LOGIN
Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.
Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilyar na sasakyan ni Nathaniel sa parking area, saglit niyang nakalimutan ang pagod ng kanyang katawan. Akala niya, sa wakas, sinundo siya nito.“Akala ko ba may importante siyang gagawin?” nagtatakang bulong ni Arabella sa sarili.
Bahagya pa siyang napangiti habang dahan-dahang humahakbang palapit dito.
Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit, biglang may isang magandang babae na tumakbo papunta kay Nathaniel at mahigpit itong niyakap.
Nanigas sa kinatatayuan si Arabella, at biglang sumikip ang dibdib sa nasaksihan niya. Hindi niya namalayang humigpit na pala ang hawak niya sa maternity book hanggang sa halos magusot iyon sa kanyang mga palad. Hindi nagtagal ay napansin siya ni Nathaniel.Ngunit taliwas sa inaasahan ni Arabella, ni bahagyang gulat ay wala siyang nakita sa mukha ni Nathaniel. Nanatili lamang itong kalmado habang nakatingin sa kanya, na para bang wala itong ginagawang mali. Sa harap mismo niya, marahang inalalayan ni Nathaniel ang babaeng kasama nito. Maingat nitong hinawakan ang beywang nito bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng sasakyan para rito.Simple lang ang pag-aasikaso ni Nathaniel, ngunit sapat iyon upang maramdaman ni Arabella kung gaano kaliit ang lugar niya sa buhay ng sariling asawa.
Tila napansin ng babae ang kanyang presensya kaya bahagya itong napakunot-noo bago inosenteng lumingon kay Nathaniel.
“Babe, bakit ka tinitingnan ng ale na iyon? Kilala mo ba siya?” tanong ni Valentina.
Bahagyang natigilan si Arabella. Mapait din siyang napangiti dahil dalawampu’t apat na taong gulang pa lamang siya, pero tinawag na siya nitong ale.
Hindi niya napigilang masulyapan ang sariling repleksyon sa glass wall ng ospital.
Sa murang edad niya, bakas na agad sa mukha niya ang pagod.
Bahagyang namamaga na rin ang kanyang mga mata dahil sa kakulangan sa tulog nitong mga nakaraang buwan. Hindi rin nakatulong sa hitsura niya ang maluwag niyang maternity dress at magulong buhok upang maitago ang bigat ng pagbubuntis niya.Dalawampu’t limang linggo pa lamang, ngunit pakiramdam ni Arabella ay ang dami nang nagbago sa kanya.Muli niyang pinagmasdan ang babae.
Maganda ito. Maputi, maayos manamit, at maaliwalas ang mukha. Parang walang anumang iniisip na problema sa buhay.
Biglang sumagi sa isip ni Arabella na dati, siya rin ang tipo ng babaeng madaling mapansin. Maganda ang mukha, masayahin, at laging may ningning sa mga mata.Ilang sandali pa’y hindi niya napigilang isipin kung kailan nga ba siya huling naging ganoon.
Wala naman talagang balak si Arabella na magpakasal nang maaga. Ngunit nang mabuntis siya ni Nathaniel, napilitan silang dalawa na magpakasal.
Pinagpala si Nathaniel—guwapo, matalino, mayaman, at halos perpekto ang buhay. Ngunit mula nang mabuntis si Arabella at nauwi sila sa kasal, malinaw na ang galit ng lalaki sa kanya.
Naniniwala si Nathaniel na pinikot lamang siya ni Arabella at ginamit nito ang pagbubuntis upang mapilitan siyang pakasalan ito.
Ngunit ang hindi alam ni Nathaniel na walong taon nang lihim na umiibig si Arabella rito.
Hindi kailanman sinabi ni Arabella kay Nathaniel ang totoong nararamdaman niya. Ginawa niya itong inspirasyon upang magsikap sa pag-aaral at abutin ang mga pangarap niya. Kaya nang mabigyan siya ng pagkakataong maging assistant nito, pakiramdam niya noon ay sapat na iyon upang maging masaya.
Ayos lang sa kanya na makita ito araw-araw at manatili sa tabi nito kahit bilang empleyado lamang.
Ngunit isang gabi ang tuluyang nagpabago at sumira sa lahat.
Na hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan kung paano siya titigan ni Nathaniel. Punong-puno iyon ng pagkasuklam. At parang gusto nitong ilayo siya sa buhay nito hangga’t maaari.
May mainit na luhang dahan-dahang tumulo sa pisngi ni Arabella. Kasabay noon, bigla siyang napahawak sa kanyang tiyan nang makaramdam ng matinding kirot. Napasinghap siya at mabilis na sumandal sa pinakamalapit na pader habang pilit na hinihingal.“N-Nathaniel… Nathaniel!” mahina ngunit desperada niyang tawag habang bahagyang kumakaway.
Umaasa siyang lilingon ito. Umaasa siyang lalapit ito sa kanya kahit sandali. Lalo na ngayong dala niya ang anak nito.
Ngunit nanatili lang nakatayo si Nathaniel. At saglit lamang siyang tinignan ng lalaki bago malamig nitong ibinaling muli ang atensyon kay Valentina.
“Hindi ko siya kilala. Umalis na tayo.”
At pagkatapos noon, tuluyan nang sumakay si Nathaniel sa sasakyan.
Walang pag-aalinlangan nitong pinaandar ang kotse at tuluyang umalis kasama si Valentina.
Naiwan si Arabella na tila isang estatwang walang buhay, nakatayo sa gitna ng parking area habang pinagmamasdan ang sasakyang unti-unting naglalaho sa kanyang paningin.
Habang pinapakinggan ni Nathaniel ang sinasabi ng kanyang anak, marahan siyang napangiti. Pinayuhan niya itong kumain ng maayos at makinig sa kanyang mga lolo at lola. Masunurin namang sumagot sa kanya ang bata, natuwa rin siya ng biglang magbilin ang kanyang anak. “Papa, mag-ingat ka po lagi ha? At huwag ka po masyadong magpagod, umuwi ka po agad ah?”“Hmmm opo boss, babalik na rin naman po ako after ilang days. You behave okay? I love you my princess.”“I love you more Papa.”***Bandang alas-diyes ng umaga, naglabas na ang Velasquez Real Estate ng isang pormal na public apology statement. Taos-puso ang pagkakasulat nito at malinaw na ipinahayag ang kanilang paghingi ng tawad. Nagbigay rin sila ng mabigat na parusa sa mga taong sangkot sa issue. Tanging sa forum lang nila inilabas ang statement. Hindi na ito pinakalat pa sa buong internet dahil iyon mismo ang hiling ni Arabella. Para sa kanya, hindi na kailangan pang palakihin pa ang isyu at ipaalam ito sa lahat. Pagkalabas ng a
Bahagyang napangisi ng malamig si Arabella. “Grabe talaga, hindi maikakaila na talagang swerte si Valentina.”Para sa isang taong katulad ni Andrei na may iniingatan na pangalan at may katayuan, napakalaking bagay sa kanila ang pagkakautang niya ng pabor sa isang tao. “Alam mo sa tingin ko, pwede mo naman tanggapin ang alok niya eh. Kasi malay mo dumating ang panahon na baka kailanganin mo rin ang tulong ni Andrei. Pero syempre, rerespetuhin ko pa rin ang magiging desisyon mo.”Muling kumain ang babae, alam niyang hindi lamang si Andrei ang nasa likod ni Valentina. Nariyan din si Nathaniel na lagi itong pinagtatanggol. Kung ipipilit niyang pagbayarin si Valentina ngayon, malamang siya rin ang mahihirapan sa huli.At ang tinatawag na public apology ay malamang paraan lamang nila para makahanap ng taong maaaring maging scapegoat nila. Halos mangalahati na ang kanyang kinakain nang mag salita siya ulit.“Hhmm sige pumapayag ako sa gusto niya, kalahating milyon ang compensation. Pero hu
Hindi galit ang tono niya, nanatili itong kalmado habang nagtatanong. Ilang sandali ring nanahimik si Valentina sa kabilang linya, hindi siya tumanggi.“Oo bakit? Ako nga ang nag-utos sa kanya, pumunta ba siya sayo?”“Bakit mo ginawa iyon? Eh wala naman siyang ginagawang masama sayo.”“Meron! Kasalanan niya iyon, hindi niya dapat pinakikialaman ang mga bagay na hindi naman niya dapat pakialaman. At huwag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip niya, gusto ko lang naman siyang turyan ng leksyon.”Narinig ni Arabella ang boses ni Valentina sa kabilang linya. Halos gusto na ni Arabella na tumagos sa cellphone at sampalin ito nang ilang beses. Napakayabang nito para sabihin ng ganoon kadali ang mga bagay na ginawa niya. Para bang sigurado itong walang makakapagparusa sa kanya. Napahilot si Andrei sa kanyang noo, mas naging maayos ang kanyang boses. “Valentina, sumosobra ka na.”Huminga ng malakas si Valentina, halatang hindi man lang ito nababahala. “Nagpapabayad ba siya? Magkano ba a
“Sinabi na sa akin ni Lhanze na may kailangan kayong pag-usapan ni Valentina. Kaso wala siya rito ngayon, ano ba pag uusapan niyo? Pwede mo namang sabihin sa akin.”Seryosong tiningnan ni Arabella ang lalaki, bago nagsalita. “Kung ganoon, sige sayo ko na lang sasabihin.”“Sige lang, sabihin mo lang kung ano ba talaga ang gusto mong sabihin.”“May isang post sa financial forum na group ngayong araw, anonymous ang nag post nito.”“So anong meron? Ano naman kinalaman ng kapatid ko jan?” nagtatakang tanong ng lalaki. “Masyado ka naman atang busy para hindi ‘yon mapansin, yung post kasi puro paninira at kasinungalingan tungkol sa akin. Gusto mo ba makita?”Matipid na tumango ang lalaki, kahit binura na ito ng nag-post mabilis na-screenshot ni Arabella ang buong post. Agad niyang inabot kay Andrei ang kanyang cellphone.Tinanggap naman ito ng lalaki, totoo naman kasi na wala siyang alam tungkol sa post na sinasabi ng babae. Habang binabasa niya ang laman nito, unti-unting dumilim ang kany
“Kailan yan?” tanong ni Dominic“Yung unang beses nung i-interview ko si Nathaniel sa office niya, tapos yung pangalawa ay yung inaya ako mag dinner ni Callie sa bahay nila. Then kahapon nagkita rin kami sa bahay ni Sir Jim accidentally lang naman yun. Pero sa tatlong iyon, yung dalawa ay nakita kami ni Valentina.” paliwanag ni Arabella.Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Chriztle. “Sabi na eh! Sigurado na talaga akong may kinalaman dito yung ahas na ‘yon eh. Kasi hindi niya makuha ng lubos si Nathaniel, kaya naman sa maruming paraan ang ginamit niya.”“Eh ano namang kinalama ko roon? Eh wala naman akong pakialam kay Nathaniel, kahit isaksak niya pa sa baga niya eh.” naiinis na sagot ni Arabella. “Wala ka ngang pakialam kay Nathaniel ngunit nakikita niyang nagiging malapit ka sa anak nito. Eh alam naman natin lahat kung gaano kahalaga si Callie sa ama niya, baka natatakot lang siya na mas ikaw ang magustuhan ng bata bilang nanay niya kaysa sa kanya.”Biglang narealize ni Arabella
Nang mabasa ni Arabella ang message mula kay Callie, hindi niya mapigilang mapaluha. Hindi niya akalain na makakausap niya ng ganito ang kanyang anak. Mga ilang oras bago ang message nito, tumawag din sa kanya si Callie at nakiusap na baka pwede siyang makausap. Ngunit sinabi niyang overtime pa siya sa opisina at marami pa siyang ginagawa. Buong akala niya ay mag tatampo ito ngunit laking gulat niya ng maintindihan siya ng bata. Mabait na bata talaga si Callie, hindi na siya nangulit. Muli niyang binasa ang message ng anak, biglang nawala ang lahat ng pagod at inis niya. Napangiti siya at mabilis na nag-reply.“Hi Callie, maraming salamat. Ikaw rin ha? Alagaan mo rin ang sarili mo, Good Night din.”Pinunasan niya ang luhang pumatak sa kanyang pisngi bago pinindot ang send button. Maya-maya ay may biglang kumatok sa pinto,binuksan iyon ni Lhanze. Nag-overtime rin ito ngayong gabi dahil marami talaga silang inaasikaso. Inilagay ni Arabella ang kanyang cellphone “Ready ka na? Uwi na
Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa ka
Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n
“Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magaw
Dahan-dahan binuksan ni Arabella ang pinto ng opisina ng kanyang professor.Nang iangat ni Lhanze ang kanyang ulo at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan, natigilan siya. Halos hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa harap niya.Nang magsalita ito, saka lamang niya ito nakilala.“Professor Lhan







