Share

Chapter 44

Author: PILOSOPOTASYO
last update publish date: 2026-08-28 09:25:21

“So your dad started to process the divorce?”

Mabilis na napalingon si Evren sa kaniyang ina nang magsalita ito. Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago lumapit dito.

“Yes, mom. He made Jade and I signed a lot of documents this morning.”

Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang ina. Mula sa kalmado, bigla itong nabahiran ng galit. Nang makita niyang babangon ito, agad niya itong tinulungan. Ngunit hindi pa man niya tuluyang nahahawakan ang kaniyang ina, bigla nitong hinamp
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
kapal moks m Everen 2 mhal mo eh mas pinili m kbit m pno mo minahal c jade?
goodnovel comment avatar
anie
sana tapusin mo ms.a maganda siya
goodnovel comment avatar
anie
isa pa po ms.a d Naman Anak yan n evren
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 51

    “Huwag mong sabihing—”“Baka importante ’yon, Preston,” putol ni Jade sa nobyo.“Nandoon si Charlotte, Jade. Ayokong magkita kayong dalawa at mag-away na naman kayo.”“Iiwas ako. Ayoko na ring makipag-away sa kaniya. Ako na ang iiwas. Ako na ang lalayo.”“Jade, look—”“Please, Preston. Just this time,” pakiusap ni Jade habang sinasapo ang braso ng nobyo.Wala nang nagawa si Preston kundi ang bumuntong-hininga. Sa huli, itinuon na lamang niya ang atensyon kay Drax, na nasa kabilang linya pa rin.“Pupunta ako, Drax.”“Okay, Jade. Hinihintay ka na niya.”Sa halip na sumagot pa, pinatay na ni Jade ang tawag bago binalingan si Preston.“Sa Hacienda Ashbourne tayo, Preston.”Napailing ang lalaki. “Sa tingin mo ba, magandang ideya ito kaysa harapin muna ang kasong isinampa sa iyo ni Charlotte?”Ramdam ni Jade ang pag-aalala ni Preston. Naiintindihan naman niya ang nobyo, pero marami pa silang oras para harapin ang kaso. Hindi niya alam kung bakit, ngunit nang sabihin ni Drax na gusto siyang

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 50

    Hindi pa man sumisikat ang araw, nagising na agad si Jade. Ngayong araw, nakaplano ang pagharap niya sa kasong isinampa ni Charlotte laban sa kaniya. Hindi siya natatakot, sapagkat alam niya sa sarili niyang si Charlotte ang nauna.Lumabas siya sa balkonaheng nakakonekta sa silid ni Preston, kung saan agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Malapit nang mag-Pasko, ngunit heto’t sunod-sunod na problema ang kinakaharap niya. Umaasa siyang sana, bago mag-Pasko, maging masaya na siya sa piling ng lalaking mahal niya.“Baby, pangako, hindi ko hahayaang maranasan mo ang kaguluhang nararanasan ko. I will make sure na bubuhayin kita nang maayos at malayo sa mga taong unti-unting sumisira ng buhay ko,” emosyonal niyang sambit habang sapo ang kaniyang tiyan.“Baby, are you okay?”Napapitlag si Jade nang marinig ang tinig mula sa kaniyang likuran. Nang lumingon siya, bumungad sa kaniya si Preston—na kahit bagong gising ay sobrang guwapo pa rin.“Okay lang ako, Preston.”“You’re not

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 49

    “Ayos ka lang ba, Jade?” may pag-aalalang tanong ng ina ni Preston nang humiwalay ito sa kaniya.Bagama’t gulat pa rin, tumango si Jade. “A-Ayos lang po.”“Are you sure? Mabuti na lang at dito ka naisipang dalhin ni Preston. You're safe here, Jade.”Hindi alam ni Jade ang isasagot sa babae. Sapagkat sa kabila ng kasinungalingang pinili nilang dalawa ni Preston na sabihin sa mag-asawa, heto’t mabait pa rin ang mga ito sa kaniya. Ni hindi niya nakita sa mukha ng mag-asawa ang anumang sama ng loob. Bagkus, pag-aalala ang nangingibabaw sa kanilang mga mukha.“Dito ka muna manatili hangga’t hindi pa naaayos ang sitwasyon. Hindi ligtas para sa iyo ang lumabas, lalo na’t buntis ka, Jade,” mayamaya’y wika ni Francis.Kagat ang ibabang labi, tumango si Jade. “Maraming salamat po sa tulong niyo. Hindi ko po alam kung paano ako makakabawi—”“No need, Jade.” Sinapo ng ina ni Preston ang pisngi niya at mataman siyang tiningnan. “Wala kang utang na loob sa amin para bumawi. I'm actually happy becau

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 48

    Mas gugustuhin na lang ni Jade na umiwas sa gulo kaysa makipag-away kay Charlotte. Kaya nang matapos siya, tumalikod na siya. Subalit isang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang bigla siyang pigilan ni Charlotte sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.“Iniiwasan mo ba ako, Jade?!” mariing tanong ni Charlotte.Saglit na hindi kumibo si Jade bago marahas na binawi ang braso mula sa babae. Sa halip na sagutin ito, nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.“Hey, Jade! I am talking to you!” bulyaw pa ni Charlotte.Huminto siya. Sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago walang emosyong hinarap ang babaeng tila uhaw sa atensyon.“Ano ba, Charlotte? Ayoko ng gulo, okay? Kung gusto mong makipag-away, maghanap ka ng iba. Huwag mo akong idamay sa pagiging war freak mo!” bulalas ni Jade sa babae.Humalakhak si Charlotte bago dinukot ang cellphone sa bag. Walang ideya si Jade kung ano ang gagawin nito. Ngunit hindi nagtagal, bigla na lamang nitong itinutok sa kaniya ang cellphone.“OM

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 47

    Malalim na ang gabi, pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Jade habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang katotohanang may taong gustong sumira sa kaniya at sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.“Bakit hindi ka pa natutulog, Jade?” rinig niyang tanong ni Preston.Bumuntong-hininga siya bago ito nilingon. Gising na pala ito, at bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.“Hindi ako makatulog, Preston,” tugon niya. “Parang hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod noon. Malinaw na gusto niya akong sirain. At damay ka rin doon, Preston. Kahit mga kaibigan ko, hindi niya pinalampas.”“Jade,” mahinahong sambit ni Preston at mas lumapit sa kaniya. Kinuha nito ang kamay niya at masuyong pinisil iyon. “Sa rami ng pinagdaanan mo, ngayon ka pa ba susuko? And look, you don't need to worry about me. Kaya ko ang sarili ko, Jade. Ayoko lang na mag-isip ka nang sobra dahil buntis ka. Baka kung ano ang mangyari sa iyo kapag—”“Mapapanatag

  • Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce   Chapter 46

    “Where are you going?”Pagkalabas pa lamang ni Jade sa banyo, sinalubong na agad siya ni Preston. Nasa sala ito at tila kanina pa naghihintay, kaya bahagya siyang napahinto. Hindi niya naman planong lumabas nang matagal. Gusto lamang niyang makipagkita kina Ysa, Florence, at Maxwell dahil kailangan niyang makausap ang mga ito. Matapos ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, kailangan niya ng mga taong matagal na niyang pinagkakatiwalaan.“Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko.”Agad na napabuntong-hininga si Preston at lumapit sa kaniya. Kita sa mukha nito ang pag-aalala, bagay na ilang beses na niyang napansin mula nang makatanggap siya ng mga hindi kilalang mensahe.“Jade, this isn't the right time, okay? It's not safe to go outside. Mas maiging dito ka na lang muna sa condo ko hanggang sa maging maayos ang sitwasyon.”“Preston, hindi naman puwedeng dito lang ako. Besides, hindi natin sigurado kung malaking threat ba ‘yon.”“Nakatanggap ka pa ba ng mga mensahe? Tinatakot ka pa ri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status