INICIAR SESIÓNNang humiwalay si Preston sa kaniyang mga labi, isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.“Did that make you stop thinking about such a scenario?” nakangisi nitong tanong.Hindi alam ni Jade ang sasabihin. Nanatili lamang siyang nakatitig kay Preston habang pilit na pinoproseso ang ginawa nitong paghalīk sa kaniya. Halos hindi siya gumalaw nang sandaling iyon. Maging ang sarili niyang paghinga ay malinaw niyang naririnig.“Hey.” Sinapo nito ang balikat niya. “Are you okay?” tanong pa nito bago marahang niyugyog ang kaniyang katawan.Dahil sa ginawa nito, tila nagising siya sa reyalidad. Bahagya siyang napaatras mula kay Preston, bakas pa rin sa mukha niya ang matinding gulat.“Why… why did you kiss me, Preston?” seryoso ngunit kalmado niyang tanong.Mahina itong natawa bago marahang umupo sa upuang nasa tabi niya. “Gusto kita, Jade,” pag-amin ni Preston, na agad nagpagulat sa kaniya.“A-Ano'ng sabi mo?” paninigurado pa ni Jade dahil baka nagkamali lamang siya ng pagkakari
Lumingon si Winston kay Charlotte, bakas ang matinding pagtataka sa mukha nito.“Totoo ba ang sinasabi nila, Charlotte?” seryoso nitong tanong, pilit na kinokontrol ang emosyon.Umiling si Charlotte. “No, dad! Sabi ko naman sa iyo—huwag kang maniniwala sa mga sasabihin ng mag-asawang 'yan. It’s clear na sinisiraan lang nila ako sa iyo, especially that Jade. Dad, naiinggit siya sa akin kasi ako ang tunay mong anak. Naiinggit siya dahil ako na ang tagapagmana ng Ashbourne Group. Ano ba’ng ginagawa ng mga inggitera? Sinisiraan nila ang kinaiinggitan nila.”Mahinang natawa si Jade. “Charlotte, wala sa bokabularyo ko ang salitang inggit. Bakit naman ako maiinggit sa isang katulad mo? Hindi ka kainggit-inggit dahil bukod sa masama na ang ugali mo, ahas ka pa. Inahas mo ang asawa ko habang kami pa!”“B!tch! Huwag mo akong sisihin sa bagay na si Evren naman ang nagsimula. Siya ang sumundo sa akin sa airport nang bumalik ako rito sa Pilipinas. I didn’t ask him. He just insisted.”“Pero nagustu
“It's your fault mom ended up here!” duro ni Evren sa kaniya. “Kung hindi ka lang nagmatigas, she… she wouldn't be hospitalized! Dàmn you, Jade!”Sapo ang pisngi, dahan-dahang tumayo si Jade. “Kung hindi ako nagmatigas, kahit kailan ay hindi na ako makakawala sa kasal na ito. Evren, I just did what I thought was right and what I believe is best for me and my child. You can blame me for why your mother is here, pero hindi mo na mapipigilan ang gusto ko. Bukas na bukas, sisimulan na ang proseso ng divorce natin. Kung hindi mo kayang respetuhin ang desisyon ko, problema mo na ’yon.”Pagkasabi niyon, nilampasan na niya ang asawa. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo, napasinghap na lamang siya nang bigla nitong hawakan ang kaniyang braso at hapitin siya palapit.Nang magkalapit na sila, agad na naamoy ni Jade ang kakaibang amoy ng asawa—pinaghalong alak at usok. Idagdag pa roon ang suot nitong damit na, kung hindi siya nagkakamali, ay kagabi pa nitong suot. May mga mantsa rin iyon ng dugo,
“Buntis po ako, pero hindi si Evren ang ama.”Mabilis na naglaho ang saya sa mukha ng mag-asawa. Sandali silang nagkatitigan bago tumayo ang biyenan niyang babae, bakas ang gulat sa mukha nito.“A-Ano’ng sabi mo, Jade?”“Ang sabi ko po, buntis ako, pero hindi po si Evren ang a—”Hindi na natapos ni Jade ang sasabihin nang biglang tumama ang palad ni Eleanor sa kaniyang pisngi. Sa lakas ng sampal, halos tumabingi ang kaniyang ulo. Gayunpaman, nanatili pa rin siyang kalmado.“Sa tingin mo, mapapaniwala mo ako sa kalokohan mo, Jade? Sinabi mo lang ’yan para pumayag kami sa gusto mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi kayo puwedeng mag-divorce ni Evren?!” nanggagalaiting bulalas nito habang nanlilisik ang mga mata.“Pero ’yon po ang totoo, mom.” Namasa ang mga mata niya. “Hindi po ako pumunta rito para magsinungaling. I came here to tell you the truth. ’Yang papel po na ’yan, hindi pa po ba sapat para malaman niyong nagsasabi ako ng totoo? I'm pregnant, but Evren is not the fat
Nanlumo si Evren sa narinig. Para itong matutumba nang sandaling iyon. Subalit bago pa man tuluyang mawalan ng balanse, mabilis itong napaupo sa sofa na nasa likod nito.“You're… you're pregnant?” gulat at hindi makapaniwalang tanong nito nang iangat ang namumutlang mukha.Mariing lumunok si Jade bago walang pagdadalawang-isip na tumango. “Oo, Evren, buntis ako. It's not your child. It's Preston's.” Unti-unting namasa ang mga mata niya. Upang pigilan ang mga luhang nagbabantang pumatak, kinagat niya ang ibabang labi. “Sapat na siguro itong dahilan para tuluyan na nating tapusin ang kasal natin, ’di ba?”Ngunit dahil sa tindi ng emosyon, hindi na nakontrol ni Jade ang sarili. Nang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata, hinayaan na lamang niya ang mga iyon habang nakatingin sa asawa.“W-Why?” tila hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Evren.Bumitiw si Preston sa kaniya bago siya inakbayan. “You can't blame Jade, Evren. Siguro nasa isip mo ngayon na manloloko na rin siya, pero nagkak
“So far, okay naman po ang blood pressure niyo. Ipagpatuloy niyo lang po ang pag-inom ng gamot at ‘wag po kayong magpupuyat. Mas makasasama pa po ’yan sa kalusugan niyo, ’tay…” nakangiting sambit ni Preston sa matanda matapos niya itong suriin.“Eh, dok, iko-confine ba ako?”“Good news, ’tay. Hindi po. Puwede na po kayong umuwi ngayon.”“Salamat nang marami, dok.”Nakangiti lamang na tumango si Preston. Ipinagkatiwala na niya sa nurse ang matanda kasama ang anak nito, pagkatapos ay naghanda na siya para umuwi. Inalis niya ang stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg bago hinubad ang suot na puting coat. Bahagya pa niyang inayos ang suot niyang long-sleeved polo bago kinuha ang bag at lumabas ng kaniyang opisina.Pagkalabas, agad siyang sinalubong ng kaibigan niyang si Breken. May ngisi itong lumapit sa kaniya bago siya inakbayan.“Let’s drink, bro. Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong mag-inom.”“Sure,” walang pagdadalawang-isip niyang tugon. “But this time, ayoko muna sa bar.







