LOGIN“Bring her.”
Dalawang salita lamang ang sinabi ng lalaki, ngunit tila wala nang puwang para sa pagtutol. Hinawakan ng dalawang security guard ang aking mga braso at inalalayan akong bumaba sa entablado. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nanginginig pa rin ako, at hindi ko alam kung dahil sa takot o sa gamot na ibinigay sa akin. “Pakiusap…” bulong ko habang papalapit kami sa lalaki. “Huwag ninyo akong dalhin kung saan man. Hindi ako kriminal. Wala akong ginawang masama.” Hindi siya sumagot. Sa halip, iniabot niya ang isang itim na card sa lalaking nakabantay sa p***o. Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad palabas. “Sir, please!” sigaw ko. Huminto siya at dahan-dahan siyang lumingon sa akin. “Kung gusto mong makalabas dito nang buhay, sumunod ka.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa kaniya o kumapit sa mga salitang iyon. Sa huli, wala akong ibang pagpipilian kundi sumunod. Nang makapasok kami sa isang itim na SUV, agad akong lumipat sa pinakadulong bahagi ng upuan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko rin alam kung ano ang balak niya sa akin. Ang lalaki ay tahimik na nakaupo sa kabilang panig, abala sa pagbabasa ng mga dokumento sa kaniyang tablet. “Puwede ba akong magtanong?” Hindi siya tumingin. “Go ahead.” “Bakit ninyo ako binili?” Ibinaba niya ang tablet. “Hindi mo ba narinig ang auctioneer? Ikaw ang binili ko.” “Alam ko. Pero bakit?” “Dahil kailangan kita.” Napahigpit ang hawak ko sa aking bag na wala namang laman kundi isang panyo. “Kung kailangan ninyo ng babae, maraming ibang babae roon. Bakit ako?” Tumingin siya sa akin. “May anak ako.” Napakunot ang noo ko. “Anak?” “Limang taong gulang. Kailangan niya ng taong mag-aalaga sa kaniya.” Napatawa ako nang mapait. “Binili ninyo ako para maging yaya ng anak mo?” “Kung iyan ang gusto mong tawag.” “Hindi ako yaya! May sarili akong buhay. May kumpanya akong dapat pangalagaan. May mga taong kailangan kong harapin!” “Wala ka nang kumpanya.” Parang sinampal ako ng kaniyang mga salita. “Paano ninyo nalaman?” “May mga taong nag-iimbestiga sa akin.” Napatingin ako sa kaniya. “Iniimbestigahan ninyo ako?” “Hindi lang ikaw.” Napalunok ako. “Kung alam ninyo ang nangyari sa akin, bakit hindi ninyo ako tinulungan bago ako makarating sa auction?” Hindi siya agad sumagot. “Dahil hindi ko alam na dadalhin ka nila roon.” “Pero binili ninyo ako.” “Dahil kung hindi, baka mas masahol pa ang mangyari sa iyo.” Napayuko ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mas matakot sa lalaking iyon. “Paano kung ayaw kong manatili sa bahay ninyo?” “Hindi kita pipilitin.” Napatingin ako sa kaniya. “Kung gano'n, pakawalan na ninyo ako.” “Kapag nakalabas ka sa sasakyang ito, saan ka pupunta?” Hindi ako nakasagot. Wala na akong cellphone at wala na din akong pera. Wala akong mapagkakatiwalaang kaibigan na alam ang nangyari sa akin. At higit sa lahat, hindi ko alam kung sino ang mga taong naghahanap sa akin. “Hindi mo kailangang magpasya ngayon,” sabi niya. “Pero huwag kang magkakamali. Hindi ako santo. May mga bagay akong ginagawa dahil kailangan, hindi dahil mabait ako.” Napatingin ako sa kaniya. “Anong pangalan ninyo?” “Damian Villareal.” Ang pangalan niya ay pamilyar. From Villareal Group. Isa sa pinakamalaking conglomerates sa bansa, may investments sa real estate, hotels, logistics, at construction. At ang lalaking bumili sa akin ay hindi lamang basta mayaman. Isa siya sa mga taong hindi dapat kinakalaban. Makalipas ang halos isang oras, huminto ang SUV sa harap ng isang malaking mansiyon sa Tagaytay. Pagkababa ko, napatingala ako sa bahay. Napakalaki nito. May malawak na garden, fountain, at mga ilaw na nagbibigay ng eleganteng hitsura sa buong property. “Dito kayo nakatira?” tanong ko. “Dito.” “Kasama ang anak ninyo?” “Of course.” Bago pa ako makapagtanong, may batang babae na tumakbo mula sa entrance. “Daddy!” Agad siyang binuhat ni Damian. “Lia. Hindi ka dapat tumatakbo sa hagdan.” “Miss na kita!” “Hindi naman ako umalis nang matagal.” Napangiti ang bata, saka tumingin sa akin. “Daddy, who is she?” Ibinaba ako ni Damian sa paningin ng bata. “Althea.” “Althea?” Tumango ako. “Hello.” Lumapit si Lia at hinawakan ang kamay ko. “You are pretty.” Hindi ko napigilang ngumiti. “Thank you. Ikaw rin.” “Will you stay with us?” Napatingin ako kay Damian. “Lia,” saway niya. Pero hindi natinag ang bata. “Please? Lagi na lang umaalis ang mga yaya. Ayaw nilang makipaglaro sa akin.” Naramdaman kong may kumurot sa puso ko. “Bakit?” “Daddy is always busy. Mommy isn't here. Tapos kapag may yaya ako, umaalis din.” Napayuko siya. “Baka ayaw nila sa akin.” Hindi ko alam kung bakit, pero ang mga salitang iyon ay mas masakit kaysa sa anumang sinabi sa akin ni Marco. Lumuhod ako sa harap niya. “Hindi ibig sabihin na may umaalis ay may mali sa iyo, Lia.” Tumingin siya sa akin. “Promise?” “Promise.” Bigla niya akong niyakap. At sa unang pagkakataon mula nang ipagkanulo ako, nakaramdam ako ng init sa loob ng dibdib ko. Hindi dahil sa lalaki. Kundi dahil sa isang batang walang kasalanan. “Althea.” Napalingon ako kay Damian. “Sumama ka sa akin.” Iniwan ko si Lia sa sala kasama ang isang maid at sumunod sa kaniya papunta sa kaniyang study room. Pagpasok namin, agad niyang inilapag ang isang folder sa mesa. “May kondisyon ang pananatili mo rito.” “Akala ko hindi ninyo ako pipilitin.” “Hindi kita pinipilit. Binibigyan kita ng pagpipilian.” Binuksan niya ang folder. “May kontrata. Mananatili ka sa bahay na ito at aalagaan mo si Lia. May sarili kang kuwarto, allowance, at seguridad. Walang ibang mangyayari sa pagitan natin na hindi mo sinasang-ayunan.” Tiningnan ko ang dokumento. “Bakit ninyo ako tutulungan na mabawi ang kumpanya ng tatay ko?” “Dahil may mga taong naniniwala na maaari nilang gawin ang lahat kapag may pera at kapangyarihan sila. Ayoko sa mga ganoong tao.” “Hindi ba ganoon din kayo?” Bahagyang umangat ang kaniyang kilay. “Hindi mo pa ako kilala, Althea.” “Pero binili ninyo ako.” “Binayaran ko ang auction para mailabas ka roon. Hindi ibig sabihin na pag-aari kita.” Hindi ako agad nakasagot. Sa unang pagkakataon, may lalaking nagsabi sa akin na hindi niya ako pag-aari—kahit siya ang nagbayad ng pinakamalaking halaga para sa akin. “Kung pipirma ako,” sabi ko, “tutulungan ninyo akong malaman ang nangyari sa tatay ko?” “Tutulungan kitang makuha ang mga bagay na legal na sa iyo. Pero kung may kinalaman ang pagkamatay niya sa mga taong nakapaligid sa iyo, kailangan mong maging handa.” Tiningnan ko ang kontrata. Wala akong ibang mapagpipilian kaya pumirma na ako. Kinagabihan, habang nasa kuwarto ako, may narinig akong katok. “Althea?” Si Lia. May hawak siyang maliit na teddy bear. “Pwede ba akong matulog dito?” Napangiti ako. “Bakit?” “Kapag mag-isa ako, natatakot ako.” Binuksan ko ang p***o. “Come here.” Umakyat siya sa kama at yumakap sa teddy bear. “Daddy said you're staying.” “Hindi ko pa alam kung hanggang kailan.” “Please, huwag kang umalis.” Hindi ko alam kung anong klaseng pangako ang maaari kong ibigay sa kaniya. Pero nang makita ko ang mga mata niyang puno ng pag-asa, hinaplos ko ang buhok niya. “Matutulog muna tayo. Bukas, pag-uusapan natin.” Maya-maya, nakatulog siya sa tabi ko. At habang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha, naisip ko kung gaano kalungkot ang isang batang lumaki na laging naghihintay na may umalis. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong protektahan siya. Kahit hindi ko pa alam kung sino ang dapat kong protektahan ang sarili ko laban sa bahay na ito. Nang makatulog siya, tumayo ako at lumapit sa bintana. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Veronica at Marco. Hindi ko alam kung paano ko mababawi ang lahat. Pero hindi ako maaaring sumuko. Hindi ngayon. Hindi pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin. Kinabukasan, habang nag-aalmusal kami, napansin kong ilang beses nang tumunog ang cellphone ni Damian. Hindi niya iyon pinapansin sa una, pero nang tumawag ulit, tumayo siya. “Excuse me.” Lumabas siya ng dining room. Hindi ko sinadyang makinig, pero bahagyang nakabukas ang p***o. “Tell me what you found.” Hindi ko narinig ang sagot ng kausap niya. “Who sent it?” Sandaling katahimikan. “Send me the details.” Nang bumalik siya, iba na ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “May problema ba?” tanong ko. “Wala.” Pero hindi siya tumingin sa akin. Maya-maya, inilapag niya ang kaniyang cellphone sa mesa. Nag-vibrate iyon, at napansin kong may lumabas na notification. Hindi ko dapat basahin. Pero bago niya iyon kunin, nakita ko ang ilang salitang nakalagay sa screen. DON'T TRUST ALTHEA SARMIENTO. SHE KNOWS WHAT HAPPENED TO HER FATHER. Nanlamig ang buong katawan ko. Bakit may nagsasabing alam ko ang nangyari sa tatay ko? At bakit, sa halip na magtanong, parang ako na agad ang pinaghihinalaan? Napatingin ako kay Damian. Malamig ang kaniyang mga mata habang binabasa ang mensahe. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “Althea.” Napalunok ako. “May kailangan akong itanong sa iyo.” “Ano ang alam mo tungkol sa pagkamatay ng tatay mo?”Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nanatili sa hallway matapos umalis ni Elena.Hawak ko pa rin ang kopya ng petisyon para sa sole custody ni Lia. Ilang beses kong binasa ang mga salitang nakasulat doon, umaasang baka mali lamang ang pagkaunawa ko.Pero hindi. Talagang balak niyang kunin ang anak niya at ang mas nakababahala, tila matagal na niyang pinaghandaan at pinagplanuhan ang lahat.Agad akong bumalik sa kuwarto ni Lia. Mahimbing pa rin ang tulog ng bata at walang kamalay-malay sa labanang maaaring maglayo sa kaniya sa mga taong minahal niya.Maingat kong inilapag ang dokumento sa mesa. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Damian ang sinabi ng asawa niya. Dapat naman, pero bakit sa akin pa ipinakita ni Elena ang petisyon? Gusto ba niyang gamitin ako para saktan si Damian? O may iba pa siyang dahilan?“Althea?”Napalingon ako. Nakatayo si Damian sa may pintuan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa mukha ko.“What are you doing here? Akala ko ba natutulog ka na
Makalipas ang ilang minuto, dumating ang isang maid upang sabihin na hinahanap ako ni Damian.“Puwede ko bang iwan muna si Lia sa inyo?”“Opo, ma'am. Ako na po ang bahala.”Bago ako lumabas, hinalikan ko muna sa noo si Lia.“I'll be back, Lia.”Tumango siya at muling niyakap ang teddy bear.Pinuntahan ko si Damian sa study room. Wala na roon si Elena at nakatayo siya sa tabi ng bintana habang nakatingin sa malawak na garden.“Where's Elena?” tanong ko.“She went to the guest room.”“Dito siya titira?”Hindi siya agad sumagot.“Hindi ko pa alam.”Tumango ako. Hindi ko naman dapat pakialaman kung saan man siya titira. Pero kailangan kong malaman kung ano ang mangyayari sa arrangement namin.“Damian, tungkol sa sinabi niya kanina…”“Hindi ka aalis.”Napatingin ako sa kaniya.“Hindi mo kailangang magdesisyon para sa akin.”“I'm not deciding for you. I'm telling you that Elena has no authority to terminate our agreement.”“Pero asawa mo siya.”“And you're under a contract with me.”“Hindi
“Althea,” malamig na sabi ni Elena habang nakatayo, “I think it's time you leave this house.”Sandaling natahimik ang buong silid. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng oras na iyon. Alam kong darating ang panahong kailangan kong harapin ang asawa ni Damian, pero hindi ko inasahang iyon mismo ang unang sasabihin niya sa akin.Tumingin ako kay Damian na nakatayo sa tabi ng mesa at hawak pa rin ang mga dokumentong may kaugnayan sa ₱120 million transfer. Hindi ko mabasa at maintindihan ang kanyang ekspresyon.“Mommy,” mahinang tawag ni Lia.Napalingon ako sa bata. Nakatayo pa rin siya sa may pintuan at nakayakap sa maliit niyang teddy bear. Hindi niya alam kung saan siya titingin—sa mommy niya na matagal niyang hinintay o sa akin na kasalukuyang pinapaalis.Lumapit na ako sa kaniya at marahang hinawakan ang kanyang balikat.“Lia, sweetheart, it's okay.”Pero hindi siya ngumiti. Kita ko ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata.“Are you leaving?”Napalunok ako at hindi ag
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo sa loob ng storage unit bago tuluyang gumana ang utak ko.Nasa likuran ko ang isang estranghero at nasa kamay ko ang dokumentong may pangalan ni Damian Villareal.At ang pinto ng storage unit ay nakasara.“Put that folder down,” muling utos ng lalaki.Hindi ko siya makita nang malinaw. Nasa likod niya ang ilaw mula sa hallway, kaya ang mukha niya ay natatakpan ng anino. Pero sapat ang pagkakabuo ng kanyang katawan para malaman kong hindi siya basta empleyado ng storage facility.“Who are you?” tanong ko.“Hindi mo na kailangang malaman.”“Kung hindi ko kailangang malaman ang pangalan mo, bakit alam mo ang pangalan ko?”“Althea, huwag mo akong pahirapan.”Napatigil ako. Alam niya ang pangalan ko. Hindi lang niya alam kung sino ako. Alam niya kung anong ginagawa ko rito.Napahigpit ang hawak ko sa folder.“Hindi ko ibibigay sa iyo ang dokumentong ito.”“Hindi mo naiintindihan ang hawak mo.”“Kung ganoon, ipaliwanag mo.”Lumapit siya nang i
Hindi ako nakatulog nang maayos matapos ang pag-uusap namin ni Damian. Paulit-ulit kong naiisip ang reaksyon niya nang makita ang litrato ng tatay ko. Hindi iyon simpleng pagkagulat. Hindi rin iyon ang mukha ng isang taong nakakita lamang ng estranghero.May nakilala siya sa litrato. At mas nakakainis, hindi niya sinabi sa akin kung sino.Huwag kang magtiwala sa kahit sino.Iyon ang huling sinabi niya bago tuluyang lumabas sa kuwarto ko.Pero paano ako magtitiwala sa isang lalaking tila mas maraming alam tungkol sa pagkamatay ng tatay ko kaysa sa sinasabi niya?Bumangon ako bago mag-alas-sais ng umaga. Kinuha ko ang litrato mula sa drawer kung saan ko ito itinago at muling pinagmasdan.Ang lalaking katabi ng tatay ko ay nakasuot ng dark gray suit. Hindi malinaw ang mukha dahil medyo malayo ang kuha, pero mapapansin ang isang silver watch sa kaliwang kamay niya at isang maliit na peklat malapit sa kanyang panga.Hindi ko siya kilala. Pero bakit pakiramdam ko ay nakita ko na ang mukha n
“Cassandra?”Hindi ko alam kung tama ang pangalan na narinig ko mula sa isang staff noon.Ngumiti siya, pero walang init iyon.“So, ikaw pala ang bagong babae sa bahay ni Damian.”“Caregiver ako ni Lia.”“Caregiver?”Tumingin siya sa swing.“Interesting. Hindi ko alam na kailangan na pala niyang bumili ng caregiver.”Napakunot ang noo ko.“Excuse me?”“Don't pretend you don't know what I'm talking about.”Lumapit siya sa akin.“Alam ko ang nangyari sa auction.”Nanlamig ang mga kamay ko.“Hindi ko alam kung bakit kailangan mong pag-usapan iyon.”“Because I want to know what kind of woman Damian brought into his house.”“Kung gusto mong malaman, siya na lang po ang tanungin mo.”Napangiti si Cassandra.“Ang problema, hindi naman siya basta-basta nagpapapasok ng mga babae sa buhay niya.”“Hindi ako interesado sa buhay niya.”“Really?”Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.“Then why are you still here?”Hindi ako sumagot.“Fifty million pesos,” bulong niya. “That's quite an expens







