Share

Chapter 3: Humiliated

Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Maaga akong natulog kagabi para gumising ng maaga.

I chose a sexy top paired with a high-waisted pencil skirt. The top was a deep red, accentuating my white skin and complementing my dark hair. The skirt was black, hugging my curves just right and ending just above my knees, striking a balance between professional and stylish.

I added a pair of black pumps for height and a touch of confidence. I chose simple jewelry—a pair of gold hoop earrings and a delicate gold necklace. I wanted my outfit to make a statement, but I also wanted to be taken seriously.

This was my first day of work and a new chapter in my life.

I grabbed my bag, checked my reflection one last time, and headed out the door. I was ready to take on whatever the day had in store for me.

Pagdating ko sa opisina, binati ako ng mga ngiti at mga kamay na handang makipagkamay. Nakakatuwa na maramdaman ang init ng pagtanggap nila.

Tinuro ng isang babae ang aking mesa, kung hindi ako nagkakamali siya siguro itong si Jean. Siya ang pinaka mahilig mang usisa ang makipag usap sa akin.

"Huy Jeanne, tigil tigilan mo muna si Ms. Forbes, kanina ka pa putak ng putak dyan." Sabi ng isang lalaki sabay tawa. I forgot his name, but mukhang mabait naman.

Habang naglalakad kami papunta sa aking cubicle, hindi siya tumitigil sa pagkwento at pagtawa. Kahit na bagong salta lang ako, nag-effort siyang iparamdam sa akin na welcome ako sa kanilang grupo.

"Welcome, team! I'm sure magiging magkaibigan tayo dito," sabi niya habang ngumiti sa akin. Napangiti rin ako sa kanyang positibong enerhiya. Nang makarating kami sa aking cubicle, inayos ko ang aking mga gamit habang patuloy siyang nagkukwento.

Though I'm a bit annoyed, hinayaan ko nalang siya, kaysa naman sa wala akong maging kaibigan dito.

Sa mga susunod na araw, naging medyo close kami. Well, hindi ko maipagkakaila, pero may hitsura siya. Sa unang tingin, mapapansin mo ang kanyang mahabang buhok na kulay ginto, na parang sinasalamin ang liwanag ng araw tuwing hapon. Ang kanyang mga mata na kulay berde ay parang mga malalim na lawa na puno ng misteryo at pangarap.

Ang kanyang mukha ay parang isang obra maestra, ang bawat detalye ay tila ba pinag-isipan at pinaghirapan. Ang kanyang mga labi na kulay rosas ay laging nakangiti, na nagbibigay ng positibong enerhiya sa lahat ng taong nakakasalamuha niya.

Kahit na medyo naasiwa ako sa kanyang kadaldalan, natutunan kong mahalin ang kanyang personalidad. Sa katunayan, siya ang naging isa sa aking matalik na kaibigan sa opisina.

Dahil sa pagod ko galing opisina, pag-uwi ko naisipan kong pumuslit muna saglit sa isang malapit na mall. Habang naglalakad ako sa mall, napansin ko ang iba't ibang tao na abala sa kanilang mga gawain. May mga nagmamadali, may mga nagpapahinga, at may mga tulad ko na gusto lang mag-unwind.

Napadpad ako sa isang bookstore na laging napupuntahan ko kapag gusto kong mag-relax. Ang mga libro ay parang mga kaibigan na laging nandiyan para sa'yo, ano man ang oras o panahon.

Pagkatapos kong pumili ng ilang libro na babasahin, naghanap naman ako ng kainan. Sa isang tahimik na cafe, umupo ako at nag-order ng kape at cake. Habang naghihintay, binuksan ko ang isa sa mga libro na binili ko at sinimulan kong magbasa.

Sa mga oras na ito, nakakalimutan ko ang pagod at stress. Ang mga libro at kape, ang tahimik na musika sa cafe, lahat ng ito ay nagbibigay sa akin ng kaginhawaan.

Naglakad ako papunta sa parking lot at doon ko nakita ang aking kotse. Well, bumili ako ng kotse kahit hindi ganun kamahal basta May masakyan lang.

Kahit na medyo malayo ito, hindi ko ininda ang pagod. Sa bawat hakbang, naaalala ko ang mga nangyari sa araw na ito—ang mga tawanan, ang mga hamon, at ang mga tagumpay. Pag-upo ko sa loob ng kotse, naramdaman ko ang tahimik na kapaligiran. Sa sandaling ito, wala na akong ibang iniisip kundi ang aking sarili at ang aking mga nararamdaman.

Habang nagmamaneho ako pauwi, pinakinggan ko ang aking paboritong music playlist. Ang bawat kanta ay nagbibigay sa akin ng kaginhawaan at kalayaan.

Pagdating ko sa bahay, bumungad sa akin si Zari na nakahalukipkip sa sofa at nanunuod ng TV. "How's your work?" Sabi niya sabay lingon sa akin. "Okay lang, in the adjustment stage, pa rin." Sabi ko. 

Nilagay ko ang aking bag sa kwarto at mabilis na nagbihis. Bumalik ako sa sala at napansin ko ang pagiging matamlay ni Zari. 

"Oh, bakit parang namatayan ka ngayon?" Tanong ko. 

Nag angat siya ng tingin sa akin at huminga ng malalim. "Do you know Lucio, right?" Mabilis naman akong tumango. If I'm not mistaken, iyon yung lalaki na sinabi niyang boyfriend niya.

Sabi ko na, pag ibig na naman ang rason kung bakit lugmok na naman ang kaibigan ko.

"So, what's about him?" Panimula ko.

Pero imbis na sagutin niya ako bigla akong napatigil ng humahagulgol ito ng iyak.

"Wala na siya, Hest!" Sabi niya na ikinagulat ko.

Kaya naman pala ganito siya ka lungkot. Masakit talaga ang mawalan. Kahit hindi mo pa kadugo.

"Wait, kailan lang? Anong sakit? Paano mo nalaman? Nagkausap ba kayo before siya nawala?" Taranta kong sabi.

Agad naman, akong napasigaw sa sakit ng bigla nya akong kurutin sa gilid. "Ouch! Ano ba Zari? Ang sakit ha!" Shit ang sakit talaga ng kurot niya.

"HINDI SIYA PATAY, OKAY? Nangibang bansa lang!" Sabi niya dahilan kung ba't ko siya sinapak. Sakto lang na maipaghiganti ko ang tagiliran ko sa kanya.

Akala ko talaga patay na ang Lucio na yun, eh mangibang bansa lang pala. "Grabe girl ang OA mo!" Humugot ako ng malalim na hininga for calming my mind, dahil parang ako ata ang susunod na mawala.

"Umalis siya ng Pilipinas to pursue his career. Iniwan niya ako dito." Banayad niyang sabi.

"Bakit hindi mo siya pinigilan? Sabi ko.

Actually, for me, it's really okay. In the first place, bata pa sila.

"I don't have the right to do it, Hest," she said. And there she hit the point. "And it's a big opportunity for him to grow on his own." Matabang niyang sabi.

I hugged her tight, trying to comfort her. "It's okay," I whispered. Sometimes, it's not about having the right, but about doing what feels right for us."Puno kong sabi. 

I could feel her relax a little in my arms. 

Naalimpungatan ako sa lakas ng boses galing sa kusina. Agad akong tumayo at dali-daling nagbihis. Pagbaba ko, nakita ko si Zari na abala sa pagluluto ng almusal habang kumakanta ng paborito niyang kanta.

"Mabuti naman at nagising ka na, Hestia Lhianna Forbes." Bungad niya sa akin. 

Hindi agad ako nakarecover. I was still in a shocked mood until she poked me slightly. Sakto lang para maibalik ako sa aking ulirat.

"May tawag galing sa opisina mo, girl. You need to get ready; mukhang importante pa naman." Dagdag niya at tuluyan na akong nahimasmasan.

Tiningnan ko ang aking orasan at late na ako. I quickly took a bath, changed clothes, and put on some light makeup.

Quick viewing of my finished look, and yes, ready na ako.

Tumakbo ako palabas ng kwarto, nagmamadaling kinuha ang aking bag at jacket na nakasabit sa upuan. Habang nagmamaneho papuntang opisina, sinubukan kong tawagan ang aking boss para sabihin na malalate ako. Pero sa kasamaang palad, hindi siya sumasagot. 

Pagdating ko sa opisina, halos lahat ng mga kasamahan ko ay nasa kanilang mga mesa na at mukhang nagtatrabaho na. Dali-dali akong pumasok sa aking cubicle, inilagay ang aking bag sa ilalim ng aking mesa at agad na nagbukas ng aking computer.

"Hay, Hestia, hindi ito magandang simula ng araw." Bulong ko sa aking sarili habang inaantay na mag-boot up ang aking computer. 

And ang swerte ko, plano ko sanang dito nalang ako kakain, nakalimutan ko pa ang aking wallet.

Mabilis akong nagtipa ng mensahe to Zari, baka mahatid niya dito saglit at ang gaga, hindi nag reply.

"Didn't you inform everyone that cellphones are not allowed during work time?" Isang dumagundong na boses ng lalaki ang umagaw ng atensyon ko.

There was a hint of frustration in his voice. 

Mabilis ko namang tinago ang phone ko sa bag at tuluyan syang hinarap.

But, sure, this is really not my day to be happy. Indeed, I see him again with his usual voice and looks.

Hindi ako nagkakamali, ito yung lalaking lumapit sa amin sa bar na muntikan ko ng masapak dahil bukod sa pagiging sarkastiko, napaka yabang at arogante pa. 

He shrugged. "You know some people just can't seem to disconnect, even for a few hours." Dagdag niya.

I sighed, realizing that it was an uphill battle.

Everyone is looking at us. Ang iba ay naki tsismis at ang iba naman are minding their own business.

Kahit na kinabahan, I still managed to rebut him straightly.

"I was already informed about it po. My apology for using my phone, swear hindi na mauulit." Saad ko na may bahid ng pait sa tono.

He only smirked at me. Ngayon hindi ko na alam kung nahihiya ba ako o nagagalit. All I know is, nangingibabaw ang galit ko sa lalaking ito.

Tinalikuran niya ako na para bang; I'm such a waste of time to him. Well, if ayaw niya ako, mas lalong ayaw ko rin sa kanya.

And why is he here? Ka workmate ko ba siya? Siya ba ang may-ari ng kompanyang ito kung makapag salita kala mo naman kung sinong magaling na tao.

I watched him as he walked away, his back sraight and his steps firm.

For a moment, I stood there, stunned.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status