Percy's POV
HE WAS glad na naisipan niyang balikan si Camila ng gabing muntik na itong halayin ng amain. Hindi niya amisip kung ano ang posibilidad na nangyari dito kung hindi siya dumating.
Hindi niya pinagsisisihan ang nagawa. Kahit pa ng makulong siya. Kung mangyayari man ulit iyon gagawin pa rin niya ang ginawa niya para ipagtanggol si Camila.
Ang kaso ng makulong siya isang beses lang dumalaw sa kanya si Camila. Halos mabaliw siya sa kakaisip noon.
Hanggang sa tuluyan na itong hindi na nagpakita sa kanya. He was heart broken that time. Para siyang mababaliw ng para na lang itong bulang nawala. Hindi niya mahanap, kahit ng mga tauhan niyang inutusan niyang maghanap kay Camila.
<Camila's POV"Easy ka lang," ani Ernie sabay pigil sa kamay niya sa pagkudkod ng bao. Kulay brown na kasi ang nakakayod niya.Hinihingal na tinigilan niya ang pagkakayod. Nakakapagod pala pero yung hingal niya hindi lang dahil sa pagod at ngawit, hinihingal din siya dahil sa inis.Umalis nga ang talipandas na lalaki, sumama kay Blessilda na m,ukhang japayuki. Samantalang kagabi lang tinatanong siya kung gusto niyang palitan ang apilyido niya. Kung hindi ba naman hunghang. Tatanung-tanungin siya ng ganoon tapos nakakita lang ng bagong mapaglilibangan sumama naman.Sana man lang nagpakita siya ng loyalty niyang letse siya kung talagang seryoso siya sa akin na makipagbalikan.
Camila's POV"Kape?" alok sa kanya ni Ernie. Na sa terrace siya ng bahay nila Ernie. Doon siya nagtungo pagkatapos ng hapunan."Salamat," pasasalamat niya ng tanggapin niya iyon.Naupo sa tabi niya si Ernie."Nag-usap na kami ni Anna," aniya na sa baso ng kape nakatingin. "Hindi siya... hindi siya galit sa akin."Hanggang ngayon hindi niya mapaniwalaan na naging maayos ang pag-uusap nilang mag-ina. Walang sumbatan at maraming tanong. Tinanggap at inintindi ng anak niya ang lahat ng sinabi niya rito. Parang may isang bara na nawala sa kanya. Yung bigat sa dibdib niya ay natanggal kaya naman mas nakakahinga na siya ng maayos.
Camila's POVMatanda na si Ka Ernesto. Hukot na ang katawan, puro puti na ang buhok at malabo na ang mga mata.Ang dating matikas na matanda ay nakaupo na lang sa silyang tumba-tumba. Nakaluhod sa harap nito si Ernie. Nag-iiyakan ang mag-ama na halos sampung taon ng hindi nagkita.Tumalikod siya at lumabas ng bahay. Naninikip ang dibdib niya na isiping sila ang dahilan kung bakit matagal na nawalay si Ernie sa pamilya nito, at ngayon na lang uli nakauwi pagkalipas ng maraming taon. Napakaraming nasayang na panahon.Nakita niya si Percy sa labas habang kinakalikot ang cellphone nito. Lumapit siya sa kinaroroonan nito at sumandal sa van na kinasasandalan nito.
Camila's POVTinanghali siya ng gising kaya pabigla ang pagbangon niya. Una niyang hinanap ay si Ernie. Wala na ito sa tabi niya. Nagtaka siya dahil hindi naman ito nag-aalmusal mag-isa kahit anong late niyang magising ay hinihintay siya nito. Kaya nga pinipilit niyang magising ng maaga para naman hindi ito nalilipasan ng gutom.Nag-inat siya at bumangon. Makulimlim ang langit na natatanaw niya sa labas. Tumayo siya para isara ang bintana dahil umaanggi na. Isasara na lang niya ang bintana ng may matanaw siya sa di kalayuan.Si Ernie. Nakasuot ng grey na t-shirt, maong na pantalon at tsinelas. Bitbit din nito ang Jansport na backpack nito na may sampung taon na ata ang tanda. De pardible na ang hawakan ng zipper no'n dahil bali na. Nakasuo
HINDI UMIIMIK si Camila habang inaasikaso si Ernie. Masama pa rin ang loob niya rito at gusto niya iyong iparamdam sa lalaki."Busog na ako," anito.Tinignan niya naman ito ng masama. "Akala mo lang 'yon. Gutom ka pa, Ernie. Oh, subo," aniya at inuumang sa bibig nito ang kutsara.Walang nagawang sumubo naman ito. "Camila naman..." parang batang ungot ni Ernie sa kanya.Alam naman niyang busog na ito. Kanina niya pa ito pinapakain at sa payat ni Ernie sobra-sobra na ang ipinakain niya rito. Sumimangot siya at ibinaba na ang pinggan. Baka nga maimpatso pa to kapag itinuloy niya ang pagpaparusa rito."Paliliguan na kita," aniya saka tumayo at iniligpit ang pagkain
HINDI UMIIMIK si Camila habang inaasikaso si Ernie. Masama pa rin ang loob niya rito at gusto niya iyong iparamdam sa lalaki."Busog na ako," anito.Tinignan niya naman ito ng masama. "Akala mo lang 'yon. Gutom ka pa, Ernie. Oh, subo," aniya at inuumang sa bibig nito ang kutsara.Walang nagawang sumubo naman ito. "Camila naman..." parang batang ungot ni Ernie sa kanya.Alam naman niyang busog na ito. Kanina niya pa ito pinapakain at sa payat ni Ernie sobra-sobra na ang ipinakain niya rito. Sumimangot siya at ibinaba na ang pinggan. Baka nga maimpatso pa to kapag itinuloy niya ang pagpaparusa rito."Paliliguan na kita," aniya saka tumayo at iniligpit ang pagkain