Share

The billionaire's willing victim
The billionaire's willing victim
Author: Nelia

engaged

YVO's POV

"Congratulations!" bati ni dad sa 'kin.

Ngayong gabi ay Ang engagement party namin ni Loisa. arranged marriage ito kaya labag ito sa kagustuhan ko. masamang-masama Ang loob ko.

Wala akong nagawa kun 'di sumunod sa utos ni dad. Buong buhay ko s'ya ang nasusunod, at lahat ng 'yon ay hindi ko pinagsisisihan.

Ngayong gabi, magbabago na ang buhay ko. Matatali na ako sa babaeng kilala ko lang sa pangalan.

Si loisa, ang babaeng ipinagkasundo sa 'kin. Anak s'ya ng business partner ni dad at s'ya ang babaeng napilitan lang na makisama sa akin.

Simula pa lang ay ramdam ko ng hindi n'ya ako gusto dahil kahit kailan ay never n'yang ipinaramdam sa akin na gusto n'ya rin ako.

Ngunit wala na rin s'yang choice tulad ko.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang party. Nandito ang mga kilalang tao sa Pilipinas. Senador, Congressman at iba pang may katungkulan sa bansa.

"Yvo, anak, asa'n si Loisa?" tanong ni mommy habang lilinga-linga sa paligid.

Kinakabahan ako, mukhang may kung ano akong nararamdaman.

"I don't know mom," sagot ko kay mommy.

Napabuntong hininga ako, hindi! Hindi maari! Sana mali ang iniisip ko.

Agad kong tinungo ang guest room kung saan inayusan si loisa. Agad umakyat ang dugo sa ulo ko nang makita kong bakante ang silid.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at agad dinial ang number ni loisa ngunit patay ang linya nito.

"Iho, nand'yan ba s'ya?" tanong ni mommy sa 'kin.

Marami ng tao sa labas at anytime tatawagin na kami ng host.

"Wala, mom,"

Nanlalata na aking mga tuhod, hindi s'ya p'wedeng umatras. pwede syang umatras sa kasal namin pero Hindi ngayon sa engagement party namin. ayokong mapahiya!

Agad kong iniwan si mom sa kan'yang kinatatayuan at mabilis akong bumaba ng hagdan.

Dahil maraming tao, pasimple akong sumakay sa aking kotse. Nang makalabas ako ng mansyon ay mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan.

Malamang hindi pa s'ya nakakalayo. Kanina-kanina lang kasi ay sinilip ko pa ito habang inaayusan.

Hindi nga ako nagkamali, naabutan ko ito sa labas ng aming villages habang papasakay ito sa motor.

Agad kong kinuha ang baril sa aking sasakyan at isinuksok iyon sa aking likuran.

"Where do you think you're going? " sigaw ko habang papalapit sa kinatatayuan ni Loisa.

Nang mapansin niya ang aking presensya ay nagmadali itong sumakay sa motor.

"F*ck!" mura ko nang makitang umaandar ng mabilis ang motor.

I have no choice, kinuha ko ang baril mula sa aking likuran at mabilis na pinaputok iyon.

Inasinta ko ang gulong ng motorsiklo at nagtagumpay naman akong tamaan iyon.

Walang nagawa si Loisa nang ma-corner ko s'ya. Lumapit ito sa 'kin at lumuhod sa harap ko.

"Please! Yvo, hayaan muna kami!.'di ba ito ang gusto mo? Ang hindi matuloy ang kasal natin." pagmamakaawa ni loisa habang umiiyak.

Hindi ko s'ya pinansin, dali-dali kong nilapitan ang driver ng motorsiklo at saka ko tinutukan ng baril.

"Balak n'yo pa akong iputan sa ulo! Huh!" galit na wika ko sa lalaking kaulayaw ni Loisa.

Nanlaki ang mata nito at agad na hinawi ang baril na hawak ko. Nagpintig ang tenga ko kaya mabilis kong binaril ang lalaki sa ulo. Bumulagta ito sa sahig habang walang tigil ang pag-agos ang dugo sa sintido nito.

"Bagay lang sa 'yo 'yan!" wika ko sabay dura sa mukha nito.

Halos hindi makagalaw si Loisa sa nasaksihan. Nanginginig ang mga tuhod nito at walang tigil ang daloy ng luha sa kan'yang mga mata.

Nilapitan ko ito at hinila papasok ng kotse. Habang nasa kotse kami ay biglang nagsisigaw si loisa at pilit inaagaw sa akin ang manibela.

"Hayop ka! Mamamatay tao ka!" sigaw nang nagwawalang si loisa.

"So alam mo na ang kaya kong gawin? Higit pa riyan ang kaya ko. Kaya h'wag mo nang tangkain pang tumakas. " sagot ko habang hinahawi ang kamay ni loisa. Pilit kasi nitong inaagaw ang manibela.

"Gusto ko ng mamatay!" sigaw niya, sinabunutan ako ni loisa kaya naman kamuntik na kaming mabangga.

Agad kong hininto ang sasakyan. Hindi na ako nakapagpigil at sikmuraan ko na si loisa para tumahimik. Nawalan ito ng malay.

Dalangin ko na lang na magising ito pagdating namin sa mansyon.

Kailangang matuloy ang engagement party ngayong gabi. Malalagot ako kay dad kapag binigo ko s'ya.

Nang makarating kami sa mansyon ay wala pa ring malay si loisa kaya naman dahan-dahan ko s'yang tinapik at hinalikan sa pisngi na parang walang nangyari.

Aaminin kong nasaktan ako, natapakan ang pagkatao ko at hindi ako papayag na maging masaya s'ya. Parehas dapat kaming magdusa sa kasal na pareho naming hindi ginusto.

"Ayusin mo ang sarili mo! Hinihintay na nila tayo." wika ko kay loisa habang abala ako sa pag-aayos ng aking nagulong buhok.

Hindi ito kumibo, tulala lang itong nakatingin sa 'kin.

Nauna na akong bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto at alalayan papasok ng mansyon.

"Act normal!" matigas na sabi ko habang papasok kami ng mansyon.

Agad namang nagsitayuan an mga guest nang makitang papasok na kami. Malalawak ang ngiting iginawad nila samin.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Loisa habang papalapit kami sa kinatatayuan ng aming mga magulang.

"Subukan mo lang!" banta ko.

Nagmano kami sa aming mga magulang para magbigay galang. Kitang kita ko ang higpit ng pagyakap ni Loisa sa kan'yang ina na si Donya fely Marquez.

"Iha, stop crying. Sa una lang 'yan mahirap." wika ni Donya fely habang inaamo ang anak.

Pasimple kong kinalabit si Loisa at sinesyasang sumunod sa akin.

Nauna na akong maupo sa aming upuan sa stage at sumunod naman ka'gad si loisa.

Nagumpisa agad ang party at nagsimula nang maglapitan ang aming mga bisita para i-congratulate kami.

Lumapit sa amin sina Cong. Carlos at Senator juan pablo para iabot ang kanilang regalo.

Gano'n din ang iba pa naming bisita.

Si dad naman ay niregaluhan ako ng isang vacation trip sa amanpulo island para makapagbasyon naman daw muna ako bago matali kay loisa.

Si loisa naman ay niregaluhan ni dad ng isang ticket na trip to paris. Do'n kasi gaganapin ang Dior fashion show na hilig puntahan noon ni Loisa.

Nagkunwari kaming masaya sa harap ng aming mga bisita at nang matapos ang programa ay nagpaalam na si loisa na magpapahinga na.

Ako naman ay abalang nakipag-inuman sa aming mga bisita.

Marami-rami rin akong nainom at nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo ngunit hindi pa ako maaaring umuwi habang nandito pa ang aming mga bisita.

Isa pa sa dahilan ng paglalasing ko ay si loisa, masyado s'yang maarte at iyakin. Nakakairita s'yang kasama. Isa pa sa ayaw ko ay manloloko s'ya. Hindi pa man din kami kasal ay nagawa na n'ya agad akong lokohin.

Humanda siya at gagawin kong impyerno ang buhay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status