LOGINNanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw.
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahagyang gumalaw ang kanyang ekspresyon.
Nang makita kung sino ang tumatawag, agad niya itong sinagot.
“Professor Lhanze napatawag po kayo?”
Sa kabilang linya, diretso ang boses nito.
“May bakanteng slot para sa doctoral studies sa UST,” diretso nitong sabi. “Gusto mo bang ituloy?”
Napahinto si Arabella, at natahimik siya. Ngunit sa loob niya, parang may kung anong matagal nang natutulog ang biglang nagising.
Parang may humintong tibok sa loob ng dibdib ni Arabella.Doctoral studies. Pangarap niya iyon noon bago siya naging asawa ni Nathaniel.“Kung hindi ka pa handa, pwede naman—”
“Pupunta po ako,” mabilis ang sagot niya. Halos hindi niya pinag-isipan.
Sa kabilang linya, bahagyang natahimik ang propesor. Marahil ay nagulat ito.
Dahil alam ni Professor Lhanze kung gaano kamahal ni Arabella si Nathaniel. Kung paanong halos lahat ng desisyon niya sa buhay ay unti-unting umikot dito. Kung paano nito unti-unting isinuko ang mga plano at pangarap para manatili sa tabi ng lalaking hindi naman siya mahal nito.“Kailan po?” mahina tanong Arabella.“Bukas, alas-diyes. Pumunta ka sa opisina ko,” sabi nito kalaunan.“Sige po.”
Pagkababa ng tawag, napabuntong-hininga si Arabella bago marahang sumandal sa headboard ng kama. Hindi niya maipaliwanag ang biglang gaan sa dibdib niya. Hindi pa iyon saya, pero sa unang pagkakataon, parang may bahagi sa kanyang gustong mabuhay muli.
Dahan-dahan niyang tinanggap ang isang katotohanang pilit niyang iniiwasan. Na kailanman ay hindi siya mamahalin ni Nathaniel. Hindi magbabago ito kahit pa dinadala niya ang anak nito sa sinapupunan.
Makalipas ang ilang minuto, muling tumunog ang cellphone niya. Tumawag si Maricel Monteverde, at pinapabalik siya sa lumang mansyon.Siguro dahil nalaman na nito ang resulta ng check-up at ang kasarian ng batang dinadala niya.
Tahimik siyang tumayo at nagtungo sa banyo upang maligo.
Pagharap niya sa salamin matapos magbihis, saglit siyang natigilan.
Halatang pagod ang mukha niya. Namamaga ang kanyang mga mata dahil ilang araw na siyang walang maayos na tulog.
Hindi niya maalala kung kailan siya huling tumingin sa sarili nang hindi nakakaramdam ng lungkot.Tahimik siyang naglagay ng kaunting makeup para maitago ito. Nagsuot siya ng pink na jacket at puting sumbrero bago dahan-dahang lumabas ng silid.
Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng bahay, tumunog muli ang kanyang cellphone.
Natigilan siya nang makita niya ang pangalan ni Nathaniel. Sinagot niya ang tawag.
“Lumabas ka,” Malamig at walang emosyon ang boses nito. “Sige.” Paglabas niya ng villa, agad niyang nakita ang nakaparadang Lexus sa harap ng bahay. Hindi niya napigilang mapatitig doon nang ilang segundo, dahil dalawang oras pa lamang ang nakalipas mula nang makita niyang sakay roon ang ibang babae.Huminga siya nang malalim bago tuluyang sumakay.
Pagkapasok niya, agad sumalubong sa kanya ang matamis na pabango ng babae.
Napatingin si Arabella sa pink na teddy bear na naiwan sa upuan. Pagkatapos ay sa hair tie na suot ni Nathaniel sa pulso nito. Simpleng bagay lang iyon, pero parang masyadong personal para hindi niya maintindihan ang ibig sabihin.
Tahimik siyang umupo at diretsong tumingin sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan.
Noon, pilit pa siyang naghahanap ng paraan upang kausapin si Nathaniel. Ngayon, pakiramdam niya ay ubos na ubos na siya.
“Ano raw gender ng bata?” malamig na tanong ni Nathaniel pagkaraan ng ilang minutong katahimikan.
“Babae,” mahina niyang sagot.
Walang emosyong tumango lang si Nathaniel habang nakapukos lang sa pagmamaneho.
Ngunit ilang segundo ang lumipas bago muli itong nagsalita. “Pagkapanganak mo, magpa-annul na tayo.” Mahigpit na napahawak si Arabella sa laylayan ng kanyang damit. Alam niyang darating ang araw na makikipaghiwalay sa kanya ito.Pero iba pa rin pala kapag narinig mo mismo mula sa taong matagal mong minahal.“Sige.” Isang salita lamang iyon. Ngunit sa likod ng simpleng sagot na iyon, unti-unti ring tinatanggap ni Arabella na maghihiwalay din sila ni Nathaniel.Darating din pala talaga ang araw na mawawala si Nathaniel sa buhay niya.
Tahimik siyang napatingin sa labas ng bintana habang marahang pinaglalaruan ang kanyang mga kuko. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili kahit mabigat ang dibdib niya.
Kailangan niyang maging matatag para sa anak niya. Kailangan niyang maisilang nang ligtas ang batang dinadala niya.At pagkatapos noon… aalis na siya.
Hindi niya alam kung gaano kasakit ang tuluyang bitawan ang lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon.
Pero siguro, nakakapagod din palang umasa nang paulit-ulit hanggang sa isang araw, kusa ka na lang mapagod.Pinilit niya pa ring huwag sirain ang saya ng lahat.Ngunit kahit gaano niya itago ang kanyang nararamdaman, napansin pa rin iyon ng mga kasama niya.Kaya nag suggest nalang si Chriztle na sa baba na lang sila manood ng show.Wala na ring tumutol sa plano ni Chriztle, nakonsensya at nahiya naman si Arabella dahil alam niyang dahil ito sa kanya. Pero sa totoo lang, ayaw na rin niyang manatili roon. Parang hindi niya kayang huminga sa isang lugar kung nasaan ang dalawang taong nanakit sa kanya. Si Chriztle ang umalalay kay Arabella sa unahan. Habang ang mga lalaki naman ay nakasunod sa likuran nila. Si Joshua naman ang nasa pinaka dulo bago siya umalis, napatingin siya kina Nathaniel. Napansin ng lalaki na hindi maganda ang tingin sa kanya ng pinsan niya, ginantihan din niya ito ng tingin. Ngunit agad ding iniwas ni Joshua ang kanyang tingin at sumunod na sa kanyang mga kasama. Pagdating nila sa ibaba, nagsimula na ang fireworks show. Kahit nasa malayo sila, malinaw pa rin nilang nakit
Biglang naging iba ang ihip ng hangin sa paligid. Iba-iba ang naging reaksyon ng lahat, agad naman sinaway ni Angie ang kanyang asawa.“Ano ba'ng sinasabi mo? Bagong Taon ngayon.”Napasinghal lamang ang matanda.Pagkatapos ay ngumiti si Angie kay Nathaniel.“Nagbibiro lang siya. Huwag mo masyadong seryosohin, sige na ingat ka ha.”Bahagyang ngumiti ang lalaki.“Mauna na po ako.”At tuluyan na siyang umalis.Sa hotel naman, nasa pangunahing mesa sina Arabella, Lhanze, Chriztle, at Dominic.Matapos mag-toast sina Lorenzo at Catherine sa mga bisita, saka lamang sila nakaupo.Masaya ang lahat.Punong-puno ng ngiti ang buong event hall.Pagkatapos kumain, nagkwentuhan sina Arabella at Chriztle.Samantala, narinig nilang nag-uusap sina Gerald at Joshua tungkol sa trabaho.Parang agad silang nagkaintindihan.Napag-usapan nila ang pagsasama ng AI sa game development.Ikinuwento ni Joshua na gumagamit din sila ng AI sa bagong proyekto nila, ngunit hindi sapat ang kalidad ng kasalukuyan nilang partne
Isang araw bago ang Bagong Taon, nakatanggap si Arabella ng tawag mula sa bahay ng kanyang Lola Maricel. Ang kasambahay nito ang kanyang kausap, pinapasabi raw ng matanda na kailangan na niyang umuwi sa bahay ng kanyang asawa. Ngunit mahinahon siyang tumanggi.“Pakisabi na lang po kina Lola na may mahalagang okasyon kami sa bahay bukas kaya hindi ako makakapunta.”“Okay po, sasabihin ko nalang po kay Madam. Ingat po kayo.”“Salamat.”Pagkababa ng tawag, ipinaalam nito agad sa mga matanda ang sagot ng babae sa kanilang utos. Agad na sumimangot si Richard. “Matigas na pala ang ulo niya ngayon, marunong na siyang humindi.” naiinis na sambit nito. Hindi rin naman natuwa si Maricel, ngunit ayaw na niyang mastress pa ang babae dahil malapit na itong manganak. “Hayaan na muna natin siya.”Dumating na ang araw ng Bagong Taon, maganda ang panahon at maliwanag ang langit. Maraming kasalan at pagtitipon ang ginaganap ngayon sa Marriot Hotel. Sa third floor ginanap ang kasalan nina Catherine a
Buong akala ni Andrei ay kilalang-kilala na niya ang kaibigan niya, alam naman niya na ayaw nitong natatalo. Lalo na kung ang kalaban niya ay ang Golden Crest Investments, ayaw niyang nalalamangan siya nito. Ang hindi akalain ni Andrei ay kung gaano ito kasama sa sarili nitong asawa, na pati ang magiging anak nila ay pinababayaan niya. Ayaw na niya makipagtalo rito dahil alam niyang hindi siya mananalo. Kaya wala na rin siyang sinabi pa, miski ang pagdalaw niya kay Arabella ay hindi na niya binanggit pa. Matapos ang isang araw na obserbasyon kay Arabella, pinayagan na siyang makalabas ng ospital at ituloy ang pag papahinga sa bahay. Pinayuhan siya ng doctor na mag bedrest muna at magpahinga sa loob ng ilang araw. Ito ay para maiwasan ang early signs of labor, dahil hindi pa full term ang kanyang pinagbubuntis. Samantala, dahil sa problema sa kumpanya, halatang tumanda na ang kanyang ama gawa ng sobrang pagod at stress.Mas dumami ang puting buhok nito.Bagamat may balitang muling ma
Natigilan ang babae sa tanong ng matanda, agad siyang napayuko at hindi alam kung anong isasagot. Nang makita iyon ng kanyang Lola, hindi na ito nagtanong pa. Hindi rin ito nagtagal sa silid gusto lang talaga niyang makitang ayos lang si Arabella. Pagkatapos siyang paalalahanang alagaan ang sarili, umalis na rin ito.Sa buong pagbisita nito, hindi man lang nito pinansin si Catherine.Ito ang unang pagkakataong makita ng babae ang Lola ni Nathaniel.Kitang-kita niya ang dignidad at karisma ng isang babaeng galing sa makapangyarihang pamilya.Bagamat magalang ito kay Arabella, malinaw na ang inaalala lamang nito ay ang sanggol sa kanyang tiyan.Ramdam niya rin ang malamig na pagtrato nito sa kanilang pamilya.Kung tutuusin, paano nga ba sila mapapansin ng isang pamilyang tulad ng mga Monteverde?Maliit lamang silang pamilya kumpara sa kanila.Buti na lamang at malapit nang makipaghiwalay si Arabella kay Nathaniel.Nakakaawa lamang ang bata.Nauunawaan din ni Arabella ang ipinahihiwatig ng kil
Halos hating-gabi na nang makauwi si Nathaniel, ilang oras naghintay si Arabella sa pag-uwi ng kanyang asawa. Nang makita siya ng lalaki na prenteng nakaupo sa sala, nanatiling malamig ang ekspresyon nito. Dumiretso lamang ito papasok at walang balak na makipag-usap. “Nathaniel Monteverde!” medyo malakas na tawag sa kanya ng babae. Halos malaglag ang panga sa gulat ang dalawang kasambahay. Hindi nila akalain na kaya ng babae na tawagin ng ganun ang asawa nito. Nasanay sila na palaging maingat at mahiyain si Arabella sa harap ng kanilang amo. Ngayon lang nila siya narinig na tawagin ang lalaki sa buong pangalan nito. Huminto ang lalaki at agad na lumingon. Lumapit si Arabella at hinarap ang malamig nitong mga mata. Pinisil niya ang kanyang mga daliri upang pigilan ang kaba at takot na nararamdaman. “Bakit mo ginawa iyon?”Nanatiling walang emosyon ang mukha ng lalaki.Ngunit makikita ang galit sa mga mata nito.“Arabella, baka nakakalimutan mo kung saan ka lulugar?”Lalong nasaktan
Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n
“Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magaw
Dahan-dahan binuksan ni Arabella ang pinto ng opisina ng kanyang professor.Nang iangat ni Lhanze ang kanyang ulo at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan, natigilan siya. Halos hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa harap niya.Nang magsalita ito, saka lamang niya ito nakilala.“Professor Lhan
Hindi na muling nagsalita si Nathaniel pagkatapos noon. Nanatili itong nakapokus sa pagmamaneho, habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mabigat na trapiko sa lungsod. Sa loob ng kotse, tanging mahinang ugong lamang ng aircon at tunog ng mga sasakyan sa labas ang maririnig.Tahimik na







