LOGINParang may humampas sa dibdib ko.Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kaniya, kung ilang beses akong sumubok huminga nang maayos pero parang walang sapat na hangin na pumapasok sa mga baga ko.“Lydia was my wife.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya.My wife. Asawa niya.Napakapit ako sa dinding. Nanlamig ang mga daliri ko. Gusto kong umiling. Gusto kong sabihin sa sarili kong mali ang narinig ko, na baka iba ang ibig niyang sabihin, na baka may paliwanag na kayang magpabalik sa dati kong paghinga.Pero wala.Nakatayo lang si Reiner, at ang katahimikan niya ang lalong nagpatunay na wala akong maling narinig.“Asawa mo?” nausal ko sa wakas.Halos hindi ko nakilala ang sarili kong boses. Napakahina. Napakabasag. Para bang ang babaeng nagsasalita ay hindi ako kundi isang taong biglang napadpad sa buhay kong hindi niya alam kung paano haharapin.Tumango siya nang bahagya.At doon tuluyang nanlamig ang buong katawan ko.“Per
Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko.Hindi ko namalayang napahawak ako sa strap ng bag ko. Napakapit ako roon nang mahigpit, hanggang sa sumakit ang mga daliri ko.Bakit siya umiiyak?Para bang hindi niya naiintindihan kung bakit ako nasasaktan. Para bang sa paningin niya, isa lamang akong babaeng biglang sumulpot sa kuwartong ito at umiiyak sa harap ng lalaking tinatawag niyang asawa.At ang pinakamasakit?Hindi man lang ako makapagsalita.Dahil paano ko ipaliliwanag sa kaniya na ang lalaking tinatawag niyang mahal ay ang sarili kong asawa?“Lydia, it's all right,” mahinahong sabi ni Reiner.Lumapit siya sa kama.Napako ang mga mata ko sa bawat hakbang niya palayo sa akin.Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kasakit ang simpleng paggalaw na iyon. Ilang hakbang lamang naman iyon. Hindi naman niya ako tuluyang iniwan. Pero habang pinagmamasdan ko siyang lumapit kay Lydia, parang unti-unting inilalayo sa akin ang lalaking pinaniniwalaan kong kakampi ko sa lahat.“Please, don'
“Mahal, sino siya?”Napatigil ang lahat sa loob ng kuwarto.Pakiramdam ko ay may kung anong humampas sa dibdib ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko, at sa bawat pintig ay lalo kong nararamdamang nawawala ang lakas sa mga tuhod ko.Dahan-dahang sumunod ang tingin ni Lydia sa direksiyon ko.Doon lang niya ako napansin.Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa, hindi naman nanghahamak, pero may lantad na pagkalito sa mukha niya..Lalong kumunot ang noo niya.“Bakit kayo magkasama?” tanong niya kay Reiner. “Mahal... why is she here?”Hindi ko na napigilan ang panginginig ng mga labi ko.Gusto kong matawa. Gusto kong umiyak. Gusto kong itanong kung anong klaseng bangungot ito at kung kailan ako magigising.Pero wala akong nagawa kundi tumingin kay Reiner.Heto na. Ngayon, sasabihin na niya.Sasabihin niyang ako ang asawa niya. Na kasal kami. Na ako ang babaeng pinili niya. Na kahit may nakaraan siya kay Lydia, hindi ako dapat matakot sa lugar ko sa buhay niya.Iyon lang naman ang kailangan kon
Napakapit ako sa strap ng bag ko gamit ang libreng kamay. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang mga daliri ko.Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. O baka naiintindihan ko, pero ayaw lang tanggapin ng isip ko ang bawat salitang unti-unting pumapasok sa pandinig ko.Hindi niya raw agad nakilala si Reiner.But she knows her sa paraang kaya niyang tawaging mahal. Sa paraang kaya niyang umiyak dahil bumalik ito. Sa paraang parang may pangako silang dalawa na matagal nang nakabinbin at ngayon lang muling nagkaroon ng pag-asa.At ako?Ako ang nakatayo sa tabi ng asawa ko, hawak pa rin ang kamay niya, pero pakiramdam ko ay bigla akong naging estranghero sa sarili kong buhay.“Lydia...” muling sabi ni Reiner.Sa pagkakataong ito, kumilos na siya.Dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko.Hindi marahas. Hindi sinasadya. Hindi man lang niya tiningnan kung ano ang magiging epekto niyon sa akin.Pero naramdaman ko ang bawat daliri niyang humiwalay sa akin.Isa-isa. Parang isa-isang naw
ARMEA’S POINT OF VIEWClick.Mahinang tunog lang iyon ng doorknob, pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may kung anong mabigat na bagay ang bumagsak sa loob ng dibdib ko.Bumukas ang pinto.At sa unang tingin ko pa lang sa babaeng nasa loob ng kuwarto, hindi ko na alam kung paano ko paipagpapatuloy ang paghinga ko nang normal.It her. Ang babaeng nabangga namin. Ang babaeng sinabi ni Reiner na hindi niya kilala. Ito din ba ang babaeng tinutukoy ni Stephanie? His woman before me?Napalunok ako.Tinignan ko siya ng mabuti, nakahiga siya sa isang malawak na hospital bed na nakataas nang bahagya ang sandalan.Medyo maputla lamang siya, at may pagod sa paligid ng mga mata niya, animo’y may mabigat na pinagdadaanan sa buhay.Sa tabi ng kama ay may doktor at isang nurse. Iniaabot ng nurse ang baso ng tubig, ngunit hindi iyon tinatanggap ni Lydia. “Ma’am, dahan-dahan lang po. Hindi kailangang pilitin ang sarili ninyong alalahanin ang lahat ngayon,” mahinahong sabi nito.Pero hindi
Mabilis ang bawat hakbang ng aking suot na sapatos habang naglalakad ako sa pamilyar na hallway ng Ramanov Medical Center.Hindi ko na nga halos maalala kung paano kami nakarating dito mula sa mansyon sa Forbes Park matapos ang ginawang panggugulo ni Stephanie.Ang tanging malinaw lang sa isip ko ay ang malamig na simoy ng gabi, ang mabilis na pagdaan ng mga ilaw ng siyudad sa labas ng bintana ng Maybach, at ang malaki, mainit, at magaspang na kamay ni Reiner na nakapatong sa ibabaw ng nanginginig kong palad.Paminsan-minsan ay bahagya niyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin. Isang madiin at marahang pagpisil na tila ba tahimik niyang ipinapaalala na narito siya, na hindi niya ako bibitawan.Pero sa bawat dampi ng hinlalaki niya sa balat ko, sa bawat kuryenteng gumagapang mula sa kaniyang palad patungo sa sistema ko... lalo lang nagwawala ang utak ko. Paulit-ulit na umuukit sa pandinig ko ang pangalang binitawan ni Stephanie…Lydia. Limang taon. Switzerland.“Wife.”Napatigil ako







