“Huh? Ano na naman ‘yang dala mo?” Malalim ang gatla sa noo ni Daddy, ang mga mata niya ay nakapako sa dala kong cake. Kay lapad ng ngiti ko habang ang kasiyahan na nararamdaman ko ay tila hindi matatawaran.
“Look, Dad, ang laki n’ya diba?” Nagagalak kong sagot na ang tinutukoy ko ay ang hawak kong cake. Mula sa mukha ng aking ama at lumipat ang tingin ko sa nakakatakam na chocolate cake. Kahit hindi ko na sabihin sa aking ama kung kanino ito galing siguradong alam na niya ang sagot. Hindi na kasi bago sa kanya na may dala akong pagkain galing sa kapit-bahay. Yup! Tama kayo ng iniisip, makapal nga ang mukha ko. Ang totoo n’yan ay mahiyain talaga akong tao, pero pagdating sa ninong kong gwapo ay kasing kapal ng hollow blocks ang pagmumukha ko. “Anak, hindi kaya’t nakakahiya na sa ninong mo?” See? Ang tatay ko na ang nahihiya para sa akin. Natawa ako sa sinabi ng aking ama habang maingat na ibinababâ ang cake sa ibabaw ng lamesa. “Eh, Dad, sabi naman sa akin ni Ninong ang bahay niya ang pangalawa kong tahanan. Kaya bakit po ako mahihiya kung bahay ko rin naman ‘yun? And besides, ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nasanay na akong maglabas-masok sa bahay ni Ninong Vincent. Remember baby pa lang ako ay doon mo na ako iniiwan? Si Ninong at ang katiwala nya ang lagi kong kasama noon kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ganun na lang kalapit ang loob ko sa ninong kong gwapo.” Sagot ko pa sa tono na tila nangangatuwiran. Hindi na maipinta ang mukha ng aking ama, masama na rin ang tingin niya sa akin. Well, marahil aminado naman na siya talaga ang dahilan kung bakit mas close ako kay Ninong kaysa sa kanya. Kasunod nito ay sandaling nanahimik ang aking ama, mukha itong nahulog sa malalim na pag-iisip. Masyado ring seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha, at hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagdaan ng lungkot mula sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay tumitig sa mukha ko ang kanyang mga mata. Napakaraming emosyon ang ang naglalaro mula doon, iyon bang tipo na parang may gusto siyang sabihin sa akin? Masyadong mahiwaga ang mga mata ng aking ama na kay hirap ipaliwanag “Dad, may problema ba? Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong, pagkababâ ko ng cake ay lumapit ako sa kanya. Niyakap ko ang mataba nitong katawan bago pinupog ng halik ang matambok niyang pisngi. “Dad, masama ba ang loob mo dahil sa cake?” Malungkot kong tanong, nagtaka ako ng biglang bumunghalit ng tawa ang aking ama. Nang haba ang nguso ko, bago naiinis na bumitaw mula sa pagkakayakap dito. Minsan talaga hindi ko na alam kung may sayad ba ang daddy kong ito o sadyang malakas lang mantrip? May time kasi na bigla na lang itong malungkot, tapos bigla rin namang tatawa. Pero, ramdam ko na totoo ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata. “Dad, I think mas bagay pa sayo ang maging artista, magaling ka kasing umarte.” Nakasimangot kong komento. “Isa talaga ‘yan sa pangarap ko kaso nung nag-apply ako ay hindi ako natanggap dahil sa over performance ko.” Mayabang pa niyang sagot kaya naman mas lalong nanghaba ang nguso ko. Saka naman bumukas ang pinto, pumasok ang ninong kong gwapo, si Ninong Vincent. Ang ganda ng ngiti nito at halatang bagong ligo pa ito. “Nong, sa tingin mo kung ibebenta ko ba itong tatay ko ay may bibili kaya?” Problemado kong tanong, sukat dun ay natawa silang dalawa ni Daddy. Hindi pa man nakakasagot si Ninong Vincent ay biglang nanlaki ang aking mga mata. Kasi ang magaling kong ama ay kinuha ang pinakamalaking bahagi ng isang slice ng cake. “Dad! You know naman na bawal sayo ang kumain ng matamis. Why you are so matakaw ba?” Panenermon ko sa aking ama habang pilit na inaagaw dito ang platitong hawak nito na may lamang cake. Habang si Ninong Vincent ay natatawa sa aming mag-ama. “Ang sabihin mo, ayaw mo lang akong bigyan ng cake mo.” Pangbabara nito sa akin. “Parang gusto ko ng magtampo, basta talaga pag galing sa Ninong Vincent mo ay talagang pinagdadamutan mo ako.” Nag-init ang magkabilang pisngi ko kaya batid ko na namumula na ito. “Dad, naman, sinasaway lang kita dahil sayo na rin mismo nanggaling na meron kang diabetes. Kaya ano ang kinalaman ni Ninong sa matino nating usapan?” Medyo nahihiya ko pang tanong bago mabilis na tumalikod upang kumuha ng mga kutsarita at platito para sa amin ni Ninong Vincent. “Mukhang dalaga na ang baby namin dahil marunong ng mahiya.” Si Ninong Vincent sa tono na nang-aasar. Ang dalawang matanda na ‘to, pinagkakaisahan na naman ako. Napuno ng tawanan nilang dalawa ang buong kabahayan habang ako ay hindi na maipinta ang mukha. “Ninong, could you please stop calling me baby.” Naiinis kong sabi sabay marahas na kumamot sa ulo ko. Mas lalo lang akong naasar ng muli silang tumawa. “Are you aware that this is a kind of bullying? pinagtutulungan nyo akong dalawa.” Ani ko pa kasabay nito ang pag-arko ng kaliwang kilay ko. “Did you hear that, Mr. Anderson? May abogada na ako.” Nagmamalaki na sabi ng aking ama, kay ganda ng ngiti sa kanyang mga labi. “Yeah, right, kaya kuwag ka ng magtakâ pa kung pagdating ng araw ay magkakaroon ng law firm diyan sa harap ng bahay nyo.” Natatawa na sagot ni ninong Vincent, hindi maikakaila na magkasundo talaga ang dalawang ito. Nakangiti na tumayo si Ninong at lumapit sa isang estante na nasa sulok ng kusina upang magtimpla ng kanyang kape. Nang dahil sa katakawan ko sa cake ay nakalimutan kong i-pagtimpla ng kape si ninong. Okay lang naman sa kanya na kumilos dito sa bahay dahil sanay na ito. Noong maliit pa kasi ako ay siya ang madalas na kasama ko dito sa bahay sa tuwing aalis si Daddy para pumasok sa trabaho. May ninong is ay really good person, he treated me as his real daughter kaya naman kampanti ang loob ni Daddy na sa kanya ako ihabilin sa tuwing may lalakaran siya. Tanging daddy na lang ang meron ako. Ayon sa aking ama ay namatay si Mommy dahil sa panganganak sa akin. Hindi naman ako sinisi ni daddy sa pagkamaray ni Mommy, dahil una pa lang ay alam na nila na hindi pwedeng magbuntis ang aking ina. Masyadong kumplikado ang kalusugan ni Mommy dahil mahina ang kanyang puso. The reason why she’s gone while she was giving birth to me. Tinalikuran ko na sila daddy, dahil kailangan ko ng maligo at magpalit ng damit pampasok. And besides kailangan na ring pumasok ni Ninong Vincent sa kanyang trabaho. Ayon kay daddy, isang simpleng empleyado si Ninong ng isang malaking kumpanya. Sa pagkakaalam ko ay mag-isa siyang namumuhay na malayo sa kanyang pamilya. Ang isang malaking katanungan sa akin kung bakit sa edad na thirty two ay hindi pa rin siya nag-aasawa? For me? he’s a perfect man, nasa kanya na ang lahat ng magandang katangian ng isang lalaki; may maayos na trabaho, mabait, gwapo at higit sa lahat ay isang responsableng tao. Ako nga na hindi niya kaano-ano ay nagawa niyang malasakitan na alagaan at suportahan? Kaya napakaswerte ng magiging pamilya ng Ninong Vincent ko. Para akong baliw na nakangiti habang nagbibihis ng uniporme. Sa tuwing pumapasok kasi sa isip ko ang nakangiting mukha ng ninong Vincent ko ay parang sasabog na ang puso ko. May kung anong damdamin kasi ang bumabalot sa puso ko na kay hirap ipaliwanag.”“PRINCESS!!!” Nahintakutan kong sigaw habang panay ang lingon ko sa magkabilang panig ng dalampasigan. Maraming tao sa paligid pero mukhang mga walang alam ang mga ito sa biglang pagkawala ni Princess. “Tara, what happened?” Narinig kong tanong ng isang lalaki sa bandang likuran ko. Hindi na ako nag-aksaya pa na alamin kung sino ito bagkus patuloy kong sinuyod ng tingin ang buong paligid. “Conrad! Hawakan mo muna si Nicolai.” Natataranta kong sabi sabay pasa sa kanya ng bata. Kahit walang alam ito sa mga nangyayari ay alerto naman siya na tinanggap ang bata. Mabilis na tinalunton ko ang direksyon sa lugar kung saan ko iniwan si Princess. “Princess! Sweetheart, where are you!?” Naiiyak ko ng sigaw, wala na akong pakialam sa mga taong napapalingon sa akin. Marahil inakala nila na nababaliw na ako.Hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa nakarinig ako ng isang sigaw ng babae.“‘Yung bata! Nalulunod!” Ani ng babae na siyag nagpalingon sa akin sa direksyon na tinatanaw nito. Wari
“Ano pa ang itinatayo mo dyan? Hanapin mo!” Paasik na utos sa akin ni ninong Vincent. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko bago muling ipinagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang relo nito. Nandito kami ngayon sa kanyang silid, kaming dalawa lang ang tao dito habang si Alona at ang mga bata ay nasa labas na ng resort dahilan kung bakit hindi na ako mapalagay. Kasalukuyan kaming naka check in sa isang rest house, napakalaki nito at halos mapuno na ito ng mga turista. Napakaganda ng lugar na ito, aakalain mo na isa itong paraiso. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko man lang maenjoy ang ganda ng kalikasan dahil simula ng dumating kami dito ay wala ng ginawa ang ninong ko kundi ang sigawan at pagalitan ako.“Pwede bang mamaya ko na lang hanapin?” May halong pakiusap na sabi ko kay ninong Vincent. Hindi ko masabi sa kanya na kinakabahan ako sa tuwing si Alona ang kasama ng mga bata. At kahit naman ipaliwanag ko na isa si Alona sa mga taong pinaghihinalaan na may personal interest sa kasong
“Hmp! Huh! Huh!” Hinihingal na ipinasok ni Tara ang dalawang may kalakihang bag sa loob ng compartment ng sasakyan. Tagaktak na ang kanyang pawis dahil ng mga oras na ito ay mataas na ang sikat ng araw. Labis siyang naguguluhan kung bakit biglaan yata ang pagpapa impake ng ninong Vincent niya ng kanilang mga gamit? Wala man lang pasabi, gustuhin man niyang magtanong ay batid niya na susungitan lang siya nito. Kahit papaano ay nakadama siya ng lungkot, ayon kasi sa isang katulong ay aalis daw ang mag-ama, kasama si Alona. Alam niya na hindi siya kasama dahil tanging gamit lang ng mga bata ang ipinaimpake sa kanya. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang pilit na pinag-iisipan ang mga nangyayari. “I want to court her.” Matatag na pahayag ni Conrad, ang mga mata niya ay matiim na nakatitig sa mga mata ng kanyang ninong Vincent. Ilang sandali na nagkatitigan ang dalawa, kung iyong susuriin ay para silang nasa isang dwelo na walang may nais magpatalo
“Shit!” Naibulalas ko ng muling gumanti ng putok ang mga kalaban. Mabilis kong inabot ang isang kamay ni Conrad at nilagay ang baril sa palad nito. Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya sa mukha ko sunod sa baril na nasa kanyang kamay. “Anong gagawin ko dito?” Parang wala sa sarili na tanong nito sa akin. Ano ba ang nangyari sa lalaking ito at parang akala moy naengkanto? “Isubo mo sa bibig mo bago mo paputukin.” Napipikon kong sagot sabay yuko dahil sa bala ng baril mula sa kalaban. Sumimangot ang mukha nito dahil sa pang babara ko sa kanya. Hindi ko na siya pinansin bagkus mas pinagtuunan ko ng pansin ang kaligtasan ng mga bata. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse sa tapat ng front seat. Maingat na pinagapang ang mga bata papasok sa loob ng sasakyan. Habang nakasiksik ang mga bata sa lapag ng kotse ay ako naman ang sumunod na sumakay. Mabilis, ngunit may pag-iingat na pumwesto ako sa driver seat. Kaagad na isinara ko ang pinto ng kotse dahilan kung bakit bigla
“Mommy!” Tuwang-tuwa na sigaw ni Princess at Nicolai ng makita nila ako na nakatayo sa entrance ng school. Makikita ang labis na kasiyahan sa kanilang mga mukha, kaya naman abot tenga ang ngiti ko. Lumuhod ako sa lapag, saka inilahad ang aking mga braso at hinintay na makalapit ang dalawang bata. Sabik na tumakbo ang magkapatid habang nag-uunahan na makalapit sa akin. “Hmp… Yeah!” Impit kong sigaw ng mayakap ko ng mahigpit ang dalawang bata. Walang hirap na binuhat ko sila saka salitan na pinupog ng halik. Nangibabaw sa buong paligid ang matinis na tawa ng dalawang bata kaya naman natuôn sa amin ang atensyon ng mga tao. Kung titingnan mo ay mukha kaming tunay na mag-ina sa lambing ng mga bata sa akin. Hindi maikakaila ang matinding pananabik nila sa atensyon ng isang ina. Hinihingal na ang magkapatid ng tigilan ko, ngunit ang ngiti sa kanilang mga labi ay hindi matatawaran. Natatawa na ibinaba ko na sila sa lapag. Magkahawak kamay na sabay kaming naglalakad patungo sa n
“Get out!” Binasag ng malakulog na boses ni ninong Vincent ang katahimikan ng buong kabahayan. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng library na nagsisilbing opisina nito ay ito na kaagad ang bungad niya sa akin. Napakasungit nito, wala na siyang ginawa kundi ang sigawan at palayasin ako sa kanyang harapan. Sa kabila ng masasakit na salitang binitawan nito ay nanatili pa rin ako sa Mansyon, hindi ako nagpasindak. Nilunok ko ang lahat ng hiya sa aking katawan. Sinikap ko na maging manhid, at magpanggap na isang bulag at bingi sa harap nito. Pride? Wala na ako nito, handa akong magpakumbaba at magtiis hanggang sa tuluyan na niya akong mapatawad. Kahit na batid kong suntok sa buwan ang nais ko. “Hm, what a desperate woman.” Nang-iinsultong wika ni Alona sa mahinang tinig, sapat lang upang kaming dalawa lang ang makarinig. Bigla na lang itong sumulpot sa aking likuran. Pasimple kong pinuno ng hangin ang dibdib ko, upang pahabain pa ang pasensya ko sa babaeng ito. Kun