HABOL ang paghinga ay natanaw ni Zenie ang kanyang anak sa labas ng restaurant kung saan nakalagay sa GPS na nilagay niya sa phone nito.
“Ai—”
Hindi nagawang matapos ni Zenie ang kanyang sasabihin nang makita niya ang babaeng katabi ng kanyang anak habang tuwang-tuwa na nakikipag-usap sa kanyang anak.
“Naiana…siya nga talaga,” nanghihina niyang bulong.
Samu’t saring tanong ang nagsilitawan sa kanyang utak nang sandaling iyon. Anong ginagawa nito sa Pilipinas? Bakit kasama nito ang anak niya? Sino ang nagsama sa kanyang anak para makipagkita kay Naiana? Anong nangyayari nang hindi niya nalalaman.
Halos lamunin na ng mga katanungan si Zenie nang sandaling iyon ngunit bigla siya nakakawala sa mga tanong na iyon nang makita niya ang kanyang asawa na lumapit sa kinauupuan ng kanyang anak at saka hinalikan sa pisngi si Naiana. Napasinghap si Zenie sa labis na pagkabigla. Halos dinudurog ang kanyang puso nang masaksihan ang sandaling iyon.
“I’m busy...I’m working.”
Nanariwa sa kanyang isipan ang naging tugon ng kanyang asawa ilang minuto pa lamang ang nakakalipas. Hindi siya makapaniwalang nagawa nitong magsinungaling para lang makasama ang kababata at first love nito.
Napatawa nang may pait si Zenie. “Busy with work, he said. I believed him—how could I not? Now, I don’t know what to believe anymore. It’s a pain I never saw coming.”
Labis ang pagkadismaya ni Zenie nang sandaling iyon. Hindi niya magawang tanggapin na nagawa siyang ipagpalit ng kanyang asawa sa kababata nito imbes na silang dalawa ang nag-se-celebrate ng ika-walo nilang anibersaryo. Ang masakit pa ay isinama pa ang kanilang anak. Tila ba isang perpektong pamilya ang nakikita niya nang sandaling iyon, ang pamilyang binuo niya ngunit hindi siya kasama.
“Ang sakit…” mahina niyang usal na napahawak sa kanyang dibdib.
Ngunit mabilis niyang ikinumpas ang kanyang sarili at pilit na ‘wag magpalunod sa kanyang emosyon.
“If he badly wanted to be with that woman then so be it! Pero hindi ko hahayaang kunin niya pati ang anak ko!” matatag na saad ni Zenie na buong lakas ng loob na pumasok sa restaurant para kunin ang kanyang anak.
“Ai!” tawag niya sa kanyang anak na mabilis na naibaling ang tingin sa kanya.
“Mommy!” tugon nito na kitang-kita ang pagkabigla nang makita niya ang kanyang mommy.
Mabilis naman napalingon si Aice sa kinatatayuan ng kanyang asawa. “What are you doing here?” bulalas nitong tanong.
Hindi pinansin ni Zenie ang tanong ng kanyang asawa at dali-daling kinuha ang kanyang anak. “Come with me. We’re going home,” malamig nitong saad ngunit mabilis na hinawakan ni Aice ang kanyang kamay para pigilan ito sa paghatak sa kanilang anak.
Ngunit hindi nagpapigil si Zenie at buong lakas na hinatak ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng kanyang asawa.
“Huwag mo akong hawakan,” mariin nitong saad sabay tapon nang malamig na titig nito sa kanyang asawa na siya ring ikinabigla nito.
“Let’s go, Ai,” wika nito saka muling hinawakan ang kamay ng anak ngunit sa pagkakataong iyon, ang anak niya naman ang biglang inalis ang kamay sa pagkakahawak nito.
“Mommy, why are you being mean all of the sudden?”
Nabigla si Zenie sa narinig mula sa kanyang anak ngunit mabilis niyang ikinumpas ang kanyang sarili at pinilit na pinahinahon ang kanyang sarili. “I’m not being mean, Ai,” mahinahong niyang saad sabay pisil nang marahan sa pisngi ng kanyang anak.
“Yes, you are, mommy. You suddenly barged in and grabbed my hand out of the blue and forcing me to come with you when we are just having fun of Tita Iana.”
Hindi makapaniwala si Zenie sa kanyang naririnig mula sa kanyang anak dahilan para maibaling niya ang kanyang tingin kay Naiana na binigyan naman siya nang mala-demonyong ngiti.
How much time did they have for she able to manipulate my son?
Humugot nang malalim na paghinga si Zenie bago ibinalik ang kanyang tingin sa kanyang anak. “Sorry, love. If mommy acted like that I just want you to bring home. It’s already late so you need to rest,” mahinahong pagpapaliwanag nito.
“I don’t want to go home yet, mommy. I’m still having fun with Tita Iana,” saad nito at walang ano-ano ay bumalik ang bata sa tabi ni Naiana.
Hindi makapaniwala si Zenie sa kanyang nasasaksihan nang sandaling iyon. Bilang isang ina ay dinudurog ang kanyang puso dahil mas gusto makasama ng kanyang anak ang ibang tao—ang kababata ng kanyang asawa, ang first love nito na labis nitong kinababaliwan.
“Ai, go ahead and stay with your mom,” wika ni Naiana dahilan para maibaling ni Zenie ang kanyang tingin dito.
“But, Tita Iana I want to stay with you,” nakangusong saad ng bata. “I’m still having a fun time with you.”
Hinaplos ni Naiana ang pisngi ni Aizen. “Ai, I know you are still having fun with me, but your mommy will be worried if you stay up too late. Do you want to make your mommy sad?”
“But Tita Iana, I want to play with you pa po,” wika ni Aizen na nagpapaawa.
Hindi magawang maatim ni Zenie ang nakikita niya nang sandaling iyon. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Inalisan na siya ng karapatan ng pagiging asawa ngayon naman maging ang pagiging ina.
Ano ba talaga ang posisyon niya sa pamilyang iyon?
Habang patuloy na sinusuyo ni Naiana ang kanyang anak na sumama sa kanya ang kanyang anak ay mas lalo siyang dinudurog.
Ang sakit.
“Let Aizen have fun, Zen. Leave him to me. You can go home now.”
Napatayo si Zenie sa kanyang pagkakaluhod at inayos ang kanyang sarili. Hindi siya nagsalita na ng kahit ano at tahimik na naglakad na lamang paalis sa restaurant. Labis ang sakit na nararamdaman niya nang sandaling iyon ngunit hindi niya magawang umiyak. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.
Sa loob ng walong taon, ito lang pala ang sasapitin niya. Buong akala niya ay magiging masaya siya ngunit kabaliktaran lang pala ang mangyayari.
“What I have done para mangyari sa akin ang lahat ng ito?” tanong niya sa kanyang sarili nang nanlulumo at labis na nadidismaya.
Muli siyang napalingon sa loob ng restaurant kung saan nakita niyang nagtatawanan ang kanyang mag-ama kasama ang babaeng kinababaliwan nito.
“Paano nilang nagagawang tumawa matapos nila akong tratuhin ng ganito?”
Nang sandaling iyon ang pagkamanhid na nararamdaman niya unti-unting napalitan ng galit at poot. Humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay dahilan para bumaon ang kanyang mga kuko sa kanyang palad dahilan para dumugo ito.
Mabilis na tumalikod si Zenie. Hindi niya na gustong makita ang senaryong iyon at kaagad na pumasok sa kanyang kotse at sumigaw nang buong lakas hanggang sa abot ng kanyang makakaya.
“Ahh!!!” Paulit-ulit niyang sigaw hanggang sa unti-unting kumawala sa kanyang mga mata ang mga luha na kanina ay ayaw lumabas.
Malalakas na hagulgol ang kumawala sa kanyang lalamunan nang sandaling iyon habang isa-isang nanariwa sa kanyang alaala simula ang lahat. Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang lahat sa buhay niya. Noon palang alam niya nang hindi siya mahal nito, bagkus labis ang pagkamuhi nito sa kanya dahil sa pagsira niya sa masaya sanang pagsasama nito at ni Naiana. Kinamumuhian din siya nito dahil sa pagiging mahirap nito. Hindi ginusto ni Aice ang matali sa isang mahirap na babae tulad niya dahilan para tratuhin siya nito nang ganoon na lamang.
Ngunit dahil sa murang edad at pagiging inosente ay nabulag siya sa nararamdaman niya kay Aice. Buong akala niya kapag ginawa niya ang lahat, maging tahimik at maging sunod-sunuran ay tatanggapin siya nito, magiging okay ang lahat. Ngunit nagkamali siya. Wala siyang napala sa walong taon nila bilang mag-asawa. Ang tanging natanggap niya ay ang malamig at tahimik na pakikitungo sa kanya nito. Maging ang anak niya ay hindi siya magawang piliin at pinili pa nito ang taong kaagaw niya sa pagmamahal at atensyon ng kanyang asawa.
She lived in this family like an invisible tool—no one cared, no one saw her.
Pinunasan ni Zenie ang kanyang mga luha at tumingin sa rear mirror ng kanyang kotse at inayos ang kanyang sarili.
“I had enough,” maikli niyang saad.
Buo na ang kanyang loob na sa loob ng walong taon ng pagiging mag-asawa nila ay hindi niya na magagawang tunawin ang malamig na puso ni Aice.
Kinuha ni Zenie ang kanyang phone at nag-sent ng message sa kanyang kaibigan na abogado na nakilala niya noong nag-aaral pa siya sa Ateneo de Manila.
“This is the end. I won’t live in pain or keep begging for a love that was never truly mine. I choose myself now—strong, free, and done settling for less than I deserve.”
“Mommy…daddy…”Sumisinok-sinok habang pinipigilan ang mga luha ni Zenie nang makita nito ang kanyang mommy at daddy na nasa loob ng puting kabaong. Mura pa man ang kanyang edad ay alam niya na kung bakit naroon ang kanyang mga magulang“Zenie, it’s okay to cry, you don’t have to suppress your emotions just to be strong,” mahinahong saad ni Mercedes habang hinihimas ang balikat ng pamangkin.“But I don’t want mommy and daddy to be sad because I am crying for them,” wika ni Zenie na may halong paggaralgal ang tinig.“Darling, it doesn’t mean that they will get sad because you cry. They will because they left you at such a young age alone.” Paliwanag ni Tita Mercedes. “But…”“Darling, strong girls cry too. Crying is not a weakness—it’s an emotion that a human can express.”Nang marinig iyon ni Zenie ay hindi na nito nagawang pigilan ang luhang kanyang pinipigilan at napahagulgol.“Mommy! Daddy!” sambit nito nang humahagulgol ng iyak.Ikinulong ni Mercedes sa kanyang mga bisig ang dalaga
ISANG nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan nina Zenie. Hindi niya maipaliwanag pero simula ng hindi niya pinakinggan ang sinabi ng kanyang Tita Mercedes ay nagbago na ang pakikitungo nito sa kanya—ang dating maamo at malambing na pakikitungo ay napalitan ng lamig at sungit.“Why do you want to see me? Are you just now regretting what I’ve told you before?” pagbabasag at diretsang tanong ni Tita Mercedes kay Zenie na nanatiling nakayuko ng sandaling iyon.Hindi makatingin si Zenie sa kanyang tita dahil lahat ng sinabi nito ay totoo at sobrang hiyang na hiya dahil sa kanyang ginawa.“Are you going to keep silent here? Do you want me to do all the talking?”Napakagat si Zenie ng kanyang labi. Hindi niya maikakaila na kapag ganito ang kanyang tita ay kahit na sino ay titiklop kahit na siya.How am I supposed to start if she’s too intimidating and pressuring me?Napakuyom nang mahigpit si Zenie ng kanyang mga kamay. Ilang sandali ng nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kani
NAKAUPO si Zenie sa isang cafe shop malapit sa kanyang apartment habang Kinakain siya ng sarili niyang isipan. Pansin na ang pangingitim sa ilalim ng kanyang mga mata na buhat ng ilang araw na rin na pagpupuyat sa mga papeles niyang kailangang gawin. Ngunit liban doon ay iniisip niya kung paano niya haharapin ang taong iyon. Alam niyang nasaktan ito sa kanyang nagawa at ngayon pinagsisisihan niya ang lahat ng iyon.“Will it be alright?” Mahinang niyang tanong sa kanyang sarili sabay nagpakawala ng isang mahina ngunit malalim na buntong-hininga.Napatingin siya sa kanyang phone at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na mensahe mula sa taong iyon.“Darating kaya siya?”Hindi maitatago ang emosyon na kanyang nararamdaman ng sandaling iyon, at kung may makakakita man ay tiyak na maiintindihan kung ano ang kanyang iniisip. Habang patuloy na kinakain ng isipan si Zenie ay biglang tumunog ang door chimes ng cafe shop at isang matipunong binata ang pumasok. Ngunit walang inten
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Aice ang nagsisitingkarang ilaw ng siyudad sa kanyang opisina habang iniinom nang dahan-dahang ang whiskey sa kanyang kristal na baso na kumikislap sa dilim dahil sa malamlam na ilaw na nagmumula sa kanyang maliit na lampara. Tahimik siyang nag-iisip habang dahan-dahan kinakalkula ang mga bagay-bagay sa kanyang binabalak na plano.“Everything is going according to the plan,” wika ni Aice sabay simsim ng alak. “This will be good to watch.” Dagdag nito at isang ngisi ang gumuhit sa kanyang mapupulang labi.Habang ninanamnam ang sandaling iyon ay biglang may kumatok sa kanyang pinto.“Come in!” Saad niya na nakatingin pa rin sa labas ng kanyang bintana.“Why did you make me come here?” bungad ng lalaki ng sandaling pumasok sa opisina ni Aice. “I almost turned back… but curiosity got the better of me”Natawa si Aice nang mahina. “Still you came.”“So what is this all about?” Tanong nito. “What favor are you going to ask for?”“Destroy Zenie.”Umigting ang pan
NEXORA BOARD ROOM,“No! You can’t be serious!” umaalmang tutol ni Naiana nang sandaling makalabas ang sekretarya nito ng opisina.Nanatiling tahimik si Aice.“Babe!” sigaw ni Naiana na kinukuha ang atensyon ng binata.Nanatiling kalmado si Aice dahilan para hindi ito magawang mabasa ni Naiana kung ano ba ang tumatakbo sa isip nito ng sandaling iyon at kung bakit nagawa nitong bawiin ang suspensyon ni Phoemezine.Napahugot nang malalim na buntong-hininga si Naiana sa labis na pagkasiphayo.“Babe! Are you just going to stay silent? Aren’t you even going to explain anything to me?” Tanong nito na labis nanggigigil na gusto na nitong kuyugin ang binata.“I’m just doing what I think is right.”Hindi makapaniwala si Naiana sa kanyang naririnig. “Right? Which part of what's happening right now feels even remotely right to you?” Sabay sapo sa kanyang noo. “I can’t believe this! Seriously, what’s going through that messed-up head of yours?”“She’s not a threat so calm down.”“Let it go? You’re
HINDI mapanatag si Zenie nang malaman ang nangyari sa kanyang kaibigan kung kaya hindi na siya nagdalawang-isip at kaagad na pumunta sa opisina ni Aice para ayusin ang gulong kanyang ginawa.“Good morning, Ma’am Zen!” Bati ng guard sa kanya ng sandaling pumasok ito sa building ng Nexora.Hindi niya man gusto makakuha ng atensyon sa kanyang pagpunta ay mukhang kumalat na sa kompanya ang nangyari. Kitang-kita niya ang mga matang nakatingin sa kanya at bulong-bulungan ng mga ito. Hindi niya na lamang iyon pinansin at binilisan niya ang kanyang paglakad patungo sa opisina ng kanyang asawa.“Aice!” Malakas na tawag ni Zenie sa sandaling mabuksan niya ang pinto.Ngunit ng sa sandaling pagbukas niya ng pinto ay hindi lang ang kanyang asawa ang naroon kung ‘di maging si Naiana.“Ano pa nga bang bago?” aniya sa kanyang isipan.Hindi na bago sa kanyang ang ganoong sinaryo ngunit hindi niya maatim na nakakaya iyong gawin ng kanyang asawa ng wala man lang halong konsensya. May asawa ito ngunit n