Share

Chapter 2

"She's beautiful, right hon?" tanong ng ginang sa kanyang asawa. Venz dad nodded his head, a sign of being agreed of what his wife just said.

Namula naman konti ang mukha ko dahil sa sinabi nang ina nito. Mabuti pa ang mag asawa, marunong pa pumuri hindi katulad ng isa riyan...

At first, I thought they're strict and won't like me because of my appearance. I'm a nerd, nothing special but I was mistaken. They accepted me.

I smile at them. They respond a smile too, then I felt his hand touching mine. Napatingin naman ako sa kanya at bumaba 'yon sa kamay namin. Tahimik lang 'to habang nakikipag-usap sa magulang. Napansin kong may sinuot 'tong singsing sa daliri ko. An engagement ring?

"Actually mom and dad, I'm done proposing last week," he stated and put our hands together on the table. Last week? Really? Venz is a good liar huh. Kahapon pa nga kami nagkakilala ta's nag-propose na raw siya sa 'kin no'ng last week.

"Wow, magic 'yon?" I asks pero mahina lang, 'yong si Venz lang ang nakakarinig ng sinabi ko. Pinisil naman nito ang kamay ko dahilan upang mapaigtad ako konti at napansin naman ako ng mga magulang niya. Ngumiti naman ako sa mga ito bago ko inapakan ang paa ng katabi. Napa 'aray' naman ito sa sakit na nararamdaman kaya nasa kanya na ang atensyon ng dalawa. Buti nga sa kanya.

"Anong nangyari sa 'yo, anak?" tanong ng kanyang ina. Mabilis naman umiling itong katabi ko. 

"Kinagat lang po ako ng ipis," tanging sagot nito at nilayo ang paa sa 'kin. Ngumisi naman ang ama ng lalaking 'to bago magsalita, "malaking ipis ba?"

Tumango naman si Venz dahilan upang matawa ang ama nito habang ang ina naman ay naguguluhan sa pinag-uusapan ng dalawa.

"Ano ang pinag-uusapan niyo? Sali niyo 'ko." Mas lalong natawa ang asawa nito at inakbayan siya. "H'wag na hon, usapang lalaki lang 'yon." 

Ngumuso naman ang ginang. Ang cute nila. Makikita mo rin sa mukha nila kanina ang saya dahil sa narinig nilang good news mula sa kanilang anak.

Naalala ko tuloy ang parents ko. Would they have the same reaction if one day I'll tell them that someone already proposed at me? Not the man they wanted but the man I love. Hindi si Venz to ah, baka kasi 'yan ang pumasok sa utak niyo. 'Di ako magkakagusto rito 'no.

Wala lang, I think if that time would come, my parents would be furious. Hayst. Gusto ko lang naman maging normal na mamamayan at hindi nakatira sa palasyo. Some girls dreamt of being a princess. Akala kasi nila maganda 'yon ngunit para sa 'kin hindi. Araw-araw may nakatutok sa 'yo at pinupuna ang mga ginagawa mo. Gusto ka nilang maging perpekto sa mata ng ibang tao. Maraming bawal galing sa Hari at Reyna. 

Gusto ko nang ganitong pamumuhay dahil walang magco-control sa 'yo. Walang nangingialam sa gusto mong gawin. 

"When is the wedding? We're excited." 

"What?" gulat na tanong ko sa mga ito. Wedding? Hindi ko nga gusto 'tong lalaking ito ta's wedding na pag-uusapan namin? Seryoso ba sila? Luh. Naramdaman ko ulit ang pagpisil ni Venz sa kamay ko kaya pa-sekreto ko itong siniko.

"Bakit?" mahina kong tanong. Umiling lang ito saglit at nilapit ang bibig sa tenga ko sabay sabi, "umayos ka, para kang tanga. Makisabay ka nga." 

Tinawag na naman niya akong tanga kaya inapakan ko ulit ang paa nito. He glare at me at gano'n din ako rito. Akala ko magtatapunan lang kami ng masamang tingin buong araw ngunit sumuko ito kalaunan at unang umiwas ng tingin.

"Ba't ka gulat, iha? Engaged na pala kayo kaya pagplanohan na natin ang kasalan ninyong dalawa," pahayag ni tita Venice at ngitian ako. 

Napalunok ako sa sinabi nito at ngumiti pabalik, ngiting 'di mapakali. Ayokong magpakasal, ang bata-bata ko pa para sa ganyan. Marami pa akong gustong gawin.

"Sorry po tita Venice, 'di ko lang kasi akalain na mapupunta pala ro'n ang usapan natin. Hindi pa kasi namin 'yan napag-uusapan," mahinahon kong paliwanag. Kanina pa ako hindi mapakali rito sa upuan ngunit hindi ko pinapahalata sa mga kasama ko.

"Yes, mom. Mamaya na 'yan pag handa na kami sa kasalan," segunda naman ni Venz sa sinabi ko.

Malungkot naman ang mukha ni tita Venice dahil sa sinabi namin kaya hinagod ni tito ang likod nito.

"Tama naman ang sinabi ng mga bata hon. They're too young to marry each other," sabi nito habang patuloy sa paghagod.

Wews. Salamat tito, you just saved my life!

"Pero totoo bang matagal na kayong magkasintahan? O, baka naman Venz nag-renta ka lang ng babae para ipakilala sa 'min? I know you more, Venz," Venz's dad said. Hala tito, totoo po 'yang sinasabi mo, kung alam mo lang. Pakisapak naman 'tong anak mo, tito. In-offeran kasi ako e' sayang naman kasi pag tinanggihan ko.

"Oo nga, prove us that your relationship is real," dagdag ni tita Venice sa sinabi ng asawa niya na nagpakaba sa 'kin. Ha? Ano bang klaseng prove ang gusto ng mga ito?

"In what way mom and dad?" he asks.

"Kiss her," they both said in unison. 

Damn. Wala na bang ibang paraan? H'wag lang ang halik kasi mapapatay ako ng mga magulang ko pag 'di na virgin ang lips ng prinsesa nila. Tangina mo Venz, h'wag ka pumayag. Kukutusan talaga kita mamaya, isa ka talagang pahamak sa buhay ko.

"Wala na ba—" 

Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla akong pinaharap ni Venz sa direction nito at naramdaman ko nalang ang pagtama ng labi niya sa labi ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nagkadikit ang labi namin at no'ng lumayo na siya ay gano'n parin ako, gulat na gulat habang nakatingin sa kanya. Namumula ang pisngi at 'di makapaniwala. My first kiss was stolen. Naiiyak ako, I want to give my first kiss to my husband not to a random guy but it just happened that I lose my first kiss. 

"Aww, they're so cute hon, kiss mo nga rin ako," sabi ni tita Venice sa asawa habang kinikilig sa 'min. Nangingilid naman ang luha sa mata ko dahil 'yong first ko...

"Mom! Not here please, go to private," saway ni Venz sa kan'yang ina.  

"Okay, son. Let's go hon, gagawa tayo ng isang anak kasi mag-iibang bahay na 'yong isang baby natin." Tumayo na ang mag-asawa at iniwan kami. Umakyat na 'to papunta sa kanilang silid habang buhat-buhat ni tito ang asawa nito. Seryoso ba talaga sila tungkol doon sa paggawa ng bata?

"Are you okay? Tulala ka," sabi ng lalaking 'to. 

Napatingin naman ako sa kanya at namuo ang inis ko sa katawan dahil naalala ko ang paghalik nito sa 'kin. Hindi ko na napigilan ang sarili't sinapak ko siya sa mukha.

"Fuck. What was that for?" he asks while touching his cheek where I punched. Hindi pa ako nakuntento sa ginawa kong pagsapak at tinapakan ko rin ang paa nito pero sa pagkakataon na ito, mas malakas na 'yon kaysa kanina bago ako lumisan.

Dumiretso na ako sa silid niya at tumingin sa salamin. Pulang-pula ang mukha ko ngayon, hindi ko matukoy kung bakit. Sa inis ba nararamdaman ko o sa paghalik nito sa 'kin.

"Waaaah! I just lost my first kiss." Pagd-drama ko sa harap ng salamin at nagpa-padyak sa sobrang inis sa kumuha nito.

"I can give it back your first kiss if you let me too." Nabigla naman ako sa nagsalita at napansin ko si Venz na nakasandal sa may pintuan. 

"Paano mo naman gagawin 'yon ha?!" galit na tanong ko. Kulang nalang damputin ko lahat ng nakikita ko sa loob at ibato 'yon sa kanya. Wala akong pakialam kung gamit niya o hindi.

"I will kiss you again and then the end." Napanganga naman ako sa sinabi nito. 

"You're not going to give back my first kiss, yet planning to steal my second kiss, idiot." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay lumakad na ako papalabas pero bago 'yon binangga ko muna ang balikat nito. Argh, kainis.

***

"Hoy lalaki, wala akong damit, anong susuotin ko?" tanong ko pagpasok nito sa kuwarto pero 'di ibig sabihin no'n bati na kami dahil sa pagkuha nito sa first kiss ko. Big deal sa 'kin 'yon. 

"Suotin mo boxer at T-shirt ko." Binato ko naman siya nang unan dahil sa sagot niya. Siraulo ito. 

"Get up, pupunta tayong mall para bilhan ka ng susuotin mo," sabi nito at nauna nang lumabas. Hindi man lang ako hinintay. Hinabol ko siya at ngayon nasa loob na kami ng sasakyan papuntang Uptown Place Mall, Taguig City. Ito lang kasi ang malapit na mall sa tinitirhan ng parents niya. 

After 5 minutes ay narating na namin ito, pagkatapos niyang iparada ang sasakyan ay pumasok na kami sa loob ng mall. Pagpasok namin ay tinignan naman kaagad siya ng mga babae at halatang kinikilig. Wow teh, gwapo ba masyado? Alam ko pero halata naman kayo 'no. Palapa ko kayo sa buwaya e'.

"Bakuran mo 'ko, sige ka, baka agawin nila ako. Tignan mo oh, pinagpapantasyahan na nila ako," sabi nito dahilan upang tumaas ang kilay ko. Anong bakuran? Ano siya bahay para lagyan ng bakuran? 

"Bakuran mo sarili mo, dinadamay mo pa ako," masungit na sabi ko rito at tumingin-tingin sa mga tops. Kahit pa sugurin siya ng mga babae dito, wala akong pakialam.

"Ano ka ba namang klaseng girlfriend, hahayaan mo lang ako na agawin nila ako sa 'yo," reklamo niya.

"Correction po 'no, fake girlfriend 'yan," pag co-correct ko sinabi nito, masyado na kasing assuming ang isang 'to.

"Gano'n pa rin, malas ng magiging boyfriend mo in the future." Lol. Baka nga suwerte pa ito pag ako ang naging girlfriend no'n e'.

"Paki mo ba, hindi naman ikaw 'yon," sagot ko at iniwan na siya. Pumunta ako sa kabila upang maghanap pa nang kakailanganin ko. Naiirita kasi ako sa lalaki.

Hindi nagtagal, natapos na rin ako sa pamimili at pumunta na kami sa counter upang bayaran ang binili ay este ako lang pala kasi 'yong isa busy manlandi ng saleslady. Luh, malandi spotted.

***

Kinabukasan naisipan nilang pumunta sa beach resort, hindi naman masyadong malayo mula sa bahay nila. Forty-five minutes siguro bago mo mararating ang pagmamay-ari nilang resort. Naka-depende kasi yon sa bilis ng takbo mo.

"Act as my girlfriend, act as one kasi alam kong may pinaplano ang magulang ko ngayon." Nalilito naman ako sa pinagsasabi nito. 

"Pinagsasabi mo?"

"Aish! Ewan ko nalang sa 'yong babae ka," sabi nito sabay talikod. Oh? Parang tinatanong lang e' ta's iniwan na ako. Minsan talaga 'di ko alam kung may topak or sadyang gano'n lang talaga siya. 

Naisipan kong pumunta sa buhanginan. Ang ganda ng buhangin sa lugar na ito, kulay puti. Ang payapa rin ng dagat. Nakasuot ako ng shorts at sando and I'm on my wig and glasses again. Kanina ko pa hindi mahagilap si Venz, kinain na siguro ng shokoy. Ang boring niya maging boyfriend. 

At dahil wala akong magawa, nag-squat nalang ako sa buhanginan at nagsimulang gumawa ng palasyo. Naisipan kong gayahin ang palasyo namin kaso mahirap kaya simple na lang ang ginawa ko. Malapit na ako matapos sa ginagawa nang bigla akong napatigil dahil sa taong umupo katapat ko dahilan upang mapatingin ako rito.

Ngumiti ako nang alinlangan sa lalaking 'to. Hindi ko naman 'to kilala ta's bigla-bigla nalang uupo sa tapat ko at tutulungan ako sa paggawa ng castle. Feeling close naman ang lalaking 'to.

"My name is Adrian and yours?" tanong nito. Nagdadalawang-isip tuloy akong sumagot pero after 2 seconds ay naisipan ko rin na sagutin ang tanong niya.

We talked a lot. 

We made a lot of castles.

Hindi ko akalain  na marunong din pala ito gumawa ng castle. Ang astig. Mas maganda pa ang mga gawa niya kaysa sa mga gawa ko. Sana ol.

"I knew something..." pagsisimula niya. Napatingin naman ako sa lalaking ito dahil sa usal niya. Tinanong ko siya sa pamamagitan nang tingin.

"...that you're a princess," pagpapatuloy nito sa sinabi at ngitian ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status