LOGINPAGKATAPOS ng prenatal check-up, buong akala ni Bea ay babalik na sa normal ang lahat.Nagkamali na naman siya.Dahil kinabukasan pa lang, parang may biglang switch na na-on sa utak ni Ashton Salvatore. At hindi niya gusto ang resulta.“Hindi ka pwedeng magbuhat niyan.”Napalingon si Bea habang hawak ang isang maliit na basket ng labahin.“Ano?”Mabilis na lumapit si Ashton at kinuha iyon sa kamay niya. Nanlaki ang mata niya.“Excuse me?”“May laman.”“Tatlong tuwalya lang ’yan!”“Still heavy.”“Hindi heavy!”“Para sa’kin, heavy.”Napahawak si Bea sa noo.Diyos ko. Nagsisimula na naman.---DALAWANG araw matapos nilang marinig ang heartbeat ng baby, naging kakaibang tao si Ashton. Hindi naman ito OA noon. Okay, medyo OA na pala talaga.Pero ngayon? Mas malala. Mas protective. At mas nakakainis.“Bakit may tubig dito?”Napakurap si Bea habang nakaupo sa sala. “Ano’ng tubig?”Itinuro ni Ashton ang maliit na patak sa tiles malapit sa indoor garden. “Madulas.”“Isang patak lang.”“Still d
Hindi inaasahan ni Bea na magiging ganoon kabilis ang sunod na kalat sa buhay niya.Kaninang umaga lang, nasa bedroom siya at iniisip kung paano niya itatago ang kaba sa prenatal check-up niya.Ngayon, nasa harap na siya ng salamin, naka-simple white dress at light cardigan, habang nakatingin sa sarili na parang may kasamang tanong ang buong itsura niya.“Okay ka lang?” tanong ni Ashton mula sa pinto.Napalingon siya. “Mukha ba akong okay?”Bahagyang ngumiti ito. “Hindi.”Napairap siya. “Salamat sa honesty.”“Welcome.”Tumikhim siya at inayos ang bag sa balikat niya. “Hindi mo talaga kailangang sumama.”“Alam ko.”“Eh bakit nandito ka pa rin?”“Dahil ako ang available.”“Hindi ka available. Nag-volunteer ka lang.”“Same thing.”“Hindi.”“Bea.”Nilingon niya ito nang masama. “Ano na naman?”Tahimik lang siyang tinignan ni Ashton, pagkatapos ay napabuntong-hininga.“Wala namang ibang sasama sa’yo ngayon.”Napahinto siya.Dahil totoo naman.Si Talia ay nasa Montclair Biotech para sa long
HINDI agad kinuha ni Bea ang kamay ni Ashton.Nakatitig lang siya roon, sa palad nitong nakalahad sa gitna ng ambon, parang may sariling buhay ang eksena. Simpleng gesture lang sana. Pero sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya, parang hindi iyon simpleng pag-anyaya lang pauwi.Parang may hinihintay itong desisyon na matagal na niyang iniiwasan.Sa gilid ng hardin, marahang kumidlat ang langit. Humina ang ulan, pero hindi ang kabog sa dibdib niya.“Papasok na tayo?” ulit ni Ashton, banayad lang ang boses.Napalunok si Bea.Sa totoo lang, gusto niyang sabihin na hindi. Gusto niyang tumayo, umirap, at sabihing kaya niyang maglakad pabalik nang mag-isa. Pero wala siyang nagawa nang biglang dumating si Talia mula sa veranda na may hawak pang maliit na tray ng iced tea.“Ay, wow,” sabi nito, sunod-sunod ang tingin sa kanilang dalawa. “May pa-exit line pa talaga?”“Tumahimik ka,” singhal agad ni Bea, pero wala na rin iyong lambing.“Hindi ako nanggugulo. Observing lang.”Si Mia naman, na ta
HINDI na dapat nagtaka si Bea, pero nagulat pa rin siya. Kasi kinabukasan matapos siyang ma-reject ulit ni Ashton Salvatore, hindi ito nawala. Hindi rin ito nag-tampo. Hindi rin ito nag-lay low. Sa halip, mas lalo pa itong naging present sa buhay niya na para bang may sariling schedule ang pagiging makulit nito. May delivery ulit sa umaga. Hindi flowers. Hindi pagkain. Kundi isang maliit na paper bag mula sa isang sikat na bakery sa BGC na paborito raw ng mommy niya. At siyempre, may card na naman. “For your mother. You can hate me, but I’d rather win her first.” — Ashton Napanganga si Bea habang binabasa iyon sa kusina. “Ang kapal,” bulong niya. Mula sa likuran niya ay sumilip si Talia habang nagkakape. “Anong bago?” Itaas ni Bea ang card..Tahimik na binasa ni Talia. Pagkatapos ay bahagyang napangisi. “Ah.” “Ah?” “May strategy.” “Anong strategy? Pang-aasar?” “Pangliligaw na hindi sumusuko.” “Susmaryosep.” Si Mia naman, na nakaupo sa dulo ng mesa at gumuguhit sa noteb
PAGKATAPOS ng eksenang iyon sa mall, buong akala ni Bea ay sa wakas ay titigil na si Ashton Salvatore.Tutal, ilang beses na ba niya itong ni-reject? Una sa bahay nila. Pangalawa sa harap ng halos kalahating Quezon City. Kung may natitira pa itong dignidad, dapat umatras na ito.Dapat.Pero si Ashton Salvatore yata ay ipinanganak na walang concept ng salitang "sumuko."---KINABUKASAN, alas-nuwebe pa lang ng umaga, nasa dining room na si Bea.Tahimik siyang kumakain ng pandesal habang nagbabasa ng kung anu-anong articles tungkol sa pregnancy. Hindi pa rin siya sanay.Minsan naiisip niya pa rin kung paano nagbago ang buong buhay niya sa loob lang ng ilang buwan.Mula sa pagiging carefree na si Bea...Hanggang sa pagiging isang soon-to-be mother.Napahawak siya sa tiyan niya. Automatic. Hindi niya na namamalayan kapag ginagawa niya iyon. Parang instinct.Parang kahit hindi pa niya nakikita ang anak niya, may koneksyon na agad silang dalawa.Ngumiti siya nang bahagya. Pagkatapos ay agad
MULA nang dumating si Ashton Salvatore sa buhay niya, pakiramdam ni Bea ay nawalan ng katahimikan ang mundo niya.Tatlong araw. Tatlong araw pa lang pero parang tatlong buwan na siyang binubulabog nito.May flowers. May pagkain. May vitamins. May kung anu-anong package na halos araw-araw dumarating sa bahay nila.At ang mas nakakainis? Parang kampi rito ang buong pamilya niya.---"Mommy, sabihin mo nga sa kanya na tigilan niya ako."Nasa sala silang mag-ina nang umagang iyon. Tahimik na nagbabasa ng magazine siMarissa habang si Bea ay nakahiga sa sofa na parang namamatay."Tigilan ka saan?" tanong nito."Sa pagiging persistent.""Akala ko gusto ng mga babae ang persistent."Napairap si Bea. "Hindi kapag proposal agad."Natawa ang mommy niya. "Kawawa naman si Ashton.""Mom!""Ano?""Bakita parang ako pa ang kontrabida?""Dahil mukha ka talagang kontrabida ngayon.""Unbelievable."---NANG hapon ding iyon, niyaya siya ni Talia sa bagong lifestyle mall ng pamilya nila. Kailangan daw niy
NANATILING nakabitin sa ere ang kamay ni Talia habang nanginginig nang bahagya ang mga daliri.Si Caden naman ay puno ng pagtatakang nakatingin lang sa babae habang sapu-sapo ang pisngi nitong namumula.Ilang segundo silang parehong tahimik.Hanggang sa dahan-dahang ibinaling ni Caden ang tingin sa
TUMITIG si Caden sa mga papel na hawak niya, pero pakiramdam niya’y bawat linya ng dokumento ay parang karayom na tumutusok sa mata niya.Sa unang pahina, malinaw ang mga nakasulat tungkol kay Talia.TALIA MARQUEZ – PERSONAL FILE• 24 years old, • Address: undisclosed.• Adopted by the Velasquez
SA ISANG iglap lang, at tila natuyo ang lahat ng dugo sa katawan ni Jessica. Ang mga camera ng media ay sabay-sabay na nag-click.“Wait… hindi ba si Caden ang fiancé niya ngayon?”“Three years ago pa pala silang kasal?!”“Then that means, si Jessica…?”Biglang may sumigaw mula sa crowd. “Mistress!”
PAGKAALIS ng mga bodyguard na may hatak kay Aling Zenaida, tumingin si Talia sa paligid. Tahimik ang buong Montclair Villa, pero ramdam niya ang bigat ng alaala sa bawat sulok, bawat halakhak, bawat yakap, bawat kasinungalingan na minsang tinawag niyang tahanan.“Bea,” mahina niyang sabi, halos pab







