LOGINNang araw na sinundan ni Valeria, Guerera ang kanyang asawa sa isang party, doon niya napag-alamang nakikipaglaro pala siya sa mga babae. Kaya nang mag-file siya ng divorce certificate, agad na siyang naglaho sa buhay nito.
View MoreSaglit na natigilan si Manang Waning sa naging reaksiyon ni Valeria. Noon, kahit bahagyang sumakit lang ang ulo ni Shaun, nilalagnat, o sumasama ang loob nito, si Valeria ang unang nag-aalala at hindi mapakali.Hindi makapaniwala si Manang Waning sa nakikita niya kaya nag-atubili siyang magsalita. “Pero…”“Wala nang pero-pero.”Agad na pinutol ni Valeria ang sasabihin ni Manang Waning habang paakyat ng hagdan.“Matanda na siya. Hindi naman ako ang nanay niya para araw-araw ko siyang alagaan at pagbigyan. Kaya tuloy, nasanay siyang gawin ang lahat ng gusto niya.”Pagkasabi nito, tuluyan nang naglaho sa liko ng hagdan ang payat at magandang tindig ni Valeria.Kung hindi pa siya tinawagan ng biyenan niya at paulit-ulit na inutusang sunduin si Shaun, hindi niya sana ito naiuwing muli.Dapat ay mahimbing na siyang natutulog ngayon, sa halip na umuwi nang nangangamoy usok, alak, at pabango. Sobrang hindi komportable sa pakiramdam niya ang lahat ng iyon.Muling naligo si Valeria. Ngunit nang
“Pasaherong may booking number na nagtatapos sa 7788?”Walang pag-aalinlangang binuksan ni Valeria ang pinto ng sasakyan at sumakay. Kasabay ng pagpasok ng malamig na hangin sa loob, lumingon siya kay Rayco at iniwan dito ang huli niyang pangungusap bago tuluyang isinara ang pinto.“Napakahilig mong makialam sa buhay pag-ibig ng iba, ano Rayco. Wala ka na bang ibang mapagkaabalahan?” aniya.“Valeria! Ang kapal talaga ng mukha mo!” galit na sigaw ni Rayco.Mula sa labas ng bintana ng sasakyan, narinig pa ni Valeria ang sunod-sunod na mura ni Rayco. Maya-maya, napasigaw ito sa sakit. Sa sobrang galit, sinipa niya ang isang haliging nasa gilid ng kalsada, ngunit siya rin ang napahamak at nasaktan ang paa.Samantala, sa loob ng sasakyan, hindi na marinig ang ingay sa labas at hindi na rin dama ang malamig na hangin ng gabi. Isang malungkot na kanta ang mahinang tumutugtog, lalo pang nagbibigay ng mapanglaw na himig sa tahimik na paligid.Hindi namalayan ni Valeria na unti-unti na siyang n
Biglang tumayo si Shaun, ang kauna-unahang naging kasintahan ni Valeria. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito at hinila palayo sa sofa bago siya mabilis na inilabas ng pribadong silid.Napasuray si Valeria habang hinihila siya ni Shaun. Habang sumusunod, hindi niya napigilang magreklamo sa sarili, “Hindi ba’t nandito tayo para magsaya? Hindi pa nga dumadating ’yung mga pogi na ipinatawag ko kanina.”Pagkarinig sa sinabi niya, biglang huminto si Shaun at humarap sa kanya. Nakatitig sa kanya ang malalim nitong mga mata.“Masaya ba?” seryusong tanong nito.“Syempre naman! Ikaw nga, mukhang tuwang-tuwa rin kanina!” agad na sagot ni Valeria.Hinimas ni Valeria ang namumulang pulsuhan niya bago nag-angat ng tingin kay Shaun at ngumiti nang mapanghamon.“Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng gumawa ng kung ano-ano? Kapag ako na ang gumawa, bawal na?” “Dahil gustong-gusto mong maglaro, sige! Magpakasaya ka hangga’t gusto mo!”Malamig na binitiwan ni Shaun ang mga salitang iyon bago mabilis
Kaswal na sinulyapan ni Valeria ang babae bago siya walang pag-aatubiling gantihan ito ng matalim na sagot.“Kung lagi mong kinukuwestiyon ang sarili mong halaga gaya ng ginagawa mo, hindi kataka-takang kahit sa sarili mong baryo, wala kang makuhang mapapangasawa!”“Kaya heto ka ngayon, parang inahing pusang naglalandi, panay ang pagporma sa pag-aari ng iba. Kahit basura lang ang laman ng basurahan, kinakalkal mo pa rin at inaasta mong kayamanan ang mga iyon!”Pagkasambit pa lamang ni Valeria ng mga salitang iyon, agad siyang dumampot ng isang baso ng alak mula sa mesa sa harap ng sofa. Hindi niya alam kung anong uri ng alak iyon, ngunit wala na siyang pakialam. Walang pag-aatubili niya itong ibinuhos sa mukha ng babae.Napahiyaw ang babae sa gulat. Ang babaeng kanina lamang ay ubod ng yabang at palaban na parang tandang panabong ay biglang nagmistulang basang sisiw, gusot ang ayos at basang-basa mula ulo hanggang mukha.Bumuhos sa ulo ng babae ang malamig na alak, tuluyang nasira ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.