LOGINAVERY'S POV
“Anak mo ba yan Nora? Apaka ganda naman pala ng anak mo! Ang kinis at parang labanos sa kaputian!” bulalas ng isang babaeng bumili saamin ng banana q ni Mama. Araw ng sabado ngayon at wala akong pasok. Pag ganitong mga araw ay tinutulungan ko si Mama mag lako ng mga paninda niyang miryenda. “Oo anak ko nga yan!” proud na sabi ni Mama. Yung ngiti ko naman ay abot na yata hanggang tutuli ko. Ay mali, tenga pala! Hehe.. Ito talaga ang gusto ko kapag sumasama ako kay Mama mag lako ng paninda.. Yung reaction kasi ng mga bumibili saamin ay daig pa nila ang nakakita ng artista.. Relax lang kayo, ako lang toh.. Haha! “Nay Nora, baka naman pwede nyo akong ipakilala dyan sa anak nyong maganda.” turan ng binatang tambay sa hinintuan naming tindahan. “Ay naku Betong, nag aaral pa yang anak ko.” turan ni Mama na inilapag sa harapan nila ang basket naming dala. “Papakyawin ko na yang paninda mo Nay, payagan mo lang akong ligawan ang anak mo.” pangungulit pa niya. “Naku, Betong, hindi mo yata nakikilala ang ama niyan. Anak yan ni Ron, yung basagulero. Gusto mo yatang mahabol ng itak.” turan ng lalaki ring nakatambay na may edad na. Sa hitsura nito ay mukhang mas matanda pa ito sa tatay ko. “Manong Fidel, handa kong harapin ang tatay niya, maipag laban ko lang ang pag ibig ko sa magandang binibining ito!” anito.. Nyeta!! Feeling ko ang laki-laki na ng ulo ko.. Hay! Hirap talagang maging maganda! “Tumigil ka na Betong. Ubusin mo na lang itong paninda ko. May nobyo na itong anak ko, si Simon, yung anak ng may ari ng University na pinapasukan niya.” pagmamalaki pa ni Mama. Ito talaga si Mama mas delulu pa saakin! Hehe.. Alam kasi ni Mama ang tungkol sa crush kong si Simon at napaka supportive naman talaga ni Mama. Yon nga lang diko pa naman talaga boyfi itong si Simon.. Advance lang talaga si Mama mag isip. “Ah, ganon po ba? Eh, sige ho, saka na ho ako bibili kapag single na si Ms. Beautiful.” anito na kinindatan pa ako. “Naku anak, swerte talaga pag kasama kita maglako nakakapaubos agad ako ng paninda.” tuwang tuwang sabi ni Mama habang patuloy kami sa paglalakad sa mga eskenita. “Ate Nora, pabili..” tawag kay mama ng isang babae na makapal ang make up at namumula ang labi. Mataas ang pusod ng mahaba nitong buhok habang halos lumuwa na ang cleavage nito sa spaghetti strap nitong damit na kulay nude. Ang maong short naman niya ay abot na sa kaniyang singit. Pek**k short ba ang tawag sa ganon? “Catheryn, anong sayo?” bati ni Mama sakanya. “Tatlong palitaw po tsaka isang turon at dalawang banana q.” aniya na napatingin saakin. Mapanuri ang tingin niya saka ako sinuyod mula ulo hanggang paa. Tipid ko naman siyang nginitian. “Sino iyang kasama mo, Ate Nora?” tukoy niya saakin. Ngumiti naman si Mama. “Anak ko yan, Catheryn.” proud niyang tugon. “Maganda ang anak mo ha!” aniya na ikinapalakpak na naman ng tenga ko! “Syempre naman!” masayang sagot ni Mama. “Ilang taon ka na?” baling niya saakin. “20 years old po.” nahihiya kong sagot. Kung titingnan siya, sapalagay ko nasa 30 years old na siya. Napatango tango siya habang sinasapa ang bubble gum sa bibig niya. “Hmm, baka gusto mong mag trabaho sa bar na pinapasukan ko. Hiring kami ng waitress.” alok niya saakin. “Naku, Catheryn, walang experience iyang anak ko sa ganiyang klase ng trabaho.” kontra ni Mama. “Wag kang mag alala ate Nora, hindi naman low class yung bar na pinapasukan ko. Ang mga customer namin doon ay mayayamang tao. Tsaka waitress lang naman ang iaalok ko sakanyang trabaho. Mag seserve lang siya ng mga inumin na inoorder ng mga customers. Pwede naman siyang tumanggi kapag ayaw niyang magpa table. Alam mo ate Nora, maganda itong opportunity na inaalok ko sakaniya. Malaki magpasahod ang boss namin at higit sa lahat malalaki mag bigay ng tips ang mga customer namin. Chance nyo na ito para makaahon sa kahirapan. Malay mo, dahil sa angking ganda ng anak mo, matipuhan siya ng bilyonaryo? Oh, de instant bilyonaryo na kayo.” Hinawakan ako ni Mama sa braso ko. “Mas gugustohin ko pang kumain ng lupa, Catheryn kesa sa ibugaw ko ang anak ko.” ani Mama na buo ang paninindigang tumitig sa mga mata nung Catheryn. Napaangat naman ang sulok ng labi niya at saka muling nginuya ang bubble gum sa bibig niya. May bagay siyang dinukot sa pagitan ng malulusog niyang dibdib saka tumingin saakin at ngumiti. “Heto ang calling card ko. Sakaling mag bago ang isip ninyong mag ina, tawagan nyo lang ako. Hanggat maaari mag isip-isip ka na agad ineng. Sayang baka maunahan ka ng iba.” aniya pa saka binayaran ang kinuha kay Mama na miryenda. “Sige po, ate Catherine, salamat po sa alok ninyo. Pag iispan ko po muna.” sagot ko. “Anak, wag mong sabihin na may balak kang tanggapin ang alok ni Catherine?” untag saakin ni Mama ng tahimik akong nakasunod sakaniya palabas ng eskenita. “Iniisip ko ngang Mabuti Mama, kung tatanggapin ko ba ang alok niya.” Tumingin saakin si Mama ng may pag aalala. “Pero anak, yung si Catherine, para yong Mamasang.. Nag bubugaw iyon ng mga babae sa bar! Kahit mahirap tayo anak, ayokong marumihan ang imahe mo. Pera lang iyan anak. Mas mahalaga saakin ang dangal mo.” “Pero sabi naman po niya, waitress lang po ang magiging trabaho ko don.. Iniisip ko po kasi yung malaking kikitain ko don. Yung kinikita ko kasi sa fastfood ay kulang pang suporta sa pangangailangan natin.” paliwanag ko. Hinila ako ni Mama sa gilid ng isang plant box at doon kami naupo. Ipinatong niya sa tabi niya ang basket niyang dala at hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay. Tinitigan ako ni Mama sa mga mata ko. “Anak, konting panahon na lang makakaraos na tayo.” aniya. “Pero Mama, halos isang taon pa ang bubunuin ko bago maka graduate. Matagal pa yon. Paano kung map***y ka na ni papa sa bugb*g bago pa ako makapag tapos ng pag-aaral? Ma, nagsisikap ako makapag tapos kasi lahat ng ito para saiyo. Mawawalan ng saysay ang mga pangarap ko kung wala ka na.” naluluha kong turan. Hinaplos ni Mama ang mukha ko. Nakangiti siya kahit punong puno ng lungkot ang mga mata niya. “Anak, wag mo kong alalahanin. Matanda na ako. Ikaw, nagsisimula pa lang ang yugto ng buhay mo. Lahat ng ito, ginagawa ko para saiyo. Mangarap ka hindi para saakin kundi para sa sarili mo. Ayokong danasin mo ang buhay na dinadanas ko. Gusto kong makapag tapos ka ng pag aaral at magkaroon ng magandang trabaho, para oras na makatagpo ka ng lalaking kagaya ng ama mo, may lakas ka ng loob na bumitaw. Hindi kagaya ko na takot na takot iwanan ang papa mo dahil inaalala ko na hindi ko kayang itaguyod kayo ng ako lang mag isa kasi wala akong pinag-aralan. Ni hindi ako nakatapos ng elementarya.” malungkot na turan ni Mama. Niyakap ko si Mama. “Mama, kahit hindi ka nakapag tapos ng pag aaral, napaka swerte ko na ikaw ang naging Mama ko. Mapag mahal at masipag. Lahat ginagawa mo para saaming magkakapatid.” sagot ko sakaniya. Maaga kaming nakauwi ni Mama sa bahay dahil nakapaubos kami ngayon ng paninda. Dumiretso kagad kami sa tindahan ni Aling Mina para bumili ng Bigas. Kumita kami ng dalawang daang piso, labas na ang kapital ni Mama na five hundred peso. Kita ko sa mata ni Mama ang mumunting saya. Yung puso ko parang pinipiga habang pinagmamasdan si Mama. Masaya na siya sa ganon. Napakababaw ng kaligayahan ni Mama. Kapag nakikita ko ang hitsura ng Mama ko, sobrang payat at haggard, mas lalong tumitindi ang pagnanais kong bigyan siya ng magandang buhay. Mahal na mahal ko si Mama. Lahat gagawin ko para mapalasap sakaniya yung masagang buhay na gusto kong maranasan niya. “Ate Mina, pabili nga po ng isang kilong bigas at tatlong meatloaf.” ani Mama sa masayang tinig. “Aba mukhang masaya ka yata ngayon, Nora?” “Eh, kahit papano kasi ay nakapausbos ako ngayon ng tinda ko dahil kasama ko itong anak ko sa paglako kanina.” “Ah, ganon ba? Oh, nakapaubos ka pala ngayon. Baka naman pwedeng magbawas bawas na kayo ng utang dito saakin?” aniya na nakataas ang isang kilay. Medyo nakaramdam ako ng inis kay Aling Mina. “Ate Mina, diba po sabi ko naman sainyo na sa akinse na lang po, babayaran ko po ng buo lahat ng utang namin diyan. Maghintay lang po sana kayo.” hindi ko na naitago ang nararamdaman kong inis sa boses ko. Namewang siya at lalong tumaas ang kilay. “Tingnan mo nga naman ang buhay! Kayo na nga itong pinautang, kayo pa itong galit pag sinisingil!” galit niyang turan. “Eh, kasi naman po parang hindi kayo marunong makaintindi. Dalawang daan lang po kasi ang kinita ni Mama. Ito nga ho at ipambibili namin sainyo ng delata at bigas ngayon.” “At ako pa talaga ang hindi makaintindi ha? Hayaan mo at huling utang ninyo na ito dito! Hindi na kayo makakaulit pa, tandaan nyo yan Avery!” aniya sa mataas na tono. Sasagot pa sana ako pero pinigilan ako ni Mama. Umiling iling siya saakin at humarap kay aling Mina. “Ate Mina, pasensya ka na sa nasabi ng anak ko. Pasensya ka na talaga kasi yung kinita namin ay sakto lang talaga pambili namin ng pagkain ngayon.” pagpapakumbaba ni Mama. “Ay ewan ko sainyo! Mga wala kayong utang na loob!” anito saka pagalit na ibinagsak ang sukli ni Mama. Ang masayang mukha ni Mama kanina ay napalitan na naman ng lungkot. Ayoko na ng ganito. Ayoko ng nakikita siyang parang kawawa.. Ayoko ng kinakawawa ng iba ang Mama ko. Porque ba ganito lang kami? Mag babayad naman kami ng utang eh. Bakit hindi siya makaintindi? Naikuyom ko ang mga kamay ko. Desidido na ako. Kakagatin ko na ang alok ni Ate Catherine. Ayoko na ng ganitong buhay.3RD PERSON'S POV “Uhm, h-heto ang unan. Mas magandang mahiga ka ng maayos kung matutulog ka na.” “Maiidlip lang muna ako. Maligo ka na, pagkatapos mo, maliligo na rin ako.” lihim na nag-init ang pisngi ni Fiona sa sinabi ni Simon. Tila gusto niyang tuktukan ang sarili dahil inaamin niya sa sarili na iba ang dating sakaniya ng sinabi ni Simon. Hindi niya mapigilang bigyan ng malisya ang sinabi nito na naghahatid ng kakaibang saya sakaniyang puso. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa lalaki ay tulog na ito at nakahiga na sa sofa. Kagat niya ang ibabang labi habang masiglang nagtungo sa banyo. Kinuskos niyang mabuti ang kaniyang katawan. Ngunit ganon na lamang ang kaniyang panlulumo ng maalala na wala nga pala siyang anumang malinis na damit pamalit. Kinuha na lamang niya ang bathrobe at iyon ang isinuot pansamantala. Nilabhan na rin niya ang sinuot at isinampay sa banyo bago lumabas. Nilapitan niya ang binata at marahang tinatapik sa pisngi. Kumunot ang noo nito at dahan-dahan
3RD PERSON'S POV “Arghhhh!! Haaa!!!! Bwiset ka Avery!!!” galit na galit na tinabig ni Natalia ang lahat ng nakalagay na gamit sakaniyang Vanity mirror! Paulit-ulit na nag pa-flashback sakaniyang isipan ang mga pangungutya sakaniya ni Avery. Idinukdok niya ang kaniyang mukha sa lamesa at nagu-umpisa ng yumugyog ang kaniyang mga balikat. Mahina siyang humagulgol. “Travis! Why Travis? Bakit ka ganyan? Bakit ba paulit-ulit mo na lang akong binabalewala? Bakit hindi na lang ako? Bakit????” palahaw niya habang hilam sa mga luha ang kaniyang mukha. Masyado siyang nai-insulto ni Avery! Hindi niya matanggap ang masakit na katotohanan na isinampal sakaniya nito. “Hindi! Hindi ako papayag na hindi ka mapapasaakin! Lahat ng hahadlang para mapasaakin ka ay buburahin ko sa mundo! Hindi pwedeng mabaliwala lang ang lahat ng ginawa ko! Hindi!!!” *** “Shit! What happened?” bigla na lang tumirik ang sasakyan ni Fiona sa kalagitnaan ng masukal na daan. Pauwi na sana siya sa Manila gal
3RD PERSON'S POV “Luis, itago mo ang mukha ni Tyrone. Tyrone, baby yumuko ka at huwag haharap ano man ang mangyari. Dali na anak..” ani Avery sa dalawa ng makilala niya ang babaeng kanilang makakasalubong. Hindi naman nag-usisa ang kaniyang anak. Mabilis itong tumalima at isinubsob nito sa balikat ni Luis ang mukha. “Oh, hi, Avery! Look at you, ibang-iba na ang ayos mo ngayon ah! Is that your boyfriend? May anak na kayo?” nakangiting bati sakaniya ni Natalia ng magkaharap sila. Nakatalikod si Tyrone kay natalia kung kaya't hindi nito kita ang mukha ng bata. Nakasuot ng black dress si Natalia na lalong nagpaputla sakaniyang balat. Nakahawak ang isang kamay nito sa kulay gold nitong signature bag. Maarte siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. “Natalia, ikaw pala!” buong kumpiyansang tugon din ni Avery na pinagkrus ang mga braso sakaniyang dibdib. Walang kangiti-ngiti niyang sinalubong ang mga mata ng babae. Hindi siya magpapatinag dito. Wala ng dahilan para pagtimpi
3RD PERSON'S POV “Tyrone, anak lalabas lang muna kami ng Ninong Luis mo. Dyan ka muna anak ha? Mamaya ay uuwi na rin tayo.” paalam ni Avery sa anak bago pa man buksan ang pintuan ng silid nito. Tumango lang si Tyrone bilang tugon sa ina. “Avery, totoo bang siya ang ama ni Tyrone?” bakas sa mukha ni Luis ang inis. Iginiya niya ang binata sa waiting area at pinaupo. “Oo.” tipid niyang sagot. “bakit mo siya hinahayaang makalapit kay Tyrone? Pitong taon niya kayong pinabayaan, Ave.” hindi maitago ni Luis ang kaniyang galit sa walang kwentang lalaki. “May Thalasemia si Tyrone at ang tanging paraan lang para madugtungan ang kaniyang buhay ay ang blood transfusion mula kay Travis, kaya kahit ayoko mang ipaalam ang tungkol kay Tyrone ay wala akong choice.” malungkot niyang paliwanag. “Hindi ba pwede ang dugo ko na lang? Willing naman akong magdonate. Napakayabang ng lalaking yon, Ave. Kanina ko pa siya gustong suntukin! Pasalamat siya at naroon si Tyrone.” ani Luis na muling naikuyom
3RD PERSON'S POV “Tyrone, he's still your father. Because of him, you're getting okay now. Whatever our misunderstanding is, that's between us, and our children shouldn't be involved.” Tumulis ang nguso ni Tyrone. “But he's making you cry, Mommy... Does he ever apologize to you? He never does, right?” Sandaling natahimik si Avery. Manang-mana ang kaniyang anak sa ama nito. Ang ironic lang kasi na ang dalawang magkaparehas ng ugali at matigas pa sa bato ang puso, ngayon ay siyang nagbabanggaan. Nakakataba ng puso na meron siyang anak na handa siyang protektahan sakabila ng pagiging musmos pa lamang nito. Gayon pa man ay hindi niya gustong bastusin ng bata ang sarili nitong ama. Kahit ano pang naidulot ni Travis sakaniyang sakit ay hindi niya gustong magtanim ng galit ang kaniyang mga anak sakanilang ama. Kahit papano ay tumatanaw pa rin siya kay Travis ng pasasalamat na hindi nito ipinagkait na mag bigay ng dugo para sakanilang anak. Hinaplos niya ang ulo ni Tyrone. “Ikaw tala
3RD PERSON'S POV “Dito ka muna anak huh, I will talk to your Daddy outside.” tipid lang na tumango si Tyrone at muling nagyuko. Napabuntong hininga na lang si Avery ng tingnan ang munti niyang anak na malungkot pa rin. Napagpasyahan niyang lumabas na para kausapin si Travis at ihingi ng pasensya ang inasal ng anak nila. Paglabas niya ng silid ay nakita niya si Travis na nakaupo sa may waiting area. Nakayuko ito at tila ba malungkot. Lumakad siya palapit dito at naupo na dalawang bangko ang pagitan sa lalaki. “Pagpasensyahan mo na si Tyrone sa inasal niya sayo kanina.” pambungad niya dito. Sarkastiko namang tumawa si Travis at nag angat ng tingin sakaniya. “Ano bang itinatak mo sa isip ng anak natin at ganon na lamang kasama ng tingin niya saakin?” Napaawang ang bibig ni Avery. Sinasabi na nga ba niya at ito ang iisipin ni Travis, sakaniya. Pagak din siyang natawa at matalim na tiningnan ang lalaking malalamig na naman ang titig na ipinupukol sakaniya. “Sabi na nga ba, yan







