Noon, kahit bahagyang sumakit lang ang ulo ni Shaun, nilalagnat, o sumasama ang loob nito, si Valeria ang unang nag-aalala at hindi mapakali.
Hindi makapaniwala si Manang Waning sa nakikita niya kaya nag-atubili siyang magsalita. “Pero…”
“Wala nang pero-pero.”
Agad na pinutol ni Valeria ang sasabihin ni Manang Waning habang paakyat ng hagdan.
“Matanda na siya. Hindi naman ako ang nanay niya para araw-araw ko siyang alagaan at pagbigyan. Kaya tuloy, nasanay siyang gawin ang lahat ng gusto niya.”
Pagkasabi nito, tuluyan nang naglaho sa liko ng hagdan ang payat at magandang tindig ni Valeria.
Kung hindi pa siya tinawagan ng biyenan niya at paulit-ulit na inutusang sunduin si Shaun, hindi niya sana ito naiuwing muli.
Dapat ay mahimbing na siyang natutulog ngayon, sa halip na umuwi nang nangangamoy usok, alak, at pabango. Sobrang hindi komportable sa pakiramdam niya ang lahat ng iyon.
Muling naligo si Valeria. Ngunit nang lumabas siya ng banyo, hindi parin umaakyat si Shaun sa itaas.
Gusto ba niyang siya mismo ang bumaba at magmakaawang umakyat ito?
Imposibleng mangyari iyon.
Binuksan ni Valeria ang drawer ng kaniyang tokador at inilabas mula sa salansan ng mga dokumento ang isang kasunduan sa diborsyo.
Tatlong buwan na ang nakalilipas nang kumonsulta siya sa isang abogado tungkol dito.
Ngayong nagbalik na si Janica, mas mabuti nang maghiwalay na sila nang maayos para wala ng gulo.
Habang nakatitig sa maiitim na titik ng papel, biglang nakaramdam ng pagkatuwa si Valeria. Dinampot niya ang kasunduan at iwinasiwas iyon sa hangin, habang iniisip kung paano niya iyon ihahampas sa mukha ni Shaun.
Anuman ang mangyari, hindi siya puwedeng magpatalo. Kailangan niyang panatilihin ang kaniyang angas hanggang sa huli.
Umubo nang bahagya si Valeria upang kunwari’y nililinaw ang kaniyang lalamunan. Pagkatapos, hinawakan niya sa pagitan ng dalawang daliri ang kasunduan sa diborsyo at basta na lamang inihagis iyon.
“Shaun, ito ang kasunduan sa diborsyo natin. Paki-pirmahan mo nalang.”
Hindi ba medyo sobra naman ang dating niyon?
Tutal, hindi naman iyon tseke na puwede niyang basta itapon at kalimutan na lang.
Kaya pinulot muli ni Valeria ang kasunduan. Sa pagkakataong ito, mas mahinahon na ang tono niya nang magsalita.
“Shaun, pirmahan na natin ang kasunduan sa diborsyo. Maghiwalay na tayo nang maayos.”
Pagkasabi niyon, ikinumpas ni Valeria ang kamay na para bang ihahagis na naman niya ang kasunduan. Ngunit mabilis din niya iyong binawi. Hindi niya napigilang matawa sa sarili.
“Hindi puwede. Hindi sapat ang dating niyan.”
Pabulong siyang nagsalita sa sarili, saka ilang ulit pang sinubukan ang iba’t ibang tono at kilos. Ihahagis niya ang kasunduan, pupulutin, ihahagis ulit, at pupulutin na naman.
Ngunit kahit ilang ulit siyang nagpraktis nang ganoon, hindi pa rin umaakyat si Shaun hanggang sa lumipas ang mahabang sandali.
Ibinalik ni Valeria sa drawer ang kasunduan sa diborsyo at napailing na lamang habang natatawang minamaliit ang sarili.
“Talagang pambihira ang puwersang taglay ng isang Diwata. Balita ko, mula nang bumalik siya, walang tigil sa pag-inom si Shaun para lunurin ang kaniyang kalungkutan. Nag-aalala kaya siya kung paano susuwayin ang pamilya niya para tuluyan nang makipaghiwalay sa istorbo niyang asawa?” muli niyang usal sa sarili.
Hindi na niya pag-aaksayahan pa ng panahon ang pagsuyo rito. Buo ang pasya niyang ibinukod ang kumot, humiga sa kama, at nagpasyang matulog na lamang.
Hindi niya napigilang magpantasya. Paano kung uminom si Shaun hanggang sa mamatay? Sa ganoong paraan, mamanahin niya ang kayamanan nito at magiging isang mayamang biyuda na kayang umupa ng sampung lalaking modelo nang sabay-sabay.
Samantala sa ibaba ng villa.
Tahimik na nakaupo si Shaun sa may island counter habang halos kalahati na ng isang bote ng mamahaling wiski ang naiinom niya.
Malakas siyang uminom, kaya kahit ganoon karami na ang nainom niya, malayo pa siya sa puntong mawalan ng malay sa kalasingan. Malinaw pa rin ang kaniyang mga mata, ngunit hindi niya mawari kung bakit hindi siya mapakali. May kung anong bumabagabag sa kaniya, isang damdaming hindi niya maipaliwanag.
Maingat siyang pinayuhan ni Manang Waninghabang nakatayo sa tabi nito. “Sir, huwag na po kayong masyadong uminom. May pasok pa po kayo sa kumpanya bukas ng umaga.”
Hindi sumagot si Shaun. Sa halip, muli siyang sumulyap sa hagdan, tila umaasang may makikita roon.
Masyadong tahimik sa itaas. Wala ni katiting na ingay na maririnig mula roon.
Inis na hinila ni Shaun ang kuwelyo ng kaniyang damit, saka itinungo paatras ang ulo at inubos sa isang lagukan ang alak sa kaniyang baso.
Tila may napansin si Manang kaya nag-ipon siya ng lakas ng loob bago muling nagsalita. “Marahil ay pagod na pagod po si Madam ngayon, kaya nauna na siyang matulog.” aniya.
“Pagod?” Napangisi si Shaun nang may pangungutya. “Ano bang ginagawa niya buong araw? Isa lang siyang asawang nasa bahay, namumuhay nang komportable at hindi kailangang mag-alala sa kung anu-anong problema. Paano siya mas mapapagod kaysa sa akin na araw-araw kailangang harapin ang samu’t saring magulong bagay sa kumpanya?”
Hindi nakapagsalita si Manang. Gayunman, may mga pag-aalinlangan nang nagsimulang sumagi sa isip niya.
Sanay si Manang Waning na malambing at maalaga si Valeria kay Shaun. Ngunit ngayong araw, tila ibang tao ang kaniyang nakikita.
Dahil sa mga maiikling dramang madalas niyang panoorin kapag walang ginagawa, hindi tuloy niya maiwasang maghinala. Baka raw kakambal ni Valeria ang babaeng nakita niya kanina at nagkunwaring siya ito!
Bigla na lang ba siyang naging ibang tao, malamig at walang pakialam?
Kinabukasan ng umaga, mahimbing pa ring natutulog si Valeria nang may marahang tumapik sa kaniyang balikat upang gisingin siya.
“Hoy, bumangon ka na.” May bahid ng pagkainip ang malalim na tinig ng lalaki.
Kumunot ang noo ni Valeria, ngunit hindi pa rin niya idinilat ang mga mata. Antok na antok siyang bumulong, “Sino ba ’yan? Bakit ginugulo ang masarap kong panaginip nang ganito kaaga?”
“Valeria.” Bahagyang tumaas ang boses ni Shaun habang nakatingin ito sa kaniya. “Ano, nag-iinarte ka na bang parang isang emperatris? Kailangan ko pa bang makiusap nang tatlong beses bago mo ako tulungang magsuot ng kurbata?”
Sa huli, iminulat ni Valeria ang mga mata at bumungad sa kaniya ang guwapo at napakalapit na mukha ni Shaun.
Suot niya ang isang malinis at plantsadong itim na kamiseta na nakasara hanggang sa pinakaitaas na butones, kaya lalo siyang nagmukhang seryoso at malamig. Nakalaylay naman nang maluwag sa kaniyang leeg ang madilim na asul na kurbata, malinaw na nagpapahiwatig na hinihintay nitong tulungan siya ni Valeria na itali iyon.
Dati, tiyak na agad na babangon si Valeria mula sa kama at buong ingat na itatali ang kurbata ni Shaun. Sa tuwing aksidenteng dumadampi ang mga daliri niya sa nakausling bahagi ng lalamunan nito, hindi niya maiwasang mamula sa sobrang hiya.
Saglit na natigilan si Manang Waning sa naging reaksiyon ni Valeria. Noon, kahit bahagyang sumakit lang ang ulo ni Shaun, nilalagnat, o sumasama ang loob nito, si Valeria ang unang nag-aalala at hindi mapakali.Hindi makapaniwala si Manang Waning sa nakikita niya kaya nag-atubili siyang magsalita. “Pero…”“Wala nang pero-pero.”Agad na pinutol ni Valeria ang sasabihin ni Manang Waning habang paakyat ng hagdan.“Matanda na siya. Hindi naman ako ang nanay niya para araw-araw ko siyang alagaan at pagbigyan. Kaya tuloy, nasanay siyang gawin ang lahat ng gusto niya.”Pagkasabi nito, tuluyan nang naglaho sa liko ng hagdan ang payat at magandang tindig ni Valeria.Kung hindi pa siya tinawagan ng biyenan niya at paulit-ulit na inutusang sunduin si Shaun, hindi niya sana ito naiuwing muli.Dapat ay mahimbing na siyang natutulog ngayon, sa halip na umuwi nang nangangamoy usok, alak, at pabango. Sobrang hindi komportable sa pakiramdam niya ang lahat ng iyon.Muling naligo si Valeria. Ngunit nang
“Pasaherong may booking number na nagtatapos sa 7788?”Walang pag-aalinlangang binuksan ni Valeria ang pinto ng sasakyan at sumakay. Kasabay ng pagpasok ng malamig na hangin sa loob, lumingon siya kay Rayco at iniwan dito ang huli niyang pangungusap bago tuluyang isinara ang pinto.“Napakahilig mong makialam sa buhay pag-ibig ng iba, ano Rayco. Wala ka na bang ibang mapagkaabalahan?” aniya.“Valeria! Ang kapal talaga ng mukha mo!” galit na sigaw ni Rayco.Mula sa labas ng bintana ng sasakyan, narinig pa ni Valeria ang sunod-sunod na mura ni Rayco. Maya-maya, napasigaw ito sa sakit. Sa sobrang galit, sinipa niya ang isang haliging nasa gilid ng kalsada, ngunit siya rin ang napahamak at nasaktan ang paa.Samantala, sa loob ng sasakyan, hindi na marinig ang ingay sa labas at hindi na rin dama ang malamig na hangin ng gabi. Isang malungkot na kanta ang mahinang tumutugtog, lalo pang nagbibigay ng mapanglaw na himig sa tahimik na paligid.Hindi namalayan ni Valeria na unti-unti na siyang n
Biglang tumayo si Shaun, ang kauna-unahang naging kasintahan ni Valeria. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito at hinila palayo sa sofa bago siya mabilis na inilabas ng pribadong silid.Napasuray si Valeria habang hinihila siya ni Shaun. Habang sumusunod, hindi niya napigilang magreklamo sa sarili, “Hindi ba’t nandito tayo para magsaya? Hindi pa nga dumadating ’yung mga pogi na ipinatawag ko kanina.”Pagkarinig sa sinabi niya, biglang huminto si Shaun at humarap sa kanya. Nakatitig sa kanya ang malalim nitong mga mata.“Masaya ba?” seryusong tanong nito.“Syempre naman! Ikaw nga, mukhang tuwang-tuwa rin kanina!” agad na sagot ni Valeria.Hinimas ni Valeria ang namumulang pulsuhan niya bago nag-angat ng tingin kay Shaun at ngumiti nang mapanghamon.“Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng gumawa ng kung ano-ano? Kapag ako na ang gumawa, bawal na?” “Dahil gustong-gusto mong maglaro, sige! Magpakasaya ka hangga’t gusto mo!”Malamig na binitiwan ni Shaun ang mga salitang iyon bago mabilis
Kaswal na sinulyapan ni Valeria ang babae bago siya walang pag-aatubiling gantihan ito ng matalim na sagot.“Kung lagi mong kinukuwestiyon ang sarili mong halaga gaya ng ginagawa mo, hindi kataka-takang kahit sa sarili mong baryo, wala kang makuhang mapapangasawa!”“Kaya heto ka ngayon, parang inahing pusang naglalandi, panay ang pagporma sa pag-aari ng iba. Kahit basura lang ang laman ng basurahan, kinakalkal mo pa rin at inaasta mong kayamanan ang mga iyon!”Pagkasambit pa lamang ni Valeria ng mga salitang iyon, agad siyang dumampot ng isang baso ng alak mula sa mesa sa harap ng sofa. Hindi niya alam kung anong uri ng alak iyon, ngunit wala na siyang pakialam. Walang pag-aatubili niya itong ibinuhos sa mukha ng babae.Napahiyaw ang babae sa gulat. Ang babaeng kanina lamang ay ubod ng yabang at palaban na parang tandang panabong ay biglang nagmistulang basang sisiw, gusot ang ayos at basang-basa mula ulo hanggang mukha.Bumuhos sa ulo ng babae ang malamig na alak, tuluyang nasira ang
“Papasok na ba tayo?”“Tshhh.”Matagal ding nakatayo si Valeria sa may pintuan ng pribadong silid na bahagyang nakabukas, naghihintay bago tuluyang pumasok.Umaalingawngaw mula sa loob ng silid ang napakalakas na tugtog, kasabay ng walang pakundangang tawanan ng mga lalaki at mapang-akit na tinig ng mga babae.Nakatayo naman si Manager Baterzal nang bahagyang nasa likuran ni Valeria. Bahagya siyang nakayuko, halatang kinakabahan at takot na takot, ni hindi man lang maglakas-loob na huminga nang malalim.“Wala talaga akong ideya kung ano ang binabalak ni Madam Valeria.”“Ang sabi nila, mahuhuli nila siya sa akto, pero hanggang ngayon, hindi naman talaga sila pumapasok sa loob.”“Ang ibig mong sabihin, nalulungkot ka ba? Pero parang kalmado ka lang naman.”Nakatitig lamang siya sa mga nagaganap sa loob ng pribadong silid, hindi inaalis ang tingin sa tagpong nasa harapan niya.Sa ilalim ng kumikinang na kristal na chandelier, napalilibutan ng kani-kanilang kaakit-akit at mahahinhing kumi







