Share

Chapter 3: Silent Goodbye

Author: Icy Yeona
last update Huling Na-update: 2025-05-22 05:53:27

BUSTILLOS’ MANSION,

Mabilis na bumaba si Zenie sa kanyang kotse na kung saan agad siyang sinalubong mga katulong.

“Good evening, Ma’am Zen,” bati ng mga katulong sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin at dali-daling nagtungo sa kanyang kwarto. Sa kabila ng pagiging mag-asawa nila ay hindi sila natutulog sa isang kwarto.

Kinuha niya ang isang maleta at isa-isa roon nilagay ang ilan sa kanyang mga damit at mga alahas na madalas niyang gamitin. Habang nag-iimpake ay nakita niya ang secondary credit card na binigay ni Aice sa kanya na naka-link sa account nito. Buong akala niya ay kaya nagiging mahigpit ang kanyang asawa sa kanyang paggagastos ay dahil sa ayaw nitong abusuhin niya ang pera na meron sila ngunit hindi pala, bahagi iyon ng pagkontrol sa kanya. 

Alam niyang ganoon ang pagtrato na binibigay nito sa kanya dahil sa pinilit lang ito ng mga magulang na pakasalan siya para iwasan ang malalaking kahihiyan.

“Ang tanga ko at nagpakontrol pa ako sa kanya!” mariin niyang pangaral sa sarili.

Sinubukan niyang maging malapit kay Aice kaya nag-apply siya bilang ES developer sa kompanya nito, pero sa kabila ng magandang background at pagkakaroon ng PhD sa Computer Science ay mabilis siyang ni-reject nito kahit na hindi pa nagkakaroon ng interview. Doon niya lang nalaman na utos iyon ni Aice dahilan para hindi siya natanggap sa Nexora.

“If being Mrs. Bustillos is what you want, then know your place—and it’s not in the company boardroom. Stick to the home and leave business to those it actually involves.”

Iyon ang mga katagang binitawan sa kanya ng kanyang asawa ng panahon na iyon.

Ngayon na binabalikan niya ang mga taong naging mag-asawa sila ay labis siyang naawa sa kanyang sarili. Ni isa sa mga sandaling iyon ay hindi sila naging mag-asawa sa paningin ng mga tao o kahit sa mga naging kilos nila.

Napatawa nang mapait si Zenie. “Napakatanga ko.” Sabay sapo sa kanyang noo.

Ilang segundo ang lumipas nang maikumpas muli ni Zenie ang kanyang sarili at mabilis na lumabas ng kwarto na hindi na nagawang tignan muli sa huling pagkakataon.

“Saan ka po pupunta, Ma’am Zen?” tanong ni Aling Marilyn na lumabas sa kusina nang marinig ang ingay ng maleta pababa ng hagdan ni Zenie.

“On a business trip,” maikli at malamig na saad ni Zenie at dire-diretso palabas ng mansyon.

Sa mga taong nagsama sila, alam niya kung anong ugali meron si Aice—kung gaano ito kawalang puso, maghiganti at gaano ito kahirap magpatawad. 

“Ma’am Zen, alam po ba ni Sir Aice na aalis po kayo?” tanong ni Aling Marilyn na hinabol pa siya sa labas.

“Yes. So you don’t have to worry,” tugon nito para pakalmahin ang matanda.

Tahimik na napapalatak si Zenie. “Bakit ko kailangan magpaalam kung aalis ako? Kung nagagwa niyang gumawa ng rason para lang makita si Naiana, bakit hindi rin ako?”

Hindi naman talaga isang business trip ang pupuntahan ni Zenie kung ‘di ang kaibigan niyang abogado. Hindi niya gusto malaman ng mga tao sa bahay na iyon ang kanyang pinaplano. Hangga’t maaari ayaw niyang makagawa ang mga ito ng paraan para hindi matuloy ang kanyang pakikipaghiwalay sa walang puso niyang asawa.

I’m tired. There’s no love left in this marriage, so let’s stop pretending. It’s time we talk about what’s left—money. It’s the least I deserve after giving everything to a marriage that gave me nothing in return.

***

PASADO alas-dyes ng gabi ay nakauw na rin ng mansyon sina Aice at Aizen.

Napansin ni Aice na tila hindi gumagalaw ang kanyang anak sa pagkakaupo at mahigpt ang pagkakahawak sa game console na binigay ni Naiana kanina rito.

“Daddy…” malambing nitong tawag sa ama na bakas ang pagmamakaawa. Alam kasi nito na sandaling makita ng mommy niya ang game console ay paniguradong kukunin ito sa kanya.

Naiintindihan ni Aice ang nais ipahiwatig ng anak dahilan para mapakumpas ang daliri nito sa ibabaw ng steering wheel at nag-iisip kung anong maaaring solusyon sa problema ng anak niya.

Tumingin si Aice sa kanyang anak. “Leave it in the car. She won’t rummage through my car.”

Nang marinig iyon ni Aizen ay labis ang tuwa nito. “Yay! Thank you, daddy! You’re the coolest dad in the world!” masayang puri ng anak. “You and Tita Iana are really cool!”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Aice nang marinig niyang sambitin ng kanyang anak ang pangalan ng babaeng mahal niya. Kaya kinuha niya ang game console ni Aizen at nilagay iyon sa glove compartment.

Nang makalabas ng kotse ang mag-ama ay mabilis na lumapit si Aizen sa kanyang ama. “Daddy, can I go to your place tomorrow to play with Tita Iana again?” tanong nito na sabik na sabik.

“No, you can’t. We’ll be busy.”

Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Aizen nang sandaling iyon ngunit mabilis din iyon nawala. “Then can you take me to Grandma’s? I finally got Christmas break, but if I stay at home, Mommy’s just going to boss me around. It’s so annoying. I’m not happy at all.”

“On that part, I completely agree. You shouldn’t let your mommy boss you around. You’re a Bustillos—and no one tells us what to do. Got it?”

“Got it, daddy!” pag-sang-ayon ni Aizen sabay saludo.

Pumasok ang mag-ama sa mansyon kung saan agad naman silang sinalubong ni Aling Marilyn at pinagsilbihan.

Iginala ni Aice ang kanyang tingin sa buong paligid at bahagyang napakunot ng kanyang noo. “Where is Zenie?”

Alam niyang kahit hindi maganda ang nagiging trato nito sa asawa ay palagi itong naghihintay sa sala hanggang sa makarating siya at mag-aasikaso sa kanya ngunit nang sandaling iyon ay hindi niya ito nakita.

I told her to go home hours later, why isn’t she here yet?

Gumuhit ang pagkalito sa mukha ng matanda sa tanong ng kanyang amo. “Sir, hindi niyo po ba alam? Umalis po si Ma’am kasi may business trip po siya,” sagot nito.

“Business trip?” pag-uulit niyang saad. “That useless bank that barely had clients had business trips?” sarkastiko niyang tanong sabay palatak na bakas pang-iinsulto sa tono nito.

Hindi na lamang binigyan pansin ni Aice ang lakad ni Zenie. Wala rin naman siyang pakialam kung nasa bahay ba o wala ito, kung tutuusin mas gugustuhin niyang tuluyan na itong mawala sa pamamahay na iyon para magawa niya ng maiuwi si Naiana at makapagsama na sila sa malaking bahay at hindi lang sa maliit na condo niya.

“Daddy, did mommy go on a business trip?” paninigurong tanong ni Aizen.

“Yes.”

Nang marinig iyon ni Aizen ay labis ang tuwa ang kanyang naramadaman na umabot sa kanyang mga mata dahilan para maningkit iyon na kaparehong-kapareho sa kanyang ama.

“Daddy! Then I can bring the game console inside and play now!” nakangising sigaw nito.

Tumango si Aice bilang tugon.

“Yay! Since Mommy wasn’t home, I wouldn’t need to go hide at Grandma’s. Now I could be the little king of the house—no one would stop me!” sigaw ni Aizen habang lumulukso sa tuwa.

Hinayaan na lamang ni Aice ang kanyang anak na magsaya at tumungo sa kanyang kwarto para makapag-shower. Ilang saglit lang ito nag-shower at nagbihis ng pajama kung saan nakabukas lang ang collar nito dahilan para ma-expose ang matipuno nitong dibdib. Sa makisig na pangangatawan nito ay hindi malabong maraming maghabol lalo na nakakaakit na morenong kulay nito. 

Naibaling ni Aice ang tingin sa kanyang phone nang bigla itong tumunog na kaagad na kinuha. Nakita niyang galing kay Naiana ang message na iyon dahilan para mabilis siyang nag-type ng reply para sa dalaga, ngunit nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagta-type nang maagaw ang kanyang atensyon sa may nightstand.

“Where the hell is it?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 16.3: Her Escape, His Desperation

    NASA biyahe si Zenie ng biglang mag-ring ang kanyang phone at nakita niya ang isang pamilyar na number. Walang alinlangan na sinagot niya ang tawag.“Hello?”“Are you ready?”Napatingin si Zenie sa labas ng bintana ng taxi at humugot ng isang malalim at tahimik na buntong-hininga bago sumagot.“Yes, tita.”“That’s good. See you at the airport.”“Yes, tita.”At matapos noon ay naputol na ang tawag. Muli nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Zenie at napatingin sa kanyang phone kung saan naroon ang picture nilang mag-asawa at ng kanyang anak.“Maybe… this really is the best for us.”Nang makarating si Zenie sa kanyang apartment ay kaagad siyang naligo at nag-ayos ng kanyang sarili. Nakaimpake na rin siya ng kanyang mga gamit na kailangan niyang dalhin. Mag-ala singko ng umaga ng makarating siya sa airport. Iginala niya ang kanyang mga mata para hanapin ang kanyang Tita Mercedes.“Zen!” tawag ng kanyang tita dahilan para maituon ang pansin sa direksyon kung saan nagmula ang b

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 16.2: Last Tears

    NAGISING si Zenie na mabigat ang mga mata. Hindi niya alam kung kailan siya nawalan ng malay matapos ang ginawa sa kanya ni Aice. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa gawing kaliwa niya at doon niya nakita ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Sa hindi niya alam na dahilan ay may luhang tumukas sa kanyang mga mata. Hindi niya alam pero may kung anong kirot siyang nararamdaman.Bakit? Bakit ngayon lang, Aice?Nang sandaling iyon gusto niyang gising ang kanyang asawa—komprontahin sa lahat ng mga ginawa nito sa kanya at kung bakit ngayon gusto niya ng makakawala ay saka naman ito ayaw siyang bitawan. Andaming tanong ang gusto niyang mabigyan ng kasagutan ngunit natatakot siya na baka sa sandaling marinig niya ang sagot ay mas lalo siyang masaktan. Ngunit ang mas kinakatakot niya ay kung ang sagot na marinig niya ay ang pumigil sa kanya para iwanan niya si Aice. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi ngunit pinagtataksalin siya ng kanyang mga luha at patuloy pa rin ito sa pag-ag

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 16.1: Love or Madness

    MALALIM at marahas ang ginawang paghalik ni Aice kay Zenie. Iyon ang unang beses na nagkaroon silang muli ng physical intimacy ng kanyang asawa sa loob ng walong taon nilang pagsasama. Hindi magawang paliwanag ni Zenie kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ng sandaling iyon—tuwa o pandidiri?“No other man can have you except me!” mariing wika ni Aice na muling inangkin ang kanyang mga labi.Nang marinig iyon ni Zenie ay may kung anong kirot at pait siyang naramdaman. Hindi niya inaasahan ang ganoon. Hindi ganoon ang kanyang ginusto. Nangulila siya sa atensyon, pagmamahal at aruga ng kanyang asawa ngunit hindi niya ginusto na umabot sa puntong pupwersahin at babastusin siya ng kanyang asawa.At dahil doon ay buong lakas niyang tinuhod sa maselan na parte si Aice para mapapilipit ito sa sakit.“Fuck! What the—”Hindi nagawang matapos ni Aice ang kanyang sasabihin ng sundan ni Zenie ng isang malakas na sampal ang lumanding sa pisngi nito. Hindi naka

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 15.3: Chains of Possession

    LUMIPAS ang mga oras at mas lalong nabalot ng tensyon ang buong kasalahan pasado na alas dose ng madaling araw ngunit wala pa ring naririnig si Aice na balita sa kanyang asawa.Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay sa labis na pagkasiphayo na kanyang nararamdaman. “Fuck! Where on earth are you, Zen?” iritang tanong nito sa sarili.Ito ang unang beses na kain siya ng sarili niyang emosyon. Hindi niya magawang malagay at ang alam niyang magpapakalma sa kanya ng sandaling iyon ay ang makita ang presensya ng kanyang asawa.“What the hell is going on in your head, acting like this?”Sa inis ay nilagok nito ng buo ang laman ng kanyang kopita at patuloy na naging ganoon ang senaryo sa mga nagdaang oras. Nakailang bote na ito ng wine at unti-unti na ring tinatalaban ng alak ang kanyang isipan ngunit wala pa rin si Aice naririnig sa kanyang tauhan kung nahanap na ba o may impormasyon na ito sa kanyang asawa. Napatingin ito sa kanyang phone at pasado alas

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 15.2: The Vanishing Wife

    “BABE, what’s wrong?” Tanong ni Naiana ng sandaling ibaba ni Aice ang tawag.Hindi sumagot si Aice habang nilalamon ng kanyang isipan. Does it mean she is really serious about filing our divorce. I thought it’s her way to get my attention—that it’s one of her usual sulking games. I didn’t expect that she would not go home up to this point.“She wasn’t like this…” mahinang bulong ni Aice sa sarili.Napakunot ng kanyang noo si Naiana. “Who are you talking about, babe?” Naguguluhang tanong ni Naiana.Hindi sumagot si Aice at napatayo sa kanyang pagkakaupo.“I have to go.”“Why? Where are you going? Bakit bigla ka na lang aalis?” Sunod-sunod na tanong ni Naiana na bakas ang pagkasiphayo ng sandaling iyon.“I have to check something.” Sabay hakbang ngunit mabilis na hinawakan ni Naiana ito sa braso para pigilan.“Are you just going to leave me here? Alone?”Inalis ni Aice ang pagkakahawak ni Naiana sa kanyang braso. “This is important , Naiana. Stop acting like a kid.”Matapos noon ay walan

  • The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name   Chapter 15.1: Chances

    NAGISING si Zenie nang marinig niya ang pag-ring ng kanyang phone.“Zen, did I wake you up?”“No, Tita. It’s fine,” sagot nito sabay bangon sa kanyang pagkakahiga para magising ang kanyang diwa.“I will be leaving today. I’m going to Milan to attend the Fashion Week. Also, I’ll be heading to Paris for Haute Couture Week. We’ll go through the details of your situation when I return at the end of the month. Hope to see your latest work with you.”“My latest work?” Pag-uulit na patanong na saad ni Zenie.“Yes. I’m looking forward to seeing how much you improve or the flame of your passion has already died.”Hindi nakaimik si Zenie ngunit gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi. “I know it hasn't died yet, so surprise me when I return. The plane will take off in a few seconds. Gotta go. Bye.”With that, the phone call ended and the smile in Zenie’s face goes wider. It’s undeniable to hide her happiness at that moment. Hindi niya lubos akalain na matapos ang ilang taon na hindi sila n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status