Share

CHAPTER 13 (Give Me a Favor)

ALANA

Malapit na kami sa aming kompanya nang biglang lumingon sa aking gawi si Knight.

"Hindi naman mainit dito, bumaba ka na dito. Pumara ka ng taxi, ayokong makita ka nila na bababa sa aking sasakyan," saad niya at narinig ko ang pag unlock ng kanyang sasakyan. Tila ba gusto kong maiyak sa sinabi niya, heto na naman ako at nasasaktan. Tama naman siya, we are private at pumayag ako sa kasunduang ito. Bakit ba kasi hindi ko nalang dinala ang sasakyan ko.

"O-okay," sagot ko at akma ng bubuksan ang pinto ng sasakyan nang bigla niya akong hawakan sa aking braso.

"Wait, here's the money para ipang bayad sa taxi," saad niya at ikinuyom sa aking palad ang isang libong papel.

Dahan dahan akong lumabas sa kanyang sasakyan at isinara ito. Agad naman niyang pinaharurot ang sasakyan at tuluyan na lamang akong iniwan.

"It's okay Alana, pumara ka nalang," pag cheer ko sa aking sarili dahil kung hindi ko gagawin yun ay iiyak na naman ako at magmumukhang tanga dahil nasa highway pa naman ako. Agad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status