Ibinaba ni Errol ang mga pagkain sa lamesa. Mas nagiging mahirap para sa akin ang nais na ipagawa ni Thauce dahil sa ipinapakitang kabutihan ni Errol. Pero wala na akong magagawa pa dahil nakapirma na ako sa kontrata, narito na sa ospital si Seya at ilang araw na lang ay ooperahan na.
"Hindi ka na sana nag-abala pa, Errol," sabi ko at naupo ako sa tapat niya. Nakangiti lamang siya habang isa-isang iniaalis ang mga pagkain sa loob ng paper bag.
"You know that this is the only thing that I can do for you and for Seya. Hindi mo kasi tinanggap ang tulong na nais kong ibigay sa 'yo... sa ganitong paraan manlang ay maiparamdam ko sa inyong magkapatid na nandito ako at maaari ninyong masandalan."
Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Mahirap na desisyon ang ginawa kong pagtanggap sa alok ni Thauce sa akin. Katulad ng sinabi niya kanina bago siya mag-iwan ng isang daang libo ay hindi niya iyon ibinigay sa akin para tulong lamang.
Para iyon sa ipinapagawa niya.
Iyon ang pagkakaiba nilang dalawa.
"Errol..."
Hindi biro ang gagastusin sa pagpapagamot kay Seya at hindi ko kayang magpakawala ng ganoon kalaking pera si Errol lalo na at alam kong hindi na niya iyon papabayaran sa akin. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kagustuhan na tumulong at sobra ang pagpapasalamat ko.
Mabuti siyang tao, ramdam ko ang kagustuhan niyang tulungan kami ni Seya, pero tama na ang mga nagawa niya sa amin, hindi na kailangan pang gumastos siya ng ganoon kalaking halaga.
Hindi ko kayang tanggapin.
"Naiisip ko nga Zehra kung may relasyon kayo ni Thauce..."
"E-Errol... w-wala," mabilis kong sinabi sa kaniya.
"Do you like him?"
Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ko sa tanong niya. Maaaring isipin ng kahit na sino iyon kaya hindi na ako nagtaka. Tinanggap ko ang tulong ni Thauce gayong wala naman itong koneksyon sa akin o kay Seya. Sinabi ni Lianna na dahil iyon sa kabutihan ni Thauce pero alam ko na hindi iyon maaaring idahilan kay Errol.
Kilala niya ang kaniyang pinsan. Mukhang alam rin niya na hindi ito basta-basta nagbibigay ng tulong.
"H-Hindi, wala akong gusto sa kaniya. Katulad ng sinabi ni Thauce ay magta-trabaho ako para sa kaniya, Errol. Ang pera na magagastos para sa pagpapagamot kay Seya ay pagtatrabahuhan ko hanggang sa makabayad ako."
Ngumiti siya at kinuha ang kutsara at tinidor. Iniabot niya iyon sa akin.
"I don't like... the idea of you working for my cousin, Zehra. Kilala ko si Thauce."
"Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko nang sabihin niya na magtatrabaho ka para sa kaniya. Please, tell me, Zehra..."
Kilala nga niya ang kaniyang pinsan. Pero hindi ko maaaring sabihin sa kaniya ang kapalit ng ginagawa ni Thauce dahil siya mismo ang dahilan.
"Dahil naman iyon sa pera na pangpagamot ni Seya, Errol. Pagtatrabahuhan ko ang pamamalagi ni Seya dito. Hindi libre. Walang..." napahinto ako dahil sa tingin niya sa akin, "walang ibang dahilan. N-Nag-alok ng trabaho si Thauce para sa pagpapagamot ni Seya, d-doon pa lang sa bar nagkausap na kami," pagsisinungaling ko.
"K-Kaya't kaagad kong tinanggap ang alok niya at pumayag."
"Iyon rin naman ang gusto kong gawin, Errol. Ang magtrabaho para maipagamot si Seya at tuluyang gumaling ito pero alam ko na hindi ko kikitain ang ganoong halaga sa isang buwan. Kailangan na kailangan na ni Seya maipagamot kaya tinanggap ko ang trabahong alok ni Thauce."
"Paghihirapan ko na maibalik ang pera sa pagtatrabaho ko para sa kaniya."
Tumango siya sa akin.
"Tell me, Zehra, kaya ba hindi mo tinanggap ang tulong na iniaalok ko ay alam mo na hindi ko na iyon pababayaran sa 'yo? na wala akong balak?" tanong niya.
Dahan-dahan akong tumango.
Iyon nga... ganoon na nga. Sa sobang bait niya ay iyon ang naisip ko.
"S-Sa kabutihan mo ay naisip ko iyon."
"I will not deny that, Zehra..."
"Wala akong balak na ipasauli pa sa 'yo ang pera na makakatulong sa pagpapagamot kay Seya dahil ang mas hangad ko ay ang paggaling ng kapatid mo. You've been through a lot, kayong dalawa. Ang tulong na nais kong ibigay ay hindi nangangailangan ng kapalit, Zehra. Pero naisip ko na rin na iyon ang dahilan kung bakit ka tumanggi sa tulong na nais kong ibigay. Hindi ko lang matanggap na ang tinanggapan mo ng tulong ay si Thauce."
"Maraming pumasok sa isip ko, na baka may gusto siya sa 'yo, na baka may relasyon kayong dalawa. I was... jealous."
"E-Errol..."
"Zehra, I am doing all of this because I like you. Alam mo at nararamdaman mo naman iyon, hindi ba?"
Natigilan ako at humigpit ang hawak ko sa kubyertos. Napayuko ako nang hindi ko kinayang tumingin sa kaniyang mga mata.
Bigla ay naisip ko ang mga nangyayari sa akin... sa aming dalawa ni Seya. Nais kong bawiin ang lahat kay Thauce nang marinig ang sinabi ni Errol pero alam kong huli na. Kailangan kong tuparin dahil may kontrata akong pinirmahan. Sa oras na bumali ako sa usapan ay tiyak na ipakukulong ako ni Thauce.
Hindi siya magdadalawang isip na gawin iyon.
He's not afraid to fool his cousin just to get Lianna. At paano pa ako? isang babaeng bigla na lang dumating sa buhay nila.
Pero ang sakit, alam na alam ni Thauce na ako ang dapat niyang gamitin at ako ay nagpagamit naman at kumapit sa patalim dahil sa kalagayan ng kapatid ko. Nakaramdam siya, alam ko. Siguradong alam niya rin na gusto na ako ni Errol. At ito nga... hindi pa nagsisimula ay umamin na ito sa akin.
"E-Errol, kasi--"
"You don't need to answer me now, Zehra. Ang nais ko lang malaman ay kung may gusto ka kay Thauce kaya mo tinanggap ang kaniyang tulong. Nais kong malaman na tungkol talaga sa trabaho. Na wala kayong relasyon."
Umiling ako ng ilang ulit.
"Nagkakamali ka ng iniisip, Errol. Wala akong gusto kay Thauce, kahit ang mangarap at magkagusto sa isang lalakeng na sa tingin ko ay hindi mapapasaakin ay hindi ko kayang gawin. Alam ko ang lugar ko at alam ko kung nasaang lebel lang ako sa buhay ninyong mayayaman."
Wala akong gusto kay Thauce... p-pero hindi ko maaamin sa kaniya ang totoong dahilan sa likod ng pagpapagamot nito kay Seya.
"But, I like you, Zehra. I don't care how you think highly of us. Wala rin akong pakialam sa estado ng buhay mo."
Napaawang ang mga labi ko nang dalawang beses na niyang sabihin na may gusto siya sa akin.
"Gusto kong malaman mo na hindi ako sa estado ng buhay ng isang babae tumitingin. Your personality caught my attention. Your love for your sister, all of your sacrifices. Lahat ng iyon, Zehra. You are the kindest person I've ever met. Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman ko para sa 'yo pero lahat ng iyan ay totoo."
Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin ko sa kaniya. Ang nararamdaman ko ngayon ay pagsisisi. Nagmadali ba ako? hindi ko ba pinag-isipan ng mabuti ang naging desisyon ko sa gusto ni Thauce?
Kailangan ko siyang muli na makausap. Kailangan pag-usapan namin muli ang tungkol sa tatlong buwan na gusto niya.
Nang makita ko na ngumiti si Errol ay inilapit niya ang pagkain sa aking harapan.
"Let's eat together. Kapag tapos ay magpahinga ka, ha?" sabi nito at tumingin sa kama na nasa gilid ng silid, "you need to take a rest, Zehra. Alam ko na sobra na ang mga nangyayari, hindi lang ang katawan mo ang pagod kung hindi pati na rin ang puso at isipan mo."
How could I continue what was in the agreement if he's like this? tama si Thauce sa sinabi niya, maaari rin akong magkagusto kay Errol, pero baka kapag nangyari na iyon ay kinamumuhian na ako nito.
Nakikita ko na rin ang dahilan kung bakit patuloy na minamahal ni Lianna si Errol. Kahit na sampung taon na ang lumipas ay hindi niya pa rin niya binibitawan ang pagmamahal niya dito.
At kung bakit rin humantong si Thauce sa desisyon na gamitin ako para makuha si Lianna.
Napakabuting tao ni Errol.
"Wala akong magiging trabaho sa kumpanya sa susunod na linggo. Masasamahan kita dito sa araw ng opera ni Seya."
"M-Maraming salamat, Errol."
Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos ay nilagyan niya pa ng ulam ang aking pinggan.
Nakatingin lang ako kay Errol habang kumakain siya. Pag nagtatama ang mga mata namin ay nginingitian niya ako.
Kailangan kong kausapin muli si Thauce. Kailangan kong subukan. Sasabihin ko sa kaniya na pagtatrabahuhan ko ang pera sa kaniya at hindi ko na kaya ang ipinapagawa niya. Kahit lumuhod ako sa kaniyang harapan ay gagawin ko.
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a