Share

Kabanata 4

Penulis: Ririmavianne
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-07 11:53:29

Nakakamangha ang mga kulay na bumabalot sa buong paligid. Kabi-kabila ang mga nagtitinda at ang mga bumibili. Ni hindi nga ako sigurado kung makikita ko ba si Manong dito ngayon. Sa gitna ay may nagpe-perform na banda na pinapaligiran din ng mga manunuod. Ngayon lamang ako nakapunta rito dahil palagi kaming pinagbabawalan ni papa. Delikado raw kasi.

“Doon tayo!” turo ko sa nagtitinda ng pares.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta roon. Siguro naman kumakain din siya nito. Kumain naman siya kanina, e.

“Dalawang pares nga po,” saad ko.

“Sige, iha. Maupo muna kayo roon,” turo niya sa mesang nakahanda. Tumango ako at hinila si Fourth papunta roon. Nauna akong umupo at tinapik ang katabi kong upuan.

“Dito ka”

Bumuntong hininga muna siya bago sumunod. Manghang-mangha kong pinapanuod ang mga tindero’t tindera sa tabi. May mga batang naglalaro, nagtatabukhan, at nagtatawanan habang nasa malapit lang ang mga nagbabantay sa kanila.

“Ito na po ang order niyo” sabay lapag ng bata ng order namin sa mesa. Ngumiti ako sa kaniya.

“Salamat!”

Kita ko ang pamumula ng magkabila niyang pisngi at gumanti ng ngiti bago bumalik sa pagtulong sa mama niya. Mas lalo pa akong napangiti. Ang cute naman, at ang sipag pa.

Binalingan ko si Fourth na nakatingin na rin sa ’kin.

“Kain na,” pagyayaya ko at nauna nang kumain. Pasimple ko siyang pinanuod habang kumakain. Masyado siyang misteryoso sa paningin ko. Hindi siya palasalita at palagi pang seryoso ang mukha na para bang naka-program siya para hindi magpakita ng kahit anong emosyon. Ang mga pilik mata niya ay maihahambing sa alon sa dagat, mahaba at makurba. Napanguso ako. Nakakainggit. Sana ganiyan rin ang akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga tingin namin. Mabilis kong itinuon ang atensiyon sa kinakain at umakto na parang hindi niya ako nahuling nakatingin sa kaniya.

Naisip kong kung matutuloy ang pagpapatayo nila ng mall dito sa lugar namin, ang ibig bang sabihin nun palagi ko na siyang makikita? Dito na ba sila titira?

O bibisita lang sila rito para sa negosyo nila? Mariin kong iniling ang ulo. Bakit ko ba ‘yun iniisip.

Magbabayad na sana ako matapos kaming kumain pero naunahan niya na ako. Ni hindi ko pa nakuha ang pitaka ko sa bag, naibigay na niya ang bayad kay Manang. Pati ang bata ay binigyan niya. Pagkatapos nun ay nauna na siyang maglakad habang nakasilid sa bulsa ang mga kamay.

“T-Teka!” habol ko sa kaniya.

“Salamat pero ako ang nagyaya kaya sana hinayaan mo na lang na ako ang magbayad,” sabi ko habang sumasabay sa paglalakad niya.

“Don’t worry about it. You already paid for the street foods we bought earlier”

Napabuntong hininga ako. Gusto kong sabihin na ayos lang naman kasi may pera naman ako pero hindi na lang ako nagsalita. Huminto kami sa harapan ng bandang nagpe-perform. Love song ang kinakanta nila kaya may mga nagsasayaw na sa gilid at sa gitna. Napangiti ako. Pangarap ko rin na maisayaw. Naalala ko ang kuwento ni mama noon. Isinayaw siya ni papa sa prom nila. Tumatak iyon sa isip niya dahil iyon rin ang gabi kung kailan niya sinagot si papa.

Ang sarap siguro nun sa pakiramdam ano?

Ang maisayaw ng taong mahal mo. Wala pa kasi akong naging boyfriend. May mga nakakuha na ng atensiyon ko pero hanggang doon lang ‘yun. Kumbaga, hanggang sa paghanga lang ako. May mga nagtangka rin namang manligaw pero hindi ko pinapayagan. Hindi ko kasi sila gusto.

“Gusto mong sumayaw?”

“Hmm?” wala sa sarili kong sagot. Nang mapagtanto ko ang tanong niya, mabilis ko siyang binalingan. “H-Ha?” kabado kong tanong. Nakakatakot ang bilis ng pintig ng puso ko ngayon. Unti-unti ring gumapang ang kakaibang kaba sa katawan ko dahilan kaya mas lalo akong nanginig nang ilahad niya ang kamay niya.

“Let’s dance,” bahagyang umangat ang gilid ng labi niya habang nakatingin sa ’kin at  hinihintay ang sagot ko.

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad. Gusto ko iyon kunin. Gusto ko nang maranasan ang maisayaw. Gusto kong maramdaman ang naramdaman ni mama noong isinayaw siya ni papa.

Pero...

Tipid akong ngumiti sa kaniya.

“H-Hindi na,” mahina kong sagot.

Nawala ang ngiti sa labi niya at dahan-dahang ibinalik ang kamay sa bulsa.

Tinalikuran niya ako at nagsimula nang maglakad paalis. Gulat ko siyang pinanuod habang pino-proseso ang naging reaksyon niya. Galit ba siya? Galit siya dahil hindi ko tinanggap ang alok niya?

Wala sa huwisyo akong sumunod sa kaniya.

Anong gagawin? Hihingi ba ako ng sorry?

Hihilahin ko ba siya pabalik doon para magsayaw?

Bago ko pa man maisip ang sagot, nakita kong papunta na kami sa sasakyan niya. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at bumuntong hininga. Sa tingin ko ay nasira ko ang mood niya kaya gusto na niyang umuwi.

Dumiretso siya papasok sa driver’s seat at ako naman ay naupo katabi niya. Kabado ko siyang tinapunan ng tingin pero nanatili ang atensyon niya sa harap. Galit nga yata.

“Sorry,” panimula ko at umiwas ng tingin.

“Gusto ko kasi na kung sino man ang magiging una kong kapares sa pagsayaw, ay siya rin ang magiging huli” paliwanag ko sa mahinang boses. Si mama, si papa lang ang naging una at huli niyang kapares sa pagsayaw. Gusto kong ganoon rin ako. Kahit na ba hindi ganoon si papa.

“Okay,” tipid niyang sagot saka pinaandar ang kotse.

“Galit ka?”

“No.”

“Totoo?” paninigurado ko pa kahit na hindi na naman kita sa mukha niyang galit siya. Hindi kagaya kanina.

“Naiintindihan ko,” aniya at pinatakbo na ang kotse paalis. “Ihahatid na kita sa inyo”

Wala na maski isa saamin ang nagsalita habang nasa byahe. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang minamasdan ang maliwanag na buwan. Mas lalo pang gumanda ang langit dahil sa kumikinang na mga bintuin. Nakakagaan ng loob ang tahimik na tanawin. Madilim pero ramdam ko ang kapayapaan.

Naisip ko na parang masarap pumunta sa tabing dagat ngayon pero alam kung hindi siya papayag. Lumalalim na rin ang gabi.

Baka pareho pa kaming mapagalitan kapag sinagad namin ang oras. Binuksan ko nang kaunti ang bintana at pumikit habang dinadama ang malamig na hangin na humahalik sa balat ko. Ni hindi ko namalayan na unti-unti na akong nilukob ng dilim.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 30

    “Mommy, who’s that man?” Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang pagsagot sa tanong na iyon. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagkabog sa dibdib ko. Ang makita si Fourth sa isang hindi inaasahang lugar... “Maybe he’s just a friend, Yvi” Napatingin ako kay Carson. Matalino si Carson, at alam kung nahalata na niya ang kinikilos ko kanina. At sa tingin ko ay nakilala niya si Fourth. May pagkakahawig kasi sila dahil sa kaniya nagmana ang anak namin. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ni Fourth o ni Yvianne. “A friend? Like Tito Josh?” inosenteng tanong ni Yvianne. Tumango-tango naman si Carson. “Yes” Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Ang marinig na tinatawag nilang kaibigan ang sarili nilang ama... Mariin akong napapikit at inisip kung anong dapat gawin. Alam kong hindi iyon ang magiging una at huling pagkikita namin ni Fourth. At nangako rin naman ako sa mga bata ma ipakikilala ko sila sa ama nila. Pero papaano? Ni hindi ko mahagilap nang tama ang mga salit

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 29

    Pinawi ko ang mga nakatakas na luha habang nakatingin kay Yvianne na mahimbing na natutulog. Gabi na akong nakauwi dahil nagpalipas pa ako ng oras sa isang bar. Hindi naman ako masyadong naglasing. Umasa kasi ako na mawawala ang nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa mga anak ko na imposible nang maging kami ng ama nila. Hindi ko masisisi si Fourth. Pero ang daya. Bakit sa lahat ng tao, si Dani pa? Bakit kapatid ko pa? Mariin akong pumikit bago tumayo at lumabas sa silid ni Yvianne. Napangsihap ako sa gulat nang makita ko si Carson sa labas ng pintuan. “Carson? Bakit ka pa gising?” nag-aalala kong tanong at binuhat siya. Nilakad ko ang daan patungo sa silid niya saka siya marahan na inilapag sa sarili niyang kama. “Gabi na, baby. You have to rest” Inayos ko ang kumot niya at saglit siyang pinatakan ng halik sa noo. “Uminom ka po?” mahina niyang tanong. Inamoy ko ang sariling hininga at pilit na ngumiti. “Konti lang, baby. Take a rest, okay? Maliligo a

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 28

    “Welcome back po sa inyo, ma’am!” salubong sa amin ng sekretarya ni lola. Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang mga anak ko. Nagpaiwan si lola sa Hong Kong dahil may gagawin pa raw siya roon kaya kami na lamang ang umuwi. Bago pa man ako nag-desisyon, kinausap ko muna ang dalawa lalo na si Carson. Pumayag naman siya kahit na nakikita ko sa mga mata niya ang kaba. “Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver nang makapasok kami sa sasakyan. Ibinaba ko ang suot na salamin. “Sa bahay po, Manong”Sa loob ng maraming taon, sinubukan naming kontakin si Dani subalit ni isa sa mga tawag, texts, at emails, ay hindi niya sinagot. Tapos malalaman kong kasama niya si Fourth sa pagpapakilos sa kaso? Akala ko ba galit siya sa kaniya? Napatunayan na bang walang kasalanan si Fourth? Gusto kong malaman ang lahat. “Jess, nalaman mo na ba kung nasaan si Dani ngayon?” tanong ko habang inaayos ang buhok ni Yvianne na nililipad na ng hangin dahil nakabukas an

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 27

    “Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, apo?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ‘yang itinanong ni lola. Ngumiti ako habang hawak-hawak ang maliit ko pang tiyan. “Opo, lola. Bubuhayin ko po siya” “Sige, susuportahan kita sa desisyon mong ‘yan. Akong bahala sa ‘yo at sa magiging anak mo” Naikuwento ko na kay lola ang tungkol kay Fourth matapos naming makumpirma na nagdadalang tao nga ako. Halo-halo ang naramdaman ko. Kaba, saya, takot, at iba pa. Maraming “papaano” ang pumasok sa isip ko pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong makita niya ang mundo. Hindi ko alam kung anong bukas ang naghihintay sa ’min. Pero ngayong alam ko nang hindi ako nag-iisa, desidido na akong bumangon at maging matatag para sa magiging anak ko. Matapos ang ilang buwan ay napagdesisyunan naming lumipat na sa ibang bansa. Maliit lamang ang Pilipinas, at kung gugustuhin ni Fourth na hanapin ako ay mahahanap at mahahanap niya talaga ako. At ayokong mangyari iyon. Hindi pa ako handa. Lumipad kami patung

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 26

    Nagising ako sa isang magarbong silid. Agad akong bumangon at inilibot ang tingin. Pamilyar ang kuwartong ‘to. Hindi ko lang maalala kung kailan ako nakapasok dito. Napatingin ako sa maliit na mesa katabi ng kama. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makita ko ang picture namin ni lola kasama sina mama at papa. Inabot ko iyon para tingnan.Ito ‘yung panahon kung kailan maayos pa ang lahat. Dahan-dahan kong pinadaan ang hinlalaki sa mukha ni mama. Nami-miss ko na siya. Ang maamo niyang mukha at ang ngiti niyang nakakasilaw. “Kumusta ka na, ma?” naiiyak kong tanong sa hangin. “Miss na miss na kita” Kumilos ang daliri ko sa mukha ni papa. Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti niya. Niyakap ko iyon at umiyak nang umiyak. Nakakapanghina ang nangyayari sa buhay ko. Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ang lahat ng ‘to?Nawala na si mama. Ngayon naman ay pati si papa at Tita Dette ay wala na rin. Ano nang gagawin ko? Saan ako magsisimula?“Ysa? Apo? Gising ka na ba?” Mabilis

  • Through the Waves of Tomorrow   Kabanata 25

    “Mayaman ang pamilya niyo bago pa man tumakbo ang papa mo sa pagka-mayor. Naging malapit siya sa mga tao rito. Lalo na ang mama mo. Naging malapit ang papa ni Fourth at ang mama mo sa isa’t-isa. Ngunit iba ang naging pagtingin ni Yohann sa pagkakaibigan nila. Nang mamatay ang mama mo dahil sa sakit, nagkaroon din ng sakit si Fourth. Kakapanalo pa lamang ng papa mo sa pagka-mayor noon at palaging bumabagyo kaya hindi namin nagagawang pumalaot sa dagat. Nagbakasakali siyang matulongan ni Yohann kaya siya pumunta sa inyo. Bata ka pa lang nun kaya siguro hindi mo na naaalala.”Diyan siya nagkakamali. Oo, bata pa lamang ako noon pero may nakita ako sa labas ng bahay namin sa isang maulan na gabi. Isang lalaki na basang-basa sa ulan na nagsisigaw sa labas. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nga sa malakas na buhos ng ulan pero sigurado akong iyon ang tinutukoy niya. “Hindi tinulongan ng papa mo si Fernando dahil nga sa selos. Iyon ang naging dahilan kaya ka niya nagawang kidnapin.”Nap

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status