“Hmmm…” Kasarapan ng tulog ko ng maalimpungatan ako, dahil naramdaman ko na may gumagalaw sa mukha ko. Kumilos ako, nagbago ng posisyon ng higa—patagilid.
Saka muling bumalik sa mahimbing na pagtulog. Subalit, wala pang segundo ang lumipas ay muli akong naalimpungatan ng marinig ko ang isang impit na tawa mula sa isang batang babae. Actually, she’s not a kid anymore kundi isang isip-bata. Lihim akong napangiti dahil sa presensya nito, lalo na ng maamoy ko ang amoy baby nitong amoy. Ramdam ko ang kanyang presensya mula sa gilid ng kama na kinahihigaan ko, at batid ko na napakalapit niya sa akin. Hmmmm… masarap sa pakiramdam na samyuin ang natural nitong amoy, hindi siya katulad ng ibang babae na kailangan pa ng pabango para lang maging mabango. Nang dahil sa makulit na ito ay maganda na naman ang gising ko. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring tulog. Susubukan ko kung hanggang saan ang kakulitan ng inaanak kong ito. “Ano na naman kaya ang pinaggagagawa nito sa mukha ko?” Anya ng isip ko dahil ramdam ko ang basang bagay na pinapahid niya sa pisngi ko, gayundin sa mga labi ko na may kasamang impit na pagtawa—akala moy kinikiliti. Sa huli, ako rin itong hindi nakatiis. Mahigpit kong kinapitan ang kumot, saka mabilis itong isinaklob sa makulit na si Tara. “Ay!” “Got you!” Halos sabay pa naming sigaw, halatang nagulat ito sa ginawa ko. Alam ko kasi na may balak na naman siyang tumakas. Walang hirap na nahatak ko siya papunta sa gitna ng kama. Napuno ng malakas na tawanan ang buong silid ng kilitiin ko siya sa tagiliran. Pilit siyang nagpumiglas habang sumisigaw nang “Ayoko na! Tama na! Tama na!” Hinihingal na ito ng tigilan ko. Inalis ko ang kumot, at tumambad sa aking paningin ang magulo nitong buhok. Ang kanyang dark brown na buhok at nakamamanghang amber na mga mata ay tunay na nakakabighani. Nagmukha siyang isang anghel sa aking paningin, ang makinis at maputing balat nito ay tinampukan ng pino at kulay brown na mga balahibo. Maihahalintulad mo ang batang ito sa isang mamahaling manika. Bihira na makatagpo ka ng ganito kagandang babae. “Click!” Bigla akong natauhan ng pumitik ang mga daliri nito sa tapat ng mukha ko, saka ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatulala sa mukha ng aking inaanak. “Mr. Anderson’s calling! You are now in outer space!” Makulit nitong sabi sabay humagikhik pa ng tawa kaya naman maging ako ay natawa na rin. Yeah, I forgot to say this, except her beauty, ay may pagka abnormal din ang inaanak kong ito, damn! Ang lakas lang mang-asar. Bumangon siya, umalis sa kama ko at inayos ang nagulo nitong buhok, ngunit ang magandang ngiti nito ay nanatiling nakapaskil sa kanyang mga labi. “Dad, you promised me na ihahatid mo ako ngayon sa school.” Naglalambing nitong sabi at sinadya pa nitong papungayin ang kanyang mga mata. Imbes na matuwa ay sumimangot ang mukha ko. I don’t know, pero napipikon ako sa tuwing tatawagin niya akong daddy. Well, hindi ko siya masisisǐ kung ituring ako nito bilang kanyang pangalawang ama, dahil iyon naman talaga ang ginagawa ko. Nang makita niya ang naging ekspresyon ng mukha ko ay mas lalong lumapad ang ngiti nito. Halatang ikinatuwa pa niya ang naging reaksyon ko. See? Alam talaga ng batang ito kung paano ako pikunin. “One time na marinig ko sayo ‘yan, I swear, never na kitang ihahatid sa school mo, at sasabihin ko rin sa daddy mo na bawasan ang allowance mo.” Banta ko sa kanya, lihim akong napangiti ng maalarma ito. Naglaho ang nang-aasar nitong ngiti at nagmukha siyang isang maamong tupa. “Did someone told you, na ikaw ang pinakagwapo at mabait na ninong sa buong mundo?” Pang-uuto pa nito sa akin, saka ipinikit-pikit pa ang kanyang mga mata, kunway tantalizing eyes daw sya—well, totoo naman. “Don’t me, Tara, hindi mo ako mauuto.” Galit-galitan kong sagot, sabay tayo paalis sa kama. I am wearing pajama ang white t-shirt, dahil alam ko na papasok sa kwarto ko ang makulit kong inaanak. Maliit pa lang ito ay madalas na siyang nasa bahay ko, kaya mas marami ang time na napagkakamalan na isa akong batang ama, noon. She’s Tara Miles Parker, ang nag-iisang anak ni Mr. Vasile Parker na isang technician. A single father na mag-isang itinaguyod ang kanyang nag-iisang anak na babae. Kasalukuyang nag-aaral ng law sa isang Exclusive University si Tara at ngayon ay first year college pa lang ito. I am the one supporting her education. Nakilala ko lang ang kanyang ama ng minsang nasira ang aircon dito sa kwarto ko. That time ay kasalukuyan pa lang akong estudyante. Mag-isa akong naninirahan sa maliit na apartment na ito dahil bata pa lang ako ay gusto ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. Nalaman ko na kapit-bahay ko lang pala ang technician na umayos ng aircon ko ng makita ko siya sa kabilang bahay. Kasalukuyan niyang pinapatigil sa pag-iyak ang isang sanggol nasa tingin ko ay mag-isang taon pa lang. Nang makita ko na nahihirapan na si Mr. Vasile dahil ayaw talagang tumigil ng anak nito sa pag-iyak ay lumabas na ako ng bahay at lumapit sa mag-ama. Honestly, wala akong hilig sa bata, pero may kung anong damdamin ang nagtutulak sa akin na lapitan ang sanggol. Ako na mismo ang nagpresenta kay Mr. Vasile na patigilin ang anak nito sa pag-iyak. At iyon ang unang pagkakataon na nasilayan ko ang cute at magandang mukha ng makulit na ‘to. Mula noon ay lagi ng nakadikit sa akin ang batang ito. Tara is seventeen years old now, while I was thirty two years old. “I’m not gonna uto-uto you, Ninong, I’m just telling the truth. By the way, where have you been last night? I’m waiting you outside ng ilang oras, pero hindi ka dumating.” Ani pa nito pero ang makulit na ‘to ay nagkakalkal na sa loob ng backpack ko. Kumunot ang noo ko ng makita ko na may isinilid siya sa kanyang bulsa, kaya naman naudlot ang pagsasalansan ko sa mga unan. “Ano ‘yang isinilid mo sa bulsa mo?” Curious kong tanong habang naglalakad palapit sa kanya. “Nothing.” Seryoso naman niyang sagot ng hindi lumilingon sa akin, habang patuloy niyang hinahalungkat ang loob ng bag ko—para itong bata, dahil nakasalampak pa siya ng upo sa sahig. Halatang bagong gising lang din ito dahil suot pa niya ang paborito niyang pajama na ako ang bumili. Nanlaki ang mga mata ko ng ilabas niya mula sa loob ng bag ang isang maliit na box na may cover ng chocolate na lollipop. Kahit sino talaga ay iisipin na isa itong candy na chocolate flavor, pero ang totoo niyan ay isa itong condom. “S**t, ibalik mo sa akin ‘yan, Tara!” Natataranta kong sabi at tinangka kong agawin ito mula sa kanyang kamay. “No! I need this!” Sagot pa niya sa akin saka mabilis na binitawan ang bag ko at nagmamadali itong tumayo at tumakbo palapit sa pintuan. Maliksi ang katawan ko kaya kaagad na nahagip ng kanang braso ko ang maliit na bahagi ng baywang ni Tara. “Ay! Let me go! Ano ba ninong! Why are you so madamot? Para candy lang!” Naiinis nitong sabi habang pilit na inilalayo ng kamay niya ang condom mula sa akin. Mahigpit ko siyang niyakap, kasunod nito ay walang hirap na naagaw ko ang maliit na box mula sa kanyang kamay. Napalunok pa ako ng matuôn ang atensyon ko sa malambot niyang katawan, dahilan kung bakit mabilis na nag-init ang pakiramdam ko. Mabilis pa sa alas kwatro na inilayo ang sarili sa katawan ng inaanak ko. Nasa kusina, sa loob ng refrigerator.” Seryoso kong sabi habang isinisilid ang condom sa loob ng bulsa ng aking pajama. Mabilis na nagliwanag ang mukha nito, at kahit hindi ko na ipaliwanag kung ano ang ibig kong sabihin ay batid ko na naunawaan ako nito. “Sometimes talaga, you’re so unfair Ninong. Why didn’t you tell me agad? So, I will not wasting my time na halungkatin pa ‘yang bag mo.” Reklamo pa nito sa akin. That’s my Tara, hindi nahihiya sa akin, because we are so close to each other. Maya-maya ay dumukot siya sa kanyang bulsa, napalunok pa ako ng wala sa oras ng damputin niya ang kamay ko saka inilagay sa palad ko ang dalawang piraso ng pakete nang condom. “I think it’s your favorite, here keep it.” Anya pa sabay hakbang patungong pintuan. Parang akala moy nakalutang sa ulap ang mga paa nito habang naglalakad palabas ng silid. Halatang excited na siyang malaman kung ano ang pasalubong ko sa kanya. “Huh!” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan ng lumipat ang tingin ko sa mga condom na nasa kamay ko. I’m so lucky dahil masyado pang inosente si Tara pagdating sa mga ganitong bagay. Dahil kung aware ang siya dito marahil sandamakmak na paliwanag ang gagawin ko sa batang ‘yun. “OMG! Thank you ninong!” “BLAG!” Natawa na lang ako ng marinig ko na nagpasalamat siya sa pasalubong ko. Ngunit, kasunod nito ang tunog ng pag sarado ng pinto tanda na lumabas na ito ng bahay. Maliit pa lang si Tara ay ganito ang eksena sa bahay ko tuwing umaga. Umiiling na lumapit ako sa aking bag at ibinalik sa loob nito ang mga laman na ikinalat ng batang ‘yun. Sunod, dinukot ko ang condom na nasa bulsa ng pajama ko at isinilid ito sa secret pocket ng bag ko. Kailangan ko ng condom para sa girlfriend ko. Yes, I have a girlfriend pero wala akong plano na pakasalan siya. I need her for my personal need, and aware naman siya sa klase ng relasyon na meron kami. And besides, hindi naman dehado ang girlfriend ko sa estado ng relasyon namin, dahil I support her financially na batid ko na iyon naman talaga totoong pakay niya sa akin. Tahimik na humakbang ako papasok sa loob ng banyo. Pagdating ko sa loob ay hindi na ako nagulat pa ng makita ko ang ayos ng aking mukha. Ang mga labi ko ay pinahiran ni Tara ng makapal na pulang lipstik, habang ang magkabilang pisngi ko sa matambôk na bahagi ay meron ding pulang lipstik na pa-bilog ang hugis. Well, mas okay na ‘to kaysa sa mga stickers na idinidikit niya sa buong katawan ko araw-araw noong maliit pa ang makulit na batang ‘yun. Natatawa na humakbang ako palapit sa shower room upang maligo. Pagdating talaga kay Tara, walang araw na napapangiti ako ng kapilyahan nito.“PRINCESS!!!” Nahintakutan kong sigaw habang panay ang lingon ko sa magkabilang panig ng dalampasigan. Maraming tao sa paligid pero mukhang mga walang alam ang mga ito sa biglang pagkawala ni Princess. “Tara, what happened?” Narinig kong tanong ng isang lalaki sa bandang likuran ko. Hindi na ako nag-aksaya pa na alamin kung sino ito bagkus patuloy kong sinuyod ng tingin ang buong paligid. “Conrad! Hawakan mo muna si Nicolai.” Natataranta kong sabi sabay pasa sa kanya ng bata. Kahit walang alam ito sa mga nangyayari ay alerto naman siya na tinanggap ang bata. Mabilis na tinalunton ko ang direksyon sa lugar kung saan ko iniwan si Princess. “Princess! Sweetheart, where are you!?” Naiiyak ko ng sigaw, wala na akong pakialam sa mga taong napapalingon sa akin. Marahil inakala nila na nababaliw na ako.Hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa nakarinig ako ng isang sigaw ng babae.“‘Yung bata! Nalulunod!” Ani ng babae na siyag nagpalingon sa akin sa direksyon na tinatanaw nito. Wari
“Ano pa ang itinatayo mo dyan? Hanapin mo!” Paasik na utos sa akin ni ninong Vincent. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko bago muling ipinagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang relo nito. Nandito kami ngayon sa kanyang silid, kaming dalawa lang ang tao dito habang si Alona at ang mga bata ay nasa labas na ng resort dahilan kung bakit hindi na ako mapalagay. Kasalukuyan kaming naka check in sa isang rest house, napakalaki nito at halos mapuno na ito ng mga turista. Napakaganda ng lugar na ito, aakalain mo na isa itong paraiso. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko man lang maenjoy ang ganda ng kalikasan dahil simula ng dumating kami dito ay wala ng ginawa ang ninong ko kundi ang sigawan at pagalitan ako.“Pwede bang mamaya ko na lang hanapin?” May halong pakiusap na sabi ko kay ninong Vincent. Hindi ko masabi sa kanya na kinakabahan ako sa tuwing si Alona ang kasama ng mga bata. At kahit naman ipaliwanag ko na isa si Alona sa mga taong pinaghihinalaan na may personal interest sa kasong
“Hmp! Huh! Huh!” Hinihingal na ipinasok ni Tara ang dalawang may kalakihang bag sa loob ng compartment ng sasakyan. Tagaktak na ang kanyang pawis dahil ng mga oras na ito ay mataas na ang sikat ng araw. Labis siyang naguguluhan kung bakit biglaan yata ang pagpapa impake ng ninong Vincent niya ng kanilang mga gamit? Wala man lang pasabi, gustuhin man niyang magtanong ay batid niya na susungitan lang siya nito. Kahit papaano ay nakadama siya ng lungkot, ayon kasi sa isang katulong ay aalis daw ang mag-ama, kasama si Alona. Alam niya na hindi siya kasama dahil tanging gamit lang ng mga bata ang ipinaimpake sa kanya. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang pilit na pinag-iisipan ang mga nangyayari. “I want to court her.” Matatag na pahayag ni Conrad, ang mga mata niya ay matiim na nakatitig sa mga mata ng kanyang ninong Vincent. Ilang sandali na nagkatitigan ang dalawa, kung iyong susuriin ay para silang nasa isang dwelo na walang may nais magpatalo
“Shit!” Naibulalas ko ng muling gumanti ng putok ang mga kalaban. Mabilis kong inabot ang isang kamay ni Conrad at nilagay ang baril sa palad nito. Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya sa mukha ko sunod sa baril na nasa kanyang kamay. “Anong gagawin ko dito?” Parang wala sa sarili na tanong nito sa akin. Ano ba ang nangyari sa lalaking ito at parang akala moy naengkanto? “Isubo mo sa bibig mo bago mo paputukin.” Napipikon kong sagot sabay yuko dahil sa bala ng baril mula sa kalaban. Sumimangot ang mukha nito dahil sa pang babara ko sa kanya. Hindi ko na siya pinansin bagkus mas pinagtuunan ko ng pansin ang kaligtasan ng mga bata. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse sa tapat ng front seat. Maingat na pinagapang ang mga bata papasok sa loob ng sasakyan. Habang nakasiksik ang mga bata sa lapag ng kotse ay ako naman ang sumunod na sumakay. Mabilis, ngunit may pag-iingat na pumwesto ako sa driver seat. Kaagad na isinara ko ang pinto ng kotse dahilan kung bakit bigla
“Mommy!” Tuwang-tuwa na sigaw ni Princess at Nicolai ng makita nila ako na nakatayo sa entrance ng school. Makikita ang labis na kasiyahan sa kanilang mga mukha, kaya naman abot tenga ang ngiti ko. Lumuhod ako sa lapag, saka inilahad ang aking mga braso at hinintay na makalapit ang dalawang bata. Sabik na tumakbo ang magkapatid habang nag-uunahan na makalapit sa akin. “Hmp… Yeah!” Impit kong sigaw ng mayakap ko ng mahigpit ang dalawang bata. Walang hirap na binuhat ko sila saka salitan na pinupog ng halik. Nangibabaw sa buong paligid ang matinis na tawa ng dalawang bata kaya naman natuôn sa amin ang atensyon ng mga tao. Kung titingnan mo ay mukha kaming tunay na mag-ina sa lambing ng mga bata sa akin. Hindi maikakaila ang matinding pananabik nila sa atensyon ng isang ina. Hinihingal na ang magkapatid ng tigilan ko, ngunit ang ngiti sa kanilang mga labi ay hindi matatawaran. Natatawa na ibinaba ko na sila sa lapag. Magkahawak kamay na sabay kaming naglalakad patungo sa n
“Get out!” Binasag ng malakulog na boses ni ninong Vincent ang katahimikan ng buong kabahayan. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng library na nagsisilbing opisina nito ay ito na kaagad ang bungad niya sa akin. Napakasungit nito, wala na siyang ginawa kundi ang sigawan at palayasin ako sa kanyang harapan. Sa kabila ng masasakit na salitang binitawan nito ay nanatili pa rin ako sa Mansyon, hindi ako nagpasindak. Nilunok ko ang lahat ng hiya sa aking katawan. Sinikap ko na maging manhid, at magpanggap na isang bulag at bingi sa harap nito. Pride? Wala na ako nito, handa akong magpakumbaba at magtiis hanggang sa tuluyan na niya akong mapatawad. Kahit na batid kong suntok sa buwan ang nais ko. “Hm, what a desperate woman.” Nang-iinsultong wika ni Alona sa mahinang tinig, sapat lang upang kaming dalawa lang ang makarinig. Bigla na lang itong sumulpot sa aking likuran. Pasimple kong pinuno ng hangin ang dibdib ko, upang pahabain pa ang pasensya ko sa babaeng ito. Kun