Share

Chapter 5

"Shut up! H'wag kang mag-topic tungkol sa kuya ko kung ayaw mong mawalan ng dila," seryosong saad nito at saka pumasok na kami sa opisina niya. Katakot naman 'to mapikon. Tumahimik naman ako kaagad at kunyaring ni-lock ang labi sabay tapon ng susi sa malayo. Kaagad naman niyang napansin ang ginawa ko.

"Ginagawa mo?" Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa 'kin. Hindi ko 'to sinagot. Paano nga ba ako makakasagot e' naka-locked nga 'yong labi ko. Tinatamad akong hanapin ang susi sa loob ng opisina niya.

Mas lalo namang sumama ang mukha nito. "Ano? Hindi ka magsasalita? May saltik ka 'atang babae ka." Gusto ko sana siyang bulyawan dahil sa sinabi niyang may saltik ako. Ang dami niyang alam, mas mabuti pang itulog na lang niya 'yan. Bwisit.

May saltik din naman siya sa utak pero hindi ko naman sinabi sa kanya. Duh.

"Hintayin mo 'ko rito sa opisina, maliwanag?" Nag-thumbs up lang ako habang umupo na sa visitor's chair. Ni-open ko ang cellphone at naglaro ng candy crush. Narinig ko naman ang pagsarado ng pinto, hudyat na lumabas na 'to.

Tinoon ko ang atensyon sa paglalaro at naka-unlock na naman ako ng panibagong level. Medyo mahirap ang isang ito pero keri ko naman itong lagpasan pag walang istorbo.

Habang naglalaro ay narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ngunit binalewala ko nalang 'to kasi alam kong si Venz 'yon, baka tapos na 'to sa meeting niya. 

"Who are you?" 

Wait. Ba't babae 'ata ang boses no'ng nagsalita? Tinaas ko ang tingin at nakita ko ang babaeng walang saplot sa katawan. Kidding. May saplot naman 'to kaso kinulang sa tela ang kanyang suot. Nagtitipid ba siya sa tela?

Imbes na sagutin, tinoon ko na lang ulit ang atensyon sa paglalaro.

"Are you deaf?! I'm asking you." Parang 'yon lang, mag-aalburuto na siya sa kinatatayuan niya? 

Duh. Paano nga kasi ako makakapagsalita, wala nga sa 'kin 'yong susi para ma-unlock 'tong labi ko.

"Why are you here in my boyfriend's office?! Get out!" sigaw nito. Ba't naman siya galit, wala nga akong ginagawa sa kanya e'.

At saka boyfriend daw? Walanghiyang Venz 'yon, may girlfriend pala ang lalaking 'yon pero ako itong ipinakilala sa magulang bilang girlfriend ay fiance pala kasi may sinuot na itong singsing sa 'kin. 

Hindi ko na pinatulan ang babaeng mukhang isda at kinulang sa tela bagkus lumabas na ako sa opisina. 

Isang oras na ako sa labas habang patuloy sa paglalaro. Finally! I was able to unlock another level. Nangangalay na ang paa ko kakatayo, bakit kasi walang upuan dito sa labas.

"Anong ginagawa mo sa labas? Diba sabi ko maghintay ka sa loob ng opisina?" Napatingin naman ako kay Venz na kakarating lang. Ni-logout ko muna 'yong nilalaro ko at pumunta sa notes nitong cellphone at nagsimula ng mag-type. Pagkatapos, pinakita ko 'yon sa kanya at pinabasa.

'Pinapalabas ako ng girlfriend mo.' Iyan ang nakasulat.

"Magsalita ka nga, para kang tanga. At saka wala akong girlfriend,". Inukutan ko naman ito ng mata at nag-type ulit.

'Tinapon ko ang susi kaya ayaw mabuksan nang bibig ko.'

Tinignan naman ako nito nang masama then nag-smirk ito sa 'kin. Mukhang may binabalak.

"Magsasalita ka o hahalikan kita?" pagbabanta nito. As if naman matatakot ako. Nag-type ulit ako sa notes at pinakita sa kanya.

'Halikan mo sarili mo, h'wag mo ako idamay sa 'yong kalibugan sa katawan.'

Inayos naman nito ang suot saka unti-unting lumalapit sa 'kin and take note kasama nito ang secretary sa likod na kanina pa kami tinitignan.

"Ayaw mo talaga magsalita ah," sabi nito at mas nilapit pa ang mukha sa 'kin. Naamoy ko na rin ang kanyang hininga. Ang bango beh, ano kayang gamit nitong toothpaste? Bibili sana ako.

Tinulak ko naman ito kaagad nang nakaramdam ako ng hiya dahil sa raming employee na nakatingin sa 'min.

"Ito na, magsasalita na. Gusto mo lang akong halikan e' kaya ginagawa mo 'yon. Yuck." Tinakpan ko ang bibig at kunyareng nasusuka.

"Shut up!" inis na sabi nito sabay higit ng braso ko at binuksan na nito ang pinto.

Pumasok na kami at naabutan namin 'yong babaeng kinulang sa tela na nag-cellphone. Kaagad naman niyang napansin ang pagpasok namin or should I say, si Venz lang pala. Mabilis niyang sinugod ng yakap si Venz and take note, hawak-hawak pa ng lalaking ito ang braso ko.

"Babe, I missed you."

Wow teh. Mahiya ka naman sa 'kin pero sige, ako na lalayo, scene niyo ito e'. Hinigit ko na ang braso sa pagkakahawak ni Venz pero mas lalo niya lang itong hinigpitan. Ano ba Venz, nakakainis ka na.

"Sino ka ba?" Luh. Akala ko ba boyfriend niya itong katabi ko, ba't hindi man lang siya nakilala. 

"Babe naman, ako 'to, si Monic," sabi nito at pilit na ngumingiti sa lalaki sabay haplos sa braso ng katabi ko. 

"Sino 'tong babaeng kasama mo? Maid?" Nakakainsulto 'yong maid ah, porket naka-glasses ako ngayon. Pangalawang beses na ako pinagkakamalan na maid nitong kumag na ito. Bombahin ko bahay nila e'. Letche. 

"Leave." Ma-awtoridad na sabi ni Venz kaya sinamaan ako ng tingin nitong babae sabay ngisi at sabi, "leave, ano bang hinihintay mo? Layas."

Ay! Ako ba 'yong sinabihan? 

Aalis na sana ako nang bigla kong naalala na hawak pa rin pala ako ni Venz kaya hinigit ako nito palapit sa kanya. 

"Aray! Dahan-dahan naman 'no, 'yong braso ko malapit na mabali ang buto," reklamo ko sa kanya.

"Ikaw ang tinutukoy ko Monic, hindi ang girlfriend ko." Nanlaki naman ang mata ng babae at hindi makapaniwala sa narinig.

Tinapunan naman ako nito ng nakakadiring tingin.

"Seriously Venz, pumatol ka sa manang at mukhang maid?" tanong nito. Pinulupot naman nito ang braso sa leeg ni Venz. Kamag-anak niya siguro ang mga ahas.

"Excuse me? Nahiya naman ako sa suot mong kulang nalang maghubad ka, kinulang sa tela, cheap," asar ko rito. Ano ka ngayon girl? Rinig ko naman ang pagtawa ng sekretarya ni Venz sa likod namin. Feeling close rin, sinungitan din naman ako no'n kanina.

"Diba Venz? Cheap ang suot niya?" Hindi naman nagdalawang-isip ang lalaki at sumang-ayon sa sinabi ko.

"Oh diba?" Binelatan ko pa ito na parang bata. Loser.

"Get out now, Monic. Kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guards."

Mabilis na lumayo ang babae at kinuha ang bag nito. Bago ito lumisan ay tumingin muna 'to sa 'kin sabay sabi, "may araw ka rin sa 'kin."

No'ng nawala na ito, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Aalis na nga lang, magbabanta pa. 

"Akin na nga braso ko! Namumula na kakahawak mo oh!" inis na sabi ko sa lalaki at umupo na sa visitor's chair. Napatingin ako sa braso na ngayo'y namumula dahil sa sobrang pagkakahawak niya kanena. 

"Sensitive naman ng balat mo, parang hawak lang e', patingin nga," sabi nito sabay kuha sa braso at pinisil niya ng kaunti 'yon. Mabilis ko namang tinaas ang paa ko upang sipain siya ngunit nakaiwas naman ito kaagad habang nagpipigil ng tawa.

"Alam mo nga na masakit, pinisil pa. Bwisit ka talaga!" sigaw ko rito.

"Mawawala rin 'yan mamaya, kaya h'wag kang mag-alala." Sinamaan ko na lang siya ng tingin dahil sa sinabi. Tumahimik naman saglit sa pagitan namin pero hindi 'yon nagtagal nang magtanong si Venz, "gutom ka na ba?"

Kanina pa nga nanghihingi ang bulate ko sa tiyan e'.

"Ba't? Libre mo ba?" 

"Mukha kang libre."

"I know right! Salamat!" proud kong sabi. Maganda pag libre makakatipid ka nang pera. At saka wala pa akong sweldo galing sa isang ito kaya sana libre niya.

"Oh, bumili ka sa Mcdo ng pagkain," sabi nito sabay abot ng pera sa 'kin. Sa 'kin?! Namumula na nga braso ko, ako pa ang pabibilhin. May secretary naman siya.

"Ba't ako?" Turo ko pa sa sarili.

"Kasi gusto ko. Lumakad ka na," pagtataboy nito sa 'kin. Bagot na tinignan ko ang lalaki.

"May secretary ka naman e', siya na lang," pagmamaktol ko.

"Ha? Kanina pa nakaalis, 'di mo napansin?" Tumingin naman ako sa likod dahil sa sinabi niya. At totoo nga, wala na ro'n ang sekretarya. Binalik ko ang tingin sa harapan at laking gulat ko nang nasa harapan ko na siya.

Isang dangkal na lang ang pagitan namin. Aba, ba't 'di ko man lang napansin ang paglapit niya? 

"Go now, maid," mahinang sabi niya. Maid?! Mabilis kong inabot ang buhok nito at sinabunutan.

"Aray! Tigilan mo nga 'yang buhok ko," reklamo nito pero hindi ako nakinig at patuloy lang sa pag sabunot dito. Ayokong tinatawag na maid. Nakaka-insulto sa isang Prinsesa na katulad ko.

"Maid mo pagmumukha mo!" inis na saad ko at mas lalo ko pang sinabunutan ang buhok nito. Nakakagigil sila. 

Nahuli naman ni Venz ang kamay ko at pinigilan 'yon sa pagkakasabunot sa buhok niya. Tinaas niya ang dalawa kong kamay kaya nagtaka ako.

Isinandal niya ako sa pader malapit sa pinto habang nilapit ang mukha sa 'kin. 

"No one dared touch my hair, and you have the guts to do it." Kinakabahan naman ako maaaring mangyari. Bumaba ang tingin ko sa adams apple nito na ngayon ay taas baba. Napalunok naman ako at tumaas ang tingin ko papunta sa mata ng lalaki na ngayo'y titig na titig din sa 'kin.

Hindi ako mapakali. Rinig ko ang lakas ng kabog sa 'king dibdib, kulang na lang ay lumabas ang puso ko sa katawan.

Namumungay ang mata nito habang nakatitig sa 'kin at unti-unting pinikit nito 'yon.

Papalapit nang papalapit ang mukha nito hanggang sa magkadikit na nga ang tungki ng ilong namin. At hindi ko rin alam sa sarili pero para akong may sanib. May sariling pag-iisip ang katawan na meron ako at pumikit na ang aking mata.

Naramdaman ko naman ang labi niya sa 'kin at nagsimula na 'yong gumalaw. I automatically respond to his kisses. Bago pa man ako mawala sa sarili ng tuluyan, nagpapasalamat na ako nang biglang tumunog ang cellphone niya dahilan upang bumalik ako sa dating pag-iisip.

Mabilis kong kinuha ang pera na nasa kamay niya at nagmamadaling lumabas. Pabagsak na sinira ko ang pintuan habang humihinga nang malalim.

"Walanghiya 'yon, second kiss ko na naman ang kinuha." Umiling nalang ako at nagsimula ng lumakad.

Lumabas na ako sa kompanya at pumunta sa kabilang side. May Mcdo kasi ro'n. Buti na lang malapit lang 'yong pagbibilhan ko, akala ko kasi gagastos pa ako ng pamasahe. Pumasok na ako sa Mcdo at nagsimulang pumila.

Ang daming taong pumila katulad ng crush mo, bago ka makarating sa kanya ay kailangan mong pumila ng napakatagal. Charot. 

Matapos ang isang oras ay nakabili na rin ako at pabalik na ako ngayon sa kompanya ni Venz. Habang naglalakad ay nabunggo ko naman ang isang tao na naka-black suit, buti na lang mahigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag kundi lagot talaga ako sa lalaking 'yon dahil naging clumsy na naman ako.

"Sorry, Miss," paumanhin nito at ako nama'y nakayuko lang. Familiar sa 'kin ang boses nito katulad ng butler ni ama. Hindi ako nagkakamali, ganito ang boses na 'yon.

"Afentikó, akóma den boroúme na vroúme tin Princesa Celestia. (Translation: Boss, hindi pa rin namin mahagilap si Princesa Celestia.)

Kumabog naman ang dibdib ko at mabilis na tumalikod sa kanila at saka pumasok na sa loob ng kompanya. Shuta. Muntik na 'yon. Pumasok na ako sa elevator at maya'y nakarating na ako sa office ni Venz, dumiretso na ako at nakita ko siyang nakaupo sa upuan niya at busy sa paglagda sa mga papeles. Naka-glasses din ito kaya ang cute nitong tingnan. Napansin naman ako nito kaagad kaya tinigil niya muna ang ginagawa. 

"Ba't ka namumutla? Gutom na gutom ka na ba?" nagtataka na tanong nito. Tumayo na 'to at kinuha ang paper bag na bitbit ko. Nilapag na nito ang pagkain sa lamesa.

Pumunta naman ako sa may salamin at tinignan ang sarili. Sobrang pale ng buong mukha ko, talo ko pa ang isang bampira.

Naalala ko naman 'yong nangyari kanina. Mabuti na lang talaga hindi ako umimik sa nabunggo ko, dahil alam na alam nila ang boses na mayroon ang Prinsesa na kahit anong lenggwahe pa ang gagamitin ko ay malalaman nilang ako ang nagsalita. Mai-identify nila kaagad na ako. Gano'n nila ako kakilala sa palasyo.

"Lalim ng iniisip mo, kasama ba ako riyan?" 

"Ha?" Napatingin naman ako kay Venz nang magsalita ito. Hindi ko masyadong narinig ang sinasabi nito maliban sa 'kasama'.

"Wala, ang sabi ko kumain ka na."

Tumango naman ako rito umupo na sa visitor's chair. Tahimik lang kami habang kumakain nang may bigla akong maalala. Uminit naman ang pisngi ko nang maalala ang halikan na nangyari sa 'ming dalawa kanina. 

"Kanina namumutla ka, ngayon naman namumula na mukha mo, try mo kaya magpa-check up baka may sakit ka na," sabi nito ngunit 'di ko na lang 'to pinansin bagkus nagpatuloy na sa pagkain. 

Concern ba siya? Kikiligin na ba ako?

H'wag kang mag-assume Celine, baka 'yang assume mo kung saan patungo at masasaktan ka sa huli.

Yuck. Advance mo naman self, pareho naman kaming walang gusto sa isa't isa pero malay mo diba? Baka may tinatago pala ang isang ito na pagtingin sa 'kin, hindi lang magawang aminin. Nagpipigil naman ako nang tawa dahil sa naisip.

"May saltik ka talaga," komento nito. Inikutan ko na lang ito ng mata at nagpatuloy na sa pagkain. Kung anu-ano na lang iniisip mo, Celine.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status