LOGINMabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.
Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.
Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.
Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa kanilang tahanan sa Bel-Air—ang bahay na tinitirhan nilang mag-asawa mula nang sila ay ikasal.
Binigyan sila ng lola ni Nathaniel ng dalawang kasambahay para mag asikaso sa kanila at maalagaan ang pag bubuntis niya.
Ngunit pagdating niya sa bahay, isang pamilyar na eksena na naman ang bumungad kay Arabella. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay rinig na niya ang masayang tawanan mula sa sala.
Komportableng nakaupo roon ang dalawang kasambahay habang masayang kumakain ng mga pagkaing nakahain sa mesa. Nakabukas pa ang telebisyon at tila wala silang anumang inaalalang gawain sa bahay. Na para bang sila ang tunay na may-ari ng mansyon.Samantalang siya, ang legal na asawa ni Nathaniel Monteverde, ay pakiramdam niyang isa lamang siyang bisita at hindi kailanman naging bahagi sa bahay na iyon.
Pagkakita kay Arabella, agad na tumayo ang isa sa mga kasambahay at dahan-dahang lumapit sa kanya.
“Kumusta ang resulta ng check-up mo?”
May ngiti naman ito sa labi, ngunit hindi nakaligtas kay Arabella ang kakaibang tono ng boses nito—iyong tipong parang hindi ito tunay na nag-aalala kundi naghihintay lamang ng kung anong mapag-uusapan ng kasama niya.
Tahimik lamang tumingin si Arabella dito bago marahang umiwas at nagtungo sa hagdan, dahil wala na siyang lakas para makipagtalo.Buong araw nang mabigat ang dibdib niya, at pakiramdam niya ay sapat na ang lahat ng narinig at nakita niya para ubusin ang natitira niyang lakas.
Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, muli niyang narinig ang boses ng katulong.
“Kinakausap kita ah. Matuto ka namang sumagot.”
Bahagyang humigpit ang hawak ni Arabella sa railing ng hagdan, pero hindi siya lumingon. Dahil sanay nang marinig ang malamig na tono ng mga taong nakapaligid sa kanya sa bahay na iyon.“Akala yata porke buntis, importante na siya,” dagdag pa ng babae, bago ito marahang natawa kasama ang isa pang kasambahay.
“Para namang baboy kung maglakad. Akala mo naman kung sino kung umasta. Nakikitira lang naman dito,” pang-iinsultong dagdag pa nito.
Napapikit si Arabella.Saglit siyang napahinto sa pag-akyat, ngunit agad din niyang pinilit na kumilos muli.Hindi na iyon bago sa pandinig niya.
Sa loob ng ilang buwang pananatili niya sa bahay na iyon, paulit-ulit na niyang narinig ang iba’t ibang bersyon ng parehong pang-iinsulto.
Wala raw siyang dating para maging asawa ng isang Monteverde.
Kahit anong ayos daw niya, hindi pa rin nawawala ang pagiging ordinaryo niya.
At higit sa lahat, isa lamang daw siyang babaeng kumapit sa pagbubuntis para maikasal sa lalaking hindi naman siya mahal.
Pagkapasok sa silid, marahang isinara ni Arabella ang pinto bago sandaling sumandal dito. Nakahinga siya nang maluwag dahil sa wakas, nakalayo rin siya sa mga matang mapanghusga at mga bulong na matagal na niyang pilit binabalewala. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kama at maingat na umupo sa gilid nito. Ngunit sa sandaling wala nang ibang taong nakatingin sa kanya, tila doon din tuluyang bumigay ang natitira niyang lakas. .Napayuko siya at marahang ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya ay wala nga siyang halaga.
Pagod na pagod na si Arabella. Minsan naiisip niya kung paano nauwi sa ganoon ang buhay niya.Hindi naman niya kailanman pinangarap na mapasok sa marangyang mundo ng mga Monteverde. Ngunit dahil sa batang dinadala niya, napilitan silang magpakasal ni Nathaniel.
Ang totoo, si Maricel Monteverde—ang lola ni Nathaniel—ang mismong nagpilit sa kasal nila.
Noong mga panahong iyon, kritikal ang kondisyon ng asawa nitong si Richard Monteverde. Halos mawalan na ng pag-asa ang buong pamilya habang nakahiga sa ospital ang matandang lalaki.
At kasabay noon, nalaman nilang buntis si Arabella.
Dahil sa isang matandang pamahiin, naniwala si Maricel na magdadala ng swerte sa pamilya ang pagpapakasal ng kanyang apo sa isang babaeng nagdadalang-tao.
At tila naniwala lalo ang lahat nang unti-unting bumuti ang kondisyon ni Richard matapos ang kasal nila.
Mula noon, bahagyang naging maayos ang pakikitungo ni Maricel sa kanya.
Ngunit hanggang doon lang iyon.
Kailanman ay hindi siya tunay na tinanggap ng pamilya Monteverde.
Sa mga mata ng mga ito, isa lamang siyang ordinaryong babaeng sinuwerte dahil nabuntis.
Isang babaeng pilit sumisingit sa mundong hindi naman talaga para sa kanya.
Napabuntong-hininga si Arabella bago dahan-dahang ipinatong ang kanyang palad sa nakaumbok niyang tiyan.
Bahagyang gumalaw ang sanggol sa loob nito.
Pagkatapos ang nangyari sa kanya maghapon, saka lamang bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon. Dahil nalaman niyang babae ang kanyang dinadala. Isang maliit na prinsesa.
Hindi niya namalayang bahagyang napangiti ang kanyang mga labi.
Sa gitna ng malamig at mapanghusgang mundong ito, mayroon siyang isang taong magiging kanya.
Isang nilalang na mamahalin siya nang buong puso, at magiging dahilan upang patuloy siyang lumaban.
Marahan niyang hinaplos ang kanyang tiyan habang unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata.
“Anak…” mahina niyang bulong.
Saglit siyang natigilan, tila pinipigilan ang bigat sa kanyang dibdib.
“Ikaw na lang ang meron si Mama.”
Habang marahan niyang hinahaplos ang sariling tiyan, tahimik siyang nangako sa sarili.
Anuman ang mangyari, hindi niya hahayaang maramdaman ng anak niya ang lungkot na matagal na niyang kinikimkim.
Kahit wala siyang kakampi. At kahit mapagod siya, poprotektahan niya ang batang ito. At mamahalin nang higit pa sa paraan ng pagmamahal na kailanman ay hindi niya natanggap.Pinilit niya pa ring huwag sirain ang saya ng lahat.Ngunit kahit gaano niya itago ang kanyang nararamdaman, napansin pa rin iyon ng mga kasama niya.Kaya nag suggest nalang si Chriztle na sa baba na lang sila manood ng show.Wala na ring tumutol sa plano ni Chriztle, nakonsensya at nahiya naman si Arabella dahil alam niyang dahil ito sa kanya. Pero sa totoo lang, ayaw na rin niyang manatili roon. Parang hindi niya kayang huminga sa isang lugar kung nasaan ang dalawang taong nanakit sa kanya. Si Chriztle ang umalalay kay Arabella sa unahan. Habang ang mga lalaki naman ay nakasunod sa likuran nila. Si Joshua naman ang nasa pinaka dulo bago siya umalis, napatingin siya kina Nathaniel. Napansin ng lalaki na hindi maganda ang tingin sa kanya ng pinsan niya, ginantihan din niya ito ng tingin. Ngunit agad ding iniwas ni Joshua ang kanyang tingin at sumunod na sa kanyang mga kasama. Pagdating nila sa ibaba, nagsimula na ang fireworks show. Kahit nasa malayo sila, malinaw pa rin nilang nakit
Biglang naging iba ang ihip ng hangin sa paligid. Iba-iba ang naging reaksyon ng lahat, agad naman sinaway ni Angie ang kanyang asawa.“Ano ba'ng sinasabi mo? Bagong Taon ngayon.”Napasinghal lamang ang matanda.Pagkatapos ay ngumiti si Angie kay Nathaniel.“Nagbibiro lang siya. Huwag mo masyadong seryosohin, sige na ingat ka ha.”Bahagyang ngumiti ang lalaki.“Mauna na po ako.”At tuluyan na siyang umalis.Sa hotel naman, nasa pangunahing mesa sina Arabella, Lhanze, Chriztle, at Dominic.Matapos mag-toast sina Lorenzo at Catherine sa mga bisita, saka lamang sila nakaupo.Masaya ang lahat.Punong-puno ng ngiti ang buong event hall.Pagkatapos kumain, nagkwentuhan sina Arabella at Chriztle.Samantala, narinig nilang nag-uusap sina Gerald at Joshua tungkol sa trabaho.Parang agad silang nagkaintindihan.Napag-usapan nila ang pagsasama ng AI sa game development.Ikinuwento ni Joshua na gumagamit din sila ng AI sa bagong proyekto nila, ngunit hindi sapat ang kalidad ng kasalukuyan nilang partne
Isang araw bago ang Bagong Taon, nakatanggap si Arabella ng tawag mula sa bahay ng kanyang Lola Maricel. Ang kasambahay nito ang kanyang kausap, pinapasabi raw ng matanda na kailangan na niyang umuwi sa bahay ng kanyang asawa. Ngunit mahinahon siyang tumanggi.“Pakisabi na lang po kina Lola na may mahalagang okasyon kami sa bahay bukas kaya hindi ako makakapunta.”“Okay po, sasabihin ko nalang po kay Madam. Ingat po kayo.”“Salamat.”Pagkababa ng tawag, ipinaalam nito agad sa mga matanda ang sagot ng babae sa kanilang utos. Agad na sumimangot si Richard. “Matigas na pala ang ulo niya ngayon, marunong na siyang humindi.” naiinis na sambit nito. Hindi rin naman natuwa si Maricel, ngunit ayaw na niyang mastress pa ang babae dahil malapit na itong manganak. “Hayaan na muna natin siya.”Dumating na ang araw ng Bagong Taon, maganda ang panahon at maliwanag ang langit. Maraming kasalan at pagtitipon ang ginaganap ngayon sa Marriot Hotel. Sa third floor ginanap ang kasalan nina Catherine a
Buong akala ni Andrei ay kilalang-kilala na niya ang kaibigan niya, alam naman niya na ayaw nitong natatalo. Lalo na kung ang kalaban niya ay ang Golden Crest Investments, ayaw niyang nalalamangan siya nito. Ang hindi akalain ni Andrei ay kung gaano ito kasama sa sarili nitong asawa, na pati ang magiging anak nila ay pinababayaan niya. Ayaw na niya makipagtalo rito dahil alam niyang hindi siya mananalo. Kaya wala na rin siyang sinabi pa, miski ang pagdalaw niya kay Arabella ay hindi na niya binanggit pa. Matapos ang isang araw na obserbasyon kay Arabella, pinayagan na siyang makalabas ng ospital at ituloy ang pag papahinga sa bahay. Pinayuhan siya ng doctor na mag bedrest muna at magpahinga sa loob ng ilang araw. Ito ay para maiwasan ang early signs of labor, dahil hindi pa full term ang kanyang pinagbubuntis. Samantala, dahil sa problema sa kumpanya, halatang tumanda na ang kanyang ama gawa ng sobrang pagod at stress.Mas dumami ang puting buhok nito.Bagamat may balitang muling ma
Natigilan ang babae sa tanong ng matanda, agad siyang napayuko at hindi alam kung anong isasagot. Nang makita iyon ng kanyang Lola, hindi na ito nagtanong pa. Hindi rin ito nagtagal sa silid gusto lang talaga niyang makitang ayos lang si Arabella. Pagkatapos siyang paalalahanang alagaan ang sarili, umalis na rin ito.Sa buong pagbisita nito, hindi man lang nito pinansin si Catherine.Ito ang unang pagkakataong makita ng babae ang Lola ni Nathaniel.Kitang-kita niya ang dignidad at karisma ng isang babaeng galing sa makapangyarihang pamilya.Bagamat magalang ito kay Arabella, malinaw na ang inaalala lamang nito ay ang sanggol sa kanyang tiyan.Ramdam niya rin ang malamig na pagtrato nito sa kanilang pamilya.Kung tutuusin, paano nga ba sila mapapansin ng isang pamilyang tulad ng mga Monteverde?Maliit lamang silang pamilya kumpara sa kanila.Buti na lamang at malapit nang makipaghiwalay si Arabella kay Nathaniel.Nakakaawa lamang ang bata.Nauunawaan din ni Arabella ang ipinahihiwatig ng kil
Halos hating-gabi na nang makauwi si Nathaniel, ilang oras naghintay si Arabella sa pag-uwi ng kanyang asawa. Nang makita siya ng lalaki na prenteng nakaupo sa sala, nanatiling malamig ang ekspresyon nito. Dumiretso lamang ito papasok at walang balak na makipag-usap. “Nathaniel Monteverde!” medyo malakas na tawag sa kanya ng babae. Halos malaglag ang panga sa gulat ang dalawang kasambahay. Hindi nila akalain na kaya ng babae na tawagin ng ganun ang asawa nito. Nasanay sila na palaging maingat at mahiyain si Arabella sa harap ng kanilang amo. Ngayon lang nila siya narinig na tawagin ang lalaki sa buong pangalan nito. Huminto ang lalaki at agad na lumingon. Lumapit si Arabella at hinarap ang malamig nitong mga mata. Pinisil niya ang kanyang mga daliri upang pigilan ang kaba at takot na nararamdaman. “Bakit mo ginawa iyon?”Nanatiling walang emosyon ang mukha ng lalaki.Ngunit makikita ang galit sa mga mata nito.“Arabella, baka nakakalimutan mo kung saan ka lulugar?”Lalong nasaktan
Kasabay nito sa Forbes Park sa bandang makati. Isa itong exclusive village ng mga mayayaman na matagal nang nakatayo. Bagama’t medyo luma na ito, nananatili pa rin ang karangyaan nito.Dahan-dahang huminto ang isang Bentley sa harap ng isang malaking bahay.Ito mismo ang dating mansyon ng pamilya Ro
Hindi na muling nagsalita si Nathaniel pagkatapos noon. Nanatili itong nakapokus sa pagmamaneho, habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mabigat na trapiko sa lungsod. Sa loob ng kotse, tanging mahinang ugong lamang ng aircon at tunog ng mga sasakyan sa labas ang maririnig.Tahimik na
Nanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahag
Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya







