LOGINHindi na muling nagsalita si Nathaniel pagkatapos noon. Nanatili itong nakapokus sa pagmamaneho, habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mabigat na trapiko sa lungsod.
Sa loob ng kotse, tanging mahinang ugong lamang ng aircon at tunog ng mga sasakyan sa labas ang maririnig.Tahimik na pinaglalaruan ni Arabella ang kanyang mga daliri habang nakatingin sa labas ng bintana. Dumadaan ang mga ilaw sa labas, ngunit tila wala siyang nakikita dito, dahil masyadong magulo ang isip niya.
Paulit-ulit pa ring bumabalik sa kanya ang sinabi ni Nathaniel.
Marahan siyang huminga nang malalim bago tuluyang nagsalita.
“Monday na bukas,” mahina niyang sabi habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa bintana. “May oras ka ba sa hapon?”
Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Nathaniel ngunit hindi ito nagsalita.
“Pwede na siguro tayong pumunta sa korte para simulan ang proseso ng annulment,” dugtong niya. “Kahit tatlong buwan pa bago ako manganak, mas mabuting maasikaso na natin nang maaga.”
Hindi naman siya nagmamadali. Ngunit alam niyang hindi ganoon kabilis ang proseso ng annulment. Maaaring umabot pa iyon ng ilang taon.
Pero gusto na niyang ihanda ang sarili, dahil ayaw na niyang manatiling nakakapit sa isang bagay na malinaw namang matatapos din.
Saktong huminto ang sasakyan dahil sa isang pulang traffic light. At doon lamang siya nilingon ni Nathaniel. Malamig pa rin ang ekspresyon nito. Parang may kung anong hindi nito nagustuhan sa sinabi niya.
“Kung kailan ko gusto, iyon ang masusunod,” mariin nitong sabi.
Mababa lang ang boses nito, ngunit sapat upang maramdaman ni Arabella ang bigat ng bawat salita.
Hindi na siya sumagot. Wala rin naman siyang gustong ipaglaban pa.
Tahimik niyang ibinaba ang kanyang paningin habang pilit na nilulunok ang bigat sa kanyang dibdib.
Minsan naiisip niya kung bakit kahit sa paghihiwalay nila, kailangan si Nathaniel pa rin ang masunod. Parang hanggang dulo, wala pa rin siyang karapatang mamili para sa sarili niya.
Muling umandar ang sasakyan nang mag-green ang traffic light.
At tulad ng dati, bumalik na naman ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Tahimik lang silang bumiyahe hanggang sa tuluyang makarating sa lumang mansyon ng pamilya Monteverde.
Mula sa labas pa lamang ay kita na ang laki at karangyaan nito. Maliwanag ang buong bakuran, at maayos na nakahilera ang mga mamahaling sasakyan sa driveway.Dati, tuwing pumupunta siya roon, hindi niya maiwasang kabahan.
Pakiramdam niya noon ay isa siyang ordinaryong taong aksidenteng napunta sa mundong hindi naman talaga para sa kanya.
Pero ngayon, wala na siyang maramdaman kundi pagod.
Huminto ang sasakyan sa harap ng engrandeng entrada ng mansyon. Tahimik na tinanggal ni Arabella ang kanyang seatbelt.
Pagkababa nila sa sasakyan, agad na naunawaan ni Arabella kung bakit siya ipinatawag. Dahil sa batang dinadala niya.
Sa pamilya Monteverde, halos puro lalaki ang mga tagapagmana.
Dalawa ang anak ni Maricel Monteverde—sina Zack at Randie.
Si Zack ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Paolo ay may kambal na limang taong gulang, habang ang bunso na si Joshua ay dalawampu’t apat na taong gulang at wala pang asawa.
Si Randie naman ay may iisang anak lamang, iyon ay si Nathaniel.
Kaya nang malaman ng pamilya na babae ang dinadala ni Arabella, hindi maitago nina Maricel at Richard Monteverde ang kanilang tuwa.
“Talagang magandang balita ito,” masayang sabi ni Richard. “Simula nang dumating ang batang iyan, lalo pang gumanda ang kalagayan ko.”
Dahil mahalaga ang batang nasa kanyang sinapupunan, napilitan ding magpakita ng kabaitan si Stephanie—ang ina ni Nathaniel.
Tahimik lamang na nakaupo si Arabella, mahinahon at magalang sa bawat sagot niya.
Ngunit habang pinagmamasdan siya ni Stephanie na lumapad na ang katawan ni Arabella dahil sa pagbubuntis, maputla ang mukha, at laging nakayuko lalo lamang itong nainis. Pinipigilan lamang nito ang sarili dahil naroon si Maricel.
Dahil maganda ang mood ng matriarch, inabot ni Maricel kay Arabella ang isang mamahaling gold bracelet.
Nagulat siya at agad na tumanggi.
Ngunit marahang sabi ni Stephanie, “Kung bigay ni Mama, tanggapin mo.”
Sa isip nito, isa pa rin siyang simpleng babaeng hindi bagay sa kanilang marangyang pamilya.
Wala nagawa si Arabella kundi tanggapin ang bracelet.
“Salamat po, Lola.”
“Alagaan mong mabuti ang sarili mo para maipanganak mo nang malusog na bata.”
Ngumiti si Arabella at tumango.
Ngunit alam niyang hindi siya minamahal ng pamilyang ito dahil sa kung sino siya. Kundi dahil lamang sa batang dinadala niya.
Ang balak sana nilang maghapunan sa mansyon. Ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Nathanie.
Sa isang iglap, lumambot ang malamig nitong mukha. Napalitan ng lambing ang mga mata nito. Nagpunta siya sa balkonahe para sagutin ang tawag.
“Yes, babe?” mahina nitong sabi.
Tahimik na pinanood iyon ni Arabella. Napaisip siya bigla. Kung siguro ay naikasal si Nathaniel sa babaeng gusto nito, marahil ay magiging napakabuting asawa at ama nito.
“Oo, pupunta ako agad.”
Pagkababa ng tawag, lumabas si Nathaniel sa balkonahe at nakita si Arabella roon.
Nagtagpo ang kanilang mga mata, pagkatapos ay biglang sumikip ang dibdib ni Arabella.
“P-Pinapatawag ka ni Lola sa study,” mahinang sabi niya.Tumango lamang ang lalaki at umalis nang walang anumang salita.
Sa study room, naroon sina Maricel at Richard.
“Nathaniel,” mahinahong sabi ni Maricel, “alam naming hindi mo gusto si Arabella. Pero malapit na siyang manganak. Mahinahon siya, matatag, at edukado naman siya. Siya ang klase ng babaeng kayang alagaan ang pamilya at ang iyong anak.”
Tahimik lang si Nathaniel.
Ngunit ang bahagyang pagkakunot ng noo nito ay sapat na upang ipakita ang kanyang pagkainis sa sinabi nito.
Nagpatuloy si Richard.
“Sa ngayon, hindi dapat magbago ang iyong marital status. Kung ayaw mo talaga sa kanya, manatili muna kayo nang isa o hanggang dalawang taon.”
Dagdag pa ni Maricel, “Hintayin ninyong lumaki nang kaunti ang bata bago kayo maghiwalay. Alam mo namang maraming nagmamasid sa pamilya natin.”
Makalipas ang ilang sandali, malamig na sumagot si Nathaniel.
“Naiintindihan ko.”
Nang bumalik si Arabella sa sala, sinabi ni Maricel: “May biglaang trabaho si Nathaniel kaya umalis na siya. Ipapahatid na lang kita sa driver.”
“Sige po,” tugon ni Arabella.
Bago siya umalis, nagbilin pa si Maricel.
“Kahit buntis ka, hindi ibig sabihin pababayaan mo na sarili mo. Hindi sapat na mahal mo ang asawa mo. Kailangan marunong ka ring panatilihin ang halaga mo sa pamilyang ito.”
Walang naisagot si Arabella.
Ngunit malinaw sa kanya ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.
Kung gusto niyang manatili sa pamilyang Monteverde, kailangan niyang magbago, dahil hindi pa siya sapat para dito.
Pagsapit ng gabi, ikinagulat niya nang umuwi si Nathaniel. Ang lalaking kaninang umaga ay humiling ng annulment.
“Magluto ka ng sopas at dalhin mo sa study room ko.”
Pagkasabi niyon, umakyat na ito.
Tahimik na nagtungo si Arabella sa kusina at naghanda ng mainit na sabaw.Pagpasok niya sa study, nakita niya si Nathaniel na abala sa pagbabasa ng mga dokumento.
Tahimik niyang inilapag ang sopas at agad ding lumabas.
Kahit mag-asawa sila, hindi sila nagsasama sa iisang silid.
Si Nathaniel ay natutulog sa master bedroom sa second floor. Si Arabella naman ay sa guest room ng first floor.
Kinabukasan, maagang naghanda ng masaganang almusal ang mga kasambahay.
Ngunit napansin ni Nathaniel na wala si Arabella.
“Nasaan siya?” malamig nitong tanong.
“Kanina pa po namin tinatawag, pero ayaw bumangon,” sagot ng isang kasambahay. “Parang reyna kung umasta. Buntis lang naman.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Nathaniel.
“Puntahan ninyo. Gisingin niyo siya.”
Sa totoo lang, matagal nang gising si Arabella. Hinihintay lamang niyang makaalis ang kanyang asawa. Ngunit biglang pumasok ang kasambahay sa kanyang silid.
“Feeling amo ka pa talaga—”
“Kung hindi ako ang amo, ikaw ba?” malamig niyang putol.
Natigilan ang babae, dahil sa unang pagkakataon, lumalaban na si Arabella.
“Kapag inulit ninyo pa ang pagtrato ninyo sa akin, sasabihin ko kay Madam ang lahat tungkol sa inyo,” pagbabanta niya.
Walang naisagot ang kasambahay at tahimik na lumabas.
Pagdating ni Arabella sa dining room, nakita niyang nakaupo na si Nathaniel. Tinitigan siya nito.
Halatang mabigat ang kanyang katawan at hirap siyang maglakad dahil sa pagbubuntis.
“Hindi mo dapat asahan na sila ang laging mag-aadjust sa iyo,” malamig na sabi ni Nathaniel. “Buntis ka lang, hindi ka baldado.”
Parang tumigil ang mundo ni Arabella dahil napakapait ng mga salitang iyon.
Ngunit mahinahon lang siyang sumagot.
“Kung nahihirapan silang alagaan ako, pauwiin mo na lang sila. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko,” tugon ni Arabella.
Lalong lumamig ang mukha ni Nathaniel. “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo.”Tahimik na yumuko si Arabella.
Pagkatapos ay inutusan ni Nathaniel ang mga kasambahay.“Mula ngayon, hayaan ninyo siyang gumawa ng sarili niyang mga gawain,” sabi niya kay Arabella.
Pagkatapos ng almusal ay umalis na si Nathaniel para magtrabaho.
Ilang sandali lamang ang lumipas, umalis din si Arabella at nagtungo sa University of Santo Tomas.
Sa loob ng opisina, tahimik na naghihintay si Professor Lhanze. Maayos ang suot nitong suit, may suot na rimless glasses, at taglay ang malamig ngunit propesyonal na aura.
Dahan-dahang kumatok si Arabella sa pinto.
Pinilit niya pa ring huwag sirain ang saya ng lahat.Ngunit kahit gaano niya itago ang kanyang nararamdaman, napansin pa rin iyon ng mga kasama niya.Kaya nag suggest nalang si Chriztle na sa baba na lang sila manood ng show.Wala na ring tumutol sa plano ni Chriztle, nakonsensya at nahiya naman si Arabella dahil alam niyang dahil ito sa kanya. Pero sa totoo lang, ayaw na rin niyang manatili roon. Parang hindi niya kayang huminga sa isang lugar kung nasaan ang dalawang taong nanakit sa kanya. Si Chriztle ang umalalay kay Arabella sa unahan. Habang ang mga lalaki naman ay nakasunod sa likuran nila. Si Joshua naman ang nasa pinaka dulo bago siya umalis, napatingin siya kina Nathaniel. Napansin ng lalaki na hindi maganda ang tingin sa kanya ng pinsan niya, ginantihan din niya ito ng tingin. Ngunit agad ding iniwas ni Joshua ang kanyang tingin at sumunod na sa kanyang mga kasama. Pagdating nila sa ibaba, nagsimula na ang fireworks show. Kahit nasa malayo sila, malinaw pa rin nilang nakit
Biglang naging iba ang ihip ng hangin sa paligid. Iba-iba ang naging reaksyon ng lahat, agad naman sinaway ni Angie ang kanyang asawa.“Ano ba'ng sinasabi mo? Bagong Taon ngayon.”Napasinghal lamang ang matanda.Pagkatapos ay ngumiti si Angie kay Nathaniel.“Nagbibiro lang siya. Huwag mo masyadong seryosohin, sige na ingat ka ha.”Bahagyang ngumiti ang lalaki.“Mauna na po ako.”At tuluyan na siyang umalis.Sa hotel naman, nasa pangunahing mesa sina Arabella, Lhanze, Chriztle, at Dominic.Matapos mag-toast sina Lorenzo at Catherine sa mga bisita, saka lamang sila nakaupo.Masaya ang lahat.Punong-puno ng ngiti ang buong event hall.Pagkatapos kumain, nagkwentuhan sina Arabella at Chriztle.Samantala, narinig nilang nag-uusap sina Gerald at Joshua tungkol sa trabaho.Parang agad silang nagkaintindihan.Napag-usapan nila ang pagsasama ng AI sa game development.Ikinuwento ni Joshua na gumagamit din sila ng AI sa bagong proyekto nila, ngunit hindi sapat ang kalidad ng kasalukuyan nilang partne
Isang araw bago ang Bagong Taon, nakatanggap si Arabella ng tawag mula sa bahay ng kanyang Lola Maricel. Ang kasambahay nito ang kanyang kausap, pinapasabi raw ng matanda na kailangan na niyang umuwi sa bahay ng kanyang asawa. Ngunit mahinahon siyang tumanggi.“Pakisabi na lang po kina Lola na may mahalagang okasyon kami sa bahay bukas kaya hindi ako makakapunta.”“Okay po, sasabihin ko nalang po kay Madam. Ingat po kayo.”“Salamat.”Pagkababa ng tawag, ipinaalam nito agad sa mga matanda ang sagot ng babae sa kanilang utos. Agad na sumimangot si Richard. “Matigas na pala ang ulo niya ngayon, marunong na siyang humindi.” naiinis na sambit nito. Hindi rin naman natuwa si Maricel, ngunit ayaw na niyang mastress pa ang babae dahil malapit na itong manganak. “Hayaan na muna natin siya.”Dumating na ang araw ng Bagong Taon, maganda ang panahon at maliwanag ang langit. Maraming kasalan at pagtitipon ang ginaganap ngayon sa Marriot Hotel. Sa third floor ginanap ang kasalan nina Catherine a
Buong akala ni Andrei ay kilalang-kilala na niya ang kaibigan niya, alam naman niya na ayaw nitong natatalo. Lalo na kung ang kalaban niya ay ang Golden Crest Investments, ayaw niyang nalalamangan siya nito. Ang hindi akalain ni Andrei ay kung gaano ito kasama sa sarili nitong asawa, na pati ang magiging anak nila ay pinababayaan niya. Ayaw na niya makipagtalo rito dahil alam niyang hindi siya mananalo. Kaya wala na rin siyang sinabi pa, miski ang pagdalaw niya kay Arabella ay hindi na niya binanggit pa. Matapos ang isang araw na obserbasyon kay Arabella, pinayagan na siyang makalabas ng ospital at ituloy ang pag papahinga sa bahay. Pinayuhan siya ng doctor na mag bedrest muna at magpahinga sa loob ng ilang araw. Ito ay para maiwasan ang early signs of labor, dahil hindi pa full term ang kanyang pinagbubuntis. Samantala, dahil sa problema sa kumpanya, halatang tumanda na ang kanyang ama gawa ng sobrang pagod at stress.Mas dumami ang puting buhok nito.Bagamat may balitang muling ma
Natigilan ang babae sa tanong ng matanda, agad siyang napayuko at hindi alam kung anong isasagot. Nang makita iyon ng kanyang Lola, hindi na ito nagtanong pa. Hindi rin ito nagtagal sa silid gusto lang talaga niyang makitang ayos lang si Arabella. Pagkatapos siyang paalalahanang alagaan ang sarili, umalis na rin ito.Sa buong pagbisita nito, hindi man lang nito pinansin si Catherine.Ito ang unang pagkakataong makita ng babae ang Lola ni Nathaniel.Kitang-kita niya ang dignidad at karisma ng isang babaeng galing sa makapangyarihang pamilya.Bagamat magalang ito kay Arabella, malinaw na ang inaalala lamang nito ay ang sanggol sa kanyang tiyan.Ramdam niya rin ang malamig na pagtrato nito sa kanilang pamilya.Kung tutuusin, paano nga ba sila mapapansin ng isang pamilyang tulad ng mga Monteverde?Maliit lamang silang pamilya kumpara sa kanila.Buti na lamang at malapit nang makipaghiwalay si Arabella kay Nathaniel.Nakakaawa lamang ang bata.Nauunawaan din ni Arabella ang ipinahihiwatig ng kil
Halos hating-gabi na nang makauwi si Nathaniel, ilang oras naghintay si Arabella sa pag-uwi ng kanyang asawa. Nang makita siya ng lalaki na prenteng nakaupo sa sala, nanatiling malamig ang ekspresyon nito. Dumiretso lamang ito papasok at walang balak na makipag-usap. “Nathaniel Monteverde!” medyo malakas na tawag sa kanya ng babae. Halos malaglag ang panga sa gulat ang dalawang kasambahay. Hindi nila akalain na kaya ng babae na tawagin ng ganun ang asawa nito. Nasanay sila na palaging maingat at mahiyain si Arabella sa harap ng kanilang amo. Ngayon lang nila siya narinig na tawagin ang lalaki sa buong pangalan nito. Huminto ang lalaki at agad na lumingon. Lumapit si Arabella at hinarap ang malamig nitong mga mata. Pinisil niya ang kanyang mga daliri upang pigilan ang kaba at takot na nararamdaman. “Bakit mo ginawa iyon?”Nanatiling walang emosyon ang mukha ng lalaki.Ngunit makikita ang galit sa mga mata nito.“Arabella, baka nakakalimutan mo kung saan ka lulugar?”Lalong nasaktan
Nanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahag
Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa ka
Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya
Kasabay nito sa Forbes Park sa bandang makati. Isa itong exclusive village ng mga mayayaman na matagal nang nakatayo. Bagama’t medyo luma na ito, nananatili pa rin ang karangyaan nito.Dahan-dahang huminto ang isang Bentley sa harap ng isang malaking bahay.Ito mismo ang dating mansyon ng pamilya Ro







