Share

CHAPTER 70

Author: Miss A.
last update Last Updated: 2025-10-04 16:59:45

3rd PERSON'S POV

“Mabuti naman at dumating na kayo. Tinubuan na kami ng ugat sa paghihintay sainyo ah!” reklamo ni Uno sakanila ng alas nueve na sila nakarating sa tagpuan.

Hindi na maipinta ang mukha ni Natalia bagamat tahimik lang itong nakasandal sa grills ng tulay ng ilog.

“Sorry, may ginawa pa kasi kami.” ani Travis.

“Anong ginawa nyo bata?” pilosopong turan ni Travis.

“Exactly.” napamulagat si Avery sa inamin ni Travis.

Pasimple niyang kinurot sa tagiliran ang kaniyang nobyo pero hindi siya nito pinansin. Ngunit ng mapatingin siya sa expression ng mukha ni Natalia ay nakaramdam siya ng tuwa ng makitang mangiyak-ngiyak ito sa inis.

“Umalis na tayo habang maaga pa.” mataray na turan ni Natalia saka isinuot ang helmet nito.

Kilig na kilig naman si Avery na kagat ang pang-ibabang labi habang isinusuot sakaniya ni Travis ang helmet.

Pagkatapos ay siya rin ang nagsuot ng helmet kay Travis.

“Konting konsiderasyon naman dyan oh, nang iinggit ba talaga kayo?” reklamo ni Uno sak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Regina Mendoza
aaw so next season c uno at natalia nmn ms.A... panu na c bebe simon? huhu
goodnovel comment avatar
Cleo Sumagaysay
update pls miss a
goodnovel comment avatar
Melinda Espuerta
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 130

    3RD PERSON'S POV “Uhm, h-heto ang unan. Mas magandang mahiga ka ng maayos kung matutulog ka na.” “Maiidlip lang muna ako. Maligo ka na, pagkatapos mo, maliligo na rin ako.” lihim na nag-init ang pisngi ni Fiona sa sinabi ni Simon. Tila gusto niyang tuktukan ang sarili dahil inaamin niya sa sarili na iba ang dating sakaniya ng sinabi ni Simon. Hindi niya mapigilang bigyan ng malisya ang sinabi nito na naghahatid ng kakaibang saya sakaniyang puso. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa lalaki ay tulog na ito at nakahiga na sa sofa. Kagat niya ang ibabang labi habang masiglang nagtungo sa banyo. Kinuskos niyang mabuti ang kaniyang katawan. Ngunit ganon na lamang ang kaniyang panlulumo ng maalala na wala nga pala siyang anumang malinis na damit pamalit. Kinuha na lamang niya ang bathrobe at iyon ang isinuot pansamantala. Nilabhan na rin niya ang sinuot at isinampay sa banyo bago lumabas. Nilapitan niya ang binata at marahang tinatapik sa pisngi. Kumunot ang noo nito at dahan-dahan

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 129

    3RD PERSON'S POV “Arghhhh!! Haaa!!!! Bwiset ka Avery!!!” galit na galit na tinabig ni Natalia ang lahat ng nakalagay na gamit sakaniyang Vanity mirror! Paulit-ulit na nag pa-flashback sakaniyang isipan ang mga pangungutya sakaniya ni Avery. Idinukdok niya ang kaniyang mukha sa lamesa at nagu-umpisa ng yumugyog ang kaniyang mga balikat. Mahina siyang humagulgol. “Travis! Why Travis? Bakit ka ganyan? Bakit ba paulit-ulit mo na lang akong binabalewala? Bakit hindi na lang ako? Bakit????” palahaw niya habang hilam sa mga luha ang kaniyang mukha. Masyado siyang nai-insulto ni Avery! Hindi niya matanggap ang masakit na katotohanan na isinampal sakaniya nito. “Hindi! Hindi ako papayag na hindi ka mapapasaakin! Lahat ng hahadlang para mapasaakin ka ay buburahin ko sa mundo! Hindi pwedeng mabaliwala lang ang lahat ng ginawa ko! Hindi!!!” *** “Shit! What happened?” bigla na lang tumirik ang sasakyan ni Fiona sa kalagitnaan ng masukal na daan. Pauwi na sana siya sa Manila gal

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 128

    3RD PERSON'S POV “Luis, itago mo ang mukha ni Tyrone. Tyrone, baby yumuko ka at huwag haharap ano man ang mangyari. Dali na anak..” ani Avery sa dalawa ng makilala niya ang babaeng kanilang makakasalubong. Hindi naman nag-usisa ang kaniyang anak. Mabilis itong tumalima at isinubsob nito sa balikat ni Luis ang mukha. “Oh, hi, Avery! Look at you, ibang-iba na ang ayos mo ngayon ah! Is that your boyfriend? May anak na kayo?” nakangiting bati sakaniya ni Natalia ng magkaharap sila. Nakatalikod si Tyrone kay natalia kung kaya't hindi nito kita ang mukha ng bata. Nakasuot ng black dress si Natalia na lalong nagpaputla sakaniyang balat. Nakahawak ang isang kamay nito sa kulay gold nitong signature bag. Maarte siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. “Natalia, ikaw pala!” buong kumpiyansang tugon din ni Avery na pinagkrus ang mga braso sakaniyang dibdib. Walang kangiti-ngiti niyang sinalubong ang mga mata ng babae. Hindi siya magpapatinag dito. Wala ng dahilan para pagtimpi

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 127

    3RD PERSON'S POV “Tyrone, anak lalabas lang muna kami ng Ninong Luis mo. Dyan ka muna anak ha? Mamaya ay uuwi na rin tayo.” paalam ni Avery sa anak bago pa man buksan ang pintuan ng silid nito. Tumango lang si Tyrone bilang tugon sa ina. “Avery, totoo bang siya ang ama ni Tyrone?” bakas sa mukha ni Luis ang inis. Iginiya niya ang binata sa waiting area at pinaupo. “Oo.” tipid niyang sagot. “bakit mo siya hinahayaang makalapit kay Tyrone? Pitong taon niya kayong pinabayaan, Ave.” hindi maitago ni Luis ang kaniyang galit sa walang kwentang lalaki. “May Thalasemia si Tyrone at ang tanging paraan lang para madugtungan ang kaniyang buhay ay ang blood transfusion mula kay Travis, kaya kahit ayoko mang ipaalam ang tungkol kay Tyrone ay wala akong choice.” malungkot niyang paliwanag. “Hindi ba pwede ang dugo ko na lang? Willing naman akong magdonate. Napakayabang ng lalaking yon, Ave. Kanina ko pa siya gustong suntukin! Pasalamat siya at naroon si Tyrone.” ani Luis na muling naikuyom

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 126

    3RD PERSON'S POV “Tyrone, he's still your father. Because of him, you're getting okay now. Whatever our misunderstanding is, that's between us, and our children shouldn't be involved.” Tumulis ang nguso ni Tyrone. “But he's making you cry, Mommy... Does he ever apologize to you? He never does, right?” Sandaling natahimik si Avery. Manang-mana ang kaniyang anak sa ama nito. Ang ironic lang kasi na ang dalawang magkaparehas ng ugali at matigas pa sa bato ang puso, ngayon ay siyang nagbabanggaan. Nakakataba ng puso na meron siyang anak na handa siyang protektahan sakabila ng pagiging musmos pa lamang nito. Gayon pa man ay hindi niya gustong bastusin ng bata ang sarili nitong ama. Kahit ano pang naidulot ni Travis sakaniyang sakit ay hindi niya gustong magtanim ng galit ang kaniyang mga anak sakanilang ama. Kahit papano ay tumatanaw pa rin siya kay Travis ng pasasalamat na hindi nito ipinagkait na mag bigay ng dugo para sakanilang anak. Hinaplos niya ang ulo ni Tyrone. “Ikaw tala

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 125

    3RD PERSON'S POV “Dito ka muna anak huh, I will talk to your Daddy outside.” tipid lang na tumango si Tyrone at muling nagyuko. Napabuntong hininga na lang si Avery ng tingnan ang munti niyang anak na malungkot pa rin. Napagpasyahan niyang lumabas na para kausapin si Travis at ihingi ng pasensya ang inasal ng anak nila. Paglabas niya ng silid ay nakita niya si Travis na nakaupo sa may waiting area. Nakayuko ito at tila ba malungkot. Lumakad siya palapit dito at naupo na dalawang bangko ang pagitan sa lalaki. “Pagpasensyahan mo na si Tyrone sa inasal niya sayo kanina.” pambungad niya dito. Sarkastiko namang tumawa si Travis at nag angat ng tingin sakaniya. “Ano bang itinatak mo sa isip ng anak natin at ganon na lamang kasama ng tingin niya saakin?” Napaawang ang bibig ni Avery. Sinasabi na nga ba niya at ito ang iisipin ni Travis, sakaniya. Pagak din siyang natawa at matalim na tiningnan ang lalaking malalamig na naman ang titig na ipinupukol sakaniya. “Sabi na nga ba, yan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status