ALLISON'S POV
Dahil alam kong anytime ay susunduin ako ni CJ ay napagpasyahan ko na maagang umalis mula sa bahay patungong St. Claire University. Medyo may hangover pa rin ako dahil sa kalasingan ko kagabi. Nakatulog na pala ako sa condo ni Jace at halos hindi ko na maalala 'yung mga ginawa ko noong gabi na 'yon. Sa sobrang sama ng loob ko kay Kuya Robin at sa muntik na akong gahasain ni CJ ay napainom tuloy ako ng marami.I'm currently a 4th year college student at graduating na rin sa kurso kong BS Administration. Hindi 'yon ang gusto kong kurso dahil pangarap ko talagang maging isang journalist pero wala akong magawa dahil iyon rin ang kursong kinuha ni CJ at anytime ay magagamit namin iyon sa paghahandle ng business ng pamilya namin. Kahit labag sa loob ko ay sumang-ayon nalang ako dahil wala rin naman akong magagawa pa. Dapat ay graduated na rin si CJ ng college katulad ng mga bestfriends ko dahil 22 years old na siya pero dalawang beses na siyang bumagsak mula sa pagiging 4th year college student nito dahil sa dami ng absences niya at cutting classes. Idagdag pa na marami siyang violations sa school katulad nalang ng pakikipag-away at pambubully niya at ng mga kagrupo nito sa mga inosenteng estudyante kabilang na doon si Kenneth kaya hindi siya kaagad maka graduate at naabutan ko na siya.Kaagad akong nagpahatid sa driver namin at nang marating ko na ang St. Claire ay kaagad bumungad sa akin si Manong Guard habang nakangiti na isa sa mga close friends ko na rin sa school."Aba, ganda! Ang aga mo yata ngayon, ah? May isang oras pa bago mag-umpisa ang klase niyo." Nakangiting sabi nito habang chinecheck ang mga dala kong gamit.Nagkibit-balikat nalang ako at mukhang alam na niya ang dahilan ng maaga kong pagpasok. "Ah. Dahil na naman ba ito doon sa gwapo nga pero mayabang mong manliligaw? Dapat lang na hindi ka pumayag na maging boypren mo iyon dahil nakikita ko sa batang iyon na hindi maganda ang magiging future mo sa kanya kung sakaling mapangasawa mo siya." Naiiling niyang sabi.Tumango naman ako. "Kaya nga po hindi ko siya magustuhan, e. Aanhin ko naman ang gwapo at mayamang lalake kung may masamang ugali, 'di ba, Manong Guard?" Tumawa naman siya sa sinabi ko at tumango."Tama ka, ganda. Mabuti at hindi ka katulad ng ibang mga kababaihan dyan na sa panlabas na kaanyuhan lang ng isang tao bumabase. Napakaganda mo na nga at napakabait pa. Maswerte ang lalakeng mamahalin mo."Napangiti naman ako sa sinabi niya. That's why I really like Kenneth dahil napakabuti niyang tao at napakatatag pa. Nang matapos nang i-check ni Manong Guard ang mga gamit ko ay kaagad na akong pumasok sa loob ng school at halos pumula naman ang buong mukha ko nang makita ko si Kenneth na naglalakad at mukhang papunta ito sa library."Kenneth!" Tawag ko at napalingon naman siya sa akin.HIndi ko alam pero sobrang napakagwapo niya talaga sa paningin ko. Kahit sobrang kapal ng suot niyang salamin at palagi siyang nakasuot ng polo na longsleeves at weird naman ang hairstyle niya ay hindi ko na iyon napansin pa dahil sa sobrang pagkacrush ko sa kanya. Siguro kapag naayusan itong si Kenneth ay lilitaw talaga ang kagwapuhan niya. Maputi rin kasi ito at matangkad at alam kong may kaya rin sa buhay ang pamilya niyang ikinakahiya daw siya dahil sa itsura niya."A-Allison, i-ikaw pala." Nauutal niyang sabi habang papalapit ito sa akin at bitbit ang mga gamit niya na may makakapal na libro.I smiled. "Bakit ang aga mo yata, ngayon?" Tanong ko.Napakamot naman siya sa batok. "Inagahan ko dahil magrereview pa sana ako para sa exam namin mamaya. Ikaw, bakit maaga ka ngayon?" Nahihiya niyang tanong.Humalukipkip naman ako. "Ano pa nga ba, iniiwasan ko ulit si CJ." Tumango naman siya sa sinabi ko."P-pero bakit ayaw mo sa kanya? Gwapo naman siya at alam kong gustong-gusto ka niya. Pinagseselosan niya nga ako dahil palagi kang lumalapit sa akin. Ang ganda-ganda mo kasi tapos nakikipagkaibigan ka pa sa akin. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao sa'yo?" Malungkot niyang sabi.Napairap naman ako sa sinabi niya at nagpameywang. "Bakit ba natatakot ka dyan kay CJ? Hindi siya hari para katakutan mo. Hindi ko rin siya gusto dahil ayoko sa masamang ugali niya at isa pa, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao kung nilalapitan man kita. Gusto kitang maging kaibigan eh bakit, ayaw mo ba?" Nagtatampo kong sabi.Kaagad naman siyang umiling ng paulit-ulit. "S-Syempre gusto ko, ikaw nga lang ang kaibigan ko dito, e. Salamat at itinuturing mo akong kaibigan kahit pangit at nerd ako, Allison." Nakangiti niyang sabi.Unti-unti namang tumibok ang puso ko dahil sa sinabi niya.In love na ba ako kay Kenneth?"W-Walang anuman." Sabi ko nalang at pilit iniiwasan ang mga tingin niya.Ayoko lang makita niya na nagbablush ako dahil sa kanya!"Sige, pupunta na ako sa library. Paalam, Allison." Sabi niya at akmang aalis na nang hinawakan ko ang braso niya."Pwede bang samahan na kita sa library? Tutal, wala pa naman sina Hannah at Paula kaya wala akong ibang makakausap dito. Okay lang ba sa'yo?" Tanong ko.Napayuko naman siya sa sinabi ko at tumango pagkatapos. "Sige."Napangiti nalang ako at hinawakan ang isang braso niya na ikinagulat niya."Tara na sa library." Masaya kong sabi habang kinuha ko pa ang iba pa niyang dalang makakapal na libro.Nakita ko naman ang unti-unting pagngiti niya at nagpatangay nalang rin sa akin.Sa library nga kami nagpalipas ng oras ni Kenneth at habang abala ito sa pagrereview niya ay napapatitig nalang ako sa kanya. Dumadami na rin ang mga estudyante dito sa St. Claire at ang iba sa kanila ay napapatingin sa amin at tila'y nagbubulungan at pinag-uusapan kami. Dahil sanay na kami ni Kenneth sa ganon ay hindi nalang namin sila pinapansin."Girl!"Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko sina Hannah at Paula na papalapit sa akin. May mga nakakaloko silang ngiti dahil alam nilang may gusto ako kay Kenneth."Kayo pala," Nakangiting sabi ko nang makalapit na sila.Napalingon naman si Kenneth sa kanila at napayuko ito."Ikaw ha, kaya pala ang aga-aga mo dito sa school dahil-" Hindi na natapos pa ni Hannah ang sasabihin niya nang kaagad akong tumayo at tinakpan ang bibig niya saka siya pinanlakihan ng mata.Napatawa naman si Paula sa ginawa ko."Speaking of CJ, bago pa niya mapag-initan si Kenneth ay umalis na tayo dito. Nandoon siya ngayon sa hallway at mukhang galit na galit dahil nabalitaan niyang kasama mo pala si Kenneth. Tara na bago pa siya bumuga ng apoy!" Natatakot namang sabi ni Paula na ikinatigil ko.Kaagad naman akong bumaling kay Kenneth at nagpaalam na. "Sige Kenneth, aalis na ako, ha? Salamat sa time mo." Nakangiting sabi ko.Tumango naman siya sa sinabi ko at napangiti rin. "Thank you rin dahil sinamahan mo ako dito, mag-iingat ka, Allison." Sabi niya.Tumango nalang ako hanggang sa hinila na ako nina Hannah at Paula papaalis ng library. Habang naglalakad kami papunta sa unang klase namin ay sinermunan na naman ako ng dalawa kong kaibigan"Allison, alam naming may gusto ka kay Kenneth pero kilala mo naman 'yang si CJ. Kapag nakita ka nga lang niyang may ibang kausap na lalake ay magwawala na iyon sa sobrang galit. We all know na obsessed na sa'yo ang manliligaw mong 'yon. Baka lang kasi palaging madamay si Kenneth dahil sa matinding pagseselos niya." Concern na sabi ni Paula na sinang-ayunan naman ni Hannah.I sighed. "Anong magagawa ko? Hindi ko kayang iwasan si Kenneth lalo na't alam kong ako lang ang nag-iisang kaibigan niya saka hindi naman ako papayag na apihin ulit ni CJ si Kenneth dahil ako ang makakalaban niya sa oras na gawin niya ulit 'yon." Mariin kong sabi.Napailing nalang sila sa sinabi ko. "Bahala ka, Allison basta't binalaan kana namin, ha?" Sabi naman ni Hannah.Ngumiti nalang ako at inakbayan sila pero kaagad rin napawi ang ngiti ko nang makita ko si CJ na sobrang sama ng tingin sa akin habang papalapit ito sa pwesto namin kasama sina Laurence at Gene na nakangisi naman."Oh ow, this is war, again." Mahinang bulong ni Hannah."So, kaya pala maaga kang umalis sa inyo dahil gusto mong solohin 'yung pangit, baduy at weirdong nerd na 'yon dito sa school?" Galit na galit na sabi ni CJ nang makalapit na ito.Tumawa naman ang mga kaibigan niya sa sinabi niya pero sinamaan ko lang sila ng tingin."Maganda ka nga, Allison pero sobrang pangit naman yata ng taste mo sa isang lalake. Si CJ lang naman ang bagay sa'yo pero naghahanap ka pa ng pangit na basura." Mayabang naman na sabi ni Laurence habang nakangisi pa rin."Hoy! Grabe ka mang-insulto nang-" Sasagutin pa sana ni Hannah ang sinabi ni Laurence nang bigla akong magsalita."Wala kang pakialam kung sinuman ang gusto kong samahan, CJ. Hindi kita boyfriend kaya 'wag kang umasta na parang girlfriend mo na ako." Madiin kong sabi.Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko dahilan para mapadaing ako sa sakit. Aawatin na sana siya nina Hannah at Paula nang bigla naman silang pinigilan nila Laurence at Gene."Hindi mo pa nga ako boyfriend pero ako ang magiging fiance mo kaya wala kang karapatang makipaglandian sa ibang lalake dahil sa akin ka lang!" Sigaw niya na ikinatakot ko.Nakakatakot ngayon si CJ at sobrang nag-aapoy ang mga mata niya sa galit.Lumunok naman ako at pilit nilalabanan ang takot ko sa kanya. We've been this for almost a years kaya sanay na sanay na ako sa pagseselos at galit niya.Pilit kong binawi ang braso ko at salamat naman dahil binitawan na niya ako."Ano pa bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, CJ? Hindi kita gusto at hinding-hindi ako magiging sa'yo. Kung anuman ang pinaplano niyo ni Kuya Robin o ni Mama ay sisiguraduhin kong hindi kayo magtatagumpay. I will never be yours! Tandaan mo 'yan." Sabi ko at kaagad nang hinila sina Hannah at Paula na binitawan na nina Laurence at Gene.Naglakad na kami papaalis at habang patuloy pa rin kami sa paglalakad ay rinig na rinig pa namin ang malalakas na mura at pagsigaw ni CJ mula sa pwesto namin kanina. Naparoll eyes nalang ako habang tinatawanan naman siya nina Hannah at Paula sa tabi ko."Grabe talaga 'yang si CJ. Ang akala kasi niya ay makukuha niya lahat ng gusto niya kaya natapakan mo na ang ego at pride niya." Sabi ni Paula nang makarating na kami sa classroom namin at umupo na sa mga seats namin."Ano pa bang aasahan mo sa mga rich spoiled kids, Paula?" Natatawang sabi naman ni Hannah at nagsimula na itong magretouch ng make-up niya.Napatahimik nalang ako at nag-isip. Noong mga bata palang kami ay hindi naman ganoon si CJ pero simula nung mamatay ang lola niya noong 10 years old palang siya ay tuluyan na siyang nagbago. Nag-umpisa na siyang magrebelde at pilit na akong inaangkin dahil ako lang ang nag-iisang kaibigan niya noon na palagi niyang nakakasama kasama si Kuya Robin. Napabuntong-hininga nalang ako hanggang sa dumating na ang Prof namin at nag-umpisa na ang klase.Trinity's POVAfter 5 years...Living with the 13 guys was surprising and unexpected for me. Nang nakilala ko ang labin-tatlong lalake at nakasama sa iisang bahay ay doon na tuluyang nagbago ang mundo ko. Sa pagkakakilala ko sa kanila ay marami akong natutunan katulad nalang ng pagsasakripisyo at pag-unawa.Mason or Alec is my bestfriend. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Jaden. Noong mga bata palang kami ay siya na ang naging kasama at kalaro ko noon. That was my best happenings in life, ang makilala ko siya.Then Jaden came, ang lalakeng mahal na mahal ko simula noong palang. He has a lot of imperfections pero in the past few years ay natanggap ko na lahat iyon lalo na nung pinatawad siya ni Mason sa naging kasalanan niya.Pagkatapos ng limang taon ay marami na rin nagbago. Madalas ay nag-aaway kami ni Jaden dahil sa pagiging seloso nito pero nasanay na ako sa kanya at nagkakabati rin naman kami sa huli. Alam ko naman na noong una
Jaden's POVLumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang lahat sa amin ni Trinity. Sa pagkawala ni Mason ay marami akong natutunan at narealize na mga bagay. Hindi sagot ang inggit at selos sa puso para makapanakit ka ng isang tao. Kung gagawin mo ang mga bagay na 'yon ay kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya.Humingi ako ng tawad kay Mason at sa mga magulang niya dahil sa ginawa ko noon sa pamamagitan ng pagdadasal. Sa kabila noon hanggang ngayon ay malaya pa rin akong nagagawa ang mga bagay lalong-lalo na ang mahalin si Trinity.Nandito kami ngayon sa Tagaytay kasama si Trinity, ang TREASURE guys at ang mga kaibigan ni Trinity. Bakasyon ngayon at naisipan naming magpunta ulit dito sa resthouse nila Kyle para makapagrelax man lang. Sa daming nangyari nitong nakalipas na isang buwan ay minabuti nalang naming kalimutan ang lahat at makapagsimula ulit ng bago.Nakangiti kaming dalawa ni Trinity sa isa't-isa habang nakaholding hands
Trinity's POVNasa ospital ako ngayon at nang iminulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha ng TREASURE Guys."Trinity, are you now okay?" Nag-aalalang tanong ni John sa akin.Ngumiti naman ako saka tumango. Natamaan ng basag na vase ang binti ko nang magwala si Mason kaya nasugatan ito at halos hindi ko na maigalaw ang paa ko sa sakit. Isinakay niya ako sa isang wheelchair dahil ipapagamot raw niya ako sa personal doctor niya.Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito at sa pagkamatay niya ay lubos akong nalulungkot para dun. Siya pa rin ang Alec na kababata ko. Siya pa rin 'yung Alec na mabait at mapagmahal sa mga magulang niya. Napaiyak na naman ako na ikinaalarma nila."Trinity, what's wrong?" Tanong ni David at inalo niya ako.Umiling lang ako bilang sagot saka hinarap ang TREASURE Guys."Maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Nasaan na pala si Jaden ngayon?" Tanong ko.Umili
Jaden's POVNapa facepalm nalang ako habang tinatahak namin ang Batangas kasama ang ibang TREASURE Guys. Nang nabalitaan nila sa akin na si Mason ang Alec na tinutukoy ko na kababata namin ni Rinrin ay nagpresinta na rin sila na sumama sa akin para iligtas si Trinity. Ikwinento ko na sa kanila ang lahat para hindi na sila magtaka pa kung bakit dinukot ni Mason si Trinity.Ang sikip ng pwesto namin dito sa Van at dahil ang dami namin sa loob ng sasakyan ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang suffocation."Ano ba naman 'yan, John! Pwede bang 'wag kang malikot? Nakita mo na ngang ang sikip-sikip dito tapos para ka pang bulate na inasinan diyan!" Inis na reklamo ni Justin habang katabi si John."Sorry na! Nag-aalala lang naman kasi ako kay Trinity kaya hindi ako mapakali, e." Nakapout niyang sabi."Tsk! Mabuti nalang at wala si Micca dito kundi baka-" David stopped them."Huwag na nga kayong magbangayan dyan. Kahit ngayong araw l
Trinity's POVNagising na lamang ako sa isang madilim na kwarto. Tanging ilaw na lamang na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa kwarto. Nakahiga ako sa isang kama habang nakagapos ang mga paa at kamay ko. May panyo rin na nakalagay sa bibig ko. Naiyak nalang ako nang mapagtanto ko na kung sino ang gumawa sa akin nito.Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at kahit madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya ay alam ko na kung sino siya. Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama. Nakatitig ako sa kanya habang umiiyak habang siya naman ay nakangising nakatingin sa akin."You're still beautiful even if you're crying." Nakatitig niyang sabi sa akin.Takot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko ng panyo. Hikbi na lamang ang nagawa ko at sumiksik ako sa dulo ng kama gawa ng takot ko sa kanya. Hindi siya ang Mason na nakasama ko sa TREASURE House. Ibang-iba siya. Nakakatakot siya.
Trinity's POVNapag-usapan namin ni Mason na magkikita kami sa Coffee Shop mamayang 8am at iuuwi naman daw niya ako ng 5pm. Mabuti nalang at may pasok si Jaden sa kompanya nila at kaninang 6am pa siya umalis at baka 9pm na rin siya makauwi kaya pasalamat nalang at hindi kami magkikita ngayong araw dahil magiging busy siya sa trabaho niya.7:45am na at nakabihis na rin ako. I wear simple jeans at sleeveless ruffled dress na kulay yellow. Nagdala rin ako ng purse at ready to go na.Nagpahatid ako sa driver namin papuntang Coffee Shop. Nang makarating na ako at makalabas ng kotse ay nakita ko kaagad si Mason sa labas ng Coffee Shop na mukhang naghihintay sa akin. He's very simple when it comes to his fashion. Hindi siya katulad ni Jaden at ng ibang TREASURE Guys na kung todo pumorma. He's wearing a simple gray t-shirt, wristwatch, jeans and rubber shoes pero kahit napakasimple lang ng get up niya ay nakaw atensyon pa rin siya dahil napakagwapo niya. Hindi nga