Share

Kabanata 2: Their Meeting

"I ALREADY knew that this would happen! Look at you! You looked like a disaster Irah!" malakas na sigaw ni Jeremy nang makita si Tahira na ang suot lamang ay black slacks at white blouse. 

Kung tutuusi'y naka-corporate attire siya ng gabing 'yon at hindi naman siya mukhang saling ketket sa suot niya kaya naman 'di niya maintindihan ang disgusto sa mukha ng kakilala nang iginaya siya nito papasok sa isang silid na marahil inuukopa nitong private room.

"I don't think there is something wrong about my attire. I looked way formal for them not to allow me to enter the venue," wika niya kay Jeremy na noo'y naghahagilap ng damit mula sa nakahanger na mga dresses. 

Hindi naman niya kailangang magmukhang importanteng tao. Ayaw niyang masyadong kumuha ng atensyon sa ibang naroon at mabulilyaso pa ang plano niyang mangalap ng impormasyon. Subalit wala yatang pumasok sa tainga ng lalaking ngayon ay lumapit sa kanya at tila tinansya pa sa harap niya ang isang black cocktail dress.

Nagdududa na tuloy siyang napatitig kay Jeremy na mukhang nabasa rin agad ang nasa isip niya. 

"Yes, you looked way too formal that you already informed them who you are," bigla ay sabi nito.

Nagtaas naman siya ng isang kilay. "And a black cocktail dress is not suspicious to them?" puna na niya.

Sa tagal niyang nabubuhay sa mundo, 'di rin yata magandang magbihis siya ng gano'n kung isang birthday party ang kanyang dadaluhan.

"Trust me. This will save more time while you're there. Saka mas magandang magmukha kang callgirl kaysa naka-corporate attire ka, not only the security will ask you for a confirmation ID ang makita ka nilang ganito ang suot. Iisipin agad nilang may iba kang kasama na nagpunta roon," paliwanag naman nito na agad siyang nakumbinsi.

"You're actually right," mayamaya'y aniya.

Muling pinasadahan niya ng tingin ang dress na susuotin. Hindi naman 'yon ganoon kasama kung sakaling susuotin niya, dalangin lang talaga niyang hindi 'yon masyadong masikip sa kanya.

Nakita niyang namaywang na si Jeremy at inuwestra ang sigurong lugar kung saan siya maaaring magpalit ng damit. Wala naman sa kanyang kaso kung sa mismong harapan nito na lamang niya 'yon gawin. Kaya lang nag-aalala siyang ma-offend ang binabae nitong puso kapag ginawa niya 'yon.

Nang maisuot niya ang dress, labis na 'di siya makapaniwalang nagkasya at tila saktong-sakto ang size niyon sa katawan niya. Saglit na pinasadahan niya ng tingin ang malaking salamin sa hindi kalayuan na kitang-kita mula roon ang kabuuan niya habang suot ang ibinigay na dress ng kakilala. 

She looked rather unrecognizable with something she's not very used to wear. Ngunit nang lapitan siya ni Jeremy at ipasuot din ang isang kulay pula na stilleto, muntik pa siyang malula at mawalan ng balanse. Sakto namang nasalo siya ng lalaking kasama.

"Mag-iingat ka naman Irah, baka mamaya ay madisgrasya ka ng dahil lang sa sapatos," sabi na nito sa kanya.

Saka niya rin napatunayan na totoong mapanganib ang ganoong sapatos. Kaya niyon makabali ng buto at makapatay ng tao dahil lang sa maling kilos.

Nagkaroon na tuloy siya ng pagdadalawang isip na ituloy ang naudlot na plano. 

"I can wear—"

"Tigilan mo 'kong babae ka. Nandiyan na 'yan at 'wag ka ng maghanap ng iba. Wala ka naman sigurong plano na magtagal sa loob mamaya kaya pwede mo ring hubarin 'yan," putol nito sa kanya noong sasabihin.

Nanahimik na lang tuloy siya habang inaayusan naman nito ang kanyàng buhok. Mukhang nagkaroon pa yata siya ng instant makeover, subalit tiyak na problema nito ang pixie cut na buhok niya. Napakaiksi niyon para sa ibang ilalagay nitong palamuti, mayamaya'y nakita niyang sinuotan na rin siya nito ng extension hair na lumagpas na sa kanyang balikat.

Nang matitigan niyang maigi ang sarili mula sa malaking salamin. Lalo niya lamang halos 'di nakilala ang sarili. She looked very different. She looked dazzling!

"You're now good to go!" anunsyo ni Jeremy.

Marinig niya lamang na maaari na siyang lumabas sa silid na 'yon ay pakiramdam niya ay nakawala na siya mula sa mga kamay nitong makailang beses siyang pinigilan na umalis kanina.

Ngayon ay pakiramdam niya ay relax na siya habang naglalakad patungo sa entrance ng mismong venue ng party. Saka niya namalayan na mas marami ng bantay ngayon kung ikukumpara kanina, kaya medyo skeptical pa siyang tumuloy lalo na noong siya naman ang hinahanapan ng imbitasyon. Ipinakita naman niya sa bantay na naroon ang ibinigay sa kanyang pass ni Jeremy at nang makita ng dalawa sa bantay ang dala niya ay dumeretso naman siya mabusising body inspection. 

Nagsimulang magrigodon ang puso niya sa maliit na baril na naipit sa pagitan ng hita niya ng mga oras na 'yon. Ngayong kailangan na niyang dumaan sa machine inspection ay doon na natigilan siya sa kanyang kinatatayuan. 

Kitang-kita na walang pagbabago sa mukha niya ngunit ng mapansin ng mga bantay na tumigil siya sa kaligitnaan ng pila, at nang sandaling ilibot niya ang paningin sa paligid at makitang may dalawang guard ang ngayon ay patungo na sa kanyang direksyon.

Pigil siya ng sariling hininga nang bastang kumilos ang isa niyang kamay at kumapit sa braso ng kung sino'ng kasunod niya sa likod.

"I have an upset appetite this morning... I can't seem to stand on my own right now," kunwari ay d***g niya at hinawakan pa niya noon ang sikmurang sinasabi niyang sumasakit.

This is now getting out of her control.

Ibinaon niya lalo ang mukha sa lalaking basta na lamang niyang nilapitan at inangkla ang isang kamay sa isang braso nito. Infairness, mabango ang lalaking nalapitan niya.

Wala siyang balak na magpahuli sa kahit na sino'ng bantay, kailangan niyang maipuslit ang dalang baril at ayaw din niyang mahuli pa lamang sa mismong entrance gayong batid niyang maraming surveillance camera ang nakatutok sa bahaging 'yon ng lugar.

"Is she okay sir?" tanong na ng guard noon sa kanila. "Kasama n'yo ba siya kaninang dumating?"

May sandaling katahimikan sa lalaking nakakapit siya ngayon ng mahigpit. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa suot nito nang dahil hindi agad ito nagsalita upang sagutin ang tanong ng lumapit na guard.

"Yes, she's with me."

Hindi na niya masyadong narinig pa ang pinag-uusapan ng mga ito dahil sa ingay ng paligid marahil dahil 'yon sa kagagawan niya na nakakuha na ngayon ng atensyon ng ibang naroon. 

"I'll take her to my room," wika ng baritonong boses na 'yon ng lalaki kung saan siya ngayon ay halos nakayakap.

Saka na siya magpapasalamat sa kabaitan nito kapag tuluyan na siyang nakaalis sa lugar na 'yon. Tila nagbunyi pa siya nang malamang nakapasok siya nang hindi man lamang dumadaan sa machine inspection. 

Mayamaya'y natuklasan na lamang din niyang dinala siya ng lalaki sa isang bakanteng silid. Doon ay mabuting siniyasat muna niya ang sitwasyon at agad na hinagap ng paningin ang lalaking tumulong sa kanya kanina.

Nakita niyang may inabot itong tila kumot sa kanya.

Hindi nga siya nagkamali nang makitang comforter iyon. 

Nag-angat siya ng paningin upang salubungin ang kakaibang kulay ng pares ng mga mata ng lalaki na ngayo'y nakatitig lamang sa kanya.

"If you need to go to the bathroom..."

Tila nagising naman ang diwa niya sa narinig na 'yon. 

"Are you now feeling okay?" nag-aalalang tanong na nito.

Tumango naman siya bilang tugon. Medyo madilim ang bahaging 'yon ng kwarto kaya hirap din niyang maaninag ang mukha ng lalaking tumulong sa kanyang makapasok ng hindi gaano nagkakaproblema. 

"If you need anything you can tell me," mayamaya'y sabi nito.

Nagtaka naman siya sa kabaitan na ipinakita nito sa kanya. Nakakapanghinayang lang na hindi siya magtatagal na kausapin ito dahil may nauna na siyang pakay sa lugar. Base rin sa pananalita nito ay isa marahil ito sa mga mayayamang guest ng naturang party kaya't tiyak niyang hindi rin ito magtatagal doon at iiwan din siya.

Ngunit mali yata ang bagay na 'yon na naisip niya. Nakita niya kasing komportable na naupo sa couch na naroon ang lalaking ni hindi man lamang kumilos sa pwesto nito.

"Don't worry, I called a physician already to check on you. You'll be fine, just make yourself at home."

Teka... balak ba nitong mag-stay pa roon? Hindi ba siya nito iiwan? Paano na ang plano niya? She can't afford to waste any of her time to act like a sick person, she must leave already and execute her plan... and that is to gather information about Heisen's new illegal transaction of firearms.

"Erm... mukhang okay na ako ngayon at 'di na rin masakit ang tiyan ko," aniya na may pilit na ngiting pumaskil sa mga labi.

"You can stay here until the doctor personally examine you."

Tila ayaw din nitong magpatalo sa kanya. 

Mariing naisara niya ang mga mata nang kumilos na siya sa kanyang pwesto upang tumayo na at umalis nang makita niyang mag-angat ito ng paningin.

Mukhang nahalata rin niyon ang plano niyang gawin nang muling iiwas nito ang mga mata sa kanya. 

"My mother died from ovarian cancer. I've been bothered eversince earlier that you told them that you have an upset stomach. Ganyan din ang sinabi ng ina ko noon na madalas na sumakit ang tiyan niya and she was later diagnosed with a cancer."

Nakaramdam naman siya ng lungkot sa kanyang narinig. Masyado siyang naging insensitive na matapos siyang tulungan nito ay ganoon pa ang ginawa niya.

"If you're with someone, I can just call them to see you here."

"No need," mabilis naman na tanggi niya.

Wala naman talaga siyang kasama at sa tuwing ibinubuka nito ang bibig direkta ang palaging sinasabi nito kaya naman maiiksi rin ang mga nagiging tugon niya.

Na-curious na tuloy siyang tanungin ang pangalan nito. Halos ilang minuto pa lamang niya itong nakakasama subalit ramdam na agad niya ang maraming misteryo na nakapalibot dito. Kahit man lang sana ang pangalan nito ay malaman niya baka sakali kasing magkita silang muli.

"Heisen Lindbergh, you came at this party without knowing who's the celebrant?"

"Ha?" Akala niya nagkamali lamang siya ng dinig ng pangalan na binanggit nito.

Doon ay sinayaran ng liwanag ng buwan ang pwesto ng lalaking ngayon ay kasama at ang tunay ding pakay niya kaya siya naroon. Gusto niyang sunggaban agad ito, tutukan ng baril ng mga oras na 'yon ngunit agad na pinigilan siya ng sariling isipan na gawin 'yon.

She was immediately mesmerized by the man's exquisite beauty. Mali yata ang mga larawan na naka-save sa database na kanyang hinalungkat kanina nang maghanda siyang magpunta sa lugar na 'yon at hanapin ito. Malaking-malaki ang kaibahan ng histura at tindig nito sa personal.

The man is obviously at his early thirties, his jet black hair, perfectly sculpted body which was covered by a three piece suit can't be hidden from her meticulous eyes.

Sa linya ng trabahong mayroon siya, normal ng maging mapanuri ang kanyang mga mata mula sa build ng katawan at personalidad ng taong kaharap. She's either called by her men an expert profiler.

Bukod pa roon ay wala ring mag-iisip na may dugo itong Russian. Malayong-malayo sa inaasahan niyang makikitang bahagi ng malaking mafia group na nagsusupply ng ilegal na mga baril at makinarya sa ibang bansa. 

Tila isang anghel pa nga yata ang nasa harap niya ngayon. Nangingislap sa ilalim ng liwanag ng buwan ang mga tila luntian nitong mga mata, at tila nakakapanlaglag naman ng panga ang mala-perpektong hugis ng mukha at kaakit-akit na mga labi nito.

Maging siya na babae na walang masyadong karanasan sa pag-ibig kapag sinabi nitong lumuhod siya sa harap nito ay 'di siya mangingiming gawin, she's completely beyond words to describe this kind of man. Matagal na siya sa army, at ilang lalaki na ba ang nakita niyang sumunod sa mga utos niya... subalit wala sa mga 'yon ang nakapagpahanga sa kanya ng ganito.

Ngunit sa likod ng kainosentihan nito ang tunay na pagkatao nito, kung tutuusi'y wala itong ipinagkaiba sa mga mamamatay tao na nahuli at nakaharap niya. Such an angelic face lies a devilish killer.

Pero sa kabilang bahagi ng isipan niya ay gusto niya tuloy makita ang meanie version nito kung sakali. Tiyak na isang munting anghel ang hitsura ng magiging anak nito.

Muntik na tuloy niyang makalimutan na makapag-isip ng maayos ng mga sandaling 'yon, at batid niyang napansin nitong matagal na nakatitig siya sa mukha nito.

Pakiramdam niya tuloy ay wala man itong ginagawa ngayon ay animo'y inaakit naman siya ng magagandang pares ng mga mata nito.

Muling pigil niya ang sariling hininga nang makitang tumayo ito upang lapitan siya.

Matamang nakatitig ito sa mukha niya habang siya nama'y animo'y nalulunod sa kagandahan ng mga 'yon.

Hanggang sa nauna siyang mag-iwas ng mukha rito. 

"You lied earlier, right?"

Doon siya agad na natigilan sa kanyang narinig. Nagulat man siya ay pinigilan niyang magpakita ng ano mang emosyon na maglalagay sa kanya sa alanganin. Hindi na niya kailangan pang iangat ang paningin niya sa nakatutok na ngayong baril sa kanyang uluhan.

"Did someone send you to kill me?" nakatatakot ng tanong nito.

Naglaho na ang kaninang walang mababakas sa himig ng boses nito. His voice turns into a lethally dangerous threat to hers.

Kung gayon ay alam na nito ang balak sana niyang gawin.

Pinilit niyang magpanggap na wala siyang alam sa tinutukoy nito. 

"I—I dont know what you're saying..." aniya sa kalmadong tono ng boses na kaya niyang gawin.

Sa mga ganoong sitwasyon, mabuting bunutin na rin niya ang baril na dala subalit mahihirapan siya dahil sa distansya na mayroon siya mula rito.

Dinig na dinig na niyang ikinasa ng lalaki ang hawak na baril. 

"What's your name?" Ngayon naman ay gusto nitong malaman ang pangalan niya.

Sa pagkakataong 'yon, maliksing kumilos siya mula sa ibabaw ng kama at agad na sinipa ang kamay nitong may hawak na baril. Tumalsik 'yon sa malayo na imposible na para ritong maabot.

Nahagip pa ng paningin niyang tila umarko ang isang sulok ng labi nito.

"What a feisty woman..." She heard him groaned.

Ngunit agad na nabawi nito ang composure at mabilis ding dinamba siya, buong lakas naman siyang kumawala mula rito.

Natagpuan na lamang niya ang sariling nakaibabaw na sa kanya ang lalaki. Ngayon niya rin napatunayan na napakagandang nilalang nito at pakiramdam niya ng mga oras na 'yon ay malaking kasalanan na matagal na napatitig siya sa mukha nito.

There is lust in the man's eyes, and she noticed even those little movements of his jaw while staring intently back at her. "Kung iba sa mga tao ko ang nakakita sa 'yo kanina, you might be dead now."

Dinig na dinig niya ang malakas na kabog ng d****b niya ng mga oras na 'yon. That might be the first time her heart beat like it wanted to be set free.

"Do I need to feel indebted to you for helping me?"

Narinig niyang natawa na ito. The stiffness in his face earlier has finally disappeared.

"I didn't say anything about you paying me for saving you earlier. I just want to know who ordered you to kill me."

Nagtataka siya sa sarili kung bakit wala man lang siyang ginagawa upang kumawala mula rito.

"Wala akong plano na patayin ka." Iniwas na niya ang mukha rito. "I actually wanted to gather some information in your next illegal transaction."

"Did the ICC sent you?"

Kumunot na noon ang noo niya. Iyon yata ang organisasyon na ayaw niyang makaalam ng ginawa niya.

"No!" Halata naman sa mukha niya ang pagkakaila sa sinabing 'yon ng lalaki.

Sa ikalawang pagkakataon, nakita niyang tila natawa niyon si Heisen. Akala ba niya walang ibang alam na rekasyon ang mukha nito? His every reaction is heavenly to her eyes.

He chuckled. "I think you hate that question of mine."

His smiling face is very tempting to her...

‘Tahira, you should run away now! Hahayaan mo na lang ba ang sarili mong mahuli nito!’ ani ng maliit na boses sa isipan niya.

Sa isang iglap... hindi na niya alam kung siya pa rin ang may kontrol sa sariling katawan nang halikan niya na lamang basta ang mapupulang labi ni Heisen na kanina pa siyang inuudyok na gawin niyon. Laking gulat naman niyang tinugon naman nito ang mga 'yon ng higit na malalim at mapusok.

It's lust that overcome her rationality that moment. But she's liking every single gentle touch and kisses of the man to her body...

"Can I?" masuyong tanong nito nang akmang ibaba na ang zipper ng suot niyang dress. 

Gusto niyang mangiti, subalit naunahan na siya ng maliit na boses sa isipan niya, na hayaan na ito sa lahat ng gustong gawin. Maingat ang bawat kilos ni Heisen mula sa pagtatanggal ng suot niya. Tila alam na alam na nito ang mga gagawin sa kanyang wala pang masyadong ideya sa bagay na 'yon.

He prepared her... at kasunod niyon... hindi na niya alam kung tama pa ang nararamdaman niya.

She's actually enjoying his every thrust to her opening.

Muling hinalikan siya ni Heisen sa mga labi na agad naman niyang tinugon.

***

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Carmela Beaufort
I am the author of this book. I am currently sick, and a covid positive patient, I'll update this novel on Feb 8 and so on after i feel better. salamat po at mabuhay
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status