Share

Chapter 6

I was busy washing the dishes when I saw Naomi heading in my direction. Nang malapit na ito, she whispered something in my ear.

"Nandito jowabels mo with a girl," she said. Sinundan ko ang tinuro nito at nakita ko si Venz na may kasamang babae, masayang nag-uusap ang dalawa. Hindi ko kilala ang kasama niyang babae, teka nga lang, bakit ba andaming babae nakapaligid kay Venz? Babaero siguro ito. Char, judgmental ka self?

"Three chicken soup and one giant pineapple pizza at Celine gusto po raw noong nag-order na ikaw ang magdala sa in-order nila sa table," sabi ng kasamahan ko.

Nagsimula namang kumunot ang noo ko. 

"Sino ba 'yong nag order?" curious na tanong ko habang sinasabunan ang mga plato.

May tinuro naman itong customer. Kung hindi ako nagkakamali, sila Venz ang tinutukoy nito. Bakit kailangan ako pa ang maghahatid sa order nila? Duh. 

"Gusto 'ata ng boyfriend mo na ikaw ang maghatid sa order," saad ni Naomi sa tabi. Umismid naman ako.

"Pakisabi doon sa nag-order na hindi ako pwede, marami akong hinuhugasan," utos ko rito at nagpatuloy sa ginagawa.

"Expected niya na hindi ka papayag kaya sabi niya Celine na pag hindi mo sinunod ang gusto niya ay siya mismo ang pupunta rito." Ano bang problema ng lalaking 'yon? Narinig ko naman ang pag-bungisngis ni Naomi sa tabi kaya siniko ko ito upang patigilin.

I rolled my eyes. Hindi talaga ako makapag-trabaho nang maayos pag nandyan siya.

"Dalhin mo na kasi," bulong ni Naomi. Wala naman akong ibang magagawa. Tumango na ako at binanlawan na ang kamay. Inayos ko muna ang postora upang maging presentable sa kanilang harapan. Kinuha ko na ang order nila na nasa tray at nagsimula ng maglakad papunta sa table nila Venz. Kasama ko sa likod ang isa kong kasamahan, siya kasi ang nagdala sa giant pizza habang ako naman sa chicken soup. 

Nakakapagtaka lang, bakit tatlo ang in-order nila? Dalawa lang naman silang nasa lamesa. Ah, siguro may hinihintay pa itong isang kasama.

Habang naglalakad, hindi ko mapigilan na mailang lalo na at nakatitig sa 'kin si Venz at nandyan na naman ang nakakairita niyang ngisi sa mukha.

Kahit ganoon nanatili pa ring professional ang kilos ko.

Hanggang sa tumigil na ako sa harapan nila at ngumiti. "Here's your order ma'am and sir," magalang na sabi ko at nilapag ang order nila sa lamesa. "Enjoy!" 

Tumalikod na ako sa kanila at handa ng bumalik ngunit napatigil ako nang biglang magsalita si Venz.

"Wait, aren't you going to join us here?" Napabuntong-hininga ako at hinarap si Venz.

"Why would I join your meal, mister? Bawal po 'yon. It's one of the rules in this restaurant that the employee and customer are not allowed to eat together," I explain. 

Naguguluhan napatingin naman ang babae kay Venz at nagtanong ito, "bakit gusto mo siyang makisalo sa 'tin? I thought this is our date together?" 

Date? Ngayong na-confirm ko na babaero talaga ang lalaking ito. 

Hindi naman pinapansin ni Venz ang katanungan ng babae at tumayo na. "Then, I'll talk to your manager." 

What the...

"What's going on here?" Napatingin ako sa tabi nang marinig ko ang boses ni Naomi na ngayon ay nakatingin sa 'kin. Kumindat pa ito bago binaling ang atensyon nito sa dalawa.

"Are you the manager of this restaurant?" He asks Naomi professionally.

"Yes I am, now the problem is?" Bakit hindi niya sinabi na siya ang may-ari nitong restaurant. Ang babaeng ito talaga, napailing na lang ako.

"Can I have your permission na pasaluhin si Celine sa 'min?" Ang kapal talaga ng mukha ni Venz. 

Tumingin naman si Naomi sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. Sinamaan ko naman ito ng tingin. 

Bumaling ulit siya kay Venz at ngumiti. "Sure, no problem."

Mabilis kong nilapitan si Naomi at nilakihan ng mata. "Ano bang ginagawa mo, ayoko siyang makasalo," bulong ko. Nakatalikod ako sa dalawa.

Ngumisi lang ito. "Goodluck." 

Pagkatapos niya sabihin ang kataga na 'yon ay umalis na rin ito kaagad. Napapikit naman ako sa sobrang frustration.

Pahamak din itong si Naomi minsan e'. Venz offers me a seat kaya wala akong nagawa kundi umupo roon. Naks, naging gentleman na.

"Who is she Venz?" the girl beside him asks. Ako naman ay nanatiling nakaupo at hindi man lang gumalaw. Ano ang gagawin ko rito? Hindi naman ako gutom.

Venz put a bowl of chicken soup in front of me. 

"Eat," sabi nito.

Umiling naman ako dito. "I'm not starving." 

"Is this your girlfriend, Venz?" the girl asks again in a different query. This time, Venz notices her presence and nods his head. He even raises his hand at her, showing her the engagement ring. 

Tumingin naman bigla ang babae sa kamay ko at tumaas ang tingin nito sa 'kin bago bumaling kay Venz.

"Fiance, that's nice. I thought you're still single, may plano pa naman sana akong harutin ka. However, congrats to your relationship, hope it will last long." I can feel the sarcasm in her voice kaya kaagad naningkit ang mata ko.

"Thanks," I said. She smile at me plastically and started eating a slice of pizza. Malalaman mo talaga ang ugali ng mga plastik na nilalang. 

Napatingin naman ako sa harapan. Kaya pala tatlo ang in-order nito kasi para sa 'kin ang isa. 

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa fiance mo, Venz?" I look at them. Venz, then, take a deep breath before opening his mouth and utter, "by the way, this is Celine," pakilala nito sa 'kin, "and Celine, this is Bianca." 

Inabot naman ni Bianca ang kamay niya sa 'kin, tinanggap ko ito at nakipag-shake hands.

"Nice to meet you, Celine." 

"Same here, Bianca." 

Later on, we decided to let go of each other's hand.

I cannot take the plasticity.

Naramdaman ko naman ang pagtunog ng sikmura ko, hudyat na gutom na ang mga bulate. 

Kumuha ako ng isang slice na pizza at sinimulan 'yon kainin para maibsan ang gutom.

He chuckles.

Narinig din siguro nito ang pagtunog ng sikmura, nasa gilid ko kasi siya habang nasa tapat ko naman si Bianca.

"So, Celine did you know that our parents fixed a marriage on us?" Nagulat naman ako sa inamin nito. 

"Bianca, stop!" saway ni Venz sa kanya. 

Tumawa naman nang mahina si Bianca at hindi makapaniwala na sinaway siya ng lalaki. "What? She has the right to know about it." 

"Oo nga naman Venz, I have the right." Ngumiti ako sa mga ito, napansin ko naman ang pagngisi ng babae. But, I'm not yet done...

"Nevertheless, I can talk to tita Venice regarding this matter and ask her to abolish the fixed marriage." Now, it is my turn to put on a smirk.

"Excellent actress," rinig kong mahinang bulong ni Venz. I know right! I was awarded a medal before for being an excellent actress in school when I joined the theatre. So, no there's no doubt for me to apply it right now.

"Don't worry Celine, I'm all yours," he said and kissed the top of my head.

Cringe. Kaya pala ni-hire ako bilang fake girlfriend kasi tinatakasan niya ang magpakasal sa babaeng ito. Ngayon, alam ko na ang isa sa mga rason. Excited na tuloy ako na malaman 'yong iba. 

I give him my sweetest smile and act as if I am deeply in love with him where in fact, inside of me wants to vomit. It gives me nausea.

Alam kong nanggagalaiti na sa galit ngayon ang nasa tapat ko ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Iniisip ko ngayon na nasa isang movie ako at ang gagawin ko ay ang pagselosin ang kontrabida. That's what I did right now, ang pagselosin siya.

"I know hon, I trust you so don't tear my heart, and to you Ms. Bianca, try and you'll see." 

Tinaasan naman ako nito ng kilay. "What I want is what I get, always. So better bakuran mo na, malay mo makuha ko pala nang hindi mo malalaman." Aba matindi, harap-harapan ang pagiging malandi.

"Paano mo makukuha ang isang tao kung ayaw namang magpakuha ng taong 'yon, right Venz?" tanong ko sa lalaki. Sumang-ayon naman ito kaagad sa sinabi ko.

Halatang nag-eenjoy ang lalaki sa sagutan namin ng kasama niya.

"Well, boys can't resist me," may pagmamalaking sabi nito.

"You said boys, but Venz is a man not a boy, and guess what? Ayaw niya sa katulad mo na may kati sa katawan." I never drop my smile while spilling those words on her face.

Nakita ko naman ang pagkairita ng mukha nito at tumayo na.

"As much as I want to talk to you more, Celine. But, I have to go for now, my parents called and they are waiting for me outside. Bye," paalam nito. Akala ko aalis kaagad siya ngunit sa hindi inaasahan na pangyayari, hinalikan nito ang labi ni Venz na ikalaki ng mata ko. 

Pagkatapos niyang gawin 'yon ay tumingin na ito sa 'kin para bang sinasabi niya sa pamamagitan ng tingin na panalo siya sa laban.

"See? He can't even resist my kiss, ciao Celine," huling sambit nito at umalis na.

Nang nakaalis na ang babae sa restaurant, pansin ko naman ang pagngisi ni Venz kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Anong ngisi-ngisi mo riyan?" masungit kong tanong.

Tatayo na sana at akmang aalis na sa lamesa nang hawakan nito ang kamay ko at pinaupo ako ulit.

"My fiance is such an excellent actress," pagpupuri nito at pumalakpak.

"Ano ba? Nang-aasar ka bang kumag ka?" Binatukan ko ito sa sobrang inis.

"Ouch!" daing nito. Parang ang hina lang e' kung maka-ouch naman ito daig pa ang babae.

"Ano pa bang kailangan mo? Sasabihin mo ba sa 'kin na nasarapan ka sa kiss niya? Better not to tell baka masaksak kita." 

"The kiss was nothing, are you jealous?" tanong nito, more likely nang-aasar ang kumag. 

"I'm not jealous like duh, ang sa 'kin lang bakit hindi ka umiwas noong hinalikan ka niya edi nasayang lang ang pinagsasabi ko kanina." Nasayang lang ang effort ko sa pagiging actress tapos sa huli, magpapahalik lang siya sa babae?

"Paano ako makakaiwas e' hindi ko nga alam na hahalikan niya ako, unexpected 'yon," depensa nito.

"Whatever. Aalis na ako, marami pa akong gagawin," paalam ko at iniwan na ito. May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig.

Pagbalik ko sa mga kasamahan ko, inaasar naman nila ako, hindi ko namalayan na tinitingnan din pala nila kami kanina. Buong araw akong in-interview ng mga kasamahan ko sa restaurant. That's how my time ended and now, narito ako sa labas habang naghihintay ng sasakyan.

May nakita naman akong Lamborghini na paparating at huminto ito sa harapan ko. Parang slow motion sa paningin ko ang paglabas ng taong nasa loob nito. Guess who? It's Adrian.

"Mind if I drive you home?" tanong niya. Shit, ang gwapo talaga ng kapatid ni Venz, crush ko na siya. Add to cart na kaagad.

Pabebe naman akong tumingin dito sabay lagay ng iilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. Enebe.

"Okay lang ba? Baka may pupuntahan kang importante?" Ngumiti lang siya at lumapit sa 'kin sabay lagay ng dalawang kamay sa balikat ko. Hindi ko alam kung maiilang or kikiligin ako sa ginawa niya. 

Namula naman ang buong mukha ko habang nakatingin sa kamay nito na nasa balikat. Hindi nagtagal, binaling ko na ang paningin sa gwapo nitong mukha. He has this serious face, and I find it cute especially when seeing his cute two dimples.

"No, it's my leisure time and I want to drive home the gorgeous girl in front of me. Can I?" His voice is very gentleman, my dream man.

Mom..., I'm getting married. 

Kidding.

Tumango na ako bilang sagot. Ngumiti naman si Adrian at hinawakan na nito ang isang kamay ko at iginiya sa front seat. Pero bago pa man ako makapasok, may humawak sa kabila kong kamay dahilan para mapatoon doon ang tingin ko. Bigla naman ako nitong hinila kaya napasubsob ako sa matipuno nitong dibdib.

"She's coming with me."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status