แชร์

Kabanata 2. Beau And Calli

ผู้เขียน: Xiania
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-15 17:33:11

MAKALIPAS ang sampung minuto ay lulan na sila ng isang puting honda civic. Diretso lang na nakatitig sa kalsada sa harapan si Leila habang mahigpit niyang kapit ang manibela.

Hindi pa siya ganoon kagaling mag-drive. Ang kompanyang pinagtatrabahuan niya ay malapit lang sa inuupahan niyang apartment, sampung minutong lakaran lang iyon kaya madalang siyang magmaneho sa loob ng nakalipas na pitong taon.

Ramdam niya ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan.

Si Beau at Calli ay nakaupo sa backseat habang siya ay mag-isang nakaupo sa harapan at mistulang isang taxi driver.

“S-Saan ka bababa, C-Calli?” maging ang pagbanggit sa pangalan nito ay tila banyaga sa pandinig niya at ni hindi niya magawang banggitin.

Humarap ito kay Beau at nagsalita sa malambing na tinig, “I heard from your assistant that you just bought a large condo in the city. Pwede ba akong maging tenant mo?”

Tumingin si Beau sa telepono niya at may kung anong kinalikot roon, mayamaya ay nagsalita siya, “I’ll arrange it.”

“That would be perfect.” Bulalas nito at abot tainga ang ngiti na binalingan siya para ibigay ang address. Mayamaya ay muling namayani ang katahimikan.

“Siguro ay naiilang sila sa presensya ko,” wika ni Leila sa isip.

During her university years ay nagpapasalamat siya sa best friend niyang si Ciara Sta. Ana, madalas siyang naiimbitahan sa dinners at parties sa grupo nilang magkakaibigan. Kung ikukumpara sa ibang kaibigan nito na pawang nagmula sa mga prominenteng pamilya ay isa lang siyang outcast. Nobody. Isang tao na walang halaga.

Walang may pakialam sa kanya noong single siya, pero alam ng lahat na si Leila Valderama ay isang babae na biglang yumaman dahil pinikot niya ang isang mayamang lalaki.

Nais niyang magpaliwanag, pero hindi niya kaya, dahil nang magising siya ng sumunod na araw ay hindi na matagpuan sa kahit saan ang bote na siyang dahilan ng pagkalimot nila. Dahil walang ebidensya, wala siyang nagawa kun’di akuin ang sisi. Bakit nga ba hindi, kung sa kahit saang anggulo tingnan ay siya lang ang magbe-benefit sa nangyari?

Bang! Biglang natauhan si Leila nang makarinig ang malakas na tunog mula sa harapan ng sasakyan. Agad niyang inapakan ang gas pedal at noon niya lang napagtanto na nabangga niya ang likurang bahagi ng isang Porsche

Sa susunod ay itatatak niya sa isip na huwag maging distracted habang nagmamaneho.

Nagngingitngit na bumaba siya ng sasakyan. Nanghihina pa siya dahil sa nangyari at ngayon ay hindi niya lubos maisip kung paano niyang mababayaran ang damage na ginawa niya.

Isang may katabaang lalaki na sa hinuha niya ay nasa katanghalian ang edad ang bumaba mula sa driver’s seat ng sasakyan. Nang makita nito ang mukha ni Leila, saglit na nagliwanag ang mga mata nito.

Isang napakagandang babae ang nasa harapan niya. Maaliwalas ang hugis oval nitong mukha, mapipilantik ang pilikmata, at mamula-mula ang labi na tila nag-aanyaya ng isang halik.

Ang hitsura ng babae ay tila madaling paikutin.

“I-I’m sorry, sir. Hindi ko sinasadya. Kung anuman ang damage sa sasakyan niyo ay baka pwedeng pag-usapan natin?” maging ang boses nito ay masarap sa pandinig.

Sa isang iglap ay nawala ang init ng ulo niya. “Oh, it’s nothing serious. How about this, Miss, let’s find a coffee shop, sit down, and talk it over?”

Biglang nakaramdam ng pagkailang si Leila sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. “Let’s call the police first.”

Napapitlag siya nang bigla nitong hawakan ang braso niya. “Hey, what’s the rush?” Marahas niyang binawi ang braso at dahil do’n ay muntik na siyang mawalan ng balanse. Mabuti na lang at may isang malakas na bisig ang sumalo sa kanya. Nang lingunin niya ay ang seryosong mukha ni Beau ang sumalubong sa kanya.

Tila napapasong lumayo si Leila. “B-Bakit bumaba ka pa?”

Sandaling naglaro sa ilong ni Beau ang halimuyak ng pabango na gamit ni Leila pero agad din itong nawala. Hindi niya nagustuhan ang biglang pag-iwas nito na tila may nakakahawa siyang sakit. “You looked like you need help,” wika niya.

Hindi maiwasang mapaisip ni Leila. Gano’n lang ang relasyong namamagitan sa kanilang dalawa, tila hindi nalalayo sa pagiging estranghero.

“Kaya ko na ‘to,” walang emosyon na tugon niya.

Kitang-kita niya kung paano itong sumulyap sa loob ng sasakyan kung nasaan si Calliyah. “Stop wasting time.”

Nakagat na lang niya ang labi. Oo nga at hindi dapat niya sayangin ang mahalagang oras nito at ni Calli.

“Kung gano’n ay ikaw na ang bahala,” tila sumusuko na na turan niya.

Nagulat ang matabang lalaki na hindi na pala single ang babae, bukod do’n ay mukhang mayaman pa ang kaharap niya. Kaya hindi na niya itinuloy pa ang makamundong iniisip niya.

Naupo na lang si Leila sa loob ng driver seat at pinanood si Beau na may kinakausap sa telepono. Sa pagkakarinig niya ay abogado ang kausap nito patungkol sa compensation plan.

Napabuntong hininga siya. Iniisip niya kung gaano katagal ang aabutin bago niya mabayaran ang utang niya. Baka abutin pa ng ilang taon.

Ang maliit na aksidenteng iyon ay lalo pang pinahirap ang mahirap na niyang buhay pati na rin ang kanilang pagsasama ay lalo pang naging alanganin.

Ano pa bang lalala sa ang asawa mo ang pinagkakautangan mo?

Sunod-sunod na katok sa bintana ang nakapagpabalik kay Leila sa kasalukuyan. Mayamaya ay narinig niya ang baritonong tinig ni Beau mula sa labas. “Get out of the car,” utos nito.

Itinulak niya ang pintuan at bumaba saka nagtataka itong tinitigan. “Sit over there,” dagdag pa nito.

Hindi siya agad nakahuma. Ibig bang sabihin nito ay ito ang magmamaneho ng sasakyan niya?! Mayamaya ay naalala niya ang sinabi nito na maupo siya sa “kabila”, ang ibig sabihin nito ay sa likod kung hindi siya nagkakamali.

Kaya naman nagtungo na siya sa back seat at naupo sa iniwan nitong pwesto. Tila nararamdaman pa niya ang init nito mula sa leather seat.

Pag-upo ay napansin niya ang makahulugang tingin sa kanya ni Beau mula sa rearview mirror at kulang na lang ay magdikit na ang mga kilay nito sa labis na pagkunot niyon. Pero hindi ito nagsalita at tahimik na pinaandar ang sasakyan.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Zillionaire's Hidden Child Is A Model   Kabanata 8. New Co-Worker

    MATAPOS ihatid si San San sa school, nagmamadali ng nagtungo si Leila sa Valencia Group.Tamang-tama at katatapos lang ng morning rush hour o iyong pasukan ng mga empleyado kaya kakaunti lang ang tao sa lobby.Lumapit siya sa receptionist at nagtanong kung maaari niyang iabot ng personal ang envelope sa opisina ng president.Kagabi lang ay tumawag siya sa insurance company para magtanong. Base sa tinamong damage ng nabangga niyang Porsche, nagkakahalaga iyon ng halos walong daang libong piso hanggang sa isang milyon. Idagdag pa ang repair cost ni Wendy, ang total na halaga sa tingin niya ay nasa isang milyon at limangdaang libong piso.Noong una ay naisip niyang ipadala na lang ‘yon sa bank account ni Beau pero natatakot naman siyang baka magkaproblema kaya isinalin na lang niya sa tseke ang isang milyon at limangdaang libong piso saka ito personal na dinala sa Valencia Group.In that way ay siguradong mapupunta sa kamay nito ang bayad niya.Kinuha ng receptionist ang envelope mula sa

  • The Zillionaire's Hidden Child Is A Model   Kabanata 7. Independent Son

    NAGISING si Leila na parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit.Matagal-tagal na rin simula ng magkaroon siya ng masamang panaginip, at palaging napapagaan ni Beau ang nararamdaman niya sa tuwing nangyayari iyon.Gumapang siya palapit sa bedside table at mula roon ay inilabas ang isang banig ng paracetamol. Kumuha siya ng isa at diretso iyong nilunok.Nang lumabas siya ng silid ay nakita niya ang anak na si San San na nakabihis na ng uniporme na pinatungan ng apron. Kasalukuyan itong naghahanda ng kanilang almusal.He made an egg sandwich for him, fried rice and sunny-side up egg for me. Agad siyang napangiti, talagang alam na nito kung ano ang gusto niya.Although she tends to do odd jobs at the company, the artificial intelligence industry is on the rise, and her boss puts a lot of pressure on her, causing her to lose a lot of her in recent years.Habang nag-aalmusal ay nagtanong si Leila, “Will Mommy take you to school today?”San San ate elegantly, swallowing his food before

  • The Zillionaire's Hidden Child Is A Model   Kabanata 6. The Ring

    SA ISANG sulok ay nakita ni Fred na mag-isang umiinom ang kaibigan niya kaya naman nilapitan niya ito bitbit ang wine glass at naupo siya sa tabi nito.“Pinatigas na ba ng malamig na klima ng America ang mukha mo?” pambubuska niya.Malaki na ang ipinagbago ni Beau simula ng magbalik ito. He used to be like a perfect business machine na hindi nagpapakita ng emosyon sa kaharap nito pero ngayon ay basang-basa niya ang cold expression na nakalarawan sa mukha nito.Hindi man lang ito nag-react sa biro niya pero hindi siya sumuko sa pambubuska rito, “Mukhang nag-aadjust ka pa rin sa pagbabalik sa dati mong buhay na marangya, tama ba?”Outsiders might not know why the word “return” was used, but Wilfred knew perfectly well why.Noong nasa abroad si Beau ay wala itong kasambahay, walang tagasilbi, at walang driver. Nakatira lang ito sa fifty square meters na bahay, malayong-malayo sa mansion na tinitirahan nito sa Pinas.Hindi niya alam kung bakit kinailangan nitong umalis gayong maayos naman

  • The Zillionaire's Hidden Child Is A Model   Kabanata 5. Welcome Party

    “LEILA, were you upset by that jerk at the airport today?” tanong ng best friend niyang si Ciara nang tawagan siya nito.Ito ang nagsabi sa kanya na ngayong araw babalik ng Pilipinas si Beau.Ang boyfriend at fiancé nitong si Fred ay matalik na kaibigan ng una at magkasama ang mga itong lumaki.Ang dahilan kung bakit nito sinabi sa kanya ang pagbabalik ni Beau sa bansa ay para maayos nila ang hindi pagkakaunawaan sa relasyon nila. Pero hindi nila inaasahan na kasama nitong uuwi si Calli.Kung bibigyan si Ciara ng pagkakataon pupunta siya sa airport na may bitbit na pamalo at pupukpukin niya ang kung sinumang makita. Saksi siya kung gaano kagusto ng kaibigan niya si Beau kahit pa lumipas na ang maraming taon.Nang ipanganak si San San ay nakaranas ng premature labor si Leila at halos mamatay ito sa ibabaw ng operating table.Pero nasaan si Beau? Kung binigyan lang nito ng atensyon ang kaibigan niya ay siguradong malalaman nito ang hirap na pinagdaanan ng huli. Pero tila nagbulag-bulaga

  • The Zillionaire's Hidden Child Is A Model   Kabanata 4. Genius Son

    NANG MAKAALIS si Beau ay umakyat na sa kanilang apartment si Leila. Inilabas niya ang susi sa bag at binuksan ang pintuan. Pagpasok sa loob ay agad siyang dumiretso sa sofa at nahahapong naupo na hindi man lang tinatanggal ang cardigan niya.Kahit ano pa ang iniisip ni Beau, ang pinakamahalaga ngayon ay si San San. Kailangan niyang gawin ang makakaya para manatiling sikreto ang pagkatao ng anak.Marahang tumunog ang door lock ng study room, mula roon ay lumabas ang isang anim na taong gulang na batang lalaki na hawig na hawig kay Leila. May nakaipit pang lapis sa pagitan ng tainga nito.Nang makita nito ang hitsura niya ay tila napangiwi ito. “Mommy, take off your cardigan before you get on the sofa,” wika nito.Alanganin siyang ngumiti, “Okay.”This level of obsessive-compulsive disorder is definitely inherited from his father. Kaya nga nagulat siya kanina nang sabihin ni Beau na ito ang magmamaneho ng sasakyan niya; he was actually willing to touch her car.Nang makitang hindi pa ri

  • The Zillionaire's Hidden Child Is A Model   Kabanata 3. Cold Treatment

    TAHIMIK NA tumanaw sa labas ng bintana si Leila, iniisip kung kailan niya dapat dalhin ang kotse sa pagawaan.Kabibili lang niya ng sasakyan na ito ilang buwan palang ang nakararaan. Segunda mano man ay matibay pa rin pero ngayon ay may gasgas na dahil sa pagiging clumsy niya.“Leila, how have you been these past seven years?” mula sa kung saan ay tanong ni Calli.Bahagya pa siyang nagulat sa tanong nito dahil sa pagkakaalala niya ni minsan ay hindi man lang siya nito tinapunan ng pansin noong nag-aaral pa sila sa kolehiyo. Kung papansinin man siya ay himala na ang magsabi ito ng dalawa o tatlong salita. Pero makalipas ang pitong taon ay tila ba nag-iba na ito.“Ayos lang.”Tumango ito. “If I remember correctly, you majored in artificial intelligence as an undergraduate. Did you work in a related industry after graduation?”Sort of, but not entirely.After graduating, Leila submitted her resume to many artificial intelligence companies. Outstanding graduate siya mula Ateneo De Manila

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status