Nagising ako dahil sa init na humahaplos sa balat ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala na nakatulog ako sa kotse ni Fourth. Pero nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid, wala na ako sa kotse kundi nasa kuwarto na. Kuwarto ko. Ang init na naramdaman ko ay dahil sa araw na sumisilip mula sa bintana. Hinatid ako ni Fourth panigurado iyon. Siguro binuhat ako ni papa patungo rito at si Tita naman ang nagbihis sa ’kin. O ‘di kaya’y si Dani. Tumayo na ako para iligpit ang higaan at mag-ayos. Sabado ngayon. Tutulungan ko ang mga katulong sa paglilinis. Kailangan ko rin asikasuhin ang hardin sa harap at likod ng bahay.
Matapos makaligo at makapagbihis, lumabas ako para puntahan si Dani. Yayayain ko siyang tumulong din ngayon kung wala siyang gagawin. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro habang nakahiga sa kama niya.“Anong binabasa mo?” tanong ko at umupo sa tabi niya.“Hindi mo maiintindihan,” aniya at ngumisi.Napanguso ako dahil nabasa ko ang cover ng libro. Tungkol na naman sa batas.“Batas nga ni papa hindi mo masunod, e” dagdag niya pa bilang pang-aasar. Mahina ko siyang hinampas ngunit tawa lamang ang iginanti niya.“Wala ka bang ibang gagawin mamaya?”Sumimangot siya at tinuro ang magulo niyang study table. Naintindihan ko naman agad. Marami pa siyang aaralin.“Mahirap?” tanong ko. Tama si Tita sa sinabi niya. Hindi pa talaga ako nakakapili ng kukuning kurso. Naisip kong sumunod na lang sa yapak ni papa o ‘di kaya’y mag law na rin pero pakiramdam ko hindi ‘yun para sa ’kin.“Sobra,” sagot niya at mas lalo pang sumimangot. “Mababaliw na ako!”“Oh ayan, ginusto mo ‘yan, e” pang-aasar ko sabay tawa. Paminsan-minsan lang kaming nakakapag-usap nang ganito pero magkasundo naman kami sa ibang bagay. Si Dani ay anak ni Tita Dette sa una niyang asawa. Mas matanda sa ’kin pero ayaw niyang tawagin ko siyang ate kasi magka-edad lang naman daw kami kung sa mukha magbabase.“Maiiwan na kita. Kita na lang tayo sa breakfast mamaya,” sabay tayo ko upang makaalis na.“Uy! Wala ka bang iku-kuwento?”Kunot-noo ko siyang binalingan.“Tungkol saan?”“Tungkol kagabi? Late na kayong umuwi nung Jacques ah? Saan kayo nagpunta? Ikaw ha...”“Ha? Naglibot lang kami!” nahihiya kong sagot. Mas lalo naman siyang tumawa at binato pa ako ng hawak niyang libro. Buti agad kong nailagan.“Sus! Masyado ba kayong nag enjoy sa paglilibot at late na kayo nakauwi? Buhat-buhat ka pa niya nang makita kita”Nalaglag ang panga ko sa huli niyang sinabi. Buhat-buhat? Nino? Ni Fourth?“Si Fourth ang nagbuhat sa ’kin!?” gulat kong bulalas.Kumunot ang noo niya pero maya-maya ay mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi.“Fourth? Call sign mo sa kaniya? Tangina, Ysa! Pakiusap, huwag muna. Ako muna please lang” natatawa niyang saad.“Ano bang pinagsasabi mo riyan?”“‘Diba Jacques ang pangalan niya? Saan mo napulot ang Fourth?”Napakagat labi ako nang maalalang Jacques nga pala ang pagkakilala nila kay Fourth. Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kaniya na narinig ko lang din ‘yun kina Mang Kanor.“N-Narinig ko lang,” sambit ko at umiwas ng tingin. “Sige na. Lalabas na ako, marami pa akong gagawin” bago pa man siya makaangal, dali-dali akong tumakbo palabas.Hindi pa rin ako makapaniwala. Siya ang nagbuhat sa ’kin patungo sa silid ko? Akala ko si papa.Dumaan sa isipan ko ang narinig ko noon na reklamo mula kay papa habang nag-uusap sila ni tita. Sumasakit na raw ang likuran niya. Pinagalitan pa nga siya ni tita kasi hindi niya naman raw iniinom ang mga bitamina niya. Kaya niya siguro hinayaan si Fourth na buhatin ako kasi hindi na niya kaya.Napahilamos ako sa mukha. Nakakahiya.Baka masyado akong mabigat. Napatingin ako sa hagdanan na binabaan ko. Baka nahirapan siyang iakyat ako. Puro na lang talaga kahihiyan ang nagagawa ko.Pilit kong iwinawala si Fourth sa isip at ginawa na ang nasa plano ngayong araw.Una ko munang tinulungan sina Tita Dette at ang cook namin sa paghahanda ng makakain. Pagkatapos ng agahan ay naglinis na rin ako bago pumuntang hardin.Nagbungkal ako nang kaunti at pinaulanan ng tubig ang mga tanim kong bulaklak at halaman.Nang matapos, bumalik ako sa loob ng bahay para makapagpalit. Nadumihan kasi ang suot kong damit at nabasa rin. Hindi ko inasahang makita si Fourth doon, nakaupo kasama ni papa. May nakahandang tasa ng kape sa harapan niya at may nakalatag namang mga papel katabi nun. Nakuha ko ang atensiyon nila na naging dahilan kaya mas lalo akong nilamon ng hiya.“Oh, tapos ka na?” tanong ni papa at sumimsim sa kape niya.Sumulyap ako kay Fourth at tumingin kay papa. “Opo. Puwede po ba akong pumuntang tabing dagat mamaya? Pagkatapos kong gawin ang mga assignments ko”Saglit na nag-isip si papa pero maya-maya ay tumango rin.“Sige, mag-iingat ka”Ngumiti ako at nagpaalam na para umakyat na sa taas. Sumulyap pa ko ng huling beses kay Fourth bago tuluyang pumasok sa silid.Yes! Susubukan ko ulit mamingwit mamaya. Pero dapat mag-iingat na talaga ako. Baka mamaya mahulog na naman ako. Baka wala nang sumagip paniguradong lunod ang kahahantungan ko.Ginawa ko muna ang mga takdang aralin bago nagbihis ulit para pumuntang tabing dagat. Bumaba ako at nakitang wala na roon sina papa at Fourth kaya dumiretso akong kusina para mag-impake ng mga pagkain na dadalhin. Balak kong magpalipas doon ng oras.Nagpahatid ako kay Manong. Kinuha ko rin ang pamingwit kina Mang Kanor at umakyat ulit sa malalaking bato. Inilapag ko ang mga gamit ko at umupo. Damang-dama ko ang malamig na hangin at paminsan-minsan ay humahampas ang alon sa batong kinauupuan ko dahilan kaya mabasa ang suot kong damit.Naalala ko ang paborito kong palabas. ‘Yung The Little Mermaid. Habang inaayos ang pamingwit, kinakanta ko ang kanta ni Ariel.“I wanna be where the people are. I wanna see, wanna see ‘em dancin’. Walking around with what do you call ‘em? Oh, feet,” sabay galaw ko sa mga daliri ko sa paa.“Up where they walk, up where they run. Up where they stay all day in the sun. Wanderin’ and free, wish I could be, part of that world,” sa huling nota ay isinabay ko ang pagtapon sa nakahandang pain sa dagat.“Nice”Gulat akong napalingon sa nagsalita. Si Fourth, nakatayo hindi kalayuan sa inuupuan ko habang nakausot ng itim na shorts at puting t-shirt.“Little Mermaid, huh?” may pang-uuyam niyang sabi.“Mommy, who’s that man?” Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang pagsagot sa tanong na iyon. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagkabog sa dibdib ko. Ang makita si Fourth sa isang hindi inaasahang lugar... “Maybe he’s just a friend, Yvi” Napatingin ako kay Carson. Matalino si Carson, at alam kung nahalata na niya ang kinikilos ko kanina. At sa tingin ko ay nakilala niya si Fourth. May pagkakahawig kasi sila dahil sa kaniya nagmana ang anak namin. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ni Fourth o ni Yvianne. “A friend? Like Tito Josh?” inosenteng tanong ni Yvianne. Tumango-tango naman si Carson. “Yes” Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Ang marinig na tinatawag nilang kaibigan ang sarili nilang ama... Mariin akong napapikit at inisip kung anong dapat gawin. Alam kong hindi iyon ang magiging una at huling pagkikita namin ni Fourth. At nangako rin naman ako sa mga bata ma ipakikilala ko sila sa ama nila. Pero papaano? Ni hindi ko mahagilap nang tama ang mga salit
Pinawi ko ang mga nakatakas na luha habang nakatingin kay Yvianne na mahimbing na natutulog. Gabi na akong nakauwi dahil nagpalipas pa ako ng oras sa isang bar. Hindi naman ako masyadong naglasing. Umasa kasi ako na mawawala ang nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa mga anak ko na imposible nang maging kami ng ama nila. Hindi ko masisisi si Fourth. Pero ang daya. Bakit sa lahat ng tao, si Dani pa? Bakit kapatid ko pa? Mariin akong pumikit bago tumayo at lumabas sa silid ni Yvianne. Napangsihap ako sa gulat nang makita ko si Carson sa labas ng pintuan. “Carson? Bakit ka pa gising?” nag-aalala kong tanong at binuhat siya. Nilakad ko ang daan patungo sa silid niya saka siya marahan na inilapag sa sarili niyang kama. “Gabi na, baby. You have to rest” Inayos ko ang kumot niya at saglit siyang pinatakan ng halik sa noo. “Uminom ka po?” mahina niyang tanong. Inamoy ko ang sariling hininga at pilit na ngumiti. “Konti lang, baby. Take a rest, okay? Maliligo a
“Welcome back po sa inyo, ma’am!” salubong sa amin ng sekretarya ni lola. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang mga anak ko. Nagpaiwan si lola sa Hong Kong dahil may gagawin pa raw siya roon kaya kami na lamang ang umuwi. Bago pa man ako nag-desisyon, kinausap ko muna ang dalawa lalo na si Carson. Pumayag naman siya kahit na nakikita ko sa mga mata niya ang kaba. “Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver nang makapasok kami sa sasakyan. Ibinaba ko ang suot na salamin. “Sa bahay po, Manong”Sa loob ng maraming taon, sinubukan naming kontakin si Dani subalit ni isa sa mga tawag, texts, at emails, ay hindi niya sinagot. Tapos malalaman kong kasama niya si Fourth sa pagpapakilos sa kaso? Akala ko ba galit siya sa kaniya? Napatunayan na bang walang kasalanan si Fourth? Gusto kong malaman ang lahat. “Jess, nalaman mo na ba kung nasaan si Dani ngayon?” tanong ko habang inaayos ang buhok ni Yvianne na nililipad na ng hangin dahil nakabukas an
“Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, apo?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ‘yang itinanong ni lola. Ngumiti ako habang hawak-hawak ang maliit ko pang tiyan. “Opo, lola. Bubuhayin ko po siya” “Sige, susuportahan kita sa desisyon mong ‘yan. Akong bahala sa ‘yo at sa magiging anak mo” Naikuwento ko na kay lola ang tungkol kay Fourth matapos naming makumpirma na nagdadalang tao nga ako. Halo-halo ang naramdaman ko. Kaba, saya, takot, at iba pa. Maraming “papaano” ang pumasok sa isip ko pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong makita niya ang mundo. Hindi ko alam kung anong bukas ang naghihintay sa ’min. Pero ngayong alam ko nang hindi ako nag-iisa, desidido na akong bumangon at maging matatag para sa magiging anak ko. Matapos ang ilang buwan ay napagdesisyunan naming lumipat na sa ibang bansa. Maliit lamang ang Pilipinas, at kung gugustuhin ni Fourth na hanapin ako ay mahahanap at mahahanap niya talaga ako. At ayokong mangyari iyon. Hindi pa ako handa. Lumipad kami patung
Nagising ako sa isang magarbong silid. Agad akong bumangon at inilibot ang tingin. Pamilyar ang kuwartong ‘to. Hindi ko lang maalala kung kailan ako nakapasok dito. Napatingin ako sa maliit na mesa katabi ng kama. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makita ko ang picture namin ni lola kasama sina mama at papa. Inabot ko iyon para tingnan.Ito ‘yung panahon kung kailan maayos pa ang lahat. Dahan-dahan kong pinadaan ang hinlalaki sa mukha ni mama. Nami-miss ko na siya. Ang maamo niyang mukha at ang ngiti niyang nakakasilaw. “Kumusta ka na, ma?” naiiyak kong tanong sa hangin. “Miss na miss na kita” Kumilos ang daliri ko sa mukha ni papa. Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti niya. Niyakap ko iyon at umiyak nang umiyak. Nakakapanghina ang nangyayari sa buhay ko. Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ang lahat ng ‘to?Nawala na si mama. Ngayon naman ay pati si papa at Tita Dette ay wala na rin. Ano nang gagawin ko? Saan ako magsisimula?“Ysa? Apo? Gising ka na ba?” Mabilis
“Mayaman ang pamilya niyo bago pa man tumakbo ang papa mo sa pagka-mayor. Naging malapit siya sa mga tao rito. Lalo na ang mama mo. Naging malapit ang papa ni Fourth at ang mama mo sa isa’t-isa. Ngunit iba ang naging pagtingin ni Yohann sa pagkakaibigan nila. Nang mamatay ang mama mo dahil sa sakit, nagkaroon din ng sakit si Fourth. Kakapanalo pa lamang ng papa mo sa pagka-mayor noon at palaging bumabagyo kaya hindi namin nagagawang pumalaot sa dagat. Nagbakasakali siyang matulongan ni Yohann kaya siya pumunta sa inyo. Bata ka pa lang nun kaya siguro hindi mo na naaalala.”Diyan siya nagkakamali. Oo, bata pa lamang ako noon pero may nakita ako sa labas ng bahay namin sa isang maulan na gabi. Isang lalaki na basang-basa sa ulan na nagsisigaw sa labas. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nga sa malakas na buhos ng ulan pero sigurado akong iyon ang tinutukoy niya. “Hindi tinulongan ng papa mo si Fernando dahil nga sa selos. Iyon ang naging dahilan kaya ka niya nagawang kidnapin.”Nap