LOGIN"Lana! Mag-usap tayo! Alam kong nand'yan ka kaya please, lumabas ka na d'yan!" muling sigaw ni Caleb. Kitang kita ko kung paano siya ipagtulakan ng mga guards namin pero ayaw niya talagang magpaawat. Pinipilit niyang pumasok sa gate, ni hindi ininda ang hawak na batuta ng mga guard. “Huwag n'yo nga akong hawakan!" sigaw pa niya.Mariin akong napapikit nang makawala siya sa mga guards at may sinuntok siya sa kanila. Sa pagdilat ko ay muli na naman siyang nagapos, pero sa pagkakataong ito ay tumulong na rin ang driver at ilang tauhan ni Papa. "Lana! Si Caleb ’to! Lumabas ka na d'yan!” malakas niyang sigaw kahit pinagtutulungan na siyang ilayo sa gate. Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip ito ng dibdib, kasabay n'un ay ang munti kong paghikbi. Please. Sana umalis na lang siya! “L-Lana… h'wag mo naman ’to gawin sa'kin. Ang dami ko pang plano sa inyo ng baby natin… please…”Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang nagsimula na siyang humikbi. Binitawan na siya ng mga guards pero halo
Naging mabilis ang mga sumunod na oras. Mula sa airport sa Japan hanggang sa paglapag ng private jet sa Manila, hindi ako kumikibo. Nakatingin lang ako sa kawalan, iniisip kung nasaan na si Caleb at kung gaano na siya kapraning ngayon sa paghahanap sa akin. Paglabas namin ng hangar, may naghihintay na sa aming mga itim na sasakyan. Huminto kami sa tapat ng isa sa mga ito, at doon ay hinarap ni Lucas si Daddy. "So, where do we go from here? I think it’s better if Lana stays at my place for the meantime. Mas mababantayan ko siya roon, and I have the best security for her and the baby," mungkahi ni Lucas. Ang boses niya ay puno ng kumpiyansa, tila ba selyado na ang usapan. Pero kinunutan siya ng noo ni Daddy bago niya ito agad inilingan. "No, Lucas. Thank you for the offer, and we appreciate everything you've done, but my daughter is coming home with us. Sa bahay namin siya tutuloy. I want her where I can see her every minute." "But Tito, it's safer—” "I said no. Dederetso kami sa
Nagkatinginan sina Mommy at Daddy. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalangan, pero nang makita nila ang determinasyon at ang mga luhang hindi tumitigil sa pag-agos sa mga mata ko, dahan-dahang tumango si Daddy. “Fine. Lucas will drive us there,” sabi ni Daddy sa mababang tinig. “Pero saglit lang. We have a flight to catch. Ayokong mag-abot pa kayo ng lalakeng ’yan dahil baka gumawa lang siya ng eksena.” Gumawa ng eksena… Ano namang eksena ang gagawin ng isang ’yun? Ah. Syempre magagalit dahil kahit ilang beses niyang ipinamukha sa akin kung gaano ka-toxic ang mga magulang ko, heto't sasama pa rin ako sa kanila. Hindi na lang ako sumagot kahit nagsisimula na akong mairita sa kanilang lahat. Pinunasan ko ang mga luha ko at kahit nanghihina'y pinilit kong makatayo. Inalalayan ako ni Mommy hanggang sa makalabas kami ng clinic. Pagdating sa parking lot, nandoon na si Lucas, nakasandal siya sa isang itim na SUV. Ang mukha niya ay walang mababakas na kahit anong emosyon. “Drive us to t
“You heard me, Lana? Kaya kong magpakatatay sa pinagbubuntis mong bata. Kaya ko dahil—” Hindi na natapos ni Lucas ang sasabihin nang titigan ko siya nang masama. “Anong pinagsasabi mo?” may diin kong tanong. "Are you out of your mind? Si Caleb ang ama ng pinagbubuntis ko!” asik ko at binitawan na ang kamay niya. Nanlalamig ang buong sistema ko sa biglaang galit na namutawi sa akin. “Hindi ako sasama sa’yo, tapos ang usapan!” Bigo niya akong inilingan habang nakatitig pa rin sa akin. “I expected you to say that. You’ve always been stubborn when it comes to my brother.” Sumandal siya sa kinauupuan at muling ibinalik ang pagiging kalkulado sa kaniyang mukha. “Good thing I invited them." Agad nangunot ang noo ko sa huli niyang litanya. “Them?” nagtatakang tanong ko. “Sino’ng—?” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto. Awtomatiko akong napalingon doon, sabay natameme nang iluwa ng pinto ang dalawang taong hinding-hindi ko inasahang makikita ri
Hindi ako nakapagsalita agad. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang makumpirma kong siya nga ito. Ang makita muli ang pamilyar na mukha ni Lucas ay nagdulot ng kakaibang kaginhawaan sa akin. Nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin ay maingat akong naupo sa kama, pagkatapos ay basta na lang siya niyakap nang mahigpit sa bewang. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at hinayaan ang sarili kong mamahinga na muna sa bisig niya. He chuckled, his chest vibrating against my cheek then patted my head gently. “Alright, alright. I know you missed me that much, Lara. Don’t get too emotional now.” Doon na ako nahimasmasan. Mabilis akong kumalas sa yakap at sinamaan siya ng tingin habang pinapahid na ang luha sa mga mata ko. “Kapal mo! Sino’ng nagsabing namiss kita? Nagulat lang ako!” “Really? Kung makayakap ka kasi, akala mo limang taon tayong hindi nagkita,” biro niya sabay upo sa silya sa tabi ng kama. Kinuha niya ang mansanas na nasa side table at sinimulang balatan iyon nang n
Kinaumagahan, parang wala namang nagbago sa ikot ng mundo namin, maliban sa katotohanang mas naging praning si Caleb sa bawat galaw ko. Habang nag-aayos kasi ako para sa pagpasok sa university, nakasandal lang siya sa pinto ng banyo, bitbit ang isang baso ng gatas at isang mansanas. “Lana, how are you feeling? Do you feel lightheaded? May masakit ba sa’yo?” pang-limang ulit na yata niyang tanong simula nang magising kami. “Okay lang nga ako,” sagot ko, sinusubukang ituon ang atensyon sa pag-a-apply ng makeup sa mukha ko. “But you threw up twice earlier. And you looked so pale,” nag-aalala niyang giit. “Maybe you should skip classes today? I can call the university and tell them you’re sick.” Nilingon ko na siya. “No. Kasisimula pa lang ng semester kaya ayokong um-absent,” mariin kong sabi bago dinampot ang bag ko sa tabi. Kahit nahihilo pa rin ako nang kaunti, pinilit kong maglakad nang diretso. Sa biyahe patungo sa university, wala siyang ibang ginawa kundi ang magbilin nang m







