Share

Chapter 71

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-07-24 22:02:21

Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi, dinalaw na ng antok si Callie. Paulit-ulit siyang humihikab, kaya naman binuhat na siya ng kanyang ama para ihatid sa kwarto. Ngunit sinalubong siya ng kanyang ina.

“Ako na ang bahala kay Callie ngayong gabi, matulog ka naman nang mag-isa para makapahinga ka rin.”

Mabilis na umiling ang lalaki.

“Hindi pwede Ma, kasi kapag nagising siya sa madaling-araw at wala ako sigurado akong iiyak siya.”

Ngumiti ang kanyang ina.

“Kung ganun ay tatawagin ka na lang namin k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 97

    Nang makita ng babae si Arabella, mabilis na dumaan ang malamig na tingin nito bago muling ngumiti. Umupo si Valentina sa tabi ni Stephanie, habang si Nathaniel naman ay natural na naupo sa tabi nito. Gumaan ang pakiramdam ni Arabella nang mawalan siya ng katabi. “Ano ba yan Papa, hindi mo naman sinabi na darating din si Tita Valentina.” biglang sabi ni Callie na halatang hindi natuwa.Agad naman na malumanay na nagpaliwanag si Valentina. “Baby biglaan lang kasi akong tumawag sa Papa mo. Hindi niya lang siguro nasabi sayo agad na parating ako, tapos sakto kasi na tapos na ang customized doll na ipinagawa ko para sayo. Mamaya ibibigay ko yun sayo after dinner, okay?”“Okat, thank you po.”Nagpasalamat si Callie, pero halata sa bata na wala itong gaanong sigla.“Always welcome baby.” nakangiting sagot ni Valentina. Napangiti nang mapait si Arabella, alam niyang magaling talaga magpanggap si Valentina. Sa paraan ng pakikitungo ni Stephani dito, malinaw na itinuring na niya itong manu

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 96

    Napabuntong-hininga na lang ang lalaki at napapisil sa pagitan ng kanyang mga kilay.“Kung pumayag na pala kayo, ano pa magagawa ko? Hindi naman na natin pwede pang bawiin iyan kay Callie. Sasama lang ang loob sa atin ng bata.”“Ayos lang naman iyon. Tutal gusto ko rin naman makilala kung sino talaga ang babaeng kinababaliwan ng apo ko. Isang beses pa lang sila nagkikita ni Callie, pero grabe na ang pagka-obsessed sa kanya nito. Si Valentina nga, napakabait naman sa apo ko pero ni minsan hindi niya hiniling na imbitahin para makapag dinner dito.” sagot ni Stephanie. “Kayo na ang bahala jan.” maikling tugon ni Nathaniel. Hindi na sumagot pa ang kanyang ina, kaya naman dumiretso na siya sa kwarto ng kanyang anak. Nakita niya na mahimbing na natutulog ang kanyang munting prinsesa, nilapitan niya at kinumutan. Ilang minuto rin niyang tinitigan ang kanyang anak bago niya hinalikan ang noo nito, nag half-bath muna siya bago tinabihan sa pag tulog ang anak. Kinabukasan, nakatanggap si Ara

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 95

    Hindi makapaniwala si Arabella, sa dinami-dami ng lugar dito sa Taguig. Talagang nakita na naman niya ang taong iniiwasan na niyang makita. Napailing na lang ang babae sa kanyang isip, talagang mahilig siyang paglaruan ng tadhana.Nakita niyang umorder din ng isang tasa ng kape ang lalaki, mukhang may hinihintay rin ito. Hindi na siya nag-aksaya ng kahit isang tingin. Itinuon niya na lang ang buong atensyon niya sa kanyang laptop, na para bang walang taong nakaupo sa tapat niya.Abala siyang pag-aralan ang mga reports sa kanyang laptop, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Lhanze pala ang tumatawag, agad naman niya itong sinagot. “Hello, Ara malapit na ko. Mga ten minutes away na lang siguro to.”“Sige ayos lang, ingat sa pagmamaneho.” Nang maibaba na niya ang tawag, tumayo siya upang magtungo sa restroom. Pagbalik niya, bigla siyang natigilan sa kanyang nakita. Dahil ang lalaking kanina ay nasa kabilang mesa ay nakaupo na mismo sa harap niya. Bahagyang lumaki ang mga ma

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 94

    Napatingin si Arabella sa mga pagkaing nasa mesa, halos paborito niya ang naroon. At halata rin na galing pa ito sa mamahaling restaurant. Umupo ang lalaki sa tapat niya at sabay silang nag almusal.Makalipas ang ilang sandali, biglang nagsalita ang lalaki. “Ano ba ang nangyari sayo kahapon? Bakit mo naman naisipan na mag-inom?”Natigilan ang babae sa pagsasandok ng lugaw. Alam niyang hindi niya kayang itago ang nangyari. Kaya naman buo niyang ikinuwento ang pagkikita nila ni Callie sa Monteverde Capital kahapon. Kung paano niya nakalaro at nayakap ang kanyang anak. Napabuntong-hininga si Lhanze sa kanyang mga narinig. “Siguro nga…may mga bagay talagang hindi kayang maputol kahit nang matagal na panahon.”Sandali siyang tumigil bago patuloy sa pagsasalita. “Marahil kaya magaan ang loob sayo ng bata dahil na rin sa lukso ng dugo.”Mapait na napangiti si Arabella."Siguro nga, pero isang bagay lang ang masasabi ko. Inaalagaan niya ng mabuti ang anak namin, halos lahat ng gusto at pa

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 93

    “Ulitin ko yung tanong, ano na ang status niyo ni Valentina?” Inulit ni Stephanie ang tanong sa kanyang anak dahil hindi ito sumasagot. “Napansin ko kasi na okay naman sila ng anak mo. Lumalaki na rin ang apo ko, hindi naman pwedeng ikaw lang ang palaging kasama niya. Panahon na rin para isipin mo rin ang sarili mo, hindi ka ba nakakaisip na mag-asawa ulit? Kasi kung mag-aasawa ka ulit, may makakasama ka ring mag-aalaga kay Callie.”“Siguro kapag mas malaki at matured na si Callie, saka ko na lang iisipin ang bagay na iyan.” mahinang sagot ng lalaki. Walang nagawa ang kanyang ina kundi ang mapabuntong hininga na lang. Alam niya rin kasi na wala siyang magagawa pag dating sa desisyon ng kanyang anak. Kung tutuusin, dahil sa anak nila, natanggap na sana niya si Arabella bilang manugang niya.Ngunit hindi niya inaasahang magagawa nitong iwan ang kanyang mag-ama. Sa tuwing iniisip niya iyon, lalo lang siyang nagagalit. Ano ba ang tingin nito sa mga Monteverde o sa anak niya?“By the wa

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 92

    Mabilis na lumapit si Lhanze, nang makita siya ni Arabella bahagyang gumaan ang pakiramdam niya. Nalaman niya kay Quinn kung nasaan si Arabella at mag-isang umiinom. Matapos silang mag-usap sa telepono, agad siyang nagmaneho papunta sa bar.Malalaking hakbang ang ginawa ni Lhanze hanggang sa makalapit siya kay Arabella. Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa bago ito nag-aalalang nagtanong. “Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?”Tumingin sa kanya ang babae at marahang umiling. “Ayos lang ako.”Tahimik namang pinagmamasdan ni Nathaniel ang dalawa. Humarap sa kanya si Lhanze, saka dumako ang tingin niya kay Sidney na patuloy na inaalalayan pa rin ng mga boduguard. Sa isang tingin pa lang, agad na niyang naintindihan ang nangyari. Bahagyang nagdilim ang kanyang ekspresyon, agad siyang bumaling ng tingin kay Nathaniel at magalang na nagtanong. “Sir Nathaniel, ano ba talaga ang nangyari rito?”Nagtagpo ang kanilang mga mata at sa isang iglap tila naging mabigat ang hangin sa paligid.

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 7

    Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 6

    “Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magaw

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 5

    Dahan-dahan binuksan ni Arabella ang pinto ng opisina ng kanyang professor.Nang iangat ni Lhanze ang kanyang ulo at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan, natigilan siya. Halos hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa harap niya.Nang magsalita ito, saka lamang niya ito nakilala.“Professor Lhan

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 1

    Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status