Cressida. Nanigas ang mga paa ni Cressida. Para bang hindi totoo ang lahat ng nasa harap niya. Ilang buwan na niyang tinuruan ang sariling huwag nang balikan ang nakaraan, huwag nang isipin ang lalaking minsang winasak ang kanyang mundo. Ngunit heto ito ngayon, nakatayo, nakatingin, binibigkas ang kanyang pangalan na parang ito lang ang salitang alam.“Cressida…”Ang tinig ni Arcturus ay parang muling gumuhit ng linya sa kanyang puso. Malamig ngunit puno ng bigat, pamilyar ngunit nakakapaso.Marahan siyang umatras, parang ang tanging paraan para makahinga ay ang lumayo rito kahit isang hakbang lang. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi siya makawala sa mga mata nito. Minsan na niyang minahal ang lalaking ito ng buo, minsan na rin niyang pinangakuang hindi na iiyak para dito.At ngayon, sa mismong gabing ito, kusang bumagsak ang luha sa kanyang pisngi.Hindi siya nagsalita. Wala siyang lakas para magsalita. Ang katawan niya’y nakatindig sa pagitan ng paglayo at paglapit, ng pagkamuhi
Puno ng ingay at ilaw ang paligid. Sa bawat hakbang ni Cressida sa red carpet ng La Hermosa Escena de la Moda, ramdam niya ang bigat ng spotlight na nakatutok sa kanya. Ngumiti siya, bahagyang tumango sa mga kilalang mukha, at nagpa-picture sa ilang photographers. Sanay na siya sa ganitong eksena — sa mga tao, sa camera, sa mga tinging puno ng paghanga at inggit.Ngunit ngayong gabi, may kakaibang lamig na dumampi sa kanyang batok.Parang may matang nakamasid.Nilingon niya ang gilid ng crowd. Sa gitna ng mga flash at taong nag-uunahan, saglit na umagos sa kanyang paningin ang isang pamilyar na anyo. Matangkad, nakasuot ng itim na tuxedo, matikas ang tindig, at tila nakapako ang mga mata sa kanya.Sandaling tumigil ang tibok ng kanyang puso.Impossible… bulong niya sa sarili, pero hindi siya makagalaw.“Cressida, come! The designer’s waiting inside!” sigaw ng isa sa kanyang mga kaibigan, mahigpit na hinila ang kanyang braso. Bago pa niya maunawaan ang nakita, bigla siyang nabalot ng m
Anim na buwan.Anim na mahabang buwan mula nang muling mabuo sa isip ni Arcturus ang imahe ni Cressida—ang ngiti nito, ang boses, at ang malamig ngunit malinaw na anyo ng mga mata nito na matagal niyang kinikimkim sa alaala.At ngayong gabi, tapos na ang paghihintay.Nakatayo siya sa loob ng maluwang na suite ng isang five-star hotel sa Paris, nakaharap sa malaking salamin. Nakasuot siya ng tailored black tuxedo na perpektong bumagay sa kanyang matipunong katawan. Ang kurbada ng kanyang panga ay mas lalong tumalim mula nang magsimula siyang ayusin ang sarili—mas kaunti na ang bisyo, mas disiplinado, mas determinado. Wala na ang anino ng lalaking nilamon ng alak at sigarilyo. Ang nasa harap ng salamin ngayon ay isang taong muling itinayo ang sarili, handang harapin ang mundo.Sa sofa, nakaupo si Su-hyuk, abala sa kanyang telepono. “The car will be here in twenty minutes,” aniya, saglit na tumingin kay Arcturus. “Ready ka na ba talaga?”Huminga si Arcturus nang malalim, inayos ang kanya
Paglabas ni Arcturus mula sa gym, ramdam niya ang bigat ng pawis na bumalot sa katawan, pero kakaiba ang gaan na dumaloy sa dibdib niya. Sa wakas, may pakiramdam siyang kahit papaano ay may direksyon na ulit siya—konti na lang, kaya niyang kalasin ang lahat ng buhol na pilit siyang kinulong sa nakaraan.Hawak ang water bottle, naglakad siya papunta sa parking lot. Ngunit biglang huminto ang mga paa niya nang marinig ang boses na matagal na niyang iniiwasan.“Arcturus…”Dahan-dahan siyang lumingon. Naroon si Nathalie, nakatayo sa lilim ng puno, nakasuot ng maluwag na damit ngunit hindi nito kayang itago ang mas umbok na tiyan. Mas lantad na ngayon ang pagbubuntis, at tila ginagamit iyon bilang sandata.“Napaka-early mo sa gym. Hindi ko akalaing—” ngumiti ito, pero may halong pakunwari. “—hindi mo ba nami-miss ang baby natin?”Nanigas ang panga ni Arcturus. “Don’t, Nathalie. Huwag mong gamitin ang salitang natin.”Agad na umiyak-iyak si Nathalie, pilit hinahawakan ang braso niya. “Why a
“Not what I think? Nathalie, come on! I’m not stupid. I heard everything. Narinig ko mismo, from that man. He said it—na siya ang ama ng bata. So tell me now—who’s lying? Siya o ikaw?” Umiiyak na si Nathalie, hawak ang tiyan na para bang proteksyon ito laban sa mga salita ni Arcturus. “I was scared, Arcturus. I didn’t know what to do. I thought… I thought kaya kong itago, kaya kong ayusin habang hindi mo nalalaman—” “Ayusin? You thought kaya mong ayusin? By dragging me into this circus, by chaining me into a marriage built on lies?” Lumapit siya, bawat hakbang ay mabigat, para bang lumalapit ang isang halimaw. “Do you even realize what you’ve done to me? Do you know what I’ve endured, Nathalie?” Nabaling ang mga mata ni Arcturus, puno ng apoy at sakit. “I endured hell when Cressida left. I lost myself, Nathalie. I almost lost my mind. But I endured it, because I thought maybe—just maybe—may future pa with you. I gave this marriage a chance kahit hindi ko gusto, kahit pinilit ako,
Noong una silang naghiwalay ni Cressida, akala niya kakayanin niya. Kaya niyang magpatuloy, kaya niyang magpanggap na wala lang. Sa mga unang linggo, binuhos niya ang sarili sa trabaho—endless meetings, kontrata dito, project doon. Para lang hindi marinig ang katahimikan sa bahay. Para hindi maramdaman ang lamig ng kama na dati’y punô ng init ng hininga nito.Pero tuwing gabi, kapag wala nang tao, saka siya bumibigay. Umuuwi siyang lasing, minsan hindi na man lang nagtatanggal ng sapatos, babagsak na lang sa sofa habang nag-iisa. Hindi siya sanay. Hindi siya handa. At bawat oras na wala si Cressida, para siyang hinihila sa dilim.Naisip niya noon—baka mabaliw na siya.Isang beses, hatinggabi, tinawagan niya ang numero ni Cressida. Isang ring. Dalawa. Tatlo. Pero nang sumagot ang awtomatikong boses, agad niyang ibinaba. Pinipigilan niyang maging desperado, pero sa totoo lang, desperado na siya. Hindi niya alam paano haharapin ang buhay na wala ito.---“I endured everything after you l