Share

Chapter 7

Tumingala ako at tinignan kung sino ang nagsalita at napag-alaman kong si Venz 'yon. Anong ginagawa niya rito? Mas lalo nitong hinigpitan ang pagyakap kaya mas lalo rin akong napasubsob sa dibdib nito at amoy na amoy ko ang mabango nitong perfume.

"Ako ang nauna," sagot ni Adrian. Hindi ko makita kung ano ang itsura ng dalawa sapagkat 'yong mukha ko nakadikit sa dibdib ni Venz. 

"I know but I'm the fiance," Venz respond. Ayaw talaga nitong magpatalo at sa tingin ko, ngumingiti ito ngayon sa kuya niya habang sinasabi ang katagang 'yon.

"Fine. See you next time, Celine..." 

Narinig ko naman ang pagharurot nang sasakyan kaya nasabi kong umalis na 'to. 

Ramdam ko naman ang pagluwag ng yakap ng lalaki kaya tinulak ko ito palayo.

"Enjoying the show?" he asks. Lumapit ito sa 'kin kaya napaatras ako hanggang sa naramdaman ko ang matigas na bagay sa likod, nakasandal ako ngayon sa isang kotse. I can't escape anymore.

Hinawakan nito ang chin ko at nilapit ang mukha niya.

"Next time, I don't want you to talk to him. Stay away from him kung ayaw mong magkagulo kami." Mas nilapit pa nito ang mukha dahilan upang ako ay mataranta. What should I do? Should I close my eyes? Is he going to kiss me? Omg. 

Before I am able to close my eyes, his lips already touch the side of my lips then whisper, "we have a contract, better to obey whatever I said." Iniwan na ako nitong nakatulala pagkatapos.

Mabilis kong tinaas ang kamay at hinawakan ang parte kung saan niya ako hinalikan.

Argh! Masyado kang feeling Celine. Pinukpok ko naman ng mahina ang ulo ko gamit ang kamay. Kung anu-ano na lang kasi ang iniisip.

"What are you waiting for? Pumasok ka na. Nakakatamad maghintay."

Ha? Humarap ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Venz sa loob ng sasakyan at walang emosyon ang mukha.

"What? Tatayo ka na lang ba?" masungit na saad nito. Dali-dali naman akong lumapit at pumasok sa kotse.

Tahimik akong umupo sa front seat habang namumula ang mukha kaya yumuko ako upang hindi nito makita ang nangyayari sa 'kin. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin niya pinapaandar ang sasakyan kaya nagtaka ako. Sinulyapan ko ito at nakita ko siyang napailing.

Bakit kaya?

"May proble–" 

Before I could finish my words, he already lean on me resulting my breath to stop. Nanlaki ang mata ko habang nakatitig kami sa isa't isa. 

"Next time, don't forget to put your seatbelt on," sabi nito bago nilayo ang mukha at bumalik sa pagkakaupo nito kanina. For the second time, napahiya na naman ako dahil sa iniisip. Bakit ba palagi ko na lang iniisip na hahalikan niya ako? Am I that addicted to his kisses? Bwisit ka Celine.

Pinaandar na nito ang sasakyan. The silence inside suffocates me. Hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko. Dahil ba ito kanena? Omg ka self, tigil-tigilan mo ang pag-iisip tungkol kanina.

"We're here," saad nito at doon ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa harapan ng apartment.

"Salamat sa paghatid," pagpapasalamat ko rito at saka ngitian siya habang tinatanggal ang seatbelt at lumabas na.

Lumakad na ako papasok ng gate nang biglang may humawak sa braso ko kaya napaharap ako sa lalaki.

"Hindi mo ba ako papasukin?" 

Tinaasan ko naman ito ng kilay bago sumagot, "bakit ko naman gagawin 'yon?"

Ngumisi naman ito at pinatong ang kamay sa magkabilang balikat ko.

"Kasi may ulan na paparating." Wow, hindi ko akalain na manghuhula rin pala ang isang ito.

Matagal ko siyang tinitigan, akala ko nagjo-joke lang siya pero nagulat ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya hinawakan ko na ang kamay ni Venz at tumakbo na kami papasok sa apartment.

"Wews," tanging sabi ko na lang pagkapasok namin.

Tinignan ko ang damit na suot namin ngayon at pareho kaming basa.

"I told you may paparating na ulan, tsk," sabi nito at inayos na ang damit. Nakikita ko na rin ang bakat na abs nito kaya mabilis kong iniwas ang tingin.

"Malay ko ba kung nagbibiro ka lang mukha ka kasing clown." Nilagay ko ang dala kong shoulder bag sa upuan at pumunta na sa closet para kumuha ng tuwalya.

"May extra ka bang damit diyan?" tanong nito. Geez. Sinuri ko naman ang loob ng closet ko pero wala akong nahanap na fit sa kanya.

Hinarap ko siya at nag-sign sa harapan niya na wala. Bumuntong-hininga naman ito at akmang itataas ang T-shirt nang pigilan ko ang balak nitong gawin. May balak pa 'ata ang lalaki na magpa-screening sa Adonis gay bar.

"Wait! Pwede bang lumabas ka muna? Maliligo lang ako," sabi ko at awkward ko siyang ngitian.

"Palalabasin mo ko na ganito lang?" sabay turo nito sa sarili. Kumuha naman ako ng isang tuwalya at hinagis. Nasalo naman nito 'yon.

"Pwede ka na umalis, shoo..." pagtataboy ko.

Hindi maipinta ang mukha nitong lumabas sa apartment ko. Pumasok na ako sa comfort room at naligo. 

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagawa ko na rin tapusin ang pagligo. 

Naka-tuwalya akong lumabas sa c.r habang kumakanta.

Playing the song 'THE WAY YOU LOOK AT ME' by Christian Bautista

No one ever saw me like you do

All the things that I could add up too

I never knew just what a smile was worth

But your eyes say everything

Without a single word

'Cause there's somethin' in the way you look at me

It's as if my heart knows you're the missing piece

You make me believe that there's nothing in this world I can't be

I never know what you see

But there's somethin' in the way you look at me

If I could freeze a moment in my mind

It'll be the second that you touch your lips to mine

I'd like to stop the clock, make time stand still

'Cause, baby, this is just the way I always wanna feel

'Cause there's somethin' in the way you look at me

It's as if my heart knows you're the missing piece

You make me believe that there's nothing in this world I can't be

I never know what you see

But there's somethin' in the way you look at me

I don't know how or why I feel different in your eyes

All I know is it happens every time

'Cause there's somethin' in the way you look at me

It's as if my heart knows you're the missing piece

You make me believe that there's nothing in this world I can't be

I never know what you see

But there's somethin' in the way you look at me

The way you look at me...

Nagpatuloy lang ako sa pagsuklay, at nag-apply na rin ako ng skin care sa mukha. Habang ginagawa 'yon, narinig ko naman ang palakpak na nanggagaling sa likuran. Lumingon ako roon at nakita ko si Venz na walang pang-itaas habang pumalakpak.

Mabilis kong dinampot ang toner at binato 'yon sa kinatatayuan niya. Hindi pa ako nakontento at pati cream para sa mukha ay binato ko na rin dito.

Sa kasamaang palad niya, napuruhan ko ang gilid ng ilong nito.

"Aray! Bakit ka ba nambabato?" reklamo nito at hinimas-himas ang parte na natamaan. 

"LUMABAS KANG HINAYUPAK KA! LABAS!!" sigaw ko.

Sinugod ko siya at kinaladkad palabas ng apartment pero bigla niyang hinila ang aking kamay sabay pinaikot ako at tulak sa 'kin sa pader. Nilapit nito ang sarili sa 'kin and take note naka-tuwalya lang ako while siya walang suot na top. 

Omfg that abs...

"Sinasabi ko sa 'yo, lumayo ka ngayon kung ayaw mong sipain ko 'yang dalawang bilog sa gitna ng hita mo," pananakot ko pero deep inside kinakabahan ako sa maaari niyang ikilos at gawin lalo na't ganito ang postora namin plus sobrang lapit pa.

Aishh! Magsitigil ka nga sa pinag-iisip mo, Celine. Nakakahiya ka na.

"Pag ginawa mo 'yan, lalabas ka sa apartment na ito na may kulang," nakangising saad nito. Ano bang sinasabi niya? Medyo na-slow ako kaunti sa part na 'yon.

"At ano naman 'yon aber?" 

"Virginity mo," saad nito na ikalaki nang mata ko at naging dahilan upang mamula ang pisngi dahil sa turan nito.

"Ikaw naman," sabay tapik ko sa braso nito at ngumiti nang plastik. "Hindi ka naman mabiro pero pwede bang lumayo ka muna? Masyadong awkward kasi itong posisyon natin." 

Mukha naman itong natauhan sa posisyon namin ngayon.

Nakita ko ang paglunok nito nang mapasulyap siya sa legs ko.

"Pervert."

Tumalikod na kaagad ito sa 'kin at umupo sa gilid ng kama. 

"Pero pwede bang h'wag mo ako palabasin? Papatayin ako ng mga babae sa labas ng apartment mo," sabi nito. 

Pinagsasabi ng isang ito? Binuksan ko nang kaunti ang pinto at sumilip ako sa labas. Doon ko nalaman ang ibig sabihin niya. Mabilis ko itong sinirado pagkatapos kong makita kung ano ang nasa labas ng apartment.

"Ngayon alam mo na kung bakit? Kaya h'wag mo akong palabasin." Tumango-tango naman ako at nanatiling gulat sa pangyayari.

Kaya pala wala na siyang damit at wala na rin ang tuwalya na binigay ko sa kanya kasi nandoon na sa mga haliparot na 'yon.

Pinagkaguluhan pala siya nang limang babae kanina kaya pala pumasok ulit sa loob.

Sana ol pinagkakaguluhan 'no.

"Magbibihis ako ngayon," paalala ko.

"Ano naman?" response nito. Sarap nito batuhin ng bakal. Hindi ba niya na-gets?!

"Siyempre alangan naman panoorin mo ako habang nagbibihis?!" inis na pahayag ko.

Ngumisi naman siya nang nakakaloko bago magsalita, "bakit naman hindi? Fiance naman kita at makikita ko rin naman 'yan." 

Mabilis kong kinuha ang suklay at binato 'yon sa kanya, buti na lang nakaiwas siya kaagad kundi sa mata niya mismo tatama ang suklay.

"Tumalikod ka! FYI contract lang itong namamagitan sa 'tin and after 5 months wala na akong utang sa 'yo, che!" 

Bigla naman nagbago ang mood nito at bumalik sa pagiging stoic ang mukha. Walang sabi itong tumalikod mula sa 'kin. 

Wala naman siguro akong sinabing mali diba? Totoo naman kasi ang sinabi ko na dahil lang sa kontrata ang lahat.

Ewan. Minsan hindi ko talaga matukoy kung anong nangyayari rito. 

"H'wag kang lilingon, pag ikaw lumingon ipapakulong kita," banta ko rito at nagmamadaling magbihis ng damit pampatulog.

Nang matapos na ako ay pumunta ako sa closet at kumuha ng isang tuwalya at mabilis na hinagis sa kanya.

"Aanhin ko ito?" tanong nito at pinakita sa 'kin ang hinagis kong tuwalya sa kanya. 

"Hindi ka ba maliligo?" Nag isip naman siya saglit bago sumagot, "wala akong damit pambihis." 

"Ako na bahala roon, manghihiram ako sa katabi kong apartment baka meron sila na hindi ginagamit." Tumango naman siya kaagad at pumasok na sa c.r.

Sumilip ako sa labas ng pinto at nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang wala na ang mga babae sa labas.

Pumunta na ako sa katabi kong apartment at kumatok sa pinto nila.

Pinagbuksan naman kaagad ako ni Faye at tinanong kung ano ang kailangan ko. May asawa na ito kaya alam ko na meron siyang damit na panlalaki. Sinabihan ko siya sa sadya ko. Noong una nagulat pa ito sa aking sinabi. 

Akala siguro niya may katipan ako.

Nang makuha ko na ang pakay ay bumalik na ako sa sarili kong apartment at nilagay ko na 'yong boxer at pang-itaas sa kama.

Narinig ko ang pagtigil ng shower kaya napagtanto kong tapos na ang lalaki na maligo. 

Tumalikod na ako mula sa c.r. at nag-cell phone.

Distracting myself from his delicious body. 

Shut up self, hindi mo 'yon sinabi. 

"Salamat pala rito," pagpapasalamat nito. Nag-thumbs up lang ako habang nakatalikod pa rin.

"Sabihan mo na lang ako pag tapos ka na magbihis," saad ko at patuloy sa pagkulikot sa mga apps.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ito magsalita, "tapos na ako."

Hinarap ko ang lalaki at laking gulat ko nang makita itong hindi pa rin nagbibihis.

Hinagis ko ang bagay na mabilis kong nadampot sa kanya.

"Chill, magbibihis na," natatawa na sabi nito. Grr. Bwesit siya, nakita ko tuloy siya na nakatapis lang ng tuwalya.

"Pwede ka ng tumingin, tapos na ako." 

"Totoo?" Paninigurado ko pa.

"Oo nga," response niya kaya tumingin na ako rito pero bwisit talaga itong Venz.

Nakakagigil! 

Binato ko sa kanya ang nakita kong notebook. Oo nga at naka boxer na ito pero wala pa ring pang-itaas ang lalaki. Nakita ko tuloy ang abs nito.

Tumawa naman ito nang malakas. Tinignan ko siya nang masama bago tumalikod ulit.

"Seryoso na, tapos na ako." Hindi na ako humarap sa kanya ulit baka scam na naman ang sinabi nito.

"Hoy, tapos na nga sabi." Still hindi ko pa rin siya pinapansin. Manigas siya kamo.

May kumalabit naman sa braso ko.

"Hoy!" 

Lumingon naman ako.

"Ano b—" hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa sobrang lapit nang mukha naming dalawa.

Pareho kaming titig na titig sa isa't isa. Mas nilapit pa nito ang mukha dahilan para mapa kurap-kurap ako ng ilang beses. Ito na ba 'yon? Hahalikan na ba niya ako? 

Pipikit na sana ako nang bigla itong sumampa  sa kama.

"Ang sarap talaga matulog pag malamig ang panahon."

BWISIT! 

Pangatlong beses na itong kakahiyan ko ngayong araw. Mabilis kong sinampal ang sarili dahil sa kakahiyan at huminga nang malalim. Bwisit ka talaga Venz, paasa ka! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status