BUSTILLOS’ MANSION,Mabilis na bumaba si Zenie sa kanyang kotse na kung saan agad siyang sinalubong mga katulong.“Good evening, Ma’am Zen,” bati ng mga katulong sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin at dali-daling nagtungo sa kanyang kwarto. Sa kabila ng pagiging mag-asawa nila ay hindi sila natutulog sa isang kwarto.Kinuha niya ang isang maleta at isa-isa roon nilagay ang ilan sa kanyang mga damit at mga alahas na madalas niyang gamitin. Habang nag-iimpake ay nakita niya ang secondary credit card na binigay ni Aice sa kanya na naka-link sa account nito. Buong akala niya ay kaya nagiging mahigpit ang kanyang asawa sa kanyang paggagastos ay dahil sa ayaw nitong abusuhin niya ang pera na meron sila ngunit hindi pala, bahagi iyon ng pagkontrol sa kanya. Alam niyang ganoon ang pagtrato na binibigay nito sa kanya dahil sa pinilit lang ito ng mga magulang na pakasalan siya para iwasan ang malalaking kahihiyan.“Ang tanga ko at nagpakontrol pa ako sa kanya!” mariin niyang pangaral sa s
Last Updated : 2025-05-22 Read more