LOGINHindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang malaman na may taong nagbabala kay Damian tungkol sa akin, o ang malaman na may taong nakakaalam ng sikreto ng pagkamatay ng tatay ko.
“Ano ang alam mo tungkol sa pagkamatay ng tatay mo?” Nakatayo ako sa tapat ni Damian, habang hawak niya ang cellphone na kanina pa niya tinitingnan. Hindi ko alam kung ano ang laman ng mensaheng natanggap niya, pero sapat ang naging pagbabago sa mukha niya para maramdaman kong may mali. Hindi na siya mukhang simpleng lalaking nagtatanong. Mukha siyang taong naghihinala. “Bakit mo ako tinatanong niyan?” balik-tanong ko. “Althea, sagutin mo ako.” “Hindi ba malinaw sa lahat na namatay ang tatay ko dahil sa heart attack?” “Hindi iyon ang tinatanong ko.” Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit. “Wala akong alam na iba. Hindi ko alam kung may problema siya sa negosyo, kung may kaaway siya, o kung may taong gustong saktan siya. Ang alam ko lang, namatay siya. At pagkatapos ng libing, halos wala nang natira sa akin.” Sandaling natahimik si Damian. “May nakakaalam ba kung sino ang huling nakasama ng tatay mo bago siya namatay?” Napatigil ako. Hindi ko inaasahang iyon ang susunod niyang itatanong. “Bakit?” “Dahil may nagpadala sa akin ng mensahe tungkol sa iyo.” “Anong mensahe?” Hindi agad niya ipinakita ang cellphone niya. “May nagsasabing hindi ka dapat pagkatiwalaan.” Napatawa ako nang mapait. “Hindi ako dapat pagkatiwalaan? Ako? Ang babaeng drugged, ipinagbili, at dinala sa auction na parang isang bagay na walang halaga?” “Hindi ko sinabing totoo ang mensahe.” “Pero tinatanong mo ako tungkol sa pagkamatay ng tatay ko.” “Dahil gusto kong malaman kung may itinatago ka.” Napatingin ako sa kanya. Sa unang pagkakataon mula nang iligtas niya ako sa auction, naramdaman kong hindi ko alam kung saan ako lulugar sa harap ng lalaking ito. “Kung ganoon, dapat malaman mo rin na hindi ako nagtitiwala sa iyo.” Napatigil siya. “Good.” “Good?” “Mas mabuting hindi ka basta-basta nagtitiwala sa mga taong hindi mo kilala.” “Including you?” “Lalo na ako.” Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan sa sagot niya. Hindi siya nagbigay ng paliwanag. Hindi rin niya ako pinilit na magsalita pa. Inilapag niya ang cellphone sa mesa at tumalikod. “May kailangan akong asikasuhin. Manatili ka muna rito.” “Pwede ko ba malaman kung ano pa ang laman ng mensahe?” “Hindi muna sa ngayon.” “Bakit?” “Dahil hindi ko pa alam kung sino ang nagpadala nito.” At bago pa ako makapagtanong, lumabas na siya ng silid. Naiwan akong nakatayo, pakiramdam ko ay may mas malaking problemang naghihintay sa akin kaysa sa mga taong sumira sa buhay ko. Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon. Paulit-ulit kong iniisip ang tanong ni Damian. Ano ang alam mo tungkol sa pagkamatay ng tatay mo? May mga bagay akong hindi na pinagtuunan ng pansin pagkatapos ng libing. Masyado akong abala sa pag-aayos ng mga papeles, pagharap sa mga taong biglang nagbago ang pakikitungo sa akin, at sa pagtuklas na ang lalaking pinagmamahal ko ay matagal na palang kasama ng babaeng pinagkatiwalaan ko. Pero may isang bagay na hindi ko makalimutan. Dalawang araw bago mamatay ang tatay ko, tinawagan niya ako. Hindi ko iyon nasagot dahil nasa meeting ako noon. Nang tumawag ako pabalik, hindi na siya sumagot. Nag-message lang siya. [Anak, kapag may nangyari sa akin, huwag kang basta-basta magtitiwala. May mga taong malapit sa atin na hindi natin tunay na kilala.] Noon, akala ko ay pagod lang siya o nag-aalala tungkol sa negosyo. Hindi ko na siya tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin. At ngayon, hindi ko na siya maaaring tanungin dahil huli na ang lahat. Napapikit ako at pinisil ang aking mga daliri. Kung may alam siyang panganib, bakit hindi niya sinabi sa akin? At kung may taong nagdulot ng kamatayan niya, paano ko malalaman kung sino iyon? Kinabukasan, maaga akong bumangon. Hindi dahil nakatulog ako nang maayos, kundi dahil hindi ko na kayang manatili sa kuwarto at mag-isip. Pagkatapos kong ihanda si Lia para sa almusal, bumaba ako sa dining area. Nandoon na si Damian, nakaupo sa mesa habang nagbabasa ng ilang dokumento. “Good morning,” bati ko. Hindi siya agad tumingin. “Morning.” “May kailangan akong itanong.” Ibinaba niya ang papel. “About what?” “Sa tatay ko.” “Althea—” “Hindi ako magtatanong kung hindi mahalaga.” Natahimik siya. “May sinabi ka kagabi na may nagpadala sa iyo ng mensahe tungkol sa akin. Gusto kong malaman kung ano iyon.” “Hindi pa natin alam kung sino ang nagpadala.” “Pero ano ba ang nilalaman ng mensahe na iyon.” “May mga bagay na hindi mo muna dapat malaman.” Napakunot ang noo ko. “Hindi ba buhay ko ang pinag-uusapan?” “Exactly. Kaya hindi kita ilalagay sa alanganin.” “Hindi mo ba naiintindihan? Nasa alanganin na ako simula nang mamatay ang tatay ko!” Napatingin sa akin ang ilang staff na nasa paligid. Napababa ako ng boses. “Hindi ko alam kung sino ang pumatay sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako ipinagbili ni Marco at Veronica. Hindi ko alam kung may iba pang taong kasangkot. At ngayon, may mga taong nagsasabing may alam ako tungkol sa pagkamatay niya. Paano ko malalaman ang katotohanan kung lahat kayo ay may itinatago?” Nakatitig lang si Damian sa akin. “Hindi lahat ng katotohanan ay ligtas malaman.” “Pero hindi ibig sabihin na hindi ko ito dapat malaman.” Bago pa siya makasagot, tumakbo si Lia papasok sa dining area. “Daddy!” Naputol ang usapan namin. Lumapit si Lia kay Damian at umakyat sa upuan niya. “Can Mommy Althea come with me to the garden today?” Napatingin sa akin si Damian. “May plano ka ba?” “Wala. Gusto ko lang maglaro kasama si Lia.” “Then go.” Napatingin ako sa kanya. “Akala ko ba may mga bagay na hindi dapat malaman?” “Hindi ko sinabi na hindi ka puwedeng lumabas sa garden.” Napailing ako. Napakasarap talagang makipag-usap sa lalaking ito. Pagkatapos ng almusal, dinala ko si Lia sa garden. Malawak ang bakuran ng mansion. May mga puno, bulaklak, at maliit na gazebo sa dulo. May playground din na tila hindi gaanong ginagamit. Habang naglalaro si Lia sa swing, umupo ako sa bench at pinagmamasdan siya. “Mommy Althea!” “Hmm?” “Look! I can swing higher!” “Careful!” Tumawa siya. Sa ilang sandali, nakalimutan ko ang mga problema ko. Nakalimutan ko ang auction. Nakalimutan ko ang mukha ni Marco at nakalimutan ko ang mga dokumentong may pekeng pirma ng tatay ko. Pero hindi nagtagal ang katahimikan. “Althea Sarmiento?” Napalingon ako. Isang babaeng nakasuot ng eleganteng beige dress ang nakatayo sa likuran ko. Mahaba ang buhok niya, maayos ang makeup, at ang tingin niya sa akin ay parang may nakikita siyang bagay na hindi dapat naroroon.Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nanatili sa hallway matapos umalis ni Elena.Hawak ko pa rin ang kopya ng petisyon para sa sole custody ni Lia. Ilang beses kong binasa ang mga salitang nakasulat doon, umaasang baka mali lamang ang pagkaunawa ko.Pero hindi. Talagang balak niyang kunin ang anak niya at ang mas nakababahala, tila matagal na niyang pinaghandaan at pinagplanuhan ang lahat.Agad akong bumalik sa kuwarto ni Lia. Mahimbing pa rin ang tulog ng bata at walang kamalay-malay sa labanang maaaring maglayo sa kaniya sa mga taong minahal niya.Maingat kong inilapag ang dokumento sa mesa. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Damian ang sinabi ng asawa niya. Dapat naman, pero bakit sa akin pa ipinakita ni Elena ang petisyon? Gusto ba niyang gamitin ako para saktan si Damian? O may iba pa siyang dahilan?“Althea?”Napalingon ako. Nakatayo si Damian sa may pintuan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa mukha ko.“What are you doing here? Akala ko ba natutulog ka na
Makalipas ang ilang minuto, dumating ang isang maid upang sabihin na hinahanap ako ni Damian.“Puwede ko bang iwan muna si Lia sa inyo?”“Opo, ma'am. Ako na po ang bahala.”Bago ako lumabas, hinalikan ko muna sa noo si Lia.“I'll be back, Lia.”Tumango siya at muling niyakap ang teddy bear.Pinuntahan ko si Damian sa study room. Wala na roon si Elena at nakatayo siya sa tabi ng bintana habang nakatingin sa malawak na garden.“Where's Elena?” tanong ko.“She went to the guest room.”“Dito siya titira?”Hindi siya agad sumagot.“Hindi ko pa alam.”Tumango ako. Hindi ko naman dapat pakialaman kung saan man siya titira. Pero kailangan kong malaman kung ano ang mangyayari sa arrangement namin.“Damian, tungkol sa sinabi niya kanina…”“Hindi ka aalis.”Napatingin ako sa kaniya.“Hindi mo kailangang magdesisyon para sa akin.”“I'm not deciding for you. I'm telling you that Elena has no authority to terminate our agreement.”“Pero asawa mo siya.”“And you're under a contract with me.”“Hindi
“Althea,” malamig na sabi ni Elena habang nakatayo, “I think it's time you leave this house.”Sandaling natahimik ang buong silid. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng oras na iyon. Alam kong darating ang panahong kailangan kong harapin ang asawa ni Damian, pero hindi ko inasahang iyon mismo ang unang sasabihin niya sa akin.Tumingin ako kay Damian na nakatayo sa tabi ng mesa at hawak pa rin ang mga dokumentong may kaugnayan sa ₱120 million transfer. Hindi ko mabasa at maintindihan ang kanyang ekspresyon.“Mommy,” mahinang tawag ni Lia.Napalingon ako sa bata. Nakatayo pa rin siya sa may pintuan at nakayakap sa maliit niyang teddy bear. Hindi niya alam kung saan siya titingin—sa mommy niya na matagal niyang hinintay o sa akin na kasalukuyang pinapaalis.Lumapit na ako sa kaniya at marahang hinawakan ang kanyang balikat.“Lia, sweetheart, it's okay.”Pero hindi siya ngumiti. Kita ko ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata.“Are you leaving?”Napalunok ako at hindi ag
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo sa loob ng storage unit bago tuluyang gumana ang utak ko.Nasa likuran ko ang isang estranghero at nasa kamay ko ang dokumentong may pangalan ni Damian Villareal.At ang pinto ng storage unit ay nakasara.“Put that folder down,” muling utos ng lalaki.Hindi ko siya makita nang malinaw. Nasa likod niya ang ilaw mula sa hallway, kaya ang mukha niya ay natatakpan ng anino. Pero sapat ang pagkakabuo ng kanyang katawan para malaman kong hindi siya basta empleyado ng storage facility.“Who are you?” tanong ko.“Hindi mo na kailangang malaman.”“Kung hindi ko kailangang malaman ang pangalan mo, bakit alam mo ang pangalan ko?”“Althea, huwag mo akong pahirapan.”Napatigil ako. Alam niya ang pangalan ko. Hindi lang niya alam kung sino ako. Alam niya kung anong ginagawa ko rito.Napahigpit ang hawak ko sa folder.“Hindi ko ibibigay sa iyo ang dokumentong ito.”“Hindi mo naiintindihan ang hawak mo.”“Kung ganoon, ipaliwanag mo.”Lumapit siya nang i
Hindi ako nakatulog nang maayos matapos ang pag-uusap namin ni Damian. Paulit-ulit kong naiisip ang reaksyon niya nang makita ang litrato ng tatay ko. Hindi iyon simpleng pagkagulat. Hindi rin iyon ang mukha ng isang taong nakakita lamang ng estranghero.May nakilala siya sa litrato. At mas nakakainis, hindi niya sinabi sa akin kung sino.Huwag kang magtiwala sa kahit sino.Iyon ang huling sinabi niya bago tuluyang lumabas sa kuwarto ko.Pero paano ako magtitiwala sa isang lalaking tila mas maraming alam tungkol sa pagkamatay ng tatay ko kaysa sa sinasabi niya?Bumangon ako bago mag-alas-sais ng umaga. Kinuha ko ang litrato mula sa drawer kung saan ko ito itinago at muling pinagmasdan.Ang lalaking katabi ng tatay ko ay nakasuot ng dark gray suit. Hindi malinaw ang mukha dahil medyo malayo ang kuha, pero mapapansin ang isang silver watch sa kaliwang kamay niya at isang maliit na peklat malapit sa kanyang panga.Hindi ko siya kilala. Pero bakit pakiramdam ko ay nakita ko na ang mukha n
“Cassandra?”Hindi ko alam kung tama ang pangalan na narinig ko mula sa isang staff noon.Ngumiti siya, pero walang init iyon.“So, ikaw pala ang bagong babae sa bahay ni Damian.”“Caregiver ako ni Lia.”“Caregiver?”Tumingin siya sa swing.“Interesting. Hindi ko alam na kailangan na pala niyang bumili ng caregiver.”Napakunot ang noo ko.“Excuse me?”“Don't pretend you don't know what I'm talking about.”Lumapit siya sa akin.“Alam ko ang nangyari sa auction.”Nanlamig ang mga kamay ko.“Hindi ko alam kung bakit kailangan mong pag-usapan iyon.”“Because I want to know what kind of woman Damian brought into his house.”“Kung gusto mong malaman, siya na lang po ang tanungin mo.”Napangiti si Cassandra.“Ang problema, hindi naman siya basta-basta nagpapapasok ng mga babae sa buhay niya.”“Hindi ako interesado sa buhay niya.”“Really?”Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.“Then why are you still here?”Hindi ako sumagot.“Fifty million pesos,” bulong niya. “That's quite an expens


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




