Share

Chapter 003: First kiss

Penulis: Dragon88@
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-11 14:33:07

“Remember”—

“No boyfriend, no barkada, and focus on my studies.“ Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Ninong Vincent at ako na mismo ang nagpatuloy ng mga sasabihin pa sana nito.

Halos araw-araw ko naman kasing naririnig sa kanya ang mga bilin nito sa tuwing ihahatid niya ako sa school. Kung mahigpit ang daddy ko ay mas doble pa ang higpit ng Ninong Vincent ko. Kaya naman tumuntong ako ng first year college ng hindi man lang naranasan ang magka boyfriend. Unlike sa mga classmates ko na lahat sila ay na enjoy ang buhay teenagers nila.

They go out with their boyfriends and girlfriends. Malaya rin silang nakakapunta sa mga party ng mag-isa, habang ako ay hindi nakakaalis ng walang chaperone—kung hindi si Daddy ay si Ninong ang kasama ko.

Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang lumang kotse, at ngayon ay nakaparada ito sa gilid ng kalsada—may kalahating metro ang layo mula sa university na pinapasukan ko.

“Nong, kahit hindi mo na ipaalala sa akin ‘yan, dahil tinatandaan ko lahat ng bilin ninyo sa akin ni daddy.” Nakangiti ko pang sagot habang kinakalas ang seatbelt ko.

Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ni ninong Vincent habang ang mga mata niya ay nakatitig sa mukha ko—halatang natutuwa siya sa mga sinabi ko.

Isa sa goal ko sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral upang masuklian ang lahat ng sakripisyo ng aking ama. And of course, para hindi masayang ang lahat ng effort, gastos at kabutihan ng ninong Vincent ko. I will make it sure na pagdating ng araw ay ipagmamalaki nila ako!

Natigilan ako ng mapadako ang tingin ko sa mga labi ng ninong ko. Hindi ko alam kung bakit? At mas lalong hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.

Ang puso ko, bakit tila biglang nag-iba ang ritmo ng tibök nito? Ang bilis ng pintig nito at sadyang nabibingi ako. Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang buong paligid. Iyon bang kaming dalawa na lang ang taong nag-eexist dito sa mundo?

Ang mga mata ko, bakit tila may glue? Napakahirap nitong alisin mula sa pagkakatitig sa namumulang mga labi ni Ninong, na halos hindi na nga ito kumukurap.

Bakit ganun? Ang alam ko okay lang ang lahat, pero bakit parang pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng isang mahika? dahan-dahan nitong hinahatak ang mukha ko palapit sa mukha ni Ninong Vincent. Maging siya ay nakatitig din sa nga labi ko.

Parang slow motion na lumapit ang aking mukha sa mukha ni Ninong Vincent. Hanggang sa dahan-dahang lumapat ang mga labi ko sa kanyang mga labi.

Napasinghap pa ako ng tuluyang maglapat ang aming mga labi at ramdam ko ang lambot nito. Ilang segundo na naglapat ang aming mga labi habang ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibôk. Maya-maya ay kusang gumalaw ang mga labi ko, nangangapa, nananantya, na may kasamang pag-aalinlangan. I swear this is my first kiss, and I don’t know how to kiss.

Ramdam ko na nagulat si Ninong Vincent sa kapangahasan na ginawa ko. Pero, higit akong nagulat ng biglang gumalaw ang kanyang mga labi; mapusok, mapangahas at tila puno ng pananabik.

Ako ang nangahas na humalik, pero bakit ako pa ang nagulat? Natulala ako ng wala sa oras, ang mga labi koy nangangapal. Habang ang mga balahibo ko ay nananayo dahil sa matinding kilabot na gumagapang sa bawat himaymay ng aking laman.

Para akong nalalasing sa tuwing humahampas sa mukha ko ang mainit niyang hininga.

Huminto siya sa paghalik, bago muli niyang dinampian ng magaan na halik ang mga labi ko saka pinagdikit ang aming mga noo.

Ilang segundo siyang nanahimik habang nakapikit ang kanyang mga mata. Mabigat ang kanyang paghinga, at ramdam ko ang matinding tensyon sa kanyang katawan.

“Pumasok ka na baka malate ka pa sa first subject mo.” Malambing niyang wika, kasunod nito ang pagsilay ng magandang ngiti sa kanyang mga labi.

Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko ng ilayo niya ang mukha sa aking mukha, saka diretsong tumitig sa mga mata ko.

Para akong nahimasmasan at ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa sarili.

Ano ba ‘tong ginawa ko?

Ano na lang ang iisipin sa akin ni Ninong Vincent? Na malandi ako? Na kabata-bata ko pa ay ang dami ko ng alam? Gayung araw-araw siyang nagpapaalala na mag-aral ng mabuti at huwag makipagkaibigan sa mga lalaki dahil dito daw nagsisimula ang lahat. Tapos, ako pa itong unang nagpakita ng motibo sa kanya?

Nagugulumihanan ako sa aking sarili, kung baga ay nasa ilalim pa rin ako ng labis na pagkabigla.

Dala ng matinding hiya ay mabilis akong nagbabâ ng tingin at may pag-aatubili na pumihit paharap sa pinto ng kotse. Akmang bubuksan ko na sana ito ng biglang hawakan ni Ninong ang kaliwang braso ko.

Nagtataka na tumingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko, sunod ay sa kanyang mukha.

Kahit papaano ay napawi ang hiya na nasa dibdib ko dahil sa magandang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi siya nagalit sa ginawa ko.

“Ang bilin ko, huwag mong kakalimutan.” Ani pa niya, napakamot tuloy ako sa ulo ng wala sa oras. Pagkatapos ng mga ginawa ko ay mukhang mas dapat na ipaalala sa akin ni Ninong ang kanyang mga bilin.

“S-Sorry…” nahihiya kong sabi bago mabilis na bumaba ng sasakyan. Kailangan kong mawala sa paningin ni Ninong Vincent dahil pakiramdam ko ay lulubog na ako sa matinding kahihiyan.”

Kanina pa nakapasok sa loob ng university si Tara pero nanatili pa ring nakatulala si Vincent sa entrance ng school. Wala sa sarili na dinama ni Vincent ang kanyang mga labi, para siyang na engkanto na hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Until he realized everything.

“Damn you, Vincent! She is still young, come on, wake up!” Parang gusto niyang batukan ang sarili. He is not born yesterday, at higit na siya ang nakakaalam ng kung ano ang tama sa mali. Pero, ano ang ginawa niya? Hinayaan niya ang isang bagay na hindi dapat mangyari.

One of his dream ay makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang inaanak. Batid niya na sa nangyaring ito ay maaaring maapektuhan ang kainosentihan ni Tara at iyon ang labis niyang iniiwasan.

Isang mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago pinagana ang makina ng sasakyan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 045: Conrad…

    “PRINCESS!!!” Nahintakutan kong sigaw habang panay ang lingon ko sa magkabilang panig ng dalampasigan. Maraming tao sa paligid pero mukhang mga walang alam ang mga ito sa biglang pagkawala ni Princess. “Tara, what happened?” Narinig kong tanong ng isang lalaki sa bandang likuran ko. Hindi na ako nag-aksaya pa na alamin kung sino ito bagkus patuloy kong sinuyod ng tingin ang buong paligid. “Conrad! Hawakan mo muna si Nicolai.” Natataranta kong sabi sabay pasa sa kanya ng bata. Kahit walang alam ito sa mga nangyayari ay alerto naman siya na tinanggap ang bata. Mabilis na tinalunton ko ang direksyon sa lugar kung saan ko iniwan si Princess. “Princess! Sweetheart, where are you!?” Naiiyak ko ng sigaw, wala na akong pakialam sa mga taong napapalingon sa akin. Marahil inakala nila na nababaliw na ako.Hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa nakarinig ako ng isang sigaw ng babae.“‘Yung bata! Nalulunod!” Ani ng babae na siyag nagpalingon sa akin sa direksyon na tinatanaw nito. Wari

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 044: Princess…

    “Ano pa ang itinatayo mo dyan? Hanapin mo!” Paasik na utos sa akin ni ninong Vincent. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko bago muling ipinagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang relo nito. Nandito kami ngayon sa kanyang silid, kaming dalawa lang ang tao dito habang si Alona at ang mga bata ay nasa labas na ng resort dahilan kung bakit hindi na ako mapalagay. Kasalukuyan kaming naka check in sa isang rest house, napakalaki nito at halos mapuno na ito ng mga turista. Napakaganda ng lugar na ito, aakalain mo na isa itong paraiso. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko man lang maenjoy ang ganda ng kalikasan dahil simula ng dumating kami dito ay wala ng ginawa ang ninong ko kundi ang sigawan at pagalitan ako.“Pwede bang mamaya ko na lang hanapin?” May halong pakiusap na sabi ko kay ninong Vincent. Hindi ko masabi sa kanya na kinakabahan ako sa tuwing si Alona ang kasama ng mga bata. At kahit naman ipaliwanag ko na isa si Alona sa mga taong pinaghihinalaan na may personal interest sa kasong

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 043: “ It’s not over until it’s over…”

    “Hmp! Huh! Huh!” Hinihingal na ipinasok ni Tara ang dalawang may kalakihang bag sa loob ng compartment ng sasakyan. Tagaktak na ang kanyang pawis dahil ng mga oras na ito ay mataas na ang sikat ng araw. Labis siyang naguguluhan kung bakit biglaan yata ang pagpapa impake ng ninong Vincent niya ng kanilang mga gamit? Wala man lang pasabi, gustuhin man niyang magtanong ay batid niya na susungitan lang siya nito. Kahit papaano ay nakadama siya ng lungkot, ayon kasi sa isang katulong ay aalis daw ang mag-ama, kasama si Alona. Alam niya na hindi siya kasama dahil tanging gamit lang ng mga bata ang ipinaimpake sa kanya. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang pilit na pinag-iisipan ang mga nangyayari. “I want to court her.” Matatag na pahayag ni Conrad, ang mga mata niya ay matiim na nakatitig sa mga mata ng kanyang ninong Vincent. Ilang sandali na nagkatitigan ang dalawa, kung iyong susuriin ay para silang nasa isang dwelo na walang may nais magpatalo

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 042: “I want to court her.”

    “Shit!” Naibulalas ko ng muling gumanti ng putok ang mga kalaban. Mabilis kong inabot ang isang kamay ni Conrad at nilagay ang baril sa palad nito. Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya sa mukha ko sunod sa baril na nasa kanyang kamay. “Anong gagawin ko dito?” Parang wala sa sarili na tanong nito sa akin. Ano ba ang nangyari sa lalaking ito at parang akala moy naengkanto? “Isubo mo sa bibig mo bago mo paputukin.” Napipikon kong sagot sabay yuko dahil sa bala ng baril mula sa kalaban. Sumimangot ang mukha nito dahil sa pang babara ko sa kanya. Hindi ko na siya pinansin bagkus mas pinagtuunan ko ng pansin ang kaligtasan ng mga bata. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse sa tapat ng front seat. Maingat na pinagapang ang mga bata papasok sa loob ng sasakyan. Habang nakasiksik ang mga bata sa lapag ng kotse ay ako naman ang sumunod na sumakay. Mabilis, ngunit may pag-iingat na pumwesto ako sa driver seat. Kaagad na isinara ko ang pinto ng kotse dahilan kung bakit bigla

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 041: Sino ka ba talaga?

    “Mommy!” Tuwang-tuwa na sigaw ni Princess at Nicolai ng makita nila ako na nakatayo sa entrance ng school. Makikita ang labis na kasiyahan sa kanilang mga mukha, kaya naman abot tenga ang ngiti ko. Lumuhod ako sa lapag, saka inilahad ang aking mga braso at hinintay na makalapit ang dalawang bata. Sabik na tumakbo ang magkapatid habang nag-uunahan na makalapit sa akin. “Hmp… Yeah!” Impit kong sigaw ng mayakap ko ng mahigpit ang dalawang bata. Walang hirap na binuhat ko sila saka salitan na pinupog ng halik. Nangibabaw sa buong paligid ang matinis na tawa ng dalawang bata kaya naman natuôn sa amin ang atensyon ng mga tao. Kung titingnan mo ay mukha kaming tunay na mag-ina sa lambing ng mga bata sa akin. Hindi maikakaila ang matinding pananabik nila sa atensyon ng isang ina. Hinihingal na ang magkapatid ng tigilan ko, ngunit ang ngiti sa kanilang mga labi ay hindi matatawaran. Natatawa na ibinaba ko na sila sa lapag. Magkahawak kamay na sabay kaming naglalakad patungo sa n

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 040: I like you, Tara…

    “Get out!” Binasag ng malakulog na boses ni ninong Vincent ang katahimikan ng buong kabahayan. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng library na nagsisilbing opisina nito ay ito na kaagad ang bungad niya sa akin. Napakasungit nito, wala na siyang ginawa kundi ang sigawan at palayasin ako sa kanyang harapan. Sa kabila ng masasakit na salitang binitawan nito ay nanatili pa rin ako sa Mansyon, hindi ako nagpasindak. Nilunok ko ang lahat ng hiya sa aking katawan. Sinikap ko na maging manhid, at magpanggap na isang bulag at bingi sa harap nito. Pride? Wala na ako nito, handa akong magpakumbaba at magtiis hanggang sa tuluyan na niya akong mapatawad. Kahit na batid kong suntok sa buwan ang nais ko. “Hm, what a desperate woman.” Nang-iinsultong wika ni Alona sa mahinang tinig, sapat lang upang kaming dalawa lang ang makarinig. Bigla na lang itong sumulpot sa aking likuran. Pasimple kong pinuno ng hangin ang dibdib ko, upang pahabain pa ang pasensya ko sa babaeng ito. Kun

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status