LOGIN“Cassandra?”
Hindi ko alam kung tama ang pangalan na narinig ko mula sa isang staff noon. Ngumiti siya, pero walang init iyon. “So, ikaw pala ang bagong babae sa bahay ni Damian.” “Caregiver ako ni Lia.” “Caregiver?” Tumingin siya sa swing. “Interesting. Hindi ko alam na kailangan na pala niyang bumili ng caregiver.” Napakunot ang noo ko. “Excuse me?” “Don't pretend you don't know what I'm talking about.” Lumapit siya sa akin. “Alam ko ang nangyari sa auction.” Nanlamig ang mga kamay ko. “Hindi ko alam kung bakit kailangan mong pag-usapan iyon.” “Because I want to know what kind of woman Damian brought into his house.” “Kung gusto mong malaman, siya na lang po ang tanungin mo.” Napangiti si Cassandra. “Ang problema, hindi naman siya basta-basta nagpapapasok ng mga babae sa buhay niya.” “Hindi ako interesado sa buhay niya.” “Really?” Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. “Then why are you still here?” Hindi ako sumagot. “Fifty million pesos,” bulong niya. “That's quite an expensive rescue.” Napahigpit ang panga ko. “I did not ask for his money.” “Pero tinanggap mo.” “Wala akong ibang choice noong gabing iyon.” “Lahat naman may choice.” Napatingin ako sa kanya. “Kung ganoon, sana ikaw ang naroon. Sana ikaw ang nakatayo sa harap ng mga taong tumitingin sa iyo na parang hindi ka tao. Sana ikaw ang nakarinig ng bid habang wala kang magawa kundi maghintay kung sino ang bibili sa iyo.” Nawala ang ngiti niya. “Watch your mouth.” “Hindi ako ang nagsimula.” Hinawakan niya ang braso ko. “Listen to me. Huwag mong isipin na dahil pinapasok ka ni Damian sa bahay na ito, may lugar ka na sa buhay niya.” Agad kong hinila ang braso ko. “Hindi ko kailangan ng lugar sa buhay niya.” “Then stay away from him.” “Hindi ako ang may problema sa iyo.” “Althea!” Napalingon kami sa boses ni Damian. Nakatayo siya sa may entrance ng garden. Nang makita niya ang kamay ni Cassandra na nakahawak sa akin, mabilis siyang lumapit. “Let go of her.” Binitiwan ako ni Cassandra. “Damian, I was just talking to her.” “Then talk without touching her.” “Don't tell me you actually believe her story.” “Cassandra.” Malamig ang boses niya. “Leave.” “Are you serious?” “Now.” Napatingin si Cassandra sa akin, puno ng galit ang mga mata. “Hindi ito matatapos dito.” Pagkatapos, mabilis siyang umalis at nang makalayo siya, hinawakan ni Damian ang braso ko. “Are you okay?” “Okay lang.” “Did she hurt you?” “Hindi.” Tumingin siya sa akin nang ilang segundo. “Stay away from her.” Napatawa ako nang mahina. “Hindi ko naman planong maging kaibigan niya.” “I'm not joking, Althea.” “Hindi rin ako.” Binitawan niya ang braso ko. “May mga taong hindi mo dapat kinakalaban.” “Kung ganoon, bakit parang lahat ng tao ay may gustong mangyari sa akin?” Hindi siya sumagot. At iyon ang mas lalong nagpatunay na may alam siya. Nang hapon na, habang nasa kuwarto ako at nag-aayos ng mga gamit ni Lia, may kumatok sa p***o. “Ma'am Althea?” Isang staff ang pumasok. “May package po para sa inyo.” Napakunot ang noo ko. “Package?” Iniabot niya sa akin ang isang maliit na brown envelope. Walang pangalan ng sender at wala din address. Wala din na kahit anong marka. “Thank you.” Pagkaalis niya, agad kong binuksan ang envelope. May isang litrato sa loob nito at nang makita ko, nanlamig ang buong katawan ko. Ang tatay ko. Nakatayo siya sa isang parking area, suot ang paborito niyang navy blue suit. Katabi niya ang isang lalaki na hindi ko kilala. Hindi ko maalala kung nakita ko na ba ang mukha nito. Pero may kakaiba sa larawan. Sa likod, may handwritten note. “HINDI SI VERONICA ANG HULING TAONG NAKITA NG TATAY MO BAGO SIYA NAMATAY.” Nanginig ang mga kamay ko. May isa pang papel. “HANAPIN MO SI RAMON CASTILLO.” At sa ilalim nito, may isa pang linya. “HUWAG KANG MAGTANONG KAY DAMIAN.” Napaatras ako. Bakit si Damian? Bakit may nagbabala sa akin na huwag magtanong sa kanya? At bakit ngayon, pagkatapos ng lahat ng nangyari, may taong gustong tulungan akong malaman ang katotohanan—pero ayaw akong lumapit sa lalaking nagligtas sa akin? Napatingin ako sa litrato. Sa unang pagkakataon, hindi lang si Veronica at Marco ang pinaghihinalaan ko. May ibang taong kasangkot. At maaaring mas malapit ito sa buhay ng tatay ko kaysa sa inaakala ko. Biglang bumukas ang p***o. “Althea?” Napalingon ako. Si Damian pala, nakatayo siya sa doorway, at agad na napansin ang litrato sa kamay ko. Nagbago ang mukha niya pagkakita sa larawan. “Where did you get that?” Hindi ako sumagot. Sa halip, itinaas ko ang litrato at ipinakita sa kanya. “Kilalang-kilala mo ba ang lalaking ito?” Hindi siya gumalaw at hindi din siya nagsalita. Pero ang mga mata niya ay nakatutok sa larawan. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang isang bagay sa mukha ni Damian Villareal na hindi ko pa nakikita mula nang makilala ko siya. Takot. “Althea,” mahina niyang sabi. “Who is he?” Hindi siya sumagot. “Damian, sino ang lalaking kasama ng tatay ko?” Lumapit siya at kinuha ang litrato sa kamay ko. Matagal niya itong tinitigan bago niya ako muling hinarap. “Where did you get this?” “May nagpadala.” “Who?” “Hindi ko alam.” “Did anyone see you receive it?” “Hindi ko alam. Pero bakit mo ako tinatanong? Kilala mo ba siya?” Natahimik siya. At ang katahimikan niya ang mas nakakatakot kaysa anumang sagot. “Damian,” mariin kong sabi. “Sino siya?” Dahan-dahan niyang ibinaba ang litrato. “Althea, stop looking into this.” Napatawa ako, pero walang saya. “Stop? Patay ang tatay ko. Nawala sa akin ang lahat. Ipinagbili ako ng sarili kong fiancé. At ngayon, may taong nagpapadala sa akin ng mga litrato at pangalan ng mga taong maaaring may alam sa pagkamatay niya.” Lumapit ako sa kanya. “Hindi ako titigil.” Nanigas ang panga niya. “Hindi mo alam kung anong klaseng panganib ang pinapasok mo.” “Then tell me!” “Hindi lahat ng taong naghahanap ng katotohanan ay nagkakaroon ng katahimikan.” Napatigil ako. Pero hindi ako umatras. “Kung ganoon, mas lalo na kailangan kong malaman ang totoo.” Tinitigan niya ako nang matagal. Pagkatapos, ibinalik niya sa akin ang litrato. “Kung talagang gusto mong malaman ang katotohanan,” sabi niya, “huwag kang magtiwala sa kahit sino.” “Pati sa iyo?” Hindi siya sumagot bagkus ay lumabas siya ng kuwarto at naiwan akong nakatitig sa litrato ng tatay ko. Hindi ko alam kung sino ang lalaking kasama niya. Hindi ko alam kung bakit natakot si Damian. Pero isang bagay ang sigurado ako. Hindi na ako magiging biktima. At kung ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng tatay ko ay nasa likod ng mga taong ito, sisirain ko ang lahat ng humahadlang sa akin—kahit ang lalaking nagligtas sa akin. Dahil maaaring iniligtas nga ako ni Damian Villareal sa auction. Pero hindi ibig sabihin na mapagkakatiwalaan ko siya. At kung siya ang may alam sa pagkamatay ng tatay ko, hindi ko hahayaang makaligtas siya sa mga tanong ko.Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nanatili sa hallway matapos umalis ni Elena.Hawak ko pa rin ang kopya ng petisyon para sa sole custody ni Lia. Ilang beses kong binasa ang mga salitang nakasulat doon, umaasang baka mali lamang ang pagkaunawa ko.Pero hindi. Talagang balak niyang kunin ang anak niya at ang mas nakababahala, tila matagal na niyang pinaghandaan at pinagplanuhan ang lahat.Agad akong bumalik sa kuwarto ni Lia. Mahimbing pa rin ang tulog ng bata at walang kamalay-malay sa labanang maaaring maglayo sa kaniya sa mga taong minahal niya.Maingat kong inilapag ang dokumento sa mesa. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Damian ang sinabi ng asawa niya. Dapat naman, pero bakit sa akin pa ipinakita ni Elena ang petisyon? Gusto ba niyang gamitin ako para saktan si Damian? O may iba pa siyang dahilan?“Althea?”Napalingon ako. Nakatayo si Damian sa may pintuan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa mukha ko.“What are you doing here? Akala ko ba natutulog ka na
Makalipas ang ilang minuto, dumating ang isang maid upang sabihin na hinahanap ako ni Damian.“Puwede ko bang iwan muna si Lia sa inyo?”“Opo, ma'am. Ako na po ang bahala.”Bago ako lumabas, hinalikan ko muna sa noo si Lia.“I'll be back, Lia.”Tumango siya at muling niyakap ang teddy bear.Pinuntahan ko si Damian sa study room. Wala na roon si Elena at nakatayo siya sa tabi ng bintana habang nakatingin sa malawak na garden.“Where's Elena?” tanong ko.“She went to the guest room.”“Dito siya titira?”Hindi siya agad sumagot.“Hindi ko pa alam.”Tumango ako. Hindi ko naman dapat pakialaman kung saan man siya titira. Pero kailangan kong malaman kung ano ang mangyayari sa arrangement namin.“Damian, tungkol sa sinabi niya kanina…”“Hindi ka aalis.”Napatingin ako sa kaniya.“Hindi mo kailangang magdesisyon para sa akin.”“I'm not deciding for you. I'm telling you that Elena has no authority to terminate our agreement.”“Pero asawa mo siya.”“And you're under a contract with me.”“Hindi
“Althea,” malamig na sabi ni Elena habang nakatayo, “I think it's time you leave this house.”Sandaling natahimik ang buong silid. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng oras na iyon. Alam kong darating ang panahong kailangan kong harapin ang asawa ni Damian, pero hindi ko inasahang iyon mismo ang unang sasabihin niya sa akin.Tumingin ako kay Damian na nakatayo sa tabi ng mesa at hawak pa rin ang mga dokumentong may kaugnayan sa ₱120 million transfer. Hindi ko mabasa at maintindihan ang kanyang ekspresyon.“Mommy,” mahinang tawag ni Lia.Napalingon ako sa bata. Nakatayo pa rin siya sa may pintuan at nakayakap sa maliit niyang teddy bear. Hindi niya alam kung saan siya titingin—sa mommy niya na matagal niyang hinintay o sa akin na kasalukuyang pinapaalis.Lumapit na ako sa kaniya at marahang hinawakan ang kanyang balikat.“Lia, sweetheart, it's okay.”Pero hindi siya ngumiti. Kita ko ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata.“Are you leaving?”Napalunok ako at hindi ag
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo sa loob ng storage unit bago tuluyang gumana ang utak ko.Nasa likuran ko ang isang estranghero at nasa kamay ko ang dokumentong may pangalan ni Damian Villareal.At ang pinto ng storage unit ay nakasara.“Put that folder down,” muling utos ng lalaki.Hindi ko siya makita nang malinaw. Nasa likod niya ang ilaw mula sa hallway, kaya ang mukha niya ay natatakpan ng anino. Pero sapat ang pagkakabuo ng kanyang katawan para malaman kong hindi siya basta empleyado ng storage facility.“Who are you?” tanong ko.“Hindi mo na kailangang malaman.”“Kung hindi ko kailangang malaman ang pangalan mo, bakit alam mo ang pangalan ko?”“Althea, huwag mo akong pahirapan.”Napatigil ako. Alam niya ang pangalan ko. Hindi lang niya alam kung sino ako. Alam niya kung anong ginagawa ko rito.Napahigpit ang hawak ko sa folder.“Hindi ko ibibigay sa iyo ang dokumentong ito.”“Hindi mo naiintindihan ang hawak mo.”“Kung ganoon, ipaliwanag mo.”Lumapit siya nang i
Hindi ako nakatulog nang maayos matapos ang pag-uusap namin ni Damian. Paulit-ulit kong naiisip ang reaksyon niya nang makita ang litrato ng tatay ko. Hindi iyon simpleng pagkagulat. Hindi rin iyon ang mukha ng isang taong nakakita lamang ng estranghero.May nakilala siya sa litrato. At mas nakakainis, hindi niya sinabi sa akin kung sino.Huwag kang magtiwala sa kahit sino.Iyon ang huling sinabi niya bago tuluyang lumabas sa kuwarto ko.Pero paano ako magtitiwala sa isang lalaking tila mas maraming alam tungkol sa pagkamatay ng tatay ko kaysa sa sinasabi niya?Bumangon ako bago mag-alas-sais ng umaga. Kinuha ko ang litrato mula sa drawer kung saan ko ito itinago at muling pinagmasdan.Ang lalaking katabi ng tatay ko ay nakasuot ng dark gray suit. Hindi malinaw ang mukha dahil medyo malayo ang kuha, pero mapapansin ang isang silver watch sa kaliwang kamay niya at isang maliit na peklat malapit sa kanyang panga.Hindi ko siya kilala. Pero bakit pakiramdam ko ay nakita ko na ang mukha n
“Cassandra?”Hindi ko alam kung tama ang pangalan na narinig ko mula sa isang staff noon.Ngumiti siya, pero walang init iyon.“So, ikaw pala ang bagong babae sa bahay ni Damian.”“Caregiver ako ni Lia.”“Caregiver?”Tumingin siya sa swing.“Interesting. Hindi ko alam na kailangan na pala niyang bumili ng caregiver.”Napakunot ang noo ko.“Excuse me?”“Don't pretend you don't know what I'm talking about.”Lumapit siya sa akin.“Alam ko ang nangyari sa auction.”Nanlamig ang mga kamay ko.“Hindi ko alam kung bakit kailangan mong pag-usapan iyon.”“Because I want to know what kind of woman Damian brought into his house.”“Kung gusto mong malaman, siya na lang po ang tanungin mo.”Napangiti si Cassandra.“Ang problema, hindi naman siya basta-basta nagpapapasok ng mga babae sa buhay niya.”“Hindi ako interesado sa buhay niya.”“Really?”Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.“Then why are you still here?”Hindi ako sumagot.“Fifty million pesos,” bulong niya. “That's quite an expens







