Dusit Thani, January 15
Suot ang maroon na dress na hapit na hapit sa katawan ni Zenie ay hindi maitago ang ngiti sa mga labi nito nang sandaling iyon. Ngayon kasi ang ika-walong taong anibersaryo nila ng kanyang asawa na si Aice.
Kasabay ng malakas na alon ng dagat ay ang banayad na ihip ng hangin na nagbibigay ng kakaibang ginhawa sa katawan.
“Hindi na ako makapaghintay na dumating si Aice,” nakangiting wika ni Zenie na nanatili ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
Maaga niyang tinapos ang kanyang trabaho sa opisina para masiguro na magiging maayos ang hinanda niyang surpresa para sa kanyang asawa. Habang tinatawagan niya si Aice ay hindi niya magawang tigilan na tignan ang mesang pina-reserve nang maaga para sa magiging candlelight dinner nilang mag-asawa.
Nagkalat ang mga pulang rose petals sa buhanginan at maliliit na mga scented candle dahilan para magsilbing liwanag nang gabing iyon.
“Sana magustuhan ito ni Aice,” nakangiting bulong ni Zenie sa kanyang sarili habang patuloy na tinatawagan ang kanyang asawa.
Makalipas ang ilang ring ay sumagot na rin si Aice.
“What is it?” bungad nito sa malamig na tinig dahilan para maglaho ang ngiting nakapinta sa mukha ni Zenie ngunit pinilit niya pa ring maging positibo nang sandaling iyon.
“Di ba napag-usapan natin na we’ll have dinner tonight? Dito sa—”
“I’m busy.”
“Pero—”
“I’m working,” mariing tugon ni Aice.
Akmang magsasalita pa si Zenie nang babaan siya ng tawag ng kanyang asawa. Wala siyang nagawa kung ‘di ang mapahawak na lang nang mahigpit sa kanyang phone. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa nang sandaling iyon. Ang excitement at kilig na nararamdaman niya kanina ay mabilis na naglaho na parang bula. Ang kaninang malamig na ihip ng hangin na banayad na dumadampi sa kanyang balat ay tila naging matutulis na yelo na tumutusok sa kanyang balat.
Naalala niya man lang kaya kung anong meron ngayong araw na ito?
May kirot sa dibdib ni Zenie nang maglaro sa kanyang isipan ang katanungang iyon.
Imposible na makalimutan niya ang araw na ito. Hindi naman siya papayag nang gano’n na lang kung hindi niya naalala?
Pilit na kinukumbinsi ni Zenie ang kanyang sarili na imposibleng hindi naalala ni Aice ang kanilang anibersaryo, ngunit may bahagi sa kanyang sarili na pilit na nagsasabing hindi lang iyon ang unang beses na na-postpone o ipinagsawalang-bahala ang araw ng kanilang anibersaryo bilang mag-asawa.
Sa hindi niya maipaliwanag na naramdaman, nakaramdam siya nang labis na pagod dahilan para ipikit niya ang kanyang mga mata para ikumpas ang kanyang sarili.
Sa kagustuhan niyang maging memorable ang anibersayo nila bilang mag-asawa ay pinakiusapan niya pa si Candy, ang ina ni Aice at ang kanyang biyenan, para iiwan si Aizen. Ngayon na hindi natuloy ang pag-celebrate ng kanilang anibersaryo ay wala siyang ibang magagawa kundi ang sunduin ang kanyang anak.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zenie bago tumingin sa kanyang phone at tawagan ang kanyang anak na si Aizen. Ngunit habang hinihintay niyang sagutin ng kanyang anak ang kanyang tawag ay may mga katanungan ang nagsimulang mamuo sa kanyang isipan.
May pag-asa pa ba para sa amin Aice? Maayos pa ba ito?
Napayakap si Zenie sa kanyang braso habang hinahagilap ang sagot sa kanyang mga katanungan. Ngunit sa kanyang paghahanap ng sagot ay lumitaw sa kanyang isipan ang imahe ng kanyang anak dahilan para lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa kanyang braso.
Ano bang dapat kong gawin para maging maayos ang lahat ng ito? I don’t want to see Aizen gets hurt.
***
SA KABILANG BANDA,
Sa isang sulok ng mamahaling restaurant, isang agaw-pansin na dalaga at isang batang lalaki ang nakaupo.
Tahimik na pinagmamasdan lang ng dalaga ang batang lalaki na labis na nag-e-enjoy sa latest at bagong game console. Habang abala ang bata ay hindi nito napansin ang tawag ng kanyang mommy na nakita naman ng dalaga. Napairap ito sa hindi maipaliwanag na pagkainis. Sa inis nito ay mabilis na sinagot ang tawag ngunit hindi niya iyon binigay sa bata imbes pinataob niya iyon sa ibabaw ng mesa.
“Ai, do you like the game console I got you?” tanong nito na may ngiti at malambing na tinig.
Sa isang iglap ay nagbago ang reaksyon nito—mula sa tila demonyong naiirita at nanggagalaiti sa galit ay naging tila anghel ito na may matamis na ngiti sa mga labi.
Tumango si Aizen na may labis na tuwa. “Yes, TIta Iana.”
Bigla naman napanguso ang dalaga na animo’y nagtatampo. “It’s Mommy Iana, Ai. Not Tita Iana,” pagtatama nitong saad. “How many times do I have to told you to call me mommy.” Dagdag nito na pinakita ang labis na pagtatampo.
Nag-aalangan man ay sinagot siya ni Aizen. “But you’re not my real mommy,” pagkakatwiran nito sa mahinang tinig. “How am I supposed to call you that way?”
Hinaplos ng dalaga ang pisngi ng bata at marahan na pisil ito nang mahina. “Don’t you want to call me mommy?” tanong nito na nagtatampo. “You know how much I treat you like my own. You know how much mommy loves you, Ai, right?”
Nanlaki ang mga mata ni Zenie nang marinig niya ang isang familiar na boses dahilan para manigas siya sa kanyang kinatatayuan habang humihigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang phone.
What is she doing here? Bakit kasama siya ni Ai?
Sunod-sunod ang mga katanungan ni Zenie sa kanyang sarili habang sunod-sunod ang pagkabog ng kanyang puso. Hindi siya pwedeng magkamali si Naiana Naranjo iyon, ang kababata ng kanyang asawa at ang first love nito.
Anong ginagawa ni Naiana dito sa Pilipinas? Hindi ba’t nasa ibang bansa siya at nag-aaral ng Ph.D? Bakit siya bumalik—at bakit siya kasama ng anak ko?
***
MALAWAK ang mga ngiting pinatay ni Naiana ang tawag sa kanyang kaloob-looban habang pinagmamasdan ang batang nasa kanyang harapan.
Oh, I bet she’s losing her mind right about now.
“Don’t you like Mommy Iana?” tanong nito na may halong pagtatampo sa kanyang tinig.
Mabilis naman na napailing si Aizen nang mariin . “No, no. I like you! You’re so kind to me!”
“Then why can’t you call me Mommy Iana?”
Napakagat ng kanyang labi si Aizen.
“I thought you said I was kind... and that you liked all the things I gave you.”
Hindi makaimik ang bata at tila nahihirapan sumagot nang sandaling iyon.
Napairap si Naiana sa labis na pagkainip ngunit kaagad niya ring ikinumpas ang kanyang sarili at marahan na hinaplos ang pisngi ng bata.
“I'm honestly kind of hurt, Ai. I wanted so badly for you to call me 'Mommy' too,” wika nito na may halong pagpapaawa.
Gumuhit naman sa mukha ng bata ang pagka-guilt dahil sa hindi nito magawang mapagbigyan ang hiling ng dalaga.
“Don’t worry, I won’t push you to call me 'Mommy' now. Let’s just keep things light, okay?” wika ni Naiana sabay pisil nang marahan sa pisngi ng bata para pagaanin ang loob nito.
Napangiti naman ang bata at tumango. “Thank you, Tita Iana! You're the best—and definitely the coolest Tita I know!,” wika ni Aizen na may sigla sa kanyang mukha.
Ngumiti naman nang matamis si Naiana, ngiti na may halong tagumpay. “That’s strange, though. Doesn’t your family buy you game console?” tanong nito na may bahagyang pagkunot ng kanyang noo.
Alam nito na malaking kompanya ang Nexora at kung gaano kalaki ang yaman ng mga Bustillos pero bakit parang hindi nito magawang bilhan ang nag-iisang tagapagma ng console.
Nakita ni Naiana ang pagbago sa reaksyon ng bata.
Umiling ang bata na may lungkot at pagkadismaya. “Uh-uh! Daddy and Grandpa and Grandma don’t mind at all! But Mom? She’s always telling me to stop playing, always saying I’ve played too long. She even grabs my console and hides it! I don’t get why she has to be so mean about it... Tita Iana’s way cooler.”
Natuwa naman si Naiana sa kanyang narinig dahilan para guluhin niya ang buhok ng bata. “Hey, don’t talk like that. Your mom only sets those rules because she loves you and wants to protect you. If she knew you felt this way… it would really make her sad.”
“She won’t,” maikling saad ng bata saka ibinaling ang kanyang tingin kanyang nilalaro. “Mom doesn’t get mad. Like, ever! She’s always super calm.”
Bahagyan natawa si Naiana sa kanyang narinig at napatingin sa pagkaing nasa kanyang harapan. Kinuha niya ang isang maanghang na chicken at isinubo iyon sa bata.
“I’m curious—how long do you think your mother’s good temper will last?”
NASA biyahe si Zenie ng biglang mag-ring ang kanyang phone at nakita niya ang isang pamilyar na number. Walang alinlangan na sinagot niya ang tawag.“Hello?”“Are you ready?”Napatingin si Zenie sa labas ng bintana ng taxi at humugot ng isang malalim at tahimik na buntong-hininga bago sumagot.“Yes, tita.”“That’s good. See you at the airport.”“Yes, tita.”At matapos noon ay naputol na ang tawag. Muli nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Zenie at napatingin sa kanyang phone kung saan naroon ang picture nilang mag-asawa at ng kanyang anak.“Maybe… this really is the best for us.”Nang makarating si Zenie sa kanyang apartment ay kaagad siyang naligo at nag-ayos ng kanyang sarili. Nakaimpake na rin siya ng kanyang mga gamit na kailangan niyang dalhin. Mag-ala singko ng umaga ng makarating siya sa airport. Iginala niya ang kanyang mga mata para hanapin ang kanyang Tita Mercedes.“Zen!” tawag ng kanyang tita dahilan para maituon ang pansin sa direksyon kung saan nagmula ang b
NAGISING si Zenie na mabigat ang mga mata. Hindi niya alam kung kailan siya nawalan ng malay matapos ang ginawa sa kanya ni Aice. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa gawing kaliwa niya at doon niya nakita ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Sa hindi niya alam na dahilan ay may luhang tumukas sa kanyang mga mata. Hindi niya alam pero may kung anong kirot siyang nararamdaman.Bakit? Bakit ngayon lang, Aice?Nang sandaling iyon gusto niyang gising ang kanyang asawa—komprontahin sa lahat ng mga ginawa nito sa kanya at kung bakit ngayon gusto niya ng makakawala ay saka naman ito ayaw siyang bitawan. Andaming tanong ang gusto niyang mabigyan ng kasagutan ngunit natatakot siya na baka sa sandaling marinig niya ang sagot ay mas lalo siyang masaktan. Ngunit ang mas kinakatakot niya ay kung ang sagot na marinig niya ay ang pumigil sa kanya para iwanan niya si Aice. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi ngunit pinagtataksalin siya ng kanyang mga luha at patuloy pa rin ito sa pag-ag
MALALIM at marahas ang ginawang paghalik ni Aice kay Zenie. Iyon ang unang beses na nagkaroon silang muli ng physical intimacy ng kanyang asawa sa loob ng walong taon nilang pagsasama. Hindi magawang paliwanag ni Zenie kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ng sandaling iyon—tuwa o pandidiri?“No other man can have you except me!” mariing wika ni Aice na muling inangkin ang kanyang mga labi.Nang marinig iyon ni Zenie ay may kung anong kirot at pait siyang naramdaman. Hindi niya inaasahan ang ganoon. Hindi ganoon ang kanyang ginusto. Nangulila siya sa atensyon, pagmamahal at aruga ng kanyang asawa ngunit hindi niya ginusto na umabot sa puntong pupwersahin at babastusin siya ng kanyang asawa.At dahil doon ay buong lakas niyang tinuhod sa maselan na parte si Aice para mapapilipit ito sa sakit.“Fuck! What the—”Hindi nagawang matapos ni Aice ang kanyang sasabihin ng sundan ni Zenie ng isang malakas na sampal ang lumanding sa pisngi nito. Hindi naka
LUMIPAS ang mga oras at mas lalong nabalot ng tensyon ang buong kasalahan pasado na alas dose ng madaling araw ngunit wala pa ring naririnig si Aice na balita sa kanyang asawa.Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay sa labis na pagkasiphayo na kanyang nararamdaman. “Fuck! Where on earth are you, Zen?” iritang tanong nito sa sarili.Ito ang unang beses na kain siya ng sarili niyang emosyon. Hindi niya magawang malagay at ang alam niyang magpapakalma sa kanya ng sandaling iyon ay ang makita ang presensya ng kanyang asawa.“What the hell is going on in your head, acting like this?”Sa inis ay nilagok nito ng buo ang laman ng kanyang kopita at patuloy na naging ganoon ang senaryo sa mga nagdaang oras. Nakailang bote na ito ng wine at unti-unti na ring tinatalaban ng alak ang kanyang isipan ngunit wala pa rin si Aice naririnig sa kanyang tauhan kung nahanap na ba o may impormasyon na ito sa kanyang asawa. Napatingin ito sa kanyang phone at pasado alas
“BABE, what’s wrong?” Tanong ni Naiana ng sandaling ibaba ni Aice ang tawag.Hindi sumagot si Aice habang nilalamon ng kanyang isipan. Does it mean she is really serious about filing our divorce. I thought it’s her way to get my attention—that it’s one of her usual sulking games. I didn’t expect that she would not go home up to this point.“She wasn’t like this…” mahinang bulong ni Aice sa sarili.Napakunot ng kanyang noo si Naiana. “Who are you talking about, babe?” Naguguluhang tanong ni Naiana.Hindi sumagot si Aice at napatayo sa kanyang pagkakaupo.“I have to go.”“Why? Where are you going? Bakit bigla ka na lang aalis?” Sunod-sunod na tanong ni Naiana na bakas ang pagkasiphayo ng sandaling iyon.“I have to check something.” Sabay hakbang ngunit mabilis na hinawakan ni Naiana ito sa braso para pigilan.“Are you just going to leave me here? Alone?”Inalis ni Aice ang pagkakahawak ni Naiana sa kanyang braso. “This is important , Naiana. Stop acting like a kid.”Matapos noon ay walan
NAGISING si Zenie nang marinig niya ang pag-ring ng kanyang phone.“Zen, did I wake you up?”“No, Tita. It’s fine,” sagot nito sabay bangon sa kanyang pagkakahiga para magising ang kanyang diwa.“I will be leaving today. I’m going to Milan to attend the Fashion Week. Also, I’ll be heading to Paris for Haute Couture Week. We’ll go through the details of your situation when I return at the end of the month. Hope to see your latest work with you.”“My latest work?” Pag-uulit na patanong na saad ni Zenie.“Yes. I’m looking forward to seeing how much you improve or the flame of your passion has already died.”Hindi nakaimik si Zenie ngunit gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi. “I know it hasn't died yet, so surprise me when I return. The plane will take off in a few seconds. Gotta go. Bye.”With that, the phone call ended and the smile in Zenie’s face goes wider. It’s undeniable to hide her happiness at that moment. Hindi niya lubos akalain na matapos ang ilang taon na hindi sila n