LOGIN
“Papasok na ba tayo?”
“Tshhh.”
Matagal ding nakatayo si Valeria sa may pintuan ng pribadong silid na bahagyang nakabukas, naghihintay bago tuluyang pumasok.
Umaalingawngaw mula sa loob ng silid ang napakalakas na tugtog, kasabay ng walang pakundangang tawanan ng mga lalaki at mapang-akit na tinig ng mga babae.
Nakatayo naman si Manager Baterzal nang bahagyang nasa likuran ni Valeria. Bahagya siyang nakayuko, halatang kinakabahan at takot na takot, ni hindi man lang maglakas-loob na huminga nang malalim.
“Wala talaga akong ideya kung ano ang binabalak ni Madam Valeria.”
“Ang sabi nila, mahuhuli nila siya sa akto, pero hanggang ngayon, hindi naman talaga sila pumapasok sa loob.”
“Ang ibig mong sabihin, nalulungkot ka ba? Pero parang kalmado ka lang naman.”
Nakatitig lamang siya sa mga nagaganap sa loob ng pribadong silid, hindi inaalis ang tingin sa tagpong nasa harapan niya.
Sa ilalim ng kumikinang na kristal na chandelier, napalilibutan ng kani-kanilang kaakit-akit at mahahinhing kumilos na babaeng kasama ang isang grupo ng mayayamang binata.
Ang ilan ay abalang nag-iinuman, ang iba nama’y masayang nagkukuwentuhan, habang ang ilan ay sinasamantala ang pagkakataong maging malapit sa mga babaeng kasama nila.
Hindi rin naiiba rito ang asawa niyang si Shaun, na tatlong taon na niyang nakasama bilang buhay may-asawa.
Nakahilig si Shaun sa malambot na pelus na sofa sa gitna ng silid, tila walang anumang inaalala. Magkakrus ang mahahaba niyang mga binti habang may hawak na sigarilyo sa pagitan ng mga daliri. Unti-unting pumapailanlang ang usok, bahagyang tumatakip sa kaniyang guwapo at matikas na mukha.
Katabi niya ang isang babaeng nakasuot ng kapansin-pansing pulang damit. Tila hindi man lang ito naaabala sa usok ng sigarilyong hinihithit ni Shaun, at nananatili lamang sa tabi nito.
“Mr. Shaun napakabata mo pa, marangya, at guwapo. Siguradong hindi ka pa kasal, ano?” malambing na tanong ng babae.
Bahagyang tinaas ni Shaun ang isang kilay. Iniangat niya ang kamay na may hawak na sigarilyo, dahilan upang kumislap ang platinum na singsing sa kaniyang daliri, na naglalabas ng mumunting kislap sa ilalim ng liwanag.
“Sa tingin mo?” malamig at mahirap basahin ang tono ng kaniyang boses.
“Naku, nakakainis ka naman!” pabirong reklamo ng babae habang napapatingin sa singsing na pangkasal sa daliri ni Shaun. Marahan niya itong tinapik sa braso saka humagikgik.
“Kung ganoon ba, mas maganda ang asawa mo kaysa sa akin?”
Humithit ng sigarilyo si Shaun bago dahan-dahang ibinuga ang usok. Sinulyapan niya ang babae sa tabi niya, bahagyang nakangiti ngunit may mapanuyang tingin sa mga mata.
“Bakit? Gusto mong maging asawa ko?”
Dahil sa naging tugon ni Shaun, lalong lumakas ang loob ng babae at buong tapang itong nagsalita.
“Mr. Shaun, kahit maging isang nakababatang kapatid mo na lang ako, ayos lang sa akin.”
Agad na umalingawngaw ang makahulugang tawanan sa buong pribadong silid.
“Hahaha! Ang babaeng ’to, hindi na talaga nagpapaligoy-ligoy!”. bulalas ng isa.
“Mas may lakas ng loob siya kaysa sa mga babaeng mahiyain at hindi makakilos nang diretso!” sumunod pa nito.
“May asawa si Shaun sa bahay. Baka kung ano-ano na ang nararamdaman ng hipag natin ngayon, kaya panay na ang bahing!” patuloy pa nito.
Halos tumulo na ang pawis ni Manager Baterzal sa sobrang kaba. Nang mapansing wala pa ring balak umalis si Valeria, iniunat niya ang kamay at itinulak ang p***o upang subukang awatin ang mga tao sa loob at maayos na lutasin ang sitwasyon.
Ngunit bago pa niya tuluyang maitulak ang p***o, pinigilan siya ni Valeria sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang braso.
Nang sumunod na sandali, walang anu-ano’y malakas na sinipa ni Valeria ang pintuan ng pribadong silid na bahagyang nakabukas.
“BANG!”
Napakalakas ng pagkakasipa niya sa p***o, animo’y ibinuhos niya roon ang buong lakas.
Malakas na bumangga sa dingding ang p***o, na nagdulot ng mapurol na dagundong sa buong silid.
Biglang naputol ang tawanan at malambingang usapan sa loob. Mahigit isang dosenang pares ng mga mata ang sabay-sabay na napalingon sa pintuan upang alamin kung sino ang biglaang dumating.
Dahan-dahang iminulat ni Shaun ang kaniyang mga mata. Nang makita kung sino ang dumating, bahagyang kumislap ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.
Walang anumang kolorete sa mukha si Valeria at simple lamang ang kaniyang pananamit. Sa gitna ng marangya at magarbo ngunit magulong kapaligiran, lalong namukod-tangi ang kaniyang payak na anyo, na tila hindi nababagay sa lugar na puno ng karangyaan at kalayawan.
Nawala ang karaniwang lambing sa maamo niyang mukha, at napalitan iyon ng malamig na ekspresyon. Hindi niya pinansin ang mga matang nakamasid at mapanuring sumusubaybay sa bawat kilos niya. Diretso siyang naglakad palapit kay Shaun.
“Mr. Shaun, at talaga namang nagpapakasarap ka lang sa buhay mo.” matigas niyang sabi.
“Kailan mo ba balak palitan ang puwesto ko bilang asawa mo? Sabihan mo lang ako nang maaga para hindi ako maging hadlang sa kalayawan mo.” sumunod pang sabi ni Valeria.
Nakatitig lamang si Shaun kay Valeria. Mahirap basahin ang ekspresyon sa kaniyang mukha, para bang kaharap niya ang isang estrangherang bigla na lamang sumulpot sa kaniyang harapan.
Bago pa man makapagsalita si Shaun, agad nang nakialam ang babaeng katabi niya. Dahil sa papuring natanggap nito kanina, lalong lumaki ang ulo ng babae at nagsimula siyang mangaral kay Valeria sa mapagmataas na tono, na para bang may karapatan siyang makialam sa kanilang mag-asawa.
“Miss, huwag ka nang magalit. Likas sa mga lalaki ang mahilig maglibang, kaya normal lang na magkaroon sila ng ibang babae. Kung hindi kayang panatilihin ng isang babae ang katapatan ng kaniyang asawa, ibig sabihin, may pagkukulang siya bilang asawa.”
Pagkasabi nito, mapanghamon na itinaas ng babae ang kaniyang baba habang nakatingin kay Valeria, waring sadyang sinusubok ang kanyang pasensiya.
“Imbes na mag-eskandalo ka rito na para kang isang masungit na babae, mas mabuting umuwi ka at pag-isipan kung ano ang mga pagkukulang mo at kung bakit hindi mo kayang makuha ang puso ng Shaun natin.” walang pakundangang sabi muli nito.
“Napakahusay ng pagkakasabi mo! Ang tapang mo talagang magsalita, hanga ako sa ’yo!”
Pumalakpak na nakisali si Rayco Linares, ang kaibigan ni Shaun mula pa noong pagkabata. Gaya ng nakagawian niya, hindi niya palalampasin ang pagkakataong makapanood ng isang magandang palabas.
Saglit na natigilan si Manang Waning sa naging reaksiyon ni Valeria. Noon, kahit bahagyang sumakit lang ang ulo ni Shaun, nilalagnat, o sumasama ang loob nito, si Valeria ang unang nag-aalala at hindi mapakali.Hindi makapaniwala si Manang Waning sa nakikita niya kaya nag-atubili siyang magsalita. “Pero…”“Wala nang pero-pero.”Agad na pinutol ni Valeria ang sasabihin ni Manang Waning habang paakyat ng hagdan.“Matanda na siya. Hindi naman ako ang nanay niya para araw-araw ko siyang alagaan at pagbigyan. Kaya tuloy, nasanay siyang gawin ang lahat ng gusto niya.”Pagkasabi nito, tuluyan nang naglaho sa liko ng hagdan ang payat at magandang tindig ni Valeria.Kung hindi pa siya tinawagan ng biyenan niya at paulit-ulit na inutusang sunduin si Shaun, hindi niya sana ito naiuwing muli.Dapat ay mahimbing na siyang natutulog ngayon, sa halip na umuwi nang nangangamoy usok, alak, at pabango. Sobrang hindi komportable sa pakiramdam niya ang lahat ng iyon.Muling naligo si Valeria. Ngunit nang
“Pasaherong may booking number na nagtatapos sa 7788?”Walang pag-aalinlangang binuksan ni Valeria ang pinto ng sasakyan at sumakay. Kasabay ng pagpasok ng malamig na hangin sa loob, lumingon siya kay Rayco at iniwan dito ang huli niyang pangungusap bago tuluyang isinara ang pinto.“Napakahilig mong makialam sa buhay pag-ibig ng iba, ano Rayco. Wala ka na bang ibang mapagkaabalahan?” aniya.“Valeria! Ang kapal talaga ng mukha mo!” galit na sigaw ni Rayco.Mula sa labas ng bintana ng sasakyan, narinig pa ni Valeria ang sunod-sunod na mura ni Rayco. Maya-maya, napasigaw ito sa sakit. Sa sobrang galit, sinipa niya ang isang haliging nasa gilid ng kalsada, ngunit siya rin ang napahamak at nasaktan ang paa.Samantala, sa loob ng sasakyan, hindi na marinig ang ingay sa labas at hindi na rin dama ang malamig na hangin ng gabi. Isang malungkot na kanta ang mahinang tumutugtog, lalo pang nagbibigay ng mapanglaw na himig sa tahimik na paligid.Hindi namalayan ni Valeria na unti-unti na siyang n
Biglang tumayo si Shaun, ang kauna-unahang naging kasintahan ni Valeria. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito at hinila palayo sa sofa bago siya mabilis na inilabas ng pribadong silid.Napasuray si Valeria habang hinihila siya ni Shaun. Habang sumusunod, hindi niya napigilang magreklamo sa sarili, “Hindi ba’t nandito tayo para magsaya? Hindi pa nga dumadating ’yung mga pogi na ipinatawag ko kanina.”Pagkarinig sa sinabi niya, biglang huminto si Shaun at humarap sa kanya. Nakatitig sa kanya ang malalim nitong mga mata.“Masaya ba?” seryusong tanong nito.“Syempre naman! Ikaw nga, mukhang tuwang-tuwa rin kanina!” agad na sagot ni Valeria.Hinimas ni Valeria ang namumulang pulsuhan niya bago nag-angat ng tingin kay Shaun at ngumiti nang mapanghamon.“Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng gumawa ng kung ano-ano? Kapag ako na ang gumawa, bawal na?” “Dahil gustong-gusto mong maglaro, sige! Magpakasaya ka hangga’t gusto mo!”Malamig na binitiwan ni Shaun ang mga salitang iyon bago mabilis
Kaswal na sinulyapan ni Valeria ang babae bago siya walang pag-aatubiling gantihan ito ng matalim na sagot.“Kung lagi mong kinukuwestiyon ang sarili mong halaga gaya ng ginagawa mo, hindi kataka-takang kahit sa sarili mong baryo, wala kang makuhang mapapangasawa!”“Kaya heto ka ngayon, parang inahing pusang naglalandi, panay ang pagporma sa pag-aari ng iba. Kahit basura lang ang laman ng basurahan, kinakalkal mo pa rin at inaasta mong kayamanan ang mga iyon!”Pagkasambit pa lamang ni Valeria ng mga salitang iyon, agad siyang dumampot ng isang baso ng alak mula sa mesa sa harap ng sofa. Hindi niya alam kung anong uri ng alak iyon, ngunit wala na siyang pakialam. Walang pag-aatubili niya itong ibinuhos sa mukha ng babae.Napahiyaw ang babae sa gulat. Ang babaeng kanina lamang ay ubod ng yabang at palaban na parang tandang panabong ay biglang nagmistulang basang sisiw, gusot ang ayos at basang-basa mula ulo hanggang mukha.Bumuhos sa ulo ng babae ang malamig na alak, tuluyang nasira ang
“Papasok na ba tayo?”“Tshhh.”Matagal ding nakatayo si Valeria sa may pintuan ng pribadong silid na bahagyang nakabukas, naghihintay bago tuluyang pumasok.Umaalingawngaw mula sa loob ng silid ang napakalakas na tugtog, kasabay ng walang pakundangang tawanan ng mga lalaki at mapang-akit na tinig ng mga babae.Nakatayo naman si Manager Baterzal nang bahagyang nasa likuran ni Valeria. Bahagya siyang nakayuko, halatang kinakabahan at takot na takot, ni hindi man lang maglakas-loob na huminga nang malalim.“Wala talaga akong ideya kung ano ang binabalak ni Madam Valeria.”“Ang sabi nila, mahuhuli nila siya sa akto, pero hanggang ngayon, hindi naman talaga sila pumapasok sa loob.”“Ang ibig mong sabihin, nalulungkot ka ba? Pero parang kalmado ka lang naman.”Nakatitig lamang siya sa mga nagaganap sa loob ng pribadong silid, hindi inaalis ang tingin sa tagpong nasa harapan niya.Sa ilalim ng kumikinang na kristal na chandelier, napalilibutan ng kani-kanilang kaakit-akit at mahahinhing kumi







