MasukMyla’s POV
Kabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na nagkalapit kami. “Ms. Myla,” tawag niya sa akin kaya agad na napaangat ang tingin ko sa kaniya. Mabilis akong napahigit ng hininga nang halos ilang sentimentro lang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa. “Y-Yes, Mr. Raven?” nahihiya kong tanong. Gusto kong umiwas ng tingin pero may kung ano sa mga mata niya na hindi ko magawang umiwas. “Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang loob ng anak ko,” seryoso niyang wika na ikinakaba ko. Pakiramdam ko, anumang oras ay tatawag siya ng guard para ipakaladkad ako palabas. Ngunit bago pa man ako makasagot ay isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya. “Sa tingin ko ay naging mabuti ka sa kaniya, kaya salamat,” dagdag niya. “A-Ah, h-hindi mo kailangang magpasalamat,” mabilis kong tugon. Nagsimula na akong humakbang sa pagkataranta, ngunit sa halip na mawala ang kaba ko ay mas nadagdagan pa ‘yon nang natapakan ko na nga ang paa niya. “S-Sorry, hindi ko sinasadya… h-hindi talaga ako marunong sumayaw. Ayos lang naman kung tumayo na lang tayo nang ganito,” suhestiyon ko. Ayaw ko nang mapahiya pa ako ng mas malala sa harap niya at sa harap ng maraming taong nakatingin sa amin ngayon. Ang maliit na ngiti sa labi niya ay mas lumawak. Nakita ko rin ang pagkamangha sa mga mata niyang nakatingin sa akin. “Ayos lang,” sambit niya gamit ang kaparehong tono na gamit niya tuwing kausap niya si Aleron. Ang isang kamay niya ay hinawakan ang kaliwang kamay ko at pinatong ‘yon sa balikat ko, habang hawak naman ng isa niyang kamay ang kabila. Halos mapaigtad ako nang naramdaman kong lumapat na rin ang isang kamay niya sa gilid ng bewang ko. Marahan niyang sinimulan ang pag-sway ng katawan niya at sumunod naman ako sa ritmo niya. “Noon, hindi rin naman ako marunong sumayaw nang ganito. Madali lang matutong sumayaw kung makikinig ka sa musika at galaw ng katawan mo. Huwag kang mag-alala dahil tuturuan kita,” bulong niya. “Kaya ‘wag ka nang kabahan dahil kasama mo naman ako.” Muli niya akong binigyan ng isang ngiti. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kabilis natunaw ng kaba sa dibdib ko. Kahit ang mga parte ng katawan ko ay agad na kumalma. Mas naging malinaw ang tunog ng musika sa tainga ko at mas nasundan ko na ang bawat galaw niya. “Dahan-dahan lang. Hindi mo kailangang magmadali sa paghakbang,” malamyos niyang bulong habang humahakbang kami pakanan. “Magtiwala ka sa akin,” aniya bago niya ako inikot. Mabilis niyang sinalo ang bewang ko pagkaharap ko sa kaniya. Walang pag-aalinlangan kong ipinatong ang palad ko sa balikat niya at ngumiti na rin ako sa kaniya. Magkasalubong ang mga mata naming dalawa pero wala na ang takot o hiya sa akin… kung hindi mas nanaig ang kagustuhan kong matitigan ang cognac eyes niya. Ngunit kahit gaano ako kakomportable ay hindi ko pa rin maiwasang matapakan siya, at sa halip na kaba ang maramdaman ko ay hindi ko mapigilang mapahagikgik at tumingin sa kaniya. “Sorry, natatapakan pa rin kita,” nakangiti kong bulong sa kaniya. Tumango lang siya. “Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Naiintindihan ko namang first time mo kaya magtiwala ka lang sa akin,” bulong niyang muli at mas inalalayan niya ang katawan ko sa paggalaw. “Let’s keep going and trust me, okay?” Marahan akong tumango. Siguro nga ay tama naman si Aleron sa pagkakakilala niya sa daddy niya. Mabait at magaan nga siyang kasama, parang ayos lang talaga na ipagkatiwala ko ang lahat sa kaniya. Muli akong pinaikot ni Raven at sa pangalawang pagkakataong magkaharap kami ay mas malapit na kami sa isa’t-isa, halos magdikit na rin ang mga dibdib at noo namin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa mukha ko, at amoy na amoy ko ang mint flavor ng hininga niya. Ibang-ibang Raven Coast ang nakikita ko ngayon. Malayo siya sa kaninang lalaki na pinaluhod ang empleyado niya at seryosong nagsalita. Mas malambing siya ngayon at… gentleman. Napalunok ako at napasadahan ng dila ko ang ibaba kong labi. Nang malapat ang tingin ko sa namumula niyang labi, pakiramdam ko ay nanunuyo ang aking lalamunan. “Raven!” Nahila lang ang atensyon ko nang marinig ko ang asik ni Zarina na nakalapit na pala sa amin. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ako ang kasama mo pero iba ang babaeng isinasayaw mo at ganiyan pa kalapit? Ang dami nang nakatingin sa inyong dalawa,” gigil niyang sabi ng pabulong at namumula na ang mukha. Ngunit sa halip na pansinin ‘yon ay mabilis na sumingit si Aleron. “Daddy, ang galing mo talagang magturo ng sayaw! Ang ganda ninyong panoorin. Bagay na bagay talaga kayong maging mommy at daddy ko!” excited niyang sambit habang nakatingala siya kay Raven. “Mommy?” Hindi makapaniwalang singhap ng ibang nasa malapit, mukhang ‘yon lang yata ang narinig nila. May isa pang lalaki ang lumapit na may hawak ng kupita. Malawak ang ngiti niyang tumayo sa harap namin at tumingin kay Raven. “Mr. Coast, hindi mo naman sinabing dadalhin mo ngayon ang asawa mo. Ngayon ko lang nakita ang asawa mo,” sambit nito ng may pagkamangha. Nanlaki naman ang mga mata ko at nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Aleron at Raven. Aangal pa sana ako nang sumagot muli si Aleron na puno ng sigla. “Mr. Lee, makikita mo na siya nang mas madalas mula ngayon!” sambit niya habang may nakapaskil na malawak na ngiti sa labi niya. Tumingin pa siya sa akin at kumindat. Umismid naman si Zarina nang mahina. Humakbang siya para tuluyan akong matakpan sa paningin ni Mr. Lee. Kumuha siya ng isang kupita sa waiter na nasa gilid. Napaatras pa ako sa takot na baka itapon niya ‘yon sa akin ngunit kumalma rin ako nang siya mismo ang sumimsim doon. “Miss, magaling kang sumayaw… pero gusto ko lang ipaalam sa’yo na ako ang fiancee ni Raven at iaanunsyo na namin ang engagement namin ngayon linggo. Siguro naman, alam mo kung saan ka lang dapat lumugar?” sarkastikong turan ni Zarina. Napangiwi ako at tumingin kay Aleron. May fiancee naman na pala… gusto ba niya akong maging relationship wrecker? Ngunit tulad ko, nakangiwi rin si Aleron at umiling. “Huwag mo siyang pakinggan, Miss Myla,” utos ni Aleron at saka siya tumingin kay Zarina. “Hindi ba at ikaw lang naman ang may gusto kay daddy? Ilang taon mo na ring ipinipilit na maging parte ka ng pamilya namin, pero hindi naman pumapayag si daddy e,” wika niya. “‘Di ba, daddy?” Tumingala pa siya para kunin ang sagot ni Raven. Hindi ko naman mapigilang mapangisi, ibang klase rin talaga itong si Aleron. Ngunit nang mapansin kong nakatingin sa akin si Raven at matalim akong tinitigan ni Zarina ay agad kong naitikom ang bibig ko. Baka isipin niya ay sakin na naman galing ang mga salitang ‘yon. “Anong ngini-ngiti-ngiti mo riyan? Sa tingin mo ba ay hindi ko alam na planado mo ‘to para malandi mo si Raven?!” asik sa akin ni Zarina na mukhang tuluyan nang napikon at napahiya. Umangat ang kamay niya at akmang sasampalin ako nang muling magsalita ni Aleron. “Daddy, natatakot talaga ako kay Zarina… lagi siyang galit at sumisigaw. Paano na lang kung siya ang makakasama ko sa bahay? Ayaw ko sa ganoon,” malambing na turan ni Aleron. “Zarina, ilang ulit ko bang sasabihin sa’yong ayaw kong nakikita ng anak ko ang mga ganiyang klase ng kilos o makakarinig siya ng mga ganiyang salita?” may awtoridad na sambit ni Raven na pati ako ay napayuko. “I-I’m sorry—” Hindi na natapos ni Zarina ang sasabihin niya nang bigla siyang mawalan ng balanse, para siyang babagsak anumang oras. Sinubukan ko siyang hawakan para alalayan, ngunit itinulak lang niya ako. “H-Huwag mo nga akong h-hawakan,” asik niya ngunit rinig ang kakaibang tono ng boses niya. Anong nangyayari? Kanina lang ay ayos naman siya. “Ms. Zarina,” isang lalaki ang mabilis na lumapit sa kaniya at bumulong. Nakita ko ang kakaibang gulat sa mukha niya at animo’y nataranta. “E-Excuse me, m-may kailangan lang akong gawin,” nagmamadali niyang paalam. Hindi na niya nagawang tingnan ng maayos si Raven at mabilis siyang inalalayan palayo nang dumating na lalaki kanina. I guess he's her bodyguard. Napatingin ako kay Aleron ngunit isang cute na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin, parang alam na alam na niya kung ano ang nangyayari.Troy’s POV“Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Vyron at kay Ven, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa mga oras na ‘to. Natatakot akong pag maling paliwanag ang masabi ko ay magalit sa akin si Ven at mawala ang kaisa-isahang pagkakataon na binigay niya sa akin, pero gusto kong magpaliwanag kay Vyron na hindi ko gustong magsinungaling sa kaniya ngayon—“Pagkatapos nating kumain, kakausapin ka namin. Sasagutin ko na ang lahat ng tanong mo sa akin, anak,” mahinahon na saad ni Ven at hinaplos ang pisngi ni Vyron. “Kung sa tingin mo man ay nagsisinungaling kami ngayon sa’yo, ako lang ang may gusto no’n.”“Ven…” Hindi ko makapaniwalang saad sa kaniya, bakit sinasarili niya ang tungkol doon. Paano kung sa kaniya lang magtampo si Vyron, anong gagawin niya? Hindi ko rin alam kung paan ko i-handle ang emosyon ni Vyron, pag nagkataon ay kailangang nasa tabi siya ng anak namin habang pinapaliwanag ko ang lahat.“Pero ngayon, hindi na ako magsisinungaling sa’yo kaya sana pakinggan mo ka
Venice’s POV “Venice, wait… I think there is a huge misunderstanding here,” sambit niya habang hawak ang palapulsuhan ko para pigilan ako sa paghampas sa kaniya. “Misunderstanding?” Muli akong pagak na napatawa sa sinabi niya, anong hindi pagkakaintindihan ang tinutukoy niya. Rinig na rinig ng dalawa kong tainga kung paano siya tuksuhin ng mga kaibigan niya, habang siya ay hindi man lang tinatama ang sinasabi nila. “Sa tingin mo ba maniniwala ako sa’yo, Troy? Ako mismo ang nakarinig ng mga usapan ninyo!” Umiling-iling siya, muli akong hinawakan sa braso. “Ven, sabihin mo sa akin ano talaga ang narinig mo? Oo pinagusapan nila ang pustahan ng mga oras na ‘yon, pero dahil inaasar nila ako sa’yo. Alam na alam nila kung gaano kita kagusto pero alam din ng lahat kung gaano mo kailap pagdating sa mga lalaki,” sambit niya at umangat ang mga kamay niya sa pisngi ko. Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya, sinasabi ba niyang mali ang pagkakaintindi ko sa pustahang sinasabi ng mga kaibigan
Venice’s POVPagbukas ko palang ng pinto ay agad ng bumungad ang tingin niya sa akin, napatayo rin siya mula sa pagkakaupo at inayos ang suot. Humigpit naman ang hawak ko sa dulo ng damit ko at napaiwas ng tingin ngunit nagpatuloy ako sa paghakbang palapit sa kaniya, huminto lang ako ng may ilang hakba pa ang layo namin sa isa’t-isa.“M-Mr. Luis, anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga? May kailangan ka o nakalimutan ka ba?” Sambit ko at nagkaroon na ng lakas ng loob para salubungin ang tingin niya, ngunit mabilis kong nahigit ang hininga ko ng mapagtanto ko ang kakaibang tingin niya sa akin.Hindi lang simpleng pagtitig, may kung ano sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.Umiling siya at tumayo ng diretso, humakbang siya ng palapit sa akin na hindi man lang binabawi ang titig na titig niyang tingin sa akin.“Wala akong naiwan,” seryoso niyang sagot. “Pero gusto kitang makausap, p’wede ka ba ngayong araw?” Sobrang hinahon ng boses niya at alam kong hindi normal ‘yon na pakikipagusa
Venice’s POV“Hindi kita pipilitin, pero pag-isipan mong mabuti. P’wede tayong humanap ng iba pang doctor na mag aasikaso ng operasyon ni Vyron, hindi lang si Troy ang may kakayahan no’n. Kung para sa ikakatahimik ng isip at puso mo, p’wede kitang ilayo sa kaniya; kayo ni Vyron.” Marahan niyang sambit at sinapo ang magkabila kong pisngi at marahan ‘yon na hinaplos gamit ang hinlalaki niya.Nakatitig lang ako sa kaniya, hindi ‘to ang unang beses niya akong inalok. Noong una ay abroad talaga ang balak namin, ngunit sa huli ay sa probinsya ako nanganak. Ngayon na malaki na si Vyron at kaya ko ng mag byahe ng malayo.“Pag-iisipan ko muna, hindi lang naman ako ang p’wedeng magdesisyon ngayon lalo na at malaki na si Vyron. Kaya na niyang magdesisyon kung saan niya gusto, may mga naging kaibigan na siya rito. Hindi ko kakayanin kung bigla ko siyang ilalayo sa kanila, alam kong malulungkot siya ng sobra kapag ginawa ko ‘yon.” Yumuko ako at pinagsiklop ang aking mga kamay.Hindi ko kayang salu
Troy’s POVAkmang palabas na ako ng bahay ng habulin ako ni mama at papa, hawak ni mama ang braso ko at umiling-iling.“Anak, sa tingin ko ay mas mainam kung aayusin mo muna ang sarili mo. Hindi ka namin hahayaan na mag drive na hindi kalmado, kaya please lang kumalma ka muna. Maraming oras o araw na p’wede mo siyang makausap, kung gusto mo ay mamaya o bukas basta kalmado kang b-byahe at makikipagusap sa kaniya,” mahabang sambit ni mama at mariin na hinawakan ako sa braso.“Pero mama, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong marinig ang tungkol dito at anong dahilan niya bakit niya tinago sa akin ang totoo, at bakit…” Napatigil ako sa pagsasalita, hindi ko masabi ang huling tanong na tumatakbo sa isip ko.Gusto kong malaman kung bakit niya ako iniwan at biglang naglaho, bakit siya umalis at tinago sa akin ang pagkakaroon namin ng anak.Maayos naman kami bago siya biglang nawala, kaya hindi ko alam kung bakit pinagdimot niya sa akin ang buong taon ng paglaki ni Vyron sa akin.“Anak
Troy’s POVTahimik lang akong nakaupo ngayon sa driver’s seat, halos walang lakas ang mga katawan ko para mag drive paalis. Kung p’wede lang akong gumawa ng eksena at makipagtalo na ako na ang maghatid kila Venice at Vyron ay gagawin ko, ngunit wala.Napayuko na lang ako at mariin na pumikit, hindi lang sintido ko ang kumikirot ngayon dahil sa hangover kundi pati ang dibdib ko.Ang saya-saya nilang panoorin, wala akong laban doon.Ilang minuto yata ako sa ganoong p’westo ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa, agad ko ‘yon na kinuha. Umaasa akong baka may nakalimutang sabihin sa akin ni Venice o Vyron, o baka aayain din nila akong kumain ng hapunan sa bahay nila…Hindi naman maling umasa.Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko ng makita ang pangalan ni mama sa screen ng cellphone ko, tiyak na galit ‘to sa akin dahil hindi ako umuwi kahapon at wala pa akong paramdam ngayong araw.“Mama…” Mahina kong bulong ng sagutin ko ang tawag niya.“Aba’y mabuti naman at sumago
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da







