Nyx's Point of ViewWALA akong nagawa kundi maghimutok buong magdamag sa mesa ko.Pinaglaruan ko ang ballpen habang iniisip kung sino ba talaga ang taong mayaman na kilala ko raw. Pero wala akong maalala. Maliban sa mga kaibigan nina Mama—pero imposibleng kilala nila ako, hindi naman ako palaging kasama sa mga events.Dahil ang bunso dapat nasa bahay lang. Iyan ang laging sagot nina mama sa akin kapag nagtatanong ako kung bakit hindi ako pwedeng sumama at sa tinagal ay nakasanayan ko na.Back in college, tahimik lang ako sa gilid. Sasagot lang kung kailan tatawagin, but I was an outstanding student. Everyone would adored me on how I always excel in the class. Pero walang gustong kumaibigan sa kahit.Kaya lalo lang akong naguguluhan ngayon. Sino ang taong handang magbigay ng ganoon kalaking halaga para lang makausap ako at mag-invest sa kompanya?I was deep in thought when I felt the temperature drop. Narinig ko ang mabigat, kontroladong mga hakbang. Hindi mabagal, hindi rin mabilis—sa
Nyx's Point of ViewPAGDATING ko sa opisina, nandoon na naman ang mapanghusga nilang mga tingin kahit kakapasok ko pa lang. Inilihis ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay at hindi na sila pinatulan."Ni hindi na talaga nahiyang pumasok pa dito matapos ng ginawa niya." Rinig kong komento ni Crystal, na para bang wala na siyang ibang alam kundi makipagtsismisan."Sinabi mo pa, daig pa ang semento sa kakapalan ng mukha niya." Gatong pa ni Stephanie. Kahit hindi ko sila tingnan, alam kong nakatutok ang mga mata nila sa akin—naghihintay ng aking pagkakamali.Muli kong pinili na huwag silang pakinggan. Nagtrabaho na lang upang matapos na ito.Ilang oras na lang, makakaalis na rin ako dito. Habang nagsasalita sila, biglang umalingasaw ang strawberry scent na pabango ni ate. Halos maduwal ako—masyadong matapang sa ilong ko.Ano ba 'tong nangyayari sa akin?Lately, mas naging sensitibo ang pang-amoy ko at lalo akong naging pihikan sa pagkain. Pero nakunan ako. I saw it. I even heard the d
Nyx'a Point of ViewMABILIS kong pinatay ang tawag. Hindi ko gustong may makaalam tungkol sa amin ni Maverick."Anong ginagawa mo dito?" Tumayo ako, pinipilit maging matatag ang aking katawan.Hindi siya humakbang. Mukhang nasa wisyo pa siya, kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Dahil kung lalapit siya, hindi ko alam kung anong maaaring mangyari."Sino si Liam?" mariin niyang tanong. Hindi pa tapos sa kanyang tanong kanina."Kababata ko." Simple kong sagot ayaw ng humaba pa ang usapan.Humalakhak siya—isang sarkastikong tawa. Tapos ay biglang sumeryoso ang mukha."Bakit mo siya katawag nang ganitong oras?" His words cut like ice, sharp and merciless.Nag-init ang kamao ko sa tagiliran. Ang kapal ng mukha niya upang magtanong ng bagay na maliit lang. Samantalang siya ay lantaran kung makipaglandian sa ibang babae—sa ate ko pa."Bakit? Ano bang pakialam mo, Maverick?" sagot ko, matalim. Tumahimik siya pero nagtiklop ang panga niya, tila pinipigilan ang sarili.Nagtagisan kami
Nyx's POV "Anong ibig mong sabihin, doc?" tanong ko, puno ng kaba at tanong ang isip. "Kailangan nating mag-usap nang personal para mas maintindihan mo." Paliwanag niya bago pinatay ang tawag—marami pa raw siyang pasyente. Halos bumigay na ang tuhod ko pero pinilit kong magpakatatag. Humarap ako sa salamin, halos walang kulay ang mukha. Naghilamos ako at inayos ang sarili, pilit na ngumiti kahit sa loob-loob ko'y parang mababaliw na. Ang dami kong tanong. Nagpa-raspa na ako, kaya ano pang nakita ni doc sa resulta ng test? Bago pa ako makalabas, bumungad si Ate Nixie kaya napatigil ako. Ang strawberry niyang pabango ay agad pumasok sa ilong ko. Nasusuka ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa ideya na nandito siya o hindi kaya ng sikmura ko ang pabango niya. Tiningnan ko ang kanyang kabuuan. Kuhang-kuha ang hubog ng kanyang katawan sa suot niya na pulang gown. Na para bang pinagawa iyon para sa kanya. Kaya pala hindi magkasya sa akin iyon. Gusto kong matawa sa inis. Inis para sa
Nyx's Point of View TININGNAN ko muli ang dalawang envelope sa aking kamay. Ang isa ay formal at sagrado, habang ang isa ay basta ko na lang nilagay sa puting envelope. Nang makarating ako sa pintuan ni Mav, huminga ako nang malalim saka kumatok ng tatlong beses bago binuksan ang kanyang opisina. Pagpasok ko, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin kahit saglit. Nakasuot siya ng salamin na mas lalong nagdagdag sa kanyang appeal. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ang noo niya'y nakakunot na tila may hindi nagugustuhan. Nanunuot sa buong opisina ang panlalaki niyang amoy na paborito ni Nixie. Tumigas ang bagang ko sa naisip. Sa bawat paghakbang ko patungo sa kanya ay parang may bumubulong na huwag ko itong gawin. Ngunit bawat memorya na kasama siya ay pasakit lang sa akin. "I have some important papers for you to sign, sir." Doon lang siya nag-angat ng tingin. He narrowed his eyes at me, but I remained unfazed. Dumako ang mga mata niya sa dalawang envelope na inilapag
Nyx's Point of View NAWALAN na ako ng lakas habang nakahiga sa kama. Tulala lang akong nakatingin sa kisame habang binibigkas ng doktor ang masakit na balita—nakunan ako. Gusto kong matawa. Ang pait ng katotohanan na paulit-ulit na lang ipinapamukha sa akin. Ayaw ni Maverick sa akin. Bumalik na si Ate Nixie. Wala na ang anak namin. Ano pa ang silbi ng buhay ko? Kung noong wala si Ate ay wala na akong halaga sa kanya, paano pa kaya ngayon? Kanina pa ako dito, panay sigaw at iyak. Hindi matanggap ang nangyari kaya tinawagan ko si Mav. "Mav—" "Pwede ba, Nyx, tumigil ka na? Nasa ospital pa kami ni Nixie." Hindi pa man ako nakasagot ay agad niyang binaba ang tawag. Natawa na lang ako. Siguro nga... dapat sumuko na ako. Tapusin ko na ito. Namanhid na ang buo kong katawan pati ang puso ko. Nakakapagod din pala. Pinilit kong bumangon. Hindi pa man ako dapat i-discharge pero inalis ko na ang mga nakakabit sa akin. Kailangan kong kumilos. Kailangan matapos na ito. Ngu