LOGINKABANATA 4
Ngunit sa sandaling iyon, parang muli niyang narinig ang boses ng mommy niya mula sa loob.
Bahagyang dumilim ang mga mata ni Roco. Hindi siya umiyak, hindi rin nagpakita ng takot. Pero may kakaibang kaba na sumiksik sa dibdib niya. Tiningnan niya ang dalawang bodyguard na nakaharang sa pintuan.
“I want to go in,” kalmado niyang sabi. “I just want to take a look.”
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Kita sa mga mukha nila ang pag-aalinlangan at pagkabahala. Pareho silang natigilan.
Alam na alam nila ang bilin ni President Padilla kanina lang—bantayang mabuti ang babaeng nasa loob. Walang dapat pumasok. Walang dapat lumabas.
Nang makita ni Roco ang pag-aatubili nila, lalo siyang kinabahan. At doon siya mas naging sigurado.
Nasa loob ang kaniyang ina.
Unti-unting nanigas ang ekspresyon ng bata. Nawala ang pagiging inosente sa mga mata niya, napalitan ng malamig na tingin na hindi akma sa edad niya.
“Ano?” tanong niya, bahagyang tinaasan ng baba ang sarili. “Hindi ba ako pwedeng pumasok?”
Natahimik ang paligid sa loob ng ilang segundo.
Alam ng mga bodyguard kung sino ang kaharap nila. Si Roscoe Padilla—ang nag-iisang anak ni Enzo Padilla na tunay na minamahal at halos sambahin ng lahat. Isang maling hakbang lang, at siguradong sila ang mananagot.
Nag-atubili pa ang isa sa kanila ng ilang segundo, bago tuluyang bumuntong-hininga.
“Roscoe… of course you can,” pilit na maayos na sabi niya.
“Hmph.” Bahagyang ngumuso si Roco. “That’s more like it.”
Wala nang pag-alinlangan, agad siyang tumakbo papasok, maiikli pero mabilis ang mga hakbang.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng lounge, tumambad agad sa kaniya ang eksena.
Nakatali ang ina niyang si Anastasia sa armrest ng sofa.
Biglang nagbago ang mukha ni Roco. Nanlaki ang mga mata niya at hindi na nagdalawang-isip. Mabilis siyang tumakbo palapit.
“Mommy!” sigaw niya habang tinutulungan itong kalagin ang pagkakatali. “Are you okay?”
“Okay lang ako…” marahang sagot ni Anastasia habang umiling, pero bakas sa mga mata niya ang matinding pagkalito. “Roco? Anong ginagawa mo rito?” Napalingon siya sa pintuan. “May mga bodyguard sa labas… paano ka nakapasok?”
“I heard you,” sagot ni Roco habang patuloy sa pagkalas ng buhol. “Narinig kitang humihingi ng tulong.”
Natigil siya sandali, saka tumingin diretso sa ina niya.
“Mommy,” maingat niyang tanong, “bakit ka ba nakatali rito?”
Napapikit si Anastasia, bahagyang dumilim ang tingin niya. “Mahabang kuwento ‘yon,” mahina niyang sabi. “At masyadong komplikado para ipaliwanag ngayon. Let’s just get out of here first.”
Ayaw niyang idamay ang bata sa kahit anong may kinalaman kay Enzo. Ayaw niyang madungisan ang isip nito.
Mukhang may gustong itanong pa si Roco, pero nang makita ang ekspresyon ng mommy niya, tumango na lang siya.
“Okay.”
Sumilip sila sa pintuan. Kita pa rin ang mga bodyguard sa harap—malinaw na hindi sila makakalabas doon.
Buti na lang at may mga bintana ang lounge. At wala ni isang guwardiya sa labas.
Habang papalapit sila sa bintana, biglang napahinto si Roco.
May nakita siyang maliit na litrato na nakahandusay sa sahig, medyo may layo sa sofa.
Parang… pamilyar.
Lumapit siya at dinampot iyon.
Pagtingin niya sa larawan, bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya mang nakita ang isang ama at isang anak.
Magkahawig na magkahawig—mula sa hulma ng mukha, sa mga mata, sa linya ng ilong. Kahit sinong makakita, agad maiintindihan ang relasyon ng dalawa.
Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nanlamig ang buong katawan ni Roco.
Ang mas nakagugulat—ang batang nasa litrato… kamukhang-kamukha niya.
Para bang siya mismo ang tinitingnan niya sa salamin.
Biglang nanginig ang mga mata ni Roco. Nanigas ang buong katawan niya, hindi makakilos, hindi makapagsalita.
Hindi maiwasang maalala ni Roco ang pagtawag sa kaniya ng bodyguard kanina—Roscoe. At sa isang iglap, parang may biglang nag-click sa isip niya.
Parang biglang lumiwanag ang lahat.
Ang lalaking nasa litrato…posibleng iyon ang tunay niyang ama.
At ang batang katabi nito—maaaring kapatid niya.
Nanlamig ang batok ni Roco. Mahigpit niyang hawak ang litrato habang tulala pa rin siyang nakatayo.
Napansin iyon ni Anastasia. Matagal na siyang hindi gumagalaw.
“Roco?” mahinang tawag niya. “Anong nangyari? Are you okay?”
Nagulat si Roco. Mabilis siyang napatingin sa mommy niya. Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya at may kakaibang kislap sa mga mata niya—isang matang masyadong seryoso para sa edad niya.
Sa lahat ng taon na kasama niya si Anastasia, ni minsan ay hindi nito kinuwento ang tungkol sa biological father niya. Kapag napupunta sa ganong usapan, laging iniiwasan o biglang pinapalitan ang topic.
Halata namang ayaw pag-usapan ang tungkol doon.
‘Kung diretsahan akong magtatanong ngayon, malamang wala rin akong makukuhang sagot,’ naisip ni Roscoe.
Saglit siyang nag-isip. Pagkatapos, may naisip siya.
Maingat niyang ipinasok ang litrato sa bulsa niya, saka humarap kay Anastasia at pilit ngumiti.
“Nothing, Mommy. I’m okay. Papunta na ako.”
“Bilisan mo,” paalala ni Anastasia, bahagyang kinakabahan. “Kapag may nakakita sa atin, magkakaproblema tayo.”
Tumango si Roco. Mabilis silang gumalaw at sabay na umakyat palabas ng bintana. Ilang sandali lang, nakalayo na sila sa lounge.
Pagbalik nila sa venue, nagsisimula na ang new product launch. Abala ang mga tao. Agad nakita ni Anastasia ang anak niyang babae na si Raki. Inayos niya ang ilang tagubilin sa assistant niya, saka napagdesisyunang umalis na.
Nandoon din si Enzo. At ayaw niyang makita nito ang mga bata.
“Roco, Raki,” mahinahon niyang tanong habang hawak ang kamay ng dalawa at naglalakad papunta sa exit, “anong gusto n’yong kainin mamaya? I’ll cook for you. Habang marami pang oras si Mommy.”
Hindi na nagdalawang-isip si Raki. “Barbecue!” masigla niyang sigaw. “Gusto ko kumain ng maraming barbecue!”
Napatawa si Anastasia at saka bumaling sa anak niyang lalaki. “Roco, ikaw? Anong gusto mo?”
Bahagyang kumunot ang noo ni Roco. Wala siya sa mood. May bumabalik-balik kasing imahe sa isip niya—isang pamilyar na pigura.
Parang…ang batang nasa litrato.
Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. “Mommy,” bigla niyang sabi, “I need to use the restroom. Sandali lang, babalik agad ako.”
Napahinto si Anastasia. May kung anong kaba ang gumapang sa dibdib niya. “Sasama na lang ako—”
Agad umiling si Roco. “No, Mommy. Kaya ko na mag-isa. You and Raki wait for me here. I’ll be quick. Babalik din ako agad.”
Hindi na niya hinintay ang sagot nila. Tumakbo na siya papunta sa men’s restroom.
Pagpasok niya, napatingin siya sa paligid. Walang tao.
Natigilan siya.
‘Namamalikmata lang ba ako kanina?’
May kaunting pagkadismaya sa dibdib niya nang biglang bumukas ang pinto ng isang cubicle.
May lumabas na batang lalaki.
Awtomatikong napatingin si Roco.
Nakita niya ang isang mukhang… sarili niya.
Parang huminto ang oras.
Nagtagpo ang mga mata ng dalawang bata. Parehong nanlaki ang mga mata, parehong natigilan. Para silang nakatingin sa salamin.
Si Roco ang unang nakabawi. Biglang lumiwanag ang mga mata niya. “Ikaw… ikaw ‘yong Roscoe, ‘di ba?” diretsahan niyang tanong.
Hindi siya nagkamali, siguradong-sigurado siya ngayon na kapatid niya ang kaharap niya. Ang batang ilang taon nang hinahanap ng kaniyang ina.
Weekend iyon. Nainip si Roscoe Padilla kaya sumama siya kay Enzo sa product launch. Hindi niya inaasahan na may mangyayaring ganito.
Lumamig ang tingin ni Roscoe. Bahagyang umatras siya, puno ng pag-iingat ang mukha.
“Sino ka?” malamig niyang tanong.
Hindi napigilan ni Roco ang sarili. Lumapit siya at marahang hinawakan ang kamay nito.
“Hindi naman gano’n karami ang tao sa mundo na eksaktong magkamukha,” sabi niya, seryoso ang tingin. “So… posible talaga na magkapatid tayo.”
KABANATA 5“Magkapatid?”Bahagyang kumunot ang noo ni Roscoe. May bakas ng pagkagulat sa mga mata niya.Sa buong buhay niya, ni minsan ay hindi nabanggit ng kaniyang ama na may kapatid siya. Ang alam lang niya, inabandona siya ng kaniyang ina.Pero ang batang nasa harap niya ngayon—hindi niya maitatangging baka magkapatid nga silang dalawa.Ang mukha. Ang mga mata. Ang hulma ng ilong. Parang kopya niya mismo.So what exactly happened?Ano ang hindi niya alam?Samantalang si Roco naman ay halatang hindi mapakali sa excitement. Matutuwa ang Mommy niya kapag nakita si Roscoe—ang batang ilang taon na nilang pinapahanap. Halos hindi humihinto ang bibig ni Roco sa pagsasalita. “You must not have met Mommy yet,” mabilis niyang sabi, parang may magandang balitang gustong ipamalita. “I think she’ll be very happy to see you. Come on, I’ll take you to her. Matutuwa si Mommy kapag nakita ka niya.”Hinila niya ang kamay ni Roscoe at isang hakbang pa lang sana ay biglang inalis ni Roscoe ang kamay
KABANATA 4Ngunit sa sandaling iyon, parang muli niyang narinig ang boses ng mommy niya mula sa loob.Bahagyang dumilim ang mga mata ni Roco. Hindi siya umiyak, hindi rin nagpakita ng takot. Pero may kakaibang kaba na sumiksik sa dibdib niya. Tiningnan niya ang dalawang bodyguard na nakaharang sa pintuan.“I want to go in,” kalmado niyang sabi. “I just want to take a look.”Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Kita sa mga mukha nila ang pag-aalinlangan at pagkabahala. Pareho silang natigilan.Alam na alam nila ang bilin ni President Padilla kanina lang—bantayang mabuti ang babaeng nasa loob. Walang dapat pumasok. Walang dapat lumabas.Nang makita ni Roco ang pag-aatubili nila, lalo siyang kinabahan. At doon siya mas naging sigurado.Nasa loob ang kaniyang ina.Unti-unting nanigas ang ekspresyon ng bata. Nawala ang pagiging inosente sa mga mata niya, napalitan ng malamig na tingin na hindi akma sa edad niya.“Ano?” tanong niya, bahagyang tinaasan ng baba ang sarili. “Hindi ba ako pwedeng
KABANATA 3Naroon ang bahid ng panunuya sa mga mata ni Enzo habang walang pakundangang inihagis ang maruming polo sa basurahan sa tabi ng sofa. Tumama iyon sa loob ng trash can na may mapurol na tunog, parang huling patak ng pasensya niya.Tumawa siya nang mapait, malamig ang tinig.“Anastasia, ano ba talagang iniisip mo?” aniya, halatang nanunukso. “Six years ago, wala akong kahit katiting na interes sa iyo. At ngayon?” Bahagya siyang huminto, saka sinadya ang bawat salita. “Six years later… I still have absolutely no interest. Not even a little.”Bahagyang kumunot ang noo ni Anastasia. May inis na kumislap sa mga mata niya bago siya tumawa rin—isang maikling halakhak na puno ng pang-iinsulto.“Ha?” malamig niyang sagot. “Sa tingin mo ba interesado ako sa lalaking tulad mo?” Tinaasan niya ng kilay si Enzo. “Please. I don’t even want to sleep with the same man twice. And for your information, wala kang binibigay na kahit anong special feeling sa akin.”Biglang nanahimik ang buong loun
KABANATA 2“Opo,” maikling tugon ng assistant, ngunit bakas sa tinig nito ang pagkamadalian. Agad siyang tumalikod upang ihanda ang sasakyan at asikasuhin ang mga bilin.Sandaling natigilan si Enzo, wari’y may kumalabit sa kanyang alaala. Dahan-dahan niyang binuksan ang drawer ng kanyang mesa. Mula roon ay kinuha niya ang isang kwintas na may hugis-pusong diyamante—kumikinang sa ilalim ng malamlam na ilaw ng silid. Mariin niya itong hinawakan, saka tumayo.“Ako na mismo ang pupunta,” matatag niyang pahayag, na walang puwang para sa pagtutol.Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang gabing pilit niyang binabalikan sa isip. Na-drug siya noon—ang alaala’y magulo at putol-putol—at napilitang makasama ang isang babaeng hindi niya kilala sa loob ng isang silid ng hotel. Paggising niya kinaumagahan, malamig na ang kama at wala na ang babae. Tanging bakas ng presensya nito ang naiwan.Ang kwintas.Natagpuan niya iyon sa ilalim ng unan na pareho nilang hinigaan—tila ba sinadyang ma
KABANATA 1“Don’t be afraid, I’ll be gentle…”Sa madilim na silid ng isang hotel sa Maynila, umalingawngaw ang paos at mababang tinig ng isang lalaki.“Hmm…” mahina at kinakabahang tugon ni Anastasia, halos hindi marinig.Hindi na nag-antay si Enzo—ang labi niya’y dumapo sa kaniya kaagad.Hinalikan niya si Anastasia mula sa labi, sa pisngi, sa tainga, at pababa sa leeg… bawat halik ay nagpapainit sa katawan ni Anastasia. Hindi niya maiwasang iangat ang mga braso at niyakap si Enzo sa leeg, sabay-sabay na tumutugon sa bawat galaw at halik.Kinabukasan, nagising si Anastasia na nakayakap sa kaniya si Enzo.Tuliro siya sandali sa init ng katawan ng lalaki sa tabi niya. Nakapikit pa rin si Enzo, ang mukha niya’y malamig pero kakaibang kaakit-akit—ang kaniyang asawa ng isang taon.Ang lalaki ay may mukha na napakalamig ngunit kahali-halina sa hitsura.Siya naman ay napakaganda, may mga tampok na tunay na kahanga-hanga; ang kanyang mukha ay walang kapintasan.Maputi ang kanyang balat, nakap







